Leon Trotsky
Leon Trotsky | |
---|---|
Komisaryo ng mga Tao para sa Ugnayan ng Hukbong Katihan at Dagat (People's Commissar for Army and Navy Affairs) | |
Nasa puwesto 13 Marso 1918 – 15 Enero 1925 | |
Diputado | Ephraim Sklyansky |
Nakaraang sinundan | Nikolai Podvoisky |
Sinundan ni | Mikhail Frunze |
Komisaryo ng mga Tao para sa Panlabas na Ugnayan (People's Commissar for Foreign Affairs) | |
Nasa puwesto 8 Nobyembre 1917 – 13 Marso 1918 | |
Diputado | Georgy Chicherin |
Nakaraang sinundan | Mikhail Tereshchenko |
Sinundan ni | Georgy Chicherin |
Pangulo ng Sobyet na Petrograd | |
Nasa puwesto 8 Oktubre 1917 – 8 Nobyembre 1917 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 7 Nobyembre 1879 Kherson, Imperyong Ruso |
Yumao | 21 Agosto 1940 Coyoacán, DF, Mexico | (edad 60)
Kabansaan | Ukraniyano |
Partidong pampolitika | Partidong Sosyal Demokratiko ng Paggawa ng Rusya (Russian Social Democratic Labour Party o RSDLP), Partido Sosyal Demokratiko ng Switzerland (Social Democratic Party of Switzerland o SDPS), Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Communist Party of the Soviet Union), Oposisyong Makakaliwa, IV Internasyunal |
Asawa | Aleksandra Sokolovskaya, Natalia Sedova |
Propesyon | Estadista, patnugot |
Si Leon Trotsky (Ruso: Лев Давидович Трóцкий (tulong·impormasyon), Lev Davidovich Trotsky, na ang Lev ay isinasatitik din bilang Leo, Leon, Lyev; habang ang Trotsky naman ay isinasatitik din bilang Trotski, Trotskij, Trockij at Trotzky) (Nobyembre 7 [Lumang Estilo Oktubre 26] 1879 – 21 Agosto 1940), ipinanganak na Lev Davidovich Bronstein (Лeв Давидович Бронштéйн), ay isang rebolusyunaryong Bolshevik at teoretikong Marxista. Siya ang isa sa mga pinuno ng Rebolusyong Oktubre ng Rusya, pangalawa lamang kay Lenin. Noong mga unang araw ng Unyong Sobyet, una siyang naglingkod bilang Komisaryo ng mga Tao para sa Panlabas na Ugnayan at sa kalaunan, tinatag at naging komandante ng Pulang Hukbong Katihan (Red Army) at Komisaryo ng Mga Tao sa Digmaan. Naging isa rin siya sa mga unang kasapi ng Politburo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.