Jimmy Clausen
Si James Richard "Jimmy" Clausen (ipinanganak noong ika-21 ng Setyembre, 1987), sa Thousand Oaks, California[1]) ay isang Amerikanong football player. Isa siyang quarterback para sa University of Notre Dame.[2]
Karera noong high school
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katangi-tangi ang prep career ni Clausen sa Oaks Christian High School sa Westlake Village, California. Noong 2006, pinangunahan niya ang Oak Christian Lions sa ikatlong sunod-sunod na kampyonato nito Division III state, matapos makagawa ng 49 touchdown passes para sa nasabing season. Walang talo si Clausen sa mga nilahukan niyang laban noong siya ay nasa mataas na paaralan pa at nagtala ng record na 42-0, at hawak dfin niya ang record para sa career touchdowns sa California state sa kanyang 144 na touchdown passes. Sa kanyang prep career, umabot sa 10,667 yards ang suma ng kanyang mga pasa habang naglalaro para sa Oak Christian.[2] Bilang isang senior, napanalunan ni Clausen ang 2006 Hall Trophy bilang pinakamagaling na manlalaro ng football sa sekondarya at napangalanan din siya bilang “Offensive Player of the Year” ng USA Today.[3] Siya rin ay nagawaran bilang Co-Player of the Year, kasama ng running back ng USC na si Joe McNight ng Parade Magazine.“Offensive Player of the Year” by the USA Today.[3]
Siya ang nakababatang kapatid ng dating Division I quarterback na si Casey Clausen at Rick Clausen, na parehong naglaro para sa Tennessee. Dahil dito ay maagang natutukan ng mga mamamahayag ang karera ni Jimmy Clausen. Sa kanyang junior season, nabansagan siya ng Sports Illustrated bilang "“The Kid with The Golden Arm”.[4] Maraming Recruiting Analysts ang kumukonsidera sa kanya talento bilang quarterback na "minsan lamang sa isang dekada" at nagsasabing siya ang numero unong prospect para sa 2007 high school recruiting class.[5] Because of his quick release, some in the media compared him to Joe Namath.[4]
Kinuwestiyon ng mga kritiko kung ang mga tagumpay niya sa mataas na paaralan ay bunga ng kanyang kuponan - kung saan ang karamihan sa mga miyembro ay inaasahang makakapaglaro sa kuponan sa NCAA Division I Bowl Subdivision, kasama na ang running back na si Marc Tyler - at gayon din ang mahihinang klase ng kanilang mga nakakalaban.[6]
Noong ika-22 ng Abril, 2006, ay nagpahayag na siya ay papasok sa University of Notre Dame.[7] Siya ang pinakasikat na recruit ng Fighting Irish simula ng makuha ng nasabing pamantasan si Ron Powlus noong 1993.[8]
Karera noong kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Clausem, na nagtapos sa mataas na paaralan ng maaga ng isang semester, ay nag-enroll sa University of Notre Dame noong ika-16 ng Enero, 2007.[9] SA kaisa-isang preseason practice ng Notre Dame na bukas sa mga mamahayag, Ilang maiigsing pasa lamang ang kanyang ipinakita na naging dahilan upang magkaroon ng pagdududa sa lakas ng kanyang kamay matapos ma-operahan ang kanyang siko noong off-season.[10][11]
Matapos matalo sa unang laro ang Notre Dame laban sa Georgia Tech noong 2007 season, pinangalanan si Clausen bilang pangunahing quarterback ng kuponan.[12]
Noong ika-23 ng Hunyo, nasangkot si Clausen sa pagpapasok ng alak sa labas ng Belmont Beverage sa South Blend, Indiana. Ayon sa balita, si Clausen ay pumasok sa isang pre-trial diversion program, kung saan siya ay mapapasailalim sa probation ng isang taon, at kung aayos siya sa loob ng 12 buwan ay babawiin ang kanyang citation.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Player Bio at the Official Athletic Site of the University of Notre Dame". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-27. Nakuha noong 2007-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 DiPrimio, Pete (Enero 5, 2007). "Notre Dame future starts with new quarterback". Fort Wayne News-Sentinel. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "All-USA players and coach of the year". USA Today. Enero 12, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Anderson, Kelli (November 28, 2005). "The Kid with the Golden Arm". Sports Illustrated. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 20, 2007.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Rivals.com Rivals100 of 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-12. Nakuha noong 2007-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Evans, Thayer (Enero 6, 2007). "For Record-Setting Recruit, Full-Throated Praise and Whispered Doubts". New York Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Friend, Tom (Abril 21, 2006). "Third in prized Clausen clan to verbally commit to Irish". ESPN.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jimmy Clausen Commits to Notre Dame". UHND.com. April 24, 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 27, 2007. Nakuha noong Septiyembre 17, 2007.
{{cite news}}
: Check date values in:|access-date=
at|archive-date=
(tulong) - ↑ "Clausen enrolls at Notre Dame". Fort Wayne News-Sentinel. Enero 17, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ McClure, Vaugn (March 20, 2007). "Arm injury clouds Clausen's spring status". Chicago Sun Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 19, 2007. Nakuha noong Septiyembre 17, 2007.
{{cite news}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ Rittenberg, Adam (Agosto 6, 2007). "Weis using doubters as motivation for Irish". ESPN.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Clausen gets starting nod at QB against Penn State". ESPN.com. Setyembre 4, 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SBT: Clausen Cited for Transporting Alcohol". UHND.com. August 17, 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 27, 2007. Nakuha noong Septiyembre 17, 2007.
{{cite news}}
: Check date values in:|access-date=
at|archive-date=
(tulong)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Video of Oaks Christian winning the CIF Division III State Bowl game sa YouTube
- Jimmy Clausen Notre Dame Recruiting Profile Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine.
Sinundan: Demetrius Jones |
Notre Dame Fighting Irish Starting Quarterback 2007 |
Susunod: Incumbent |