CABARUAN ELEMENTARY SCHOOL
URDANETA CITY
                               Science SECOND PERIODIC TEST
Name:___________________________________ Grade& Section:___________________________Score:_________
I-Choose the correct answer and write it on the space provided.
_____1. Which is the command center of the body?
        a. Blood      b. heart    c. brain       d. stomach
_____2. It is where final digestion and absorption of food takes place.
         a. Esophagus          b. kidneys c. intestines d. liver
______3. Which of the following is NOT a function of the kidneys?
        a. regulates blood pressure
        b. excretes wastes in the blood
        c. It balances the body
        d. It serves as framework of the body.
_____4. Jasper runs all the way from school going home. What does he needs most?
         a. Water      b. exercise   c. air d. rest
_____5. Jose’s father smokes every day. What could be the possible ailment to develop in
response to prolonged exposure to tobacco smoke?
         a. Heart Cancer                  c.      Bone Cancer
       b. Lung Cancer                        d.      Colon Cancer
____6. Which of the following are you going to do if your friend experienced
muscle numbness?
       a. Apply cold compress
       b. Tell her to jump several times
       c. Allow her to lie down and stretch her legs
       d. Massage the affected muscle
_____7. In order for your bones to grow, developed and work well, you need to do these
things except___________
         a. Exercise b. eat junk foods     c. have a balanced -diet    d. have enough rest
____8. Proper ways in caring for our body are important to maintain healthy body. Which of
the following is NOT proper?
        a. Avoiding harmful substances like alcohol, cigarettes and drugs.
        b. Eating a balanced diet and exercising regularly.
        c. Keeping our surroundings clean
        d. Drinking 8-10 glasses of softdrinks .
_____9. This ailment is caused by not eating on time and too much intake of acidic drinks and
salty food.
        a. Indigestion        b. diarrhea c. ulcer        d. constipation
____10. Which disorder is caused by blood clotting or broken blood vessels?
        a. Epilepsy b. stroke      c. hypertension       d. fracture
____11. How are frogs,snakes and grasshoppers protected from their enemies?
        a. They “play dead”
        b. They blend color with their environment.
        c. They mimic the shape,smell and sound of their prey.
        d. They secrete a poisonous substance.
____12. Animals use their legs, to move from one place to place. How do cows, carabaos,
horses and goats used their hooves?
        a. To keep them warm
        b. Help them move in water
        c. For chewing grass and leaves
        d. Help them walk on hard rocks
____13. Why can fish live in water?
        I.    They have a mouth that can drink much water
        II.   They have tail that helps them swim
        III.  They can open their eyes under water
        IV.   They have gills that help them breath in water
       a. I and II   b. II and IV   c. II and III   d. I and IV
____14. Why does a bear in cold country Has thicker fur than bears living in warm places?
       a. Thick fur keeps animals warm
       b. Thick fur makes animal cool
       c. Thick fur makes animal strong
       d. They are born with it
____15. Which of the following group of animals move in the same way?
        a.dog, fish, frog
        b. snakes, duck, worm
        c. fish turtle, monkey
        d. bird, butterfly, mosquito
___16. How does ostrich protect itself from enemies?
       a. It runs fast.                    b. It flies.
       b. It hides under the shell.        d. it has horns for fighting.
Direction: Classify the following animals according to their habitat. (17-20 )
                  Tadpole                 grasshopper                goat
                  Monkey                  dolphin                    crab
          Animals that live in water                        Animals that live on land
III- Encircle the letter of the correct answer.
21. Some plants possess special structure and characteristics which they use for defense,
survival and food getting. Which of the following plants have thorns so that animals cannot
easily touch and eat them?
a. Mayana and Sta. Ana                     b. Kamuning and gumamela
c. Little Angel and Rosal                  d. Bougainvillae and Rose
22. Which of the following is an example of terrestrial plant?
   a. Duck weeds            b. algae   c. talahib   d. sea lettuce
23. Bulbs are underground leaves that store food. Which of the following plants grow from
bulbs?
  a. onions          b. potato         c. radish       d. ginger
24. Plants have many parts. Each plant organ has a particular use or function. Which of the
following best describes the function of leaves?
a. They transport substances in all parts of the plants.
b. They absorb nutrients and water from the soil.
c.They absorb energy from the sun and carbon dioxide from the air for photosynthesis.
d. They produce fruits with seed on them.
