Pumunta sa nilalaman

Yelo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Isang bloke ng yelo sa Liwasang Deluth Canal sa Minnesota

Ang yelo ay tumigas na tubig na nasa katayuang solido, na tipikal na nabubuo sa o mas mababa sa temperaturang 32 °F, 0 °C, o 273.15 K.[1][2] Depende sa pagkaroon ng mga dumi tulad ng mga partikula ng lupa o bula ng hangin, makikita itong malinaw o humigit-kumulang opako (opaque) na malabughaw na puting kulay.

Sa Sistemang Solar, sagana ang yelo at likas itong nagaganap mula sa pinakamalapit sa Araw tulad sa Merkuryo hanggang sa pinakamalayo tulad ng mga bagay sa ulap na Oort. Lagpas ng Sistemang Solar, nangyayari ito bilang yelong interestelar. Sagana ito sa ibabaw ng Daigdig – partikular sa mga rehiyong polar at sa taas ng linyang niyebe[3] – at, bilang isang karaniwang anyo ng presipitasyon at desposisyon, ay gumaganap na isang susing pagganap sa pagpapaulit-ulit ng tubig at klima ng Daigdig. Bumabagsak ito bilang tiklap na maliit na niyibe (o snowflake) at ulang may yelo (hail) o nangyayari bialng eskartsa (frost), karambano (icicle) o matutulis na yelo (ice spike) at nagsama-sama mula sa niyebe bilang glasyar at banig ng yelo (ice sheet).

Ginagamit ang yelo sa iba't ibang paraan, kabilang ang para sa pagpapalamig, para sa mga palakasang pang-taglamig, at paglilok ng yelo. Sinasama din ito bilang sangkap sa pagkain tulad ng halo-halo.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "Definition of ICE". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "the definition of ice". www.dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Prockter, Louise M. (2005). "Ice in the Solar System" (PDF). Johns Hopkins APL Technical Digest (sa wikang Ingles). 26 (2): 175. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Marso 2015. Nakuha noong 21 Disyembre 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)