Tagalog Songs Collection

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 86

1

KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI


SA DIOS, KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA
PAGPURI: KAYO’Y MAGSIAWIT NG MGA
PAGPURI SA ATING HARI, KAYO’Y
MAGSIAWIT NG MGA PAGPURI. MGA
AWIT 47:6
2

Agos ng Tubig sa Batis 5


Ang Aking Buhay 6
Ang Ating Diyos 7
Ang Diyos ang Nagmamahal 8
Ang Diyos may Paraan 9
Ang Oras 10
Ang Panginoon ang Aking Pastol 11
Ang Panginoon ay aking Ilaw 12
Ang Panginoon ay Tapat 13
Araw-Araw 14
At the End of the Road 15
Dakila Ka O, Diyos 16
Dakilang Diyos 17
Dalawang Beses (Two Times You’re Mine) 18
Darating na S’ya 19
Diyos at Diyos Lamang (God and God Alone) 20
Diyos ay Pag-ibig 21
Diyos ay Tapat 22
Diyos, Bakit Ako Pa? 23
Diyos Lang (Tanging Sandigan Mo) 24
Doon sa Langit 25
‘Di Ko Alam 26
Gayak Ka ba at Handa na 27
Handog Ko 28
H’wag Nang Ipagpabukas Pa 29
Ikaw ang Aking Kanlungan 30
Jesus, Ito ang Aking Awit 31
Kahit na Kubo 32
Kailan Pa 33
Kaligtasan 34
Karamay ang Diyos 35
Kung Kamtan Mo 36
Labis na Dakila 37
Landas 38
Lupa man ay Langit na rin 39
Lumapit sa Kanya 40
Maging Tapat (Find Us Faithful) 41
3
Mahal N’ya Tayo 42
May Nagmamahal 43
Munting Himig 44
Narito Ako 45
O, Panginoon 46
O, Panginoon (Ilokano version) 47
Paggising sa Umaga 48
Pag-ibig ni Jesus 49
Pagtatalaga 50
Panahon Malapit Na 51
Panalangin 52
Panginoon 53
Sa Aking Puso 54
Sa Bawat Araw (Day by Day) 55
Sa Diyos Umawit Tayo 56
Sa Diyos Walang Lihim 57
Sa Itaas Ka Laging Tumanaw(Keep Looking Up) 58
Sa Kanya 59
Sa Krus ng Kalbaryo 60
Sa Landas ng Pagdurusa 61
Sa Landas ng Pasakit (Via Dolorosa) 62
Sa Pagsikat ng Araw 63
Sa Piling Mo 64
Sa Pinto ng Puso 65
Saan Ka Paroroon 66
Salamat O, Diyos 67
Salamat sa Iyo 68
Salamat Sa’Yo 69
Salamat Sa’Yo Panginoon 70
Salita 71
Si Jesus 72
Si Jesus ang Ating Ilaw 73
Si Jesus ang Pag-asa 74
Si Jesus ay Darating 75
Si Hesus ang tunay na Pag-ibig 76
Siya 77
Siya ang Nagmamay-ari sa’yo 78
Siya’y Aking Mamahalin 79
Tagumpay Kay Jesus 80
4
Tanging Kanlungan 81
Tumingin Ka sa Langit 82
Tunay Kang Matapat 83
Tupang Ligaw 84
Walang Kabuluhan (Ecclesiastes) 85
Yakap ng Pag-ibig 86
5

“AGOS NG TUBIG SA BATIS”

Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas


Sa tabi ng bato ito’y humahampas
Tubig na walang tigil sa pag-agos na
kung saan
Marami ang nabubuhay, marami ring
namamatay.

Koro:
Agos ng batis sa buhay ng tao
Tumatakbong sabay nito
Sa dagat na wagas ang tungo
Buhay natin sa Diyos nanggaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa.

Ang buhay ng mga tao dito sa mundo


Ay tulad ng isang batis umaagos nang
kay bilis
Mahirap man kung iisipin ngunit sa
Diyos itagubilin
Gamitin mong pagpapala sa buhay ng
iyong kapwa.
6

“ANG AKING BUHAY”

Ang aking buhay na hiram ko lang pala sa’Yo


Ngayon ko lang napagtanto, ako pala sa’Yo.
Nais kong maglingkod, higit ang tawag Mo
Tulad ng pagdinig sa dalangin ko
O, Jesus ako ay narito, nakahanda upang
gamitin Mo.
Nang mga sandal, ‘di pa kita nakikilala
Ang buhay ko’y puno ng pangamba
Ngunit binigyan Mo ng pag-asa.
Nais kong maglingkod, higit ang tawag Mo
Tulad ng pagdinig sa dalangin ko
O, Jesus ako ay narito, nakahanda upang
gamitin Mo.

Koro:
Panginoon, ako ay narito
Dinggin yaring pagsamo ko
Ako’y muling ariin Mo’t pangunahan
Ang buhay ko, sa’Yo lang ako.

Nang mga sandal, ‘di pa kita nakikilala


Ang buhay ko’y puno ng pangamba
Ngunit binigyan Mo ng pag-asa.

*Koda*
O, Jesus ako ay narito,
Nakahanda upang gamitin Mo.
7

“ANG ATING DIYOS”

Sa lahat ng dakong malinis at mainam


Ang Diyos ay matatagpuang tunay
Sa lahat ng ating galaw at paglalakbay
Ang Diyos ay lagi nating kaagapay.

Koro:
Hindi tayo mag-iisa o mabibigo
Laging ang Diyos ay kasamang totoo
Ang Diyos ay laging nasa lahat ng dako
Siya nating kanlungan, kaibigang totoo.

