Pumunta sa nilalaman

Fernando de Magallanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ferdinand Magellan)
Kapanganakan
Fernando de Magallanes

Tagsibol, 1480
Kamatayan(1521-04-27)Abril 27, 1521
Ibang pangalanpt: Fernão de Magalhães
es: (F/H)ernando de Magallanes
Kilala saKapitan ng kauna-unahang paglalayag na lumigid sa buong daigdig (1519–1522),[1] nakatuklas ng isla ng Guam at Marianas, Kipot ni Magellan sa Timog Amerika at Tierra del Fuego (sakop ngayon ng bansang Chile).
AsawaBeatriz Barbosa de Magalhães
AnakRodrigo de Magalhães, Carlos de Magalhães
Magulang
  • Rui de Magalhães (tatay)
  • Alda de Mesquita (nanay)

Si Fernão de Magalhães (1480Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan[2] sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.[2]

Kapanganakan at kabataan

Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa Porto sa Probinsiyang Douro Litoral o sa Sabrosa malapit sa Vila Real sa Probinsiyang Trás-os-Montes e Alto Douro sa bansang Portugal. Siya ang anak nina Rodrigo de Magalhães, alcaide-mór ng Aveiro (1433–1500) (na anak nina Pedro Afonso de Magalhães at asawa nitong si Quinta de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid ni Leonor o Genebra de Magalhães na asawa na may supling ni João Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang pahe ni Reyna Leonor sa korteng makahari ng Portugal dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maghosto kay D. Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang pangalan sa mga kronika, alam na nanatili siya ng mga 8 taon ng 8 taon sa Goa, Cochin at Quilon. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban siya sa labanan ng Diyus at kalaunang naglayag kasama ng kanyang kaibigang si Francisco Serrão sa unang embahadang Portuges sa Malacca sa ilalim ni Diogo Lopes de Sequeira. Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay nabiktima sa isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco Serrão na tumuntong dito. Noong 1511, sa ilalim ng bagong gobernador na si Afonso de Albuquerque, si Magallanes at Serrão ay lumahok sa pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, siya ay naghiwalay ng landas. Si Magallanes ay itinaas at sa kompanya ng isang Malay ay kanyang ginawang alipin at binautismuhan si Enrique ng Malacca. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si Serrão ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala upang hanapin ang "mga kapuluan ng pampalasa" sa Moluccas kung saan siya nanatili at nagpakasal sa isangbabae mula sa Amboina at naging tagapayo ng Sulatan ng Ternate, Bayan Sirrullah. Ang kanyang mga liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng mga pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay nawalan ng pabor. Sa kanyang paglilingkod sa Morocco, siya ay nasugatan at nagtamo ng isang permanenteng ika. Inakusahan rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga Moro. Ang mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo ngunit wala nang mga karagdagang alok ng trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514. Kalaunan noong 1515, nakatangap siya ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges ngunit itinakwil. Pagkatapos ng isang alitan kay Haring Manuel I noong 1517 na tumanggi sa kanyang patuloy na mga kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa mula sa silangan(i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag palibot sa dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa Espanya. Sa Sevilla, Espanya, kanyang kinaibigan si Diogo Barbosa at nagpakasal sa anak na babae nitong si María Caldera Beatriz Barbosa sa ikalawa nitong asawa. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Rodrigo de Magalhães at Carlos de Magalhães na parehong namatay sa batang edad. Si María Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala, kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga chart na nag-iimbestiga kasama ng kosmograpong si Rui Faleiro sa bukanan mula sa Atlantiko tungo sa Timog Pasipiko at ang posibilidad na ang Moluccas ay Espanyol ayon sa demarkasyon ng Kasunduan ng Tordesillas.

Sirkumnabigasyon

Ang hangarin ng mga paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kanluranin noong 1492–1503 ay marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng Espanya at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang Kasunduan ng Tordesillas noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si Vasco de Gama at ang mga Portuges ay duamting sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng Junta de Toro noong 1505, ang Korona ng Espanya ay naglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si Vasco Núñez de Balboa ang Karagatang Pasipiko noong 1513 pagkatapos tumawid sa Isthmus ng Panama at si Juan Díaz de Solís ay namatay sa Río de la Plata noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong Oktubre 1517 sa Sevilla, nakipag-ugnayan si Magallanes kay Juan de Aranda na Paktor ng Casa de Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si Rui Faleiro at sa pagsuporta ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si Carlos I ng Espanya na naging Carlos V, Banal na Emperador Romano. Ang proyekto ni Magallanes ay magbubukas ng ruta ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magallanes at Faleiro na mga kapital upang makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga Kapuluan ng Pamapalasa noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1000 ducat sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban mula sa anim na pinakamayaman kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima. Ang ekspedisyong ito ay malaking pinondohan ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si Jorge Reinel at Diogo Ribero na isang Portuges na nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problema ay lumitaw kabilang ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at iba pang Portuges na nagbibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.

