Pumunta sa nilalaman

Diana Ross

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diana Ross
Kapanganakan26 Marso 1944
  • (Wayne County, Michigan, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposCass Technical High School
Trabahomang-aawit, record producer, kompositor, prodyuser ng pelikula, artista
AnakTracee Ellis Ross

Si Diana Ross ay isang bantog na Amerikanang mang-aawit ng "soul" at tugtuging pop. Ipinanganak siya sa Detroit, Misigan. Naghanapbuhay siya bilang isang kalihim sa Motown Records sa Detroit. Unang siyang naging matagumpay sa pangkat na Motown na kilala bilang The Supremes, isang grupong naging pinakamatagumpay sa larangan ng Motown noong dekada ng 1960. Nakapagbenta sila ng milyun-milyong mga album at naging daan upang makapagtanghal ng tugtugin at sumikat sa pandaigdigang entablado ang iba pang mga Aprikanong Amerikano. Nagkaroon si Ross ng matagumpay na solong karera sa musika magmula noong mga dekada ng 1970. Mataas ang bayad sa kanya bilang tagapagtanghal sa mga konsiyerto. Naging bida rin siya sa tatlong mga pelikula: sa Lady Sings The Blues, isang kuwento ukol sa mang-aawit ng rhythm and blues na si Billie Holiday; sa Mahogany, isang kuwento ukol sa isang tagapagdisenyo ng damit; at sa The Wiz, isang Aprikanong Amerikanong bersyon ng aklat na The Wonderful Wizard of Oz.


TalambuhayEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.