Sa dulo man ng lupa’y naroon ang Diyos


Sa ilalim man ng dagat, sa gitna man ng unos
Tumawag ka at laging Siya ay tutugon
Ang Diyos ay laging handang tutulong.

Tumawag ka at laging Siya ay tutugon


Ang Diyos ay laging handang tutulong.

Koro2:
‘Pagkat Siya’y laging nasa lahat ng dako
Laging ang Diyos ay kasamang totoo
Ang Diyos ay matapat sa Kanyang mga
pangako
Habang panahon ma’y ‘di S’ya magbabago.
8

“ANG DIYOS ANG NAGMAMAHAL”

Ang Diyos ang nagmamahal


Ang Diyos ay nagmamalasakit
Sa mga taong nalalayo
Sa Kanya’y nawawaglit.

Bakit ‘di mo subukan


Ngayon sa Kanya’y lumapit
S’ya sayo’y naghihintay
Walang imposible sa Diyos.

Koro:
Patatawarin ka ni Jesus
Lumapit ka’t manalig nang lubos
Walang imposible sa Diyos
Kapangyarihan Nya’y dakila’t
Pangako Nya’y buhay na sagana
Walang imposible sa Diyos.

Taglay mo ang kabiguan


Sakit at mga karamdaman
Magagawan ng lunas ‘yan
Walang imposible sa Diyos.

*ulitin koro*
9

“ANG DIYOS MAY PARAAN”

Ang Diyos may paraan sa mga kabiguan


Gumagawa ng paraan na ‘di natin
nakikita
S’yang aking gabay, katabi ko’t
kanlungan
Sa pag-ibig Nya’t kalakasan
Sya’y gumagawa ng kaparaanan. (2x)

Sa paglakad sa daan laging S’ya ang


gabay
Ang batis sa disyerto’y mamamasdan
Langit-lupa’y mawawala’t mananatili
Kanyang Salita
Sya’y gumagawa sa’yo ng paraan.

*ulitin 1st stanza*


10

“ANG ORAS”

Ang oras malapit na


Na si Jesu-Cristo ay darating
Babalik man Siya para sa paghuhukom
Sa iyo, sa akin, at sa kanya.

Koro:
Kaya’t aking kaibigan
Ikaw ay handa na ba?
Sa iyong buhay na sa ngayon
Babalik si Cristo, baka maiwanan ka
At baka hindi ka Niya madala.

Ang oras malapit na


Na ang mga gawa mo’y huhukman Niya
Mga bagay tutunawin, mga patay
bubuhayin
Mga anak ng Diyos ay dadalhin.

*ulitin koro*
11

“ANG PANGINOON ANG AKING


PASTOL”

Ang Panginoon ang aking Pastol


‘Di na ako mangangailangan
Lumakad man ako sa gitna ng kadiliman
S’ya ang susubaybay sa aking daan.

Koro:
Tahakin ko man ang landas ng
panganib
Ako’y wala nang katatakutan
Tungkod N’yat pamalo sa ki’y
umaaliw
Lungkot ma’y Kanyang papawiin.

Kaharap ko man ang aking kaaway


Kanyang pinangako ako’y iingatan
Kabutihan at awa Nya’y kakamtan
Sa lahat ng araw, sa lahat ng araw
Pupurihin ko S’ya, magpakaylan pa man.

*ulitin koro*
12

ANG PANGINOON AY AKING ILAW

Sa t’wing araw ay sisikat


Buhay ko’y lumilipas
Na ‘di ko nalalaman
Landasing aking tinatahak

Ako nga’y naglalakbay


Tungo sa kawalan
Ang panginoon araw-araw
Sa akin s’ya’y nakatanaw
Madilim man ang aking buhay
Pag-asa ko siya’t tanglaw

Koro
Ang panginoon ay aking ilaw
Sa tuwina’y siya ang aking gabay
Maging madilim man itong aking landas
Ako’y payapa at panatag
Dahil alam ko ang Panginoon
Sa akin ay nag-iingat
Siya ang aking tanglaw sa aking landas

Sa landasin na kay dilim


Buhay ko’y makulimlim
Walang tiyak na patutunguhin
Mabigat ang pasanin

At sa mga maling layunin


Buha’y ko’y nahumaling
Ngunit ng ako’y tawagin
Ng Panginoong Hesus natin
Buhay ko ay nag-ningning
Nagkakulay ang dating madilim
13

“ANG PANGINOON AY TAPAT”

Sa Panginoong Jesus ako’y nagtitiwala


Sa biyaya Nya’t habag, buhay ko ay may
kalinga
Sa pagsubok at lumbay, naro’n Sya’t
dumaramay
Ang Panginoon ay tapat kailan pa man.

Koro:
Biyaya Nya’t habag sa buhay ko’y sapat
‘Di man karapat-dapat na ako ay maligtas
Pangako Nya’y ‘di nag-iiba, ‘di tulad ng
iba
Ang Panginoon ay tapat kailan pa man.

Kung ika’y nanlalamig at wala kang


malapitan
Para bang ang daigdig sayo’y nakapasan
Alalahanin mo sana na minamahal ka N’ya
Ang Panginoon ay tapat kailan pa man.

*ulitin koro*
14

“ARAW-ARAW”

Araw-araw may problema


Araw-araw may lungkot’ saya
Araw-araw mapipikon ka
Minsan iiyak pa.

Araw-araw maghihirap
Araw-araw magsisikap
Magta-trabaho hangga’t makaya
‘Di naman sasaya.

Koro:
Pero ‘wag kang mag-alala
May nagbabantay sa’yo t’wina
Siya’y hindi pabaya sa’yo
Dahil Siya’y kaibigan mo.