Ang barkong Victoria na tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon.
Replika ng barkong Victoria

Ang armadang ipinagkaloob ni Haring Carlos V ng Espanya ay kinabibilangan ng mga limang barko: ang Trinidad (110 tonelado, 55 tripulante) sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes, San Antonio (120 tonelada, 60 tripulante) na pinamunuan ni Juan de Cartagena; Concepcion (90 tonelada, 45 tripulante) na pinamunuan ni Gaspar de Quesada, Santiago (75 tonelada, 32 tripulante) na pinamunan ni Juan Serrano at Victoria (85 tonelada, 43 tripulante) na ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan nanumpa ng katapatan si Magallanes kay Haring Carlos V at pinamunuan ni Luis Mendoza. Ang Trinidad ay isang caravel at ang iba ay mga carracks (Kastila: "carraca" o "nao"; Portuges: "nau"). Ang 270 tripulante ay binubuo ng mga lalake mula sa ilang mga bansa kabilang ang mga Portuges, Kastila, Italyano, Aleman, Flemish, Griyego, Ingles at Pranses. Halos pigilan ito ng mga autoridad na Kastila ngunit pinalitan ang kanyang karamihan ng mga tauhang Portuges ng mga Kastila. Gayunpaman, ito ay kinabibilangan ng 40 Portuges kabilang ang kanyang bayaw na si Duarte Barbosa, João Serrão, Estêvão Gomes at gayundin ang alipin ni Magallanes na si Enrique ng Malacca. Si Faleiro na nagplanong sumama sa paglalayag ay umurong bago sumakay sa barko. Si Juan Sebastián Elcano na isang kapitang mangangalakal na Kastila na tumira sa Sevilla ay sumama na humihingi ng kapatawaran ng hari sa mga nakaraang kasalanan. Kabilang din sa kasama sa paglalayag ang Venezianong si Antonio Pigafetta na humiling na maisama sa paglalayag at tumanggap ng pamagat na supernumeraryo sa isang katamtamang sahod. Siya ay naging striktong katulong ni Magallanes at nag-ingat ng isang tumpak na hornal. Ang isa pang kasama na nag-ulat sa paglalayag si Francisco Albo na nag-ingat ng isang pormal na logbook. Si Juan de Cartageña ay pinangalanang Inspektor Heneral ng ekspedisyon at responsable sa mga operasyong pangsalapi at pangangalakal nito.

Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong Sanlúcar de Barrameda sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring Manuel I ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin si Magallanes ngunit sila ay iniwasan ni Magallanes. Pagkatapos huminto sa Kapuluang Canarias, si Magallanes ay dumating sa Cape Verde kung saan ay nagtakda ng kurso para sa Cape St. Augustine sa Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa ekwador. Noong Disyembre 6, natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magallanes ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro. Doon ay muling nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila. Pagktapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na naghahanap ng isang kipot na pinaniwalaan ni Magallanes na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa. Narating ng armada ng Rio dela Plata noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian noong Marso 30, 1520. Noong Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko. Mabilis na kumilos si Magallanes. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang partidong ipinadala ni Magallanes at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas na Tinidad at ang kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng mga nag-alasa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan ng Concepsion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan ng mga lalake at si Juan Sebastián Elcano ay kinailangan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay kalaunang natagpuan ni Sir Francis Drake.

Kipot ni Magallanes

Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan sa Puerto San Julian na naging kapitan mula nito ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa isang ekspedisyong paggalugad at nasira sa isang biglaang bagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mga ito ay bumalik sa lupain upang ipagbigay alam kay Magallanes ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay nagpasya si Magallanes na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1). Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28, ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magallanes ang mga karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magallanes at kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa Tierra del Fuego sa silangan ng panig na Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador noong Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang Marianas at Guam. Tinawag ni Magallanes ang Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka. Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.

Kamatayan sa Pilipinas

Krus na ibinaon ni Magallanes sa Cebu noong Abril 1521.
Monumento sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Mactan kung saan namatay si Magallanes.

