Bansang Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAJOR

PERFORMANCE
TASK
SA
ARALING PANLIPUNAN

Isinulit ni:
Ashley Jade V. Domalanta
9-Wisdom

Isusulit kay:
Ms. Jessica Albitos
“Bansa ay ating mahalin,tangkilikin
sariling atin”

Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang


tungkulin ng isang mamamayan ng isang bansa.Lahat tayo maski kabataan ay dapat may
pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito ay ”Daig pa natin ang hayop at malansang isda”
katulad ng sinabi ni Dr. Jose P. Rizal.Ang pagmamahal at pag-aambag sa pag unlad ng ating
bansang Pilipinas ay isang responsibilidad,na walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng
responsibilidad na ito,dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang diwa.Tayong
mga pilipino ay hindi na napapahalagahan kung paano ng ba tayo makakaambag sa paglago ng
ating ekonomiya at paanong paraan maipapakita ang pagmamahal sa bansa.Ang pagmamahal
sa bansa ay maipapakita natin sa pamamagitan ng pagiging isang disiplinadong
mamamayan,kapag ikaw ay marunong rumispeto sa kapwa,susundin mo ang mga batas na
ipinapatupad ng ating bansa para sa ikauunlad nito.Bilang isang pilipino ay utang ko ang buhay
ko sa bansang aking kinalakihan.Ito ang bayang umaruga sa akin,nagturo at nagpalaki.At isa
pa,kung ikaw mismo na ipinanganak at namuhay sa sarili mong bansa ay hindi mo
pahahalagahan at mamahalin,sino pa ang gagawa nun?Ang mga banyaga pa ba ang aasahan
nating magmahal sa ating bansang Pilipinas?.Iba’t iba man ang mga kultura, paniniwala at
kaugalian na sumaplot sa bansa, mahalaga pa rin na ipagmalaki natin ito at ipagpayabong. Ang
pagiging Pilipino ay pagyakap sa katotohanang ikaw ay isang Pilipino,“sa isip, sa salita, at sa
gawa”.
Ang aking iginuhit ay naglalarawan na hindi pa huli
ang lahat sapagkat napakaraming paraan upang maipakita at maipadama natin ang
pagmamahal sa bansa tulad ng pagmamahal sa sariling wika,pagtangkilik ng sariling gawang
produkto at serbisyo ay ilang lamang sa mga paraan upang mapaunlad ang ating
ekonomiya.Hangaan ang gawang atin sapagkat ito ay katangian na tayong mga pilipino lang ang
mayroon.Irespeto natin ang pambansang bandila at ang kahulugan nito.Ang kasaysayan at ang
halaga ng ating bandila ay nagbibisang paalala sa kalayaan na ating nakamit hanggang sa
kasalukuyang panahon at ang mga bayani na binigyang laya tayo sa mga dayuhang gustong
manakop sa ating bansa.Hindi sapat na sabihin lamang natin na tayo ay nagmamahal sa
bayan,dapat na may kaakibat itong gawa.Bilang isang mag-aaral ay maipapakita rin natin ang
pagmamahal sa ating bansang sinilangan sa pamamagitan ng paggalang sa watawat at pag-awit
ng Lupang Hinirang sa tamang paraan.Karamihan sa mga kabataan ngayon at nakakalungkot
man isipin ay kasama ako sa mga batang hindi na napapahalagahan ang paggalang sa pag-awit
ng Lupang Hinirang dahil sa pakikipagdaldalan sa mga kaklase at kung ano pa ang ibang
ginagawa.Ang pagtayo ng tuwid,hindi nakikipagkwentuhan at sumasabay sa pag-awit ng Lupang
Hinirang ay mga simpleng paraan na nakakaambag sa pagmamahal sa ating bansa.Isinasapuso
ko ang bawat linya sa pambansang awit at mga tulang Ako ay Pilipino at Pilipinas Kong
Mahal.Nararapat lamang na mapukaw ang atensyon ng mga pilipino hindi lamang ng mga
kabataan kundi lahat tayo,na hindi dapat isinasawalang bahala ang ating kasaysayan dahil mas
makikilala natin ang sarili natin kung ano tayo,kung sino tayo,kung saan tayo nagmula at para
malaman ng mga susunod na henerasyon kung ano ba ang nangyari noong unang
panahon.Dahil ang kasaysayan ang sumasalamin sa kasalukayan at hinaharap.Maari rin nating
tularan ang ibang katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay para
lang maipagtanggol ang Pilipinas ngunit hindi naman ibig sabihin na ialay din ang ating
buhay,siguro bilang kabataan o isang mag-aaral,ating ipagmalaki ang ating pagiging pilipino sa
pagsunod na lamang sa kultura na nakagisnan ng ating mga magulang.Huwag nating gayahin
ang kultura ng ibang bansa na para lang maging makabago at sumabay sa uso ay kinakalimutan
na ang mga nakagisnang kultura at tradisyon na natutunan natin sa ating magulang at sa ating
mga lolo at lola.Ako na isang pinoy ay masasabi ko na nakakapag-ambag ako sa pagmamahal sa
bansa at hindi ko iyon ikakahiya,tulad ng paggalang sa nakatatanda,pagmamano at paggamit ng
“po”at“opo”.Alagaan din nating ang ating kapaligiran,kaya may mga Sakuna,Trahedya at
Kalamidad tayong nararanasan dahil lang din sa ating kagagawan.Ang pagbabago sa pag uugali
nating mga pinoy ay susi sa magandang hakbang na pananatilihin ang magandang pananaw sa
buhay upang maisakatuparan ang kaunlaran ng bansa.Mahalaga rin sa mga Pilipino ang kapwa.
Sabi nga, hindi ka mabubuhay ng nag-iisa.Kapwa pilipino ay tulungang umasenso at huwag mag
dalawang-isip na sila ay tulungan.Maliit o simple lamang ang mga hakbang na ito ngunit sapat
na ito kung ito’y ginagawa mo ng bukal sa iyong puso.Tayo ay maging magandang halimbawa
para sa mga kabataan,ano man ang ginagawa natin ngayon ay magsisilbing tamang gabay sa
mga kabataan sa susunod pang henerasyon.Ang paggamit ng sariling wika,ang Wikang Filipino
ay hindi maililingid sa lahat na mahalaga.Lalong masasabi nating mga pilipino na ito ay
mahalaga dahil sumisimbolo ito ng kasarinlan ng isang bansa.Higit sa lahat ay magkaisa bilang
mga Pilipino at mahalin ang Pilipinas bilang ating inang bansa.
Walang ibang tao ang mamahalin ang bansa
ng higit pa kaysa sa mga taong nasasakupan nito.Bigyan natin ng importansiya ang
pagpapahalaga sa bansa dahil ang bansa ay may malaking kntribusyon sa paghubog ng ating
pagkatao.Ito ang ating pinagmula.Ang pagmamahal sa bansang Pilipinas ay hinahalintulad na rin
sa pagmamahal sa ating mga sarili.Kailangan nating umaksiyon para sa mabuting
pagbabago,lalong lalo na ang mga kabataan,patunayan nating tayo ang pag-asa ng
bayan.Magsisimula sa ating ang paghubog ng magandang kinabukasan.Gamitin nating kalasag
at sandata ang pagmamahal sa bansa upang mapagtagumpayan natin ang mga balakid sa
pagkamit ng ating kaunlaran.Tayo na’t magtulungan,kapit bisig,mahalin at ipagmalaki ang
bansang tinubuan.

You might also like