Lumingon ka lang
At Siya’y handang magbigay
kaligayahan
Siya si Jesus na tagaligtas
Laging nand’yan sa’yo.
15

“AT THE END OF THE ROAD”

Mayroong liwanag buhat sa itaas


Pagdating sa wakas ng landas
Ang mga ligalig at ang madlang hirap
Doon ay mapapawing lahat.

Koro:
Kung ating lakbayin dito’y matapos
Sa langit tayo ay papasok
Doon naghihintay ang tagapagligtas
Pagdating sa wakas ng landas.

Ang mga pasanin, lungkot at bagabag


Na dito’y ating dinaranas
Sa langit na bayan ay ‘di na mamalas
Pagdating sa wakas ng landas.

Ating idalangin manatiling bukas


Ang pinto ng Banal na S’yudad
Doon igagawad ang koronang perlas
Pagdating sa wakas ng landas.

*ulitin koro*
16

“DAKILA KA O, DIYOS”

Sadyang kaybuti ng ating Panginoon


Nagtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng ating pagkukulang
Biyaya Nya’y patuloy na laan.

Katulad ng pagsikat ng gintong-araw


Patuloy S’yang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko’t damdamin
Ikaw ang aking pupurihin.

Koro:
Dakila Ka O, Diyos, tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo’y magunaw man maaasahan Ka lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay.

Kaya Ikaw O, Diyos, aking pupurihin


Sa buong mundo’y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo na walang hanggan.

*ulitin koro*
Koro2:
Dakila Ka O, Diyos, sa habang panahon
Katapatan Mo’y matibay na sandigan
Sa bawat pighati, tagumpay ay naroroon
Daluyan ng pagpapala sa habang panahon.
Dakila Ka O, Diyos, dakila Ka O, Diyos.
17

“DAKILANG DIYOS”

Dakilang Diyos kung aking pagmalasin


Ang magandang sanlibutan natin
Araw at buwan pati mga bituin
At lahat na ng Iyong gawain.

Koro:
Kalul’wa ko’y umaawit sa’yo
Dakila Ka, dakila Ka
Kalul’wa ko’y umaawit sa’yo
Dakilang Diyos, dakila Ka.

Mahal na Diyos kung aking natatanaw


Ang parang at mga kabundukan
Ang Kalbaryo ay waring namamasdan
At si Jesus na nakabayubay.

Kung matapos at panaho’y lumipas


At dalhin ang banal sa itaas
Pupurihin Ka naming walang kupas
Ikaw O, Diyos na tagapagligtas.

*ulitin koro*
18

“DALAWANG BESES”
(Two Times You’re Mine)

Isang bata’y gumawa ng laruang bangka


Yari ito sa kahoy sa ilog ito pinalutang
Ngunit tali’y nalagot at ang bangka’y naanod.

Nangako ang bata na lumuluha


Na kanyang hahanapin nawala Niyang bangka
At hindi nga nagtagal nang makita n’ya ito sa tindahan.

Nag-ipon s’ya ng pera nang kanyang mabili


Sya’y umuwi yakap n’ya ng masaya.

Koro:
Dalawang beses na ika’y akin
Una’y ginawa Kita, ngayon ay tinubos Kita
Dalawang beses na ika’y Akin
‘Yan ang sabi ni Jesus.

Gumawa ang Diyos ng isang tao


Yari ito sa pag-ibig, namuhay dito sa mundo
Ngunit tipana’y nalagot at ang tao’y naanod.

Nangako ang Diyos mula sa Kanyang trono


Na Kanyang hahanapin nawala Niyang tao
At hindi nga nagtagal dumating si Jesus
Na Kanyang Anak.

At Sya’y nabayubay doon sa krus


Upang ang tao’y maibalik Niya.

*ulitin koro*
Ya’y dahil mahal ka N’ya.
19

“DARATING NA S’YA”

Sa isang sandali, sa huling tunog ng trumpeta


Sa isang sigaw, sa isang kisap-mata
Darating na S’ya, si Jesus na ating pag-asa
Bayan ng Diyos, salubungin natin S’ya.

Koro:

Aleluya, aleluya, aleluya


Darating na S’ya
Aleluya, aleluya
Bayan ng Diyos
Salubungin natin S’ya.

Tayo ay babaguhin ng Kanyang


kal’walhatian
Tayo ay mabibihisan ng walang kamatayan
Tunay kay Jesus, tagumpay ay kakamtan
Purihin ang Diyos magpakailan man.

*ulitin koro*
20

“DIYOS AT DIYOS LAMANG”


(God and God Alone)

Diyos at Diyos lamang ang may likha


Nitong buong mundo
Karangyaan man at hindi dapat maluwalhati
Ang Diyos at Diyos lamang.

Diyos at Diyos lamang


Naghahayag ng katotohanan
Gawain ng mga ‘di magpapabago
Sa Diyos, sa nais Niya.

Koro:

Diyos at Diyos lamang


Ang Hari ng buong kalawakan
Lahat nang may buhay papuri iaalay
Sa Diyos at Diyos lamang.

Diyos at Diyos lamang


Ligaya sa walang hanggang buhay
Siyang pinakamimithi, magsasawa’y hindi
Sa Diyos at Diyos lamang.

*ulitin koro*
21

“DIYOS AY PAG-IBIG”

Pag-ibig ang s’yang pumukaw


Sa ating puso at kaluluwa
At s’yang nagdulot sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag-asa.

Pag-ibig ang s’yang buklod natin


‘Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo ay magkawalay.

Koro:
‘Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng pag-
ibig
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay h’wag limutin
Na may Diyos tayo na nagmamahal.

Sikapin sa ‘ting paghayo


Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na s’yang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo.