25. What part of the plant anchors it to the ground and absorb nutrients and water needed
in order to grow?
  a. stem             b. roots           c. leaves     d. bark
26. If plants are placed in a dark room for a long time, they can not stay alive. Why?
  a. Because they can not make their own food without the help of sunlight.
  b. Because they lack in water.
  c. Because of lack in soil.
  d. Because of insufficient amount of air.
27. Which of the following is NOT needed by plants to grow?
    a. sunlight          b. air           c. soil           d. weeds
28. The following seeds have two cotelydons except_____________.
  a. papaya             b. beans            c. peanuts              d. mango
29-30. Classify the seeds in the box.Write on the blank provided.
                Okra       Ampalaya             Calamansi
                Squash        Grapes             watermelon
MONOCOT SEEDS:____________________         ____________________________     _______________________
DICOT SEEDS:____________________      ___________________________    _____________________________
III- Label the diagram of the life cycle of a butterfly.
Match the word in column A with the correct description in Column B.
                                                                         Column B
              Column A
                                                           a. The kind of interaction in which both
  _____1.Commensalism
                                                              organisms benefit from each other
  _____2. Competition                                      b. It is the kind of interaction wherein
                                                              the organism kills smaller ones for
  _____3. Mutualism
                                                              food
  _____4. Parasitism                                       c. The interaction among organisms
                                                              where one benefits while the other is
  _____5. Predation
                                                              not benefited or harmed
                                                           d. An interaction in which two
                                                              organisms compete for survival
                                                           e. An interaction where no organisms is
                                                              affected or benefited
                                                           f. A symbolic relationship where one
                                                              organism depends on the host for
                                                              food, protection and reproduction
                             SECOND PERIODIC TEST
                                      IN
                             ARALING PANLIPUNAN
Name:_________________________Grade & Section:______________Score:___
I-Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang magkakaibigang Ramcis,Ronell, Susan, Janis at Wacky ay nakatira malapit
sa malawak na taniman ng palay. Anong uri ng hanapbuhay ang naaangkop sa
kanilang lugar?
a. pangingisda    b.pagsasaka c.pagmimina        d. pananahi
2. Ito ay ang mga lugar na kilala at angkop sa pagtatanim ng mga gulay, prutas at
mga bulaklak.
a.Tagaytay at Baguio      b. Batangas at Mindoro
c. Plawan at Davao        d. Quezon at Batanes
3. Ang mga taga Marikina ay kilala sa pagiging mahusay sa mga gawaing
pangnegosyo. Anong uri ng mga produkto ang kanilang nililikha o ginagawa?
a. damit at pantalon    b. alahas at palamuti
c. alak at de-lata      d. bag at sapatos
4. Anong produkto o kalakal ang matatagpuan o makukuha sa mga lugar na
malapit sa baybaying-dagat?
a. palay,abak, at mais
b. hipon, mani at saging
c. perlas, isda at alimasag
d. manok, baboy at kalabaw
5. Ang hagdang-hagdang palayan ay isang pamanang pook. Ito ay matatagpuan sa
sa Hilagang Luzon. Mahigit 200 taon itong ginawa ng mga Ifugao. Sa anong
paraan nila ito inukit?
a. kamay     b. paa     c. siko      d. kahoy
6.Ang mga likas na yaman ay nakapagdudulot ng maraming kapakinabangan sa
ekonomiya ng ating bansa. Alin sa mga sumusunod ang may pakinabang sa
enerhiya?
a. Hagdang-hagdang Palayan          c. Chocolate Hills
b. Bangui Windmills                 d. Boracay Beach
7.Malaki ang pakinabang sa turismo ng ating mga likas na yaman gaya ng mga
kabundukan, karagatan, talon at iba pa dahil ____________________
a. Mahal ang bayad ng mga turista dito.
b.Malalayo at matatarik ang mga daan papunta dito
c.Magaganda ang ating mga likas na yaman at dinarayo ng mga turista.
d.Mababait ang mga tao sa ating bansa.
8.Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari
pang gamiting muli. Ano ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid
mo?
a. Isusumbong ko sa aming magulang.
b. Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3 R’s.
c. Kukunin ko ang mga itinapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
d. Tuturuan ko siya kong paano muling mapapakinabangan ang mga bagay na
akala niya ay basura na.
