Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Haring Juan Carlos

Mga koordinado: 40°20′16″N 3°52′30″W / 40.3378°N 3.875°W / 40.3378; -3.875
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rektorado

Ang Pamantasang Haring Juan Carlos (Kastila: Universidad Rey Juan Carlos, Ingles: King Juan Carlos University) ay isa sa nangungunang pampublikong unibersidad sa España na matatagpuan sa timog na bahagi ng Pamayanan ng Madrid (Espanya ), na may limang kampus sa mga lungsod at bayan ng Móstoles, Alcorcón, Vicálvaro, Aranjuez at Fuenlabrada.

Ito ay ipinangalan sa dating haring Juan Carlos I ng Espanya at may mottong Latin na Non nova, sed nove ("Hindi mga bagong bagay, ngunit bagong paraan"). Itinatag ito noong 1996 ng pamahalaan ng Komunidad ng Madrid.

May humigit-kumulang 45,000 mag-aaral, ito ang pangalawang pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Pamayanan ng Madrid, kasunod ng makasaysayang Pamantasang Complutense ng Madrid. Ito ay isa sa walong unibersidad sa Komunidad ng Madrid, at ito ang pangalawang pinakabagong unibersidad sa buong komunidad.


40°20′16″N 3°52′30″W / 40.3378°N 3.875°W / 40.3378; -3.875 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.