*ulitin koro*
Diyos ay pag-ibig.
22

“DIYOS AY TAPAT”

Nais kong awitan Ka ng pasasalamat


Ligaya ng aking puso’y nais kong ipahayag
Tunay na kaybuti Mo O, Panginoon
Sa mga pangako Mo’y tunay Kang matapat.

Dumarating ang sandaling ako’y nalulumbay


Kalungkutan sa ‘king puso’y Iyong
pinaparam
Puso ko’y sumisigaw ng pasasalamat
Pagdurusa’y pinalimot, nais kong awitan Ka.

Koro:
La la la la la, O, Diyos kaybuti Mo
Awit kong ito ay para sa Iyo
Nais kong ialay buong buhay ko
Sa paglilingkod sa’yo.

Nais kong awitan Ka ng bagong awit


Titik at ang himig nito’y ang Iyong pag-ibig
Awit ng pasasalamat ang aking hatid
Nais kong awitan Ka O, Diyos ng pag-ibig.

*ulitin koro & 3rd stanza*


Awit ng pasasalamat ang aking hatid
Nais kong awitan Ka O, Diyos ng pag-
ibig.
23

“DIYOS, BAKIT AKO PA?”

Diyos, bakit ako pa


Ang pinili mo bilang anak
Batid mo ang aking buhay
Bakit pinatawad Mo,
Nilinis, iniligtas
Sa krus, sala ko’y binayaran.

Koro:

Sa bawat araw O, Diyos tulungan ako


Ang utos Mo’y aking susundin
Buong buhay ko ay alay ko sa’yo
Hanggang sa langit dumating.

Puso ko ay mangha
Sa dahilang pag-ibig Mo
Sagana ang biyaya Mo
Lawak ng pag-ibig Mo
Ay ‘di kayang matarok
‘Di ko kayang maunawaan.

*ulitin koro*
24

“DIYOS LANG”
(Tanging Sandigan Mo)

Narito ako, Panginoon


Nag-iisa’t nalulumbay
‘Di batid ang aking gagawin
Ako’y lito sa ‘king buhay.
Ang bukas ay hindi ‘ko alam
‘Di rin alam ang gagawin ngayon
Ang kailangan ko’y kaagapay
Sa paglimot ng kahapon.

Koro:
Maging madilim man ang gabi
Ay darating din ang umaga
H’wag mag-alala magtiwala sa Kanya
Kung ano man ang gumugulo sa isip mo
Ang Diyos lang ang tanging sandigan mo.

Kaibigan ko h’wag malumbay


‘Pagkat ‘di ka nag-iisa
Ano man ang iyong nakaraan
H’wag na itong isipin pa.
Ang bukas ay hindi mo alam
Ngunit ‘di ka dapat mangamba
‘Di ka N’ya pababayaan
Ialay ang lahat sa Kanya.

*ulitin koro*
25

“DOON SA LANGIT”

Halina at awitin tahanan sa langit


Inihanda ni Jesus sa m’walhati at puspos.

Koro:

Do’n sa langit, sa dagat na Kristal


Do’n sa langit, nais kong dumatal
Kabanala’t kasiyahan
Doo’y mararanasan, doon sa langit.

Ginto pa ang lansangan, maningning na


bayan
Kalahati ng ganda ay ‘di pa napasaysay.

Paanyaya ni Jesus sa iba’y isaysay


Upang gawa’y matapos, sa langit ay
dumatal.

Koda:
Doo’y mararanasan, doon sa langit.
26

“‘DI KO ALAM”

Matagal na rin itong panahon


Walang sagot sa aking mga tanong
Isip ko’y lito’t gulung-gulo
‘Di ko malaman kung paano.

Koro:
‘Di ko alam, ‘di ko alam
Sa ki’y mayro’ng Isang nagmamahal
Tunay ngang ‘di ko alam
Si Jesus pala’y pag-asa ng buhay.

Ako ay may mga kaibigan


Ligayang hanap sa kanila’y kulang
Kasiyahan ko ay paimbabaw
Puso’y lungkot ang isinisigaw.

*ulitin koro*

Salamat at may Jesu-Cristo


Pag-ibig Nya’y tapat at totoo
Katugunan sa mga hanap ko
S’ya ang pag-asa ng buhay ko.

Kaya’t ngayon ako’y nagagalak


Dahil sa ki’y mayro’ng nagmamahal
Tunay ngang aking alam
Si Jesus nga ang pag-asa ng buhay
Si Jesus nga ang pag-asa ng buhay.
27

“GAYAK KA BA AT HANDA NA”

Araw na dakila’y natatanaw


Mal’walhating pagbabalik Niya
Pag-ibig, sigla at pagkakaisa
Paghariin natin sa t’wi-t’wina.

Koro:
Gayak ka ba at handa na
Sa pagsalubong sa Kanya
Gayak ka ba at handa ng mukhaan
S’yang makita
Maghintay ng mataman
Pagdating N’yang kay lapit na
Gayak ka ba at handa nang
Tumahang kasama N’ya.

Lahat tayo’y magsama-sama


Sa malapit na pagbabalik N’ya
Ang ebanghelyong ating dala-dala
Sa gawi at buhay ipakita.

Tunay ngang ligaya at ganda


Tayo’y sama-samang nagkakaisa
Sa wakas maririnig natin Siya
Aliping tapat at pumasok ka.

Ang ginagal’wan nating mundo


Kasalana’y sadlak na totoo
Sa katotohana’y kaisa tayo
Tapat na saksi para kay Cristo.

