LIWAYWAY
A. ARCEO
|
|
Filipino writers paid tribute to multi-awarded Tagalog fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor Liwayway A. Arceo in a necrological service held last Dec. 6, 7:30p.m. at the Loyola Memorial Chapel in Guadalupe, Makati City. Arceo, 75, passed away last Friday, Dec. 3, after a brief confinement due to an illness at the Medical Center Manila. She is survived by her four children - Florante, Celia, Ibarra, and Jayrizal. Her husband, poet Manuel Principe Bautista, died in 1996. Arceo's most recent award was given this year by the National Centennial Commission on Women Sector for her prioneering and exemplary contributions in the field of literature. Other major awards include the Gawad CCP for Literature given by the Cultutal Center of the Philippines in 1993, the Doctorate on Humane Letters, honoris causa, conferred by the University of the Philippines in 1991, the Catholic Publishers in 1990, the Catholic Author Award by the Asian Catholic Publishers in 1990, and the Gawad Balagtas Life Achievement Award for Fiction, by the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas in 1998. Arceo is the author of highly praised novels such as Canal de la Reina and Titser and collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva and Ang Mag-anak na Cruz. ANG AWTOR Si LIWAYWAY A. ARCEO ( mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin – wika, editor ), ayon sa isang kritikong gumawa ng isang pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang iyon. Sa mga aklat ni LAA na nasa ika-3 limbag na, namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang “Canal de la Reina” (1995) na isinalin sa Japanese (1990) Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang klasiko nang “Uhaw ang Tigang na Lupa” (1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog. Ang 1991 ang Taong Ginto ni Liwayway A. Arceo sa Panitikang Tagalog: 50 taon na siyang manunulat na propesyonal. Makabuluhang banggitin na sa ikatlong katha niyang nalathala, ang Tigang na Lupa, nagsimula ang kanyang maningning na karera sa Panulatan, ang kilalanin iyon na Pangalawang Pinakamahusay na maikling katha ng 1943, ng si Arceo ay tin-edyer pa lamang. Itinuturing ng mga kritiko ang Uhaw bilang panulukang-bato ng makabagong maikling kathang Tagalog, at isinalin sa Inggles at Niponggo at nalathala sa New York City, U.S.A. at Tokyo, Japan. Nakilala rin ang kanyang Banyaga ( Unang Gantimpalang Palanca, 1962 ), na isinalin sa Inggles, Ruso at Bulgaro. Tulad sa Uhaw at sa kanyang malatalambuhay na akdang Alaala, ang Banyaga ay kabilang sa maraming antolohiya at kasama sa Canon ng Panitikang Pilipino. Kabilang
sa mga Gawad na ipinagkaloob kay Arceo kay Arceo ang Catholic Mass Media
Awards, Best Radio Drama 1982 ( Francisco, ang Huling Kristiyano); Gawad
ng Pagkilala bilang manunulat na feminista mula sa Kapisanan ng mga Propesor
sa Pilipino ( Kappil, 1987 ); Catholic Mass Media Award, Best Book in Pilipino
1987 ( Francisco ng Assisi ); unang Life Achievement Award sa Katha, mula
sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas ( Umpil, 1988 ), kayat panghabambuhay
na miyembro ng Unyon; Catholic Mass Media Award 1990 mula sa Asian Catholic
Publisher, Inc.
|