Noong Marso 16,1521 (kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150 tauhan ang mga kabundukan ng ngayong Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating ang Homonhon. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang Kastila na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo. Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating sakay ng isang bangka at ang ilan ay sumakay sa barko ni Magallanes at tumanggap ng mga bagay gaya ng mga salamin, ivory at pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga pagkain sa mga ito kabilang ang buko, tuba, saging, isda. Sa pamamagitan ng wikang pagsesenyas, ang mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik dala-dala ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang mga pinuno na inilarawan ni Antonio Pigafetta na labis na may tato at nahihiyasan ng mga ginintuang paha sa braso at mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong Marso 25, si Magallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua (kasalukuyang bayan ng Limasawa). Ang mga katutubo ay dumating at tumanggap ng mga bagay mula kay Magallanes at pagkatapos ay lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga balangay ay dumating kasama ng kanilang pinunong si Rajah Kolambu. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang ng mga lalake sa barko ni Magallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya ngunit ang mga ito ay tinanggihan ni Magallanes. Nagawang makipagtalastasan ni Magallanes sa mga katutubo dahil sa naunawaan ng alipin ni Magallanes na si Enrique ng Malacca ang wika ng mga katutubong ito. Nakuha ni Magallanes ang tiwala ni Kolambu at nakipagsanduguan sa kanya. Noong Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua. Noong Abril 4, 1521, si Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu. Inalukan ni Magallanes ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon ng mga regalo at malakas na pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14, 1521, binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magallanes kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa impluwensiya ni Magallanes kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magpasalin sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magallanes na pumunta sa isla ng Mactan at puwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magallanes ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin ang mapanghimagsik na si Lapulapu sa isang labanang tinawag na Labanan sa Mactan.

Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magallanes na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magallanes na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magallanes na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na tala ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magallanes. Ang mga kaibigan ni Magallanes na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapulapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeyo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magallanes ay hinalinhan ni Juan Sebastián del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si del Cano at ang kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na siyang bumuo sa pinakaunang sirkumnabigasyon sa mundo.

Pagbabalik sa Espanya

Ang paglalayag na Magellan–Elcano. AngVictoria na isa sa mga orihinal na limang barko ay umikot sa globo na nagtatapos ng 16 buwan pagkatapos ng kamatayan ng eksplorador.