*ulitin koro*
28

“HANDOG KO”

Handog ko ang aking buhay


Sa Panginoon lamang
Sa Kanya’y ibibigay
Ang buhay na aking taglay.
Suriin, siyasatin ang buhay ko
Kung nararapat sa pag-ibig Mo
Ako’y maglilingkod, dinggin ang
pagsamo.

Ang buhay na aking taglay


Sa D’yos ay hiram lamang
Sa lupa hinugisan, sa lupa din
wawakasan.
‘Di dapat masayang ang panahon
Nang buhay ko, akoy maglilingkod
Nang buong puso sa’Yo aking Panginoon
Dinggin ang pagsamo, dinggin ang
pagsamo.
29

“H’WAG NANG IPAGPABUKAS PA”

Suriin nang mabuti ang sarili


Kung ano ang iyong naging damdamin
Nais mo ba, buhay na walang hanggan
Ang buhay mo’y sa Diyos mo ilaan.

Koro:

H’wag nang ipagpabukas pa


Kalooban N’ya ngayo’y gawin mo na
Matulin na lumilipas ang araw at oras
Baka abutan kang hindi handa.

Ang pangarap na kaligtasan


Sa Diyos mo lang ito makakamtan
Bakit ‘di mo subukang S’ya ay
paglingkuran
Ang buhay mo’y sa Diyos mo ilaan.

*ulitin koro*
30

“IKAW ANG AKING KANLUNGAN”

Ikaw ang aking kanlungan, kapayapaan


Dulot Mo ay pag-asa, tugon ko’y
pagsamba
Pasanin naglalaho sa ating pagtagpo
Buong puso at buhay saYo’y iaalay.

Koro:

Diyos, Ikaw ay karapat-dapat


Pag-alayan ng pagsamba
Pagmamahal at pagdakila
Alay sa’Yo aking Ama
Tanging hangarin, na Ikaw ay
sambahin.

*ulitin lahat*
31

“JESUS, ITO ANG AKING AWIT”

Nang ika’y ‘di pa nakikilala


Na Panginoon ng buhay ko
Nadarama lagi ay kalungkutan,
Kabiguan, hirap, at dusa.

Nang ako’y lumapit sa Iyo


Isinuko ang lahat sa buhay ko
Ika’y tinanggap kong Panginoon
At tagapagligtas ng buhay ko.

Koro:

Jesus, ito ang aking awit


Ito sayo’y aking ihahandog
Sa pag-ibig Mong laging nadarama
Dakila Ka O, Diyos purihin Ka.

Pagsubok man sa aki’y dumating


Ako’y hindi Mo pababayaan
Ikaw lamang lagi ang pupurihin
Sasambahin magpakailan pa man.

*ulitin koro*
32

“KAHIT NA KUBO”

Kahit na kubo ang aming tahanan


Dito sa lupa’y may kasiyahan
‘Pagkat sa langit ay may naghihintay
Na kahariang gintong lantay.

Koro:

Ako’y may bahay na ‘di nasisira


Doon sa langit na walang hanggan
Wala nang hapis at laging sagana
Sa piling ng Diyos na dakila.

Kahit sa buhay na ito’y mahirap


Ang kaulayaw ay dusa at saklaw
Walang sariling tirahang may galag
Doon sa langit na walang hanggan.

Huwag maawa sa kalagayan ko


‘Pagkat sa langit ang aking tungo
Hanggang humantong sa palasyo.

*ulitin koro*
33

“KAILAN PA”

Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas


Sa Kanya na nagbigay sa’yo ng buhay
mo’t lakas
Ang pangalan N’yang banal, kailan
itatanyag
Kung wala ng pagkakataon, at huli na
ang lahat.

At kung ang araw mo’y lumipas na


Magawa mo pa kaya S’yang paglingkuran
Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos
Kung hindi ngayon, kailan pa?

*ulitin*
34

“KALIGTASAN”

Saan ka nabubuhay mahal na kaibigan


Sa Diyos ba o sa pansarili lamang
Saan ka patutungo, langit ba o impiyerno
Isipin mo ito kaibigan ko.

Koro:
Ngayon ang araw ng kaligtasan mo
kaibigan ko
Baka ang bukas ay ‘di na darating
Buhay mo’y madaling lilipas at
magwawakas
Kaligtasan ay nasa Diyos lamang.

Ika’y naging tao mahal na kaibigan


Upang maglingkod sa Diyos lamang
Hanapin mo ang daan tungo sa kaligtasan
Nang kamtan mo ang buhay na walang
hanggan.

Magpasya ka ngayon habang may panahon


Alinlangan pawiin mo ngayon
H’wag kang magpaligaw, h’wag kang mag-
alinlangan
Pinto ng ‘yong puso ay buksan.

*ulitin koro*
35

“KARAMAY ANG DIYOS”

Kahit ga’nong kabigat ang suliranin


Sing-taas man ng bundok Kanyang
matitinag
Kahit bagyong kaydilim pagliliwanagin
Bawat kalungkutan mo’y Kanyang
papawiin.

Koro:

Kung nakaya Niyang pasanin sala ng


mundo
Kaya ka Niyang akayin, kaibigan ko
Kung tayong nagkasala, sa krus
Kanyang tinubos
Sa buhay mo’y lagi nang karamay ang
Diyos.

*ulitin*
36

“KUNG KAMTAN MO”

Kung kamtan mo man ang mundo’t kanyang


yaman
Maging palasyo man ang iyong tahanan
Makamit mo man ang lahat ng bagay sa
sanlibutan
Buong buhay mo ay walang kabuluhan.

Koro:
Hangga’t ‘di mo nadarama
Ang palad ng Diyos Ama
Ay ‘di mo makakamtan
Ang walang hanggang pag-ibig N’ya
Hangga’t ‘di mo nababatid
Ang daan tungo sa langit
‘Di mo makakamtan ang Kanyang pag-ibig.