9. Bakit dapat nating tangkilikin ang sariling produkto?
a. Dahil sa ganitong paraan ay makakatulong ka sa pag-unlad ng sarili mong
bansa.
b.Dahil mas matibay ang gawang Pinoy kaysa sa mga imported.
c. Dahil mas mura ang mga produkto ditto sa Pilipinas.
d.Lahat ng nabanggit.
10. Si VM ay nagmamadali sa kanyang pagpasok sapagkat mahuhuli na siya sa
klase niya sa Araling Panlipunan. Sa kanyang pagpasok sa gate ng paaralan,
naabutan niyang inaawit ang Lupang Hinirang . Ano ang marapat gwin ni VM?
a. Lalabas ng paaralan at uuwi na lang.
b. Magpapatuloy sa pagtakbo para makahabol sa klase.
c. Maglalakad ng tuloy-tuloy at magkunwaring walang naririnig.
d. Titigil, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, at aawitin nang may damdamin ang
pambansang awit.
11. Ang kultura ay bahagi na n gating pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang
isang mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang
kulturang Pilipino?
a. Pagsusuot ng mga damit na gawa ng mga katutubo.
b. Pagbili sa mga produkto ng iba’t ibang bansa.
c. Panonood ng mga pelikulang Pilipino at banyaga.
d. Pamamasyal sa ibang bansa kaysa sa pamanang pook o lalawigan ng bansa.
12. Nais na aking ina na bumili ng perlas para sa aming magkakapatid. Kanino sa
mga sumusuod kong tiyahin kami lalapit para magpabili ng perlas?
a. Sa aking Tiya Maria na taga- Bicol
b. Sa aking Tiya Claudia na taga- Davao
c. Sa aking Tiya Lucita na taga-Sulu
d. Sa aking Tiya Armenia na taga- Cagayan
13. Handang damayan ng mga Pilipino ang kababayang nawalan ng mahal sa
buhay. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang Pilipino ay tiwali at hindi mapagkakatiwalaan.
b. Ang Pilipino ay maawain at matulungin.
c. Ang Pilipino ay malupit.
d. Ang Pilipino ay tamad.
14. Si Lexter sa pangulo ng Supreme Pupil Government. Nais niyang makatulong
upang patuloy na mapanatiling malinis ang kapaligiran at makaipon ng pondo sa
pagpapaganda ng kanilang paaralan. Ano ang dapat niyang gawin sa mga plastic
na bote na kanyang makikita?
a. Ibabaon sa ilalim ng lupa upang hindi nakakalat.
b. Pupulutin at ibubukod sa mga napulot na basura upang maibenta sa junk shop.
c.Irerecycle ang mga napulot na bote at ibebenta ang mga nagawang produkto
mula rito.
d. Pupulutin ang gagamiting lalagyan ng tubig na pandilig sa mga halaman at gulay
sa paaaralan.
15. Bagong lipat sa iyong paaralan ang Muslim na si Salhim.Naiiba ang kanyang
kasuotan at pananalita sapagkat ito ang kanyang kultura na kinagisnan kaya
naman ang mga kaklase mo ay pinagtatawanan siya. Ano ang marapat mong
gawin?
a. Hindi na lang ako iimik dahil hindi ko naman siya kaibigan.
b.Sasabihan na magsuot ng ibang damit at huwag ng magsalita para hindi siya
pagtatawanan.
c. Sasabihan ang aking mga kaklase na igalang ang kanyang anyo at pananalita
sapagkat magkakaiba ang ating kultura.
d. Makikisali na rin ako sa mga tumatawa.
II-Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung Mali.
___1. Ang likas kayang pag-unlad o sustainable development ay pagtugon sa mga
pangangailangan at mithiin ng bawat tao.
___2. Ang kultura ay uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na
nagpapakita ng paniniwala, tradisyon, sining at relihiyon.
___3. Ang Ilokano ang pinakamalaking pangkat sa Pilipinas dahil umaabot sa 15
milyong katao ang marunong magsalita nito.
___4. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang namumuno.
___5. “Bahala na” ang ginagamit na ekspresyon kapag ang tao ay naniniwala na
ang kanyang pagkabigo at pagtatagumpay ay nakasalalay sa swerte.
___6.
II-Pagtambalin ang hanay A at hanay B upang tukuyin ang mga taong tumulong sa
pagsulong ng kulturang Pilipino.
Hanay A                                Hanay B
_____1.Francisco “Balagtas” Baltazar   a. Kilala siya sa larangan ng
                                       pagsasayaw.Hinangaan siya ng buong mundo
_____2. Lisa Macuja-Elizalde
                                       dahil sa kanyang pagiging Prima Ballerina.