Ang mga napatay sa Pilipinas ay nag-iwan sa ekspedisyon ng kakauntin upang maglayag sa tatlong mga natitirang barko. Noong Mayo 2, kanilang inabandona ang barkong Concepción at sinunog. Ang armada na nabawasan sa Trinidad at Victoria ay naglayag papakanluran sa Palawan. Kanilang nilisan ang isla noong Hunyo at ginabayan sa Brunei, Borneo ng mga pilotong Moro na makapaglalayag sa mga mabababaw na katubig. Sila ay nag-angkla sa hampulan ng Brunei sa loob ng 35 arw kung saan itinala ni Pigafetta ang kagaraan ng korte ni Rajah Siripada (ginto, dalawang mga perlas na may sukat ng itlog ng manko at iba pa). Sa karagdagan, ang Brunei ay nagmalaki sa mga maaamong elepante at mga sandatang 62 kanon na higit sa 5 beses ng mga armas ng mga barko ni Magellan. Kinutya rin ng Brunei ang mga kargo ng mga clove na napatunayang mas mahalaga kesa sa ginto sa kanilang pagbabalik sa Espanya. Binanggit ni Pigafetta ang ilang teknolohiya ng korte ng Brunei gaya ng mga porselana at mga salamit sa mata na parehong hindi makukuha sa Europa. Pagkatapos marating ang Kapuluang Maluku(Mga kapuluan ng Pampalasa) noong Nobyembre 6, ang mga tripulante ay iniwan. Nagawa nilang makipagkalakalan sa Sultan ng Tidore na katunggali ng Sultan ng Ternate na kaalyado ng Portugal. Ang mga dalawang natirang barko na puno ng mga mahahalagang mga pampalasa ay nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Gayunpaman, habang kanilang nililisan ang mga kapuluan ng pampalasa, ang Trinidad ay nagsimulang mapuno ng tubig. Tinangka ng tripulante na tuklasin at kumpunihin ang pagtagos ngunit nabigo. Ang Trinidad ay nangailangan ng mahabang panahon upang kumpunihin ngunit ang maliit na Victoria ay hindi sapat na malaki upang isama ang lahat ng mga natirirang tripulante. Dahil dito, ang ilan sa mga tripulante sa Victoria ay naglayag pakanluran sa Espanya. Pagkatapos ng ilang linggo, ang Trinidad ay lumisan at nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng rutang Pasipiko. Ang pagtatangkang ito ay nabigo at ang Trinidad ay nabihag ng mga Portuges at kalaunang nawasak sa isang bagyo habang naka-angkla sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Portgues. Ang Victoria ay naglayag sa pamamagitan ng Karagatang India pabalik sa Espanya noong Disyembre 21 at pinamunuan ni Juan Sebastián Elcano. Noong Mayo 6, ang Victoria ay nakaikot sa Cape of Good Hope na tanging mga rasyon ng kanin. Ang 20 tripulante ay namatay sa kagutuman bago huminto sa Cape Verde na hinahawak ng mga Portuges. Dito ay kanyang inabandona ang 13 pang mga tripulante noong Hulyo 9 sa takot ng pagkawala ng kanyang kargo ng 26 toneladang mga pampalasa na clove at cinnamon. Noong Setyembre 6, 1522, sina Elcano at mga natitirang tripulante ay dumating sa Espanya sa huling barko sa armada na Victoria na halos eksaktong 3 taon pagkatapos nilang lumisan dito. Hindi hinangad ni Magellan na umikot sa mundo kundi humanap lamang ng isang ligtas na daan na paglalayagan ng mga barkong Kastila patungo sa Kapuluan ng mga Pampalasa. Si Elcano pagkatapos ng kamatayan ni Magellan na nagpasyang maglayag pakanluran na bumubuo ng unang paglalakbay sa globo. Kinapanayam ni Maximilianus Transylvanus ang ilang mga nakaligtas na kasapi ng ekspedisyon nang kanilang iharap ang kanilang mga saril sa korteng Espanyol sa Valladolid noong taglagas nang 1522. Kanyang isinulat ang unang salaysay ng paglalayag na inilimbag noong 1521. Ang salaysay na isinulat ni Pigafetta ay hindi lumitaw hanggang 1525 at hindi buong nilimbag hanggang 1800. Ito ang transkripsiyong Italyano ni Carlo Amoretti ng tinatawag ngayong Ambrosiana codex. Ang 4 na tripulante ng orihinal na 55 sa Trinidad ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Ang 51 sa mga ito ay namatay sa digmaan o karamdaman. Sa kabuuan, ang mga 232 tripulante ay namatay sa ekspedisyon sa buong mundo ni Magallanes. Nang makabalik ang Victoria sa baybayin ng Espanya, ang tanging 18 katao mula sa orihinal na 237 lalake ay nakasakay pabalik. Kabilang sa mga nakaligtas sa ekspedisyon sina Antonio Pigafetta at Martino de Judicibus.

Ang mga nakaligtas ang sumusunod:

18 lalakeng nakabalik sa Sevilla, Espanya sakay ng Victoria noong 1522:
Pangalan Antas
Juan Sebastián Elcano, mula Getaria (Spain) Maestro
Francisco Albo, from Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Miguel de Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Juan de Acurio, mula Bermeo Piloto
Antonio Lombardo (Pigafetta) mula Vicenza Supernumeraryo
Martín de Judicibus, mula Genoa Punong Tagapangasiwa
Hernándo de Bustamante, mula Alcántara Marinero
Nicholas the Greek, mula Nafplion Marinero
Miguel Sánchez, mula Rodas (sa Tui, Galicia) Marinero
Antonio Hernández Colmenero, mula Huelva Marinero
Francisco Rodrigues, Portuguese mula Seville Marinero
Juan Rodríguez, mula Huelva Marinero
Diego Carmena, mula Baiona (Galicia) Marinero
Hans of Aachen, (Holy Roman Empire) Gunner
Juan de Arratia, mula Bilbao Able Seaman
Vasco Gómez Gallego, mula Baiona (Galicia) Able Seaman
Juan de Santandrés, mula Cueto (Cantabria) Baguhang Marinero
Juan de Zubileta, mula Barakaldo Page

Sanggunian

Talababa

  1. Sa unang kalahati lamang, ang ikalawang kalahati at unang taong nakaligid sa buong daigdig ay ang kanyang kaliwang kamay na si Juan Sebastián Elcano. Namatay noong 1522 sa Cebu.
  2. 2.0 2.1 Karnow, Stanley (1989). "Ferdinand Magellan". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)