Kung sa lupang ito ay laging tanyag ka


Maging bata at matanda’y kilala ka
Ngunit ‘di mo namamasdan si Jesus nga nang
mukhaan
Lahat nang ya’y pawang walang kabuluhan.

Kung na sa’yo man ang lakas at talino


Humanga man sa iyo ang buong mundo
Kulang naman sa pagbasa ng Banal na Kasulatan
Wala pa ring halaga ang karunungan.

*ulitin koro*
37

“LABIS NA DAKILA”

Labis na dakila ang pag-ibig mo


Madilim kong landas naliliwanag mo
Ang kahapon na puno ng dusa
Ngayon ay pawing ligaya.

Koro:
Mula nang kita ay makilala
Buhay ko’y tunay na nabago
Salamat sa Iyo O, Cristo Jesus
Kasalanan ko ay tinubos.

Masdan mo ang mga ibon sa puno ng


kahoy
Masayang umaawit sa kagalakan
Kung malaya ka na sa kasalanan
Pag-ibig ng Diyos ay awitin.

Ngayong batid ko na ang katotohanan


Ang daang patungo sa kalangitan
Ako ay aawit ng ‘sang bagong himig
Kalakip nito ay pag-ibig.

*ulitin koro*
38

“LANDAS”

Landas na kay tinik sa Iyo’y inilaan


Bawat hakbang nito’y dusa’t hirap ang laman
Sa kalooban ng Ama nagpasakop Kang ganap
Buhay Mo O, Jesus ang s’yang alay na sapat.

Koro:
Laban sa agos ng mundo
Lumakad Ka sa landas Mo
Laban sa agos ng mundo
Landas na sa ki’y nais Mo
Sa Iyong mga yapak ako ay tatahak
Kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong
landas
Pasakit man at dusa, dulot ng mundo’y
kamtan
Bawat bakas ng Iyong mga yapak
Bawat hakbang Mo’y aking susundan.

Mahirap man gawin kalooban Mo’y tupdin


Pinilit kong sundan bakas ng Iyong mga
hakbang
Buhay ko’y laan, sa Iyo kailan pa man
Naglilingkod sa Iyo, Panginoon hanggang
wakas.

*ulitin koro*
39

“LUPA MAN AY LANGIT NA RIN”

Nakita ko ang tunay na pag-asa


Natagpuan ang tunay na ligaya
Mahal naming Panginoon, Ika’y
sinasamba
‘Pagkat sa piling Mo’y walang kasing-
saya.

Koro:
Ikaw ang nagturo ng tamang landasin
Sa puso at aming damdamin
Dinggin ang papuri ng bawat dalangin
Dahil sa’Yo, lupa man ay langit na rin.

Umasa kang Ikaw lang ang iibigin


Pangalan Mo ang lagging tatawagin
Mahal naming Panginoon ‘di Ka lilimutin
‘Pagkat Ikaw ang S’yang gabay ng
damdamin.

*ulitin koro*
40

“LUMAPIT SA KANYA”
Napag-isip-isip mo ba ang buhay mo
Bakit ka inilagay sa mundong ito
Kung saan ka nanggaling
Kung saan ang patutunguhan
May dahilan kahit hindi mo ito alam.

Ano kaya ang ‘yong gagawin


Pagpapatuloy mo ba ang iyong mga gawain
Kung magbabago ka ay simulan mo na ngayon
Tutulungan ka ng Panginoon.

Koro:
Lumapit sa Kanya
Ibigay buong sarili, puso’t kaluluwa
H’wag nang maghintay pa
Ngayon mo ito gawin
Sapagkat ‘di mo batid
Kung anong dala ng bukas, para sa’yo
Kaya’t ihandog mo na ngayon
Sa Kanya ang buhay mo.

Buhay natin ay pansamantala


Isang saglit ika’y buhay tapos wala ka na
Kaya’t ngayon ang panahong harapin ang katotohanan
Diyos lamang ang may buhay na walang hanggan.

KODA
H’wag nang magduda pa
Ngayon gawin mo na.

*ulitin koro*
41

“MAGING TAPAT”
(Find Us Faithful)

Manlalakbay tayo sa makitid na landas


At nauna na sa ‘tin ang ibang
Mga banal na buhay ang kanilang inalay
Bilang isang patunay sa pagmamahal nila.

Napaliligiran ng madlang tao


Mamuhay tayo ng ibig ng Diyos
Tulad ng mga nauna, mag-iwan tayo sa iba
Ng mabuting halimbawa ng sila’y ‘di mawala.

Koro:
O, sana lahat tayo ay maging tapat
Na maging isang ehemplo sa lahat
Ang bawat hangarin pati buhay natin
Maging ilaw na aakay sa iba
Pananalig sana nati’y makita nila.

‘Pag natapos na ang buhay sa mundo


At tiningnan nila ang buhay mo
Lahat nawa ng bagay, lahat din ng salaysay
Maakay nawa silang sumunod ng lubusan.

*ulitin koro*
42

“MAHAL N’YA TAYO”

Bawat isa sa ti’y nakaranas nang umibig


‘Di natin batid na ito’y nanggaling sa
langit
Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig
Ay ang pagtubos ng dugo ni Jesus sa atin.

Kung si Jesus ay ‘di masusumpungan sa


ating buhay
Ang hirap, sakit at lungkot sa ti’y ‘di
wawalay
Mga pagpapalang sa Kanya’y nagmula
Kaya’t sa Kalbaryo ako’y nagtitiwala.

Koro:
Ngayong batid ko na’y
‘Di na mag-aalinlangan
‘Di na mag-aalinlangan
‘Pagkat alam kong mahal N’ya tayo.