_____3. Meagan Young
                                       b. Isang doctor na nagsulong ng paggamit sa mga
_____4. Dr. Eduardo Quisumbing         halamang gamot.
_____5. Dr. Jose Rizal                 c.
_____6. Fernando Amorsolo
_____7. Juan Luna
____8. Manny Pacquiao
____9. Leandro Locsin
____10. Nicanor Abelardo
                   IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
                                 SA
               EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
I-Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung di-
wasto.
_____1. Kumain ng mga gulay at prutas para lumusog ang pangangatawan.
_____2. Gamitin ang sepilyo ng iyong kapatid kung hindi mo mahanap ang sa iyo.
____3. Huwag magpuyat sa panonood ng telebisyon dahil makakasama ito sa
iyong kalusugan.
_____4. Ang sabong panlaba ay pwede na ring gamiting sabong pampaligo.
____5. Ang shampoo ay gamitin araw-araw upang hindi magkaroon ng kuto.
____6. Gupitin ang kuko ng paa at kamay minsan sa isang lingo.
____7. Kapag namantsahan ang damit ay itapon na ito kaagad.
____8. Ang akmang kasuotan sa pagtulog ay maong na pantalon at makapal na t-
shirt.
____9. Ilagay sa tamang lagayan ang mga damit upang hindi ito magusot.
____10. Sa pag-upo at pagtayo ay dapat na tuwid ang likod upang maiwasan ang
pagkakuba.
II-Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela na tatahiin.
a. medida           b. didal           c. gunting       d. emery bag
2. Itinutusok ditto ang karayom kapag hindi na ginagamit upang hindi kalawangin.
a. sewing box             b. pin cushion    c. emery bag      d. didal
3. Upang hindi matusok ang iyong daliri kapag ikaw ay nagtatahi, inilalagay mo ito
sa iyong gitnang daliri.
a. medida          b. didal          c. gunting         d. emery bag
4. Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones sa damit?
a. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
b. Gupitin ang isang parte ng tela.
c. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
d. Isagawa ang pagtatahing lilip.
5. Sinong kasapi ng pamilya ang may pananagutang maghanapbuhay?
a. Ate       b. bunso          c. tatay        d. kuya
6. Si Shane ay sampung taong gulang na.Siya ang panganay sa tatlong
magkakapatid. Ano ang tungkuling dapat gampanan ni Shane sa kanilang pamilya?
a. Wala siyang dapat gawin dahil siya ag panganay.
b. Alagaan ang kanyang mga kapatid kapag walang pasok sa eskwela.
c. Ipilit ang kanyang mga gusto.
d. Tumulong lang kapag inutusan ni nanay.
7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng wastong asal bilang kasapi ng pamilya
maliban sa isa, ano ito?
a. Gawin ang mga nakaatang na gawaing bahay sa iyo.
b. umuwi kaagad pagkatapos ng klase.
c. umalis ng bahay kahit hindi nagpapaalam.
d. piliin ang asal at galaw ng kaibigang sasamahan.
8. Araw noon ng Sabado at iniwan ka ng nanay mo upang bantayan ang lola mong
maysakit.Ano ang Dapat mong gawin?
a. Makipaglaro sa mga kaibigan.
b. Bantayan at painumin ng gamot ang lola na maysakit.
c. Magdadabog ako.
d. Sisilipin ko lang si lola at manonood ako ng telebisyon.
9. Kung may lagnat, ubo at sipon ang sinuman sa mga kasambahay ay dapat gawin
ang mga sumusuod maliban sa?
a. Bigyan ng gamot na inireseta ng doctor.
b. Bigyan ng sapat na inumin tulad ng tubig, salabat, o lemonade.
c. Isara lahat ang bintana upang hindi pumasok ang hangin.
d. Bigyan ng kumot o dyaket ang maysakit kapag ito ay giniginaw
10. Si Elena ay pinagbantay ng nanay sa kanyang maliit na kapatid.Ano ang
marapat gawin ni Elena?
a. Paliguan ang kapatid at pakainin.
b. Hayaan na magkalat ang kapatid.
c. Dalhin sa labas ang kapatid at pabayaang maglaro.
d. Kurutin ang kapatid kapag maingay ito.
