Alamat NG Palay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Palay

Noong unang araw, hindi


nagtatanim ng halaman at hindi nag-aalaga ng
hayop ang mga tao para may makain. Umaasa
lamang sila sa kalikasan. Kaya tumitira sila kung
saan may pagkain. May tumitira sa mga kuweba sa
bundok at nabubuhay sa bungangkahoy at
nahuhuling hayop. May tumitira sa tabing ilog at
dagat at nabubuhay sa pangingisda. Tumitira sila
sa isang lugar hanggang may makakain at
humahanap ng ibang lugar kapag wala nang
makain.

Kasama ng iba ang mag-asawang Banag at Danas sa paghahanap ng bagong lugar ng


matitirhan. Dati silang nakatira sa tabing dagat. Ngunit sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga
bahay sa tabing dagat. Natatakot silang muling abutin ng bagyo. "Bakit lagi tayong lumilipat ng tirahan?"
tanong ni Banag kay Danas. "Pagod na ako sa ganitong buhay. Hindi tuloy tayo magkaanak." Gusto ni
Banag na humiwalay sila sa iba at mamalagi sa isang magandang pook. "Gusto kong isilang doon ang
ating anak."

Sinunod ni Danas ang hiling ng asawa. Pumili sila ng isang magandang pook sa bundok at
doon nagtayo ng munting bahay. Tahimik ang napili nilang pook sa bundok at sagana sa prutas at hayop
na makakain. May malinaw na batis sa malapit at maraming isdang nahuhuli si Danas. Ngunit biglang
dumating ang tagtuyot. Matagal na hindi umulan at natuyo ang lupa. Namatay ang mga halaman at
punongkahoy at nawala ang mga hayop at ibon. Namatay ang mga isda sa natuyong batis.

Naghanap ng pagkain sa malayo si Danas. Ngunit malawak ang dumating na tagtuyot.


Naglakad siya nang naglakad at nakarating sa kabilang bundok ngunit wala pa rin siyang makitang
pagkain. Inabot ng matinding pagod si Danas sa gitna ng isang malapad na parang. Nahiga siya sa
damuhan at nakatulog. Noon biglag humihip ang hangin at sumayaw at umawit ang mga damo. Nagising
at nagulat si Danas. Pinakinggan ni Danas ang awit ng mga damo. "Kami ang pag-asa ng tao, Danas.
Pulutin mo ang aming mga bungang butil. Masarap na pagkain ang aming mga butil." Noon napansin ni
Danas ang mga uhay ng damo. Hitik sa mga gintong butil ang bawat uhay. Pumitas siya ng isang butil at
kinagat. "Bayuhin mo ang aming mga butil para maalis ang gintong balat," muling awit na masaya ng
mga damo. "Iluto mo ang puting laman ng butil para lumambot at maging masarap na pagkain."

Pumitas ng maraming uhay si Danas hanggang mapuno ang kanyan sisidlan at


nagmamadaling umuwi kay Banag. "May pagkain na tayo ngayon," tuwang tuwang balita niya kay
Banag. Tulad ng utos ng mga damo, inalisan nila ng balat ang mga butil at iniluto bago kinain.
Kinabukasan, nagbalik sa parang si Danas. "Itanim mo ang aming butil," awit ng mga
damo. "Itanim mo sa lupang pinalambot ng ulan. Tutubo ang mga butil at alagaan mo. Tuwing mag-aani
ka'y maglaan ka ng mga butil para muling itanim at alagaan. Matuto kang magsaka at mag-alaga ng
halaman at sa pagsasaka ka aasa ng ikabubuhay." Biglang naramdaman ni Danas ang patak ng ulan.
Nagdilim ang langit nang tumingala siya. "Palay ang itawag mo sa iyong pananim," awit ng mg damo na
lalong sumigla ang pagsayaw pagbuhos ng malakas na ulan. "Ibalita mo sa ibang tao ang lahat. Ituro mo
sa kanila ang pag-aalaga ng palay." Sinunod ni Danas ang mga utos ng damo. Gumawa siya ng bukid sa
paligid ng bahay at pinagaralang mabuti ang pag-aalaga ng palay. Itinuro niya sa ibang tao ang
natutuhan. Lumawak nang lumawak ang mga bukid na taniman at mula noon, naging mag-sasaka ang
mga tao. Hindi na rin sila palipat-lipat ng tirahan.

You might also like