*ulitin*
43

“MAY NAGMAMAHAL”

May nagmamahal sa’yo alam mo ba?


Lagi mong kasama
May nagbabantay sa’yo
Saan ka man pumunta, alam mo ba?

Koro:

Si Jesus na Panginoon
Ang tunay mong kaibigan
Tunay na kasama mo
Dahil nagmahal ka sa Kanya.

May tumutulong sa’yo alam mo ba?


Sa iyong problema
Sya’y tumutulong sa’yo
Hanggang malutas mo, alam mo ba?

*ulitin koro*
Alam mo ba?
44

“MUNTING HIMIG”

Sino ba ang nagbigay ng musika


Sa mga munting nilalang
Na umaawit ng papuri sa Diyos Ama
Mga himig mo na kay ganda
S’ya ang may akda at ang lumikha
Sa akin S’ya ang gumawa.

Koro:

Munting himig ang alay ko sa’Yo


Papuri at may kagalakan na
Tanging Ikaw ang Diyos na totoo
Sa ‘king buhay Ikaw ang himig ko.

Mga huni ng ibong masasaya at mga tunog sa


parang
At kung iyo namang masdan ang kalangitan
Inihahayag na S’ya ang may lalang
S’ya ang may akda at ang lumikha sa akin
Siya ang may gawa.

*ulitin koro*
45

“NARITO AKO”

Ako ngayon ay nag-iisa, walang makasama


Nadarama ay kalungkutan, puno ng pagdurusa
Hirap ang dinaranas at hindi ko na kaya
May kamay na sa ‘kiy hahawak at ibubulong
Niya.

Koro:
Narito Ako naghihintay lamang sa’yo
Kung nalulungkot at nalulumbay
Handang dumamay sa iyo
Narito Ako inaabot Aking kamay papawiin ko
Ang iyong hirap kapag Ako ang karamay.

Sa aking pagkakamali ang lahat ay nawala


Hindi magtatagal mawawalan ng pag-asa
Kailangan ko ay pang-unawa ituro ang landas na
tama
At narinig ng aking puso pagmamahal sa tinig
N’ya.

Ang landas na tinatahak, tinik na dinaraanan


Puso ko’y humihina’t walang masilungan
Ngunit ako ay may nakita sa aki’y sumasama
Pangalan N’ya ay si Jesus at narinig ang tinig
N’ya.

*ulitin koro*
46

“O, PANGINOON”

Kung ikaw ay may lumbay


At sawi yaring buhay
Kay Jesus ikaw ay paalalay
Landas man ay madilim
At puso’y may panimdim
Kay Jesus ikaw ay tumingin.

Koro:

O, Panginoon ako’y tulungan


Tunay na buhay matagpuan
Sa paglalakbay ako ay akbayan
Mula ngayon at kailanman
Ako’y huwag iiwanan
Hanggang sa langit ako ay dumatal.

Kung ikaw ay may hapis


At diwa’y may pagtangis
Kay Jesus ikaw ay humilig
Landas man ay matinik
At gulo ang iyong isip
Si Jesus nga ang Diyos ng pag-ibig.

*ulitin koro*
47

“O, PANGINOON”
(Ilokano version)

Nu madagdag senan ka
Ket naup upapay ka
Ken Jesus kanga agpa-asibay
Dalan mo ket sumipnget
Ta pusom agladingit
Kumita ka laeng ken Apo Jesus.

Koro:
O, Dios Apo tulungan nak
Pudno a biag masaraksak
Ti panpannagnak ket sikat pagsanggirak
Ngarod itan ken kaanuman
Dinak kedin panpannawan
Ingganat langit siak ko iti tulungan.

Penagbiag ditoy daga


Ket napnoan ti problema
Yeman pay ta karim, ti tumulong
Toy lasag ket nakapuy
Kanayon masulisog
Balligi ta sikat ti kadwak.

*ulitin koro*
48

“PAGGISING SA UMAGA”

Paggising sa umaga kayganda, kayganda


Kayganda ng mundong ginawa Niya
Ngayon ko lang nakita ang ganda ng
mundo
Salamat sa Diyos at ako’y binago.

Koro:

Lahat, lahat ay aking ibibigay


Ibibigay pati aking buhay
Upang purihin S’ya.

Nang tanggapin ko si Jesus na aking


Diyos
Nabago ang lahat sa buhay ko
Bagong pag-asa ang nakikita
Bagong ligaya ang nadarama.

*ulitin koro*
49

“PAG-IBIG NI JESUS”

Pag-ibig ni Jesus ay hindi nagbabago


Mahal Niya ako, ikaw, tayong lahat
Pag-ibig ni Jesus ay walang kapantay
Mahal Niya ang sanlibutan.

Koro:

Tuwa’t saya ang aking nadama kay


Jesus
‘Pagkat niligtas Niya ako ng Kanyang
pag-ibig
Siya’y napako sa krus at ako’y
Kanyang tinubos
Pag-ibig Niya’y walang kapantay.

Pag-ibig ni Jesus ay hindi nagbabago


Mula nang Siya’y aking naging
Panginoon
Pag-ibig ni Jesus ay walang kapantay
Pag-ibig Niya ay pag-ibig ko.

*ulitin koro*
50

“PAGTATALAGA”

Sa paglalakbay ko sa landas ng buhay


O, Diyos ako’y patnubayan, ‘pagkat ‘di ko
alam
Aking daraanan, kaya’t ako’y alalayan.

Koro:

Hindi ang nais ko kundi kalooban Mo


Ang susundin sa paglalakbay ko
Ikaw ang pipili sa daraanan ko
At pasasakop sa Iyo.