11. Ano ang iyon gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang ikaw ay
naglilinis?
a.gumamit ng apron.                 c. talian ang buhok
b. takpan ang ilong.                d. magdamit ng maluwang
12. May nabasag na baso habang ikaw ay naglilinis sa kusina. Ano ang iyong
gagawin?
a. Pupuluting isa-isa ang bubog.
b. Dadakutin at lalagay sa basurahan.
c. Babalutin ng dyaryo at ilalagay sa basurahang may takip.
d. pupulutin at itatapon sa bakanteng lote.
13. Alin sa mga sumusunod ang un among gagawin?
a. Paglilinis ng kisame.           c. paglilinis ng sahig.
b. paglilinis ng dingding.         d. paglilinis ng bakuran.
14.Ano ang hindi dapat gawin sa paggamit ng de-kuryenteng kagamitan upang
maiwasan ang sakuna?
a. Tiyaking tuyo ang mga kamay bago isaksak at tanggalin ang saket at plug.
b. Basahin ang panuto bago ito gagamitin.
c.Hayaan itong nakasaksak kahit tapos ng gamitin.
d.tanggalin sa saksakan ang kawad.
15.Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sapaglilinis
ng bahay at bakuran?
a. Upang maisagawa ang nakatakdang gawain.
b. Upang makapaglaro agad.
c. Upang makaiwas sa iba pang Gawain.
d. Upang maiwasan ang anumang sakuna.
16. Nagkalat ang basura sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipunin lahat at ibalot sa plastik.
b. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
c. Ihiwalay ang hindi nabubulok at ibaon sa compost pit ang nabubulok na basura.
d. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ito.
17. Saan mo itatago ang mga tiring likidong ginamit sa paglilinis tulad ng Lysol at
muriatic acid?
a. Sa mataas na lugar na hindi maaabot ng mga bata.
b. Sa loob ng isang cabinet.
c. Sa lugar kung saan ito kinuha.
d. Sa loob ng palikuran o comfort room.
18. Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang dapat mong gawin?
a. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan
b. Tumuntong sa silya upang maalis ang agiw.
c. Tumayo sa malapit sa bintana.
d. Gumamit ng mesa at doon tumuntong.
19. Kung maglilinis ng kusina, ano ang una mong gagawin?
a. Ilagay ang mga upuan sa ibabaw ng lamesa.
b. Linisin ang lababo at mga kasangapan sa pagluluto.
c. Ipunin ang maruruming gamit at kasangkapan sa kusina.
d. Takpan ang pagkain at siguraduhing hindi mapapasok ng alikabok.
20. Sa paghuhugas ng mga pinagkainan, ano ang pagkakasunod-sunod ng mga
hugasin?
a. plato, kutsara, baso, sandok, at kaserola
b. baso, kaserola,kutsara, plato at sandok
c. baso, kutsara, plato, sandok, at kaserola
d. kahit ano ang mauna
                           Edukasyon Sa Pagpapakatao
I. Lagyan ng tsek(/) kung wasto ang pahayag at ekis (x) naman kung di-wasto.
___1.Patawad sa nagawako.
___2.Wala akong pakialam kung nasaktan siya.
___3.Hindi ko naman siya inaano.
___4.Pasensiya na at hindi na mauulit.
___5.Makikiraan po.
___6.May mga birong nakakasakit ng damdamin.
___7.Ang pikon ay laging talo.
___8.Piliin ang salitang gagamitin sa pagbibiro.
___9.Ang mga bastos na pananalita ay lubos na nakakatutuwa.
___10.Ang biro ay nagbibigay ng kasiyahan kung sa wastong paraan sasabihin.
II- bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. May usapan kayo ng kaibigan mo na magkikita sa parke para maglaro.Hindi ka
nakapunta dahil biglang sumakit ang iyong tiyan kaya nagtampo sa iyo ang
kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko na rin siya papansinin.
b. Iiwasan ko na lang na magkita o magkasalubong kami.
c. Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari at hihingi ng paumanhin.
d. Bahala na.
12. Mabilis ang iyong pagtakbo dahil mahuhuli ka na sa iyong klase kaya nasagi
mo ang paso at nabasag ito. Ano ang gagawain mo?
a. Hahayaan ko na lang dahil wala naming nakakita.
b. Hihingi ako ng paumanhin sa may-ari.
c. Bakitkasi nakaharang ang paso.
d. Kasalanan ng aso iyan at hindi ako.
