Unibersidad ng Oviedo
Ang Unibersidad ng Oviedo (Kastila: Universidad de Oviedo, Asturian: Universidá d'Uviéu) ay isang pampublikong unibersidad sa rehiyon ng Asturias, España, partikular sa lungsod ng Oviedo). Ito lamang ang tanging unibersidad sa rehiyon. Ito ay may tatlong kampus at sentro ng pananaliksik, na matatagpuan sa Oviedo, Gijón, at Mieres.
Ang Unibersidad ng Oviedo ay itinatag sa termino ni Arsobispo Fernando de Valdés Salas (1483–1568), na siyang General Inquisitor sa ilalim ni Felipe II ng Espanya, at pinondohan ng kanyang ari-arian. Noong 1574 ipinagkaloob ni Pope Gregory XIII ang Papal Bull upang lumikha ng unibersidad at noong 1604 ay inisyu ni Felipe III ang tsarter nito. Nagbukas ito noong Setyembre 21, 1608.
43°22′N 5°51′W / 43.36°N 5.85°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.