Krus ay papasanin, hirap ay babat’hin


O, Diyos ako’y marapatin
Sa kaharian Mo nawa’y makarating
At ako’y papasukin.

O, Diyos ko’y tanggapin, ang pagtatalaga


Ng puso ko’t kaluluwa
Pasasakop ako’t laging tatalima
Kaya sa ki’y makisama.

*ulitin koro*
51

“PANAHON MALAPIT NA”

Sa buhay mo ngayon, ikaw ay magsikap


Magsikap na pumasok sa landas na
pinapangarap
Ngunit iyong pakaisipin na
Ikaw ba’y handang salubungin S’ya
Gusto ni Jesus na makasama ka.

Koro:

Ang panahon malapit na


Malapit na ang pagdating N’ya
Humanda ka, humanda na
Ikaw, ako, tayong lahat
Lahat magkakasama
Walang mawawaglit kahit isa.

Kaysarap manahan doon sa langit na bayan


Tuwa at kasiyahan ang mapapakinggan
Walang mararanasan na mga kapighatian
Doon sa Ama ang buhay ay walang hanggan.

*ulitin koro*
52

“PANALANGIN”

Kung kailan ako’y nasasaktan


Kapag higit kitang kailangan
O, Jesus dumaraing sa’yo
Panalangin ko sana’y dinggin Mo.

Koro:

Panalangin ko sa Diyos buhay ko ay


pagpalain
At maging matibay kahit na
Anong bigat ng suliranin ko
Sa bawat araw sana’y naroon Ikaw.

Ang lahat ng kalayawan ko


Panalangin kong lahat sa Iyo
Kahit ito’y walang katuparan
Marahil ay ‘di Mo kalooban.

Bakit kung kailan ang puso ay nasasaktan


Doon lamang kita tinatawagan
Ngunit kung ang buhay ay payapa’t kaysigla
Para bang nalilimutan Ka.

*ulitin koro*
53

“PANGINOON”

Panginoon na ang tahanan ay nasa langit


Lumalalang Ka ng lahat ng mga bagay
Ako ay umaawit para sa’yo
Dahil sa kahanga-hangang pag-ibig mo.

Koro:

O, kaysakit, kaybigat ng Iyong dinanas


Kayhirap ng naging kalagayan
Ipinako sa krus dahil sa akin
O, Panginoon, ako nawa’y Iyong dinggin.

Habang ako’y naghihintay sa ‘Yong pangako


Nais ko ay maging tapat hanggang wakas
Tukso at mga pagsubok sa buhay
Titiisin hanggang ako’y magtatagumpay.

*ulitin koro*
54

“SA AKING PUSO”

Kung mayroong umaawit na nag-iisa


Kung mayroong umaawit sa ligaya
Ako nama’y umaawit sa pag-asa
Sa ‘king puso, sa ‘king puso.

Koro:

Sa ‘king puso may awit ng kabanalan


Sa ‘king puso kami ay nagmamahalan
Sa ‘king puso si Jesus ay itatanghal
Sa ‘king puso, sa ‘king puso.

Kung paanong dugo Niya ay naalis


Kung paanong dungis ko’y Kanyang nilinis
Nabatid ko timyas ng Kanyang pag-ibig
Sa ‘king puso, sa ‘king puso.

Kung paanong nag-aral ng kasulatan


Kung paanong nagpupuyat nagdarasal
Sa papuri sa Kanyang pangalan
Sa ‘king puso, sa ‘king puso.

*ulitin koro
55

“SA BAWAT ARAW”


(Day by Day)

Sa bawat saglit at bawat araw


Kung pagsubok ay dumalaw man
‘Pag sa Diyos ako’y nanahang tunay
Ang kalakasa’y siyang tunay
Sinumang sa Diyos nagtitiwala
Kakamtin kalinga Nya’t awa
Ang kirot ng puso ko’t pagluha
May kalakip na pagpapala.

Si Jesus ang laging umiibig


Siya’y handang tumulong, umaliw
Suliranin sa Kanya’y ilapit
Ang bigat niyan ay iibsin
Ang taong sa Diyos may pananalig
Sa buhay nais na ituwid
Kung puno ka man ng dusa’t sakit
Dahil sa ika’y iniibig.

Diyos tulungan Mo ako tuwina


Na manghawak ng pangako Mo
Nang huwag akong maging mahina
Magwagi nang dahil sa Iyo
Kung kasalanan nama’y danasin
Pag-ibig Mo’y h’wag magmamaliw
Hanggang sa aking sapiting tunay
Ang pangako Mong kalangitan.
56

“SA DIYOS UMAWIT TAYO”

O, Panginoon salamat sa Iyo


Dahil ako’y may mga magulang na nagmamahal
sa’yo
Himig nila ay musika sa tahanang masaya
‘Pagkat papuri lang sa Diyos ang naririnig sa
kanila.

Kaya’t sa mura kong edad ay aking nadarama


Siyang nagpapasigla sa mga awitin ko sa tuwi-
tuwina.

Koro:
Halina munting bata / (mga bata)
Samahan mo ako / (n’yo ako)
Sa Diyos umawit tayo, gamitin ang talento
Habang bata pa ay magsilbing halimbawang
totoo
Sa mga batang musmos na tulad mo at tulad
ko.

Magsilbi sa Diyos, ang may likha ng musika


Bigay Niyang tinig ay gamitin upang marinig nila
Umawit para sa Kanya at huwag mangamba
Ang pag-ibig ng Diyos ay ipagsabi mo sa kapwa.

*ulitin koro*
57

“SA DIYOS WALANG LIHIM”

Ang buhay na tinatahak sa wari mo