13. Napaunlad mo ang iyong kakayahan sa pagguhit. Marami ang humahanga sa
iyo sapagkat madalas kang manalo sa mga paligsahan. Ano ang iyong sinasabi sa
mga nagbibigay ng papuri sa iyo?
a. Salamat sa inyong papuri.
b. Talagang magaling ako.
c. Bilib na bilib kayo sa akin ano?
d. Walang makakatalo sa akin.
14. May bago kang kaklase na galling sa malayong probinsiya. Nalaman mong
pinipintasan ito ng iba mong mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko sila.
b. Makikisama na rin ako sa mga pumipintas.
c. Isusumbong ko sila sa aming guro.
d. Sasawayin at pagsasabihan sila.
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama at dapat gawin?
a. Lahat ng biro ay nakakatuwa.
b. Nasasaktan ang taong binibiro dahil sila ay pikon.
c. Dapat piliin ng mga salitang ginagamit sa pagbibiro upang hindi makasakit sa
iba.
d. Gayahin lahat ng napapanood sa telebisyon at napapakinggan sa radio.
16. Si Mina ay isang mag-aaral na nasa ika-apat na baitang. Lagi siyang masayahin
at palakaibigan .Isang araw ay bigla mong napansin na umiiyak siya sa isang tabi.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko na lang siya papansinin.
b. Lalapitan ko siya at tatanungin kung anong nangyari.
c. Pagtatawanan ko siya.
d. Kukulitin ko siya.
17. Namamasyal kayo ng iyong pamilya sa parke na may makita kang isang batang
nangangalkal ng basura at marungis ang kanyang hitsura.Ano ang dapat mong
gawin?
a. Pabayaan na lang siya dahil hindi naman siya nag-iisa.
b. Bibigyan siya ng pagkain at iiwanan.
c. Sasabihin ko sa aking mga magulang na ampunin na lang siya.
d. Sasabihin ko kay nanay at tatay na ilapit sa kinauukulan ang bata upang
maalagaan ng maayos.
18. Ang pamilya ni Paola ay nakatira sa ilalim ng tulay .Galing sila ng Mindanao
sapagkat maraming kaguluhan ang nagaganap doon kaya lumipat sila dito.Paano
kaya natin sila matutulungan?
a. Hindi ko sila matutulungan dahil mahirap din kami.
b. Magbibigay ako ng pagkain sa kanila araw-araw.
c. Ilalapit sila sa mga nasa DSWD.
d.Hindi na lang ako makikialam.
19. May mga bata kang nakita na humihingi ngpagkain at pera sa mga taong
nakasakay sa bus .Wala naman silang sakit at nagtatakbuhan pa na humahabol sa
mga sasakyan.Lumapit sila sa inyo ng Nanay mo. Ano ang iyong gagawin?
a. Bibigyan ko sila kaagad.
b. Tatanungin kong nasaan ang mga magulang nila.
c. Isusumbong ko sila sa pulis.
d. Sasabihan na mapanganib at mali ang kanilang ginagawa.
20. Sumali ka sa paligsahan sa pagkanta sa inyong paaralan. Tuwang-tuwa at
pinalakpakan ka ng mga tao. Nang ianunsiyo kung sino ang nanalo ay hindi
natawag ang pangalan mo.Ano ang iyong mararamdaman?
a. Iiyak ako at tatakbo paalis.
b. Malulungkot ako ngunit kakamayan ko ang nanalo.
c. Iirapan ko ang mga hurado.
D. Magsusumbong ako sa nanay ko.
III- Lagyan ng    kung wasto ang pahayag at       naman kung di-wasto.
____1. Alam kung para sa kabutihan ko ang iyong puna.
____2. Ang taba mo naman para kang aparador.
____3. Mabuti na lang napuna mo ang aking mali bago ko pa man ito naipasa.
____4. Magbigay na lang tayo para walang masabi ang ating guro.
____5. Ibigay na natin ang mga sirang damit at mga de-latang malapit ng masira.
____6. Tahimik na mag-alay ng panalangin para sa kaibigang maysakit.
____7. Pumasyal sa bahay ng kaibigan kahit anong oras mo gusto.
____8. Sipain at sirain ang mga upuan o silya sa paaralan.
____9. Maingat na buklatin ang mga pahina ng aklat.
____10. Huwag sulatan ang mga pader sa paaralan o sa kahit alinmang pasilidad.
IV- Paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng maayos, malinis, at kaaya-ayang
kapaligiran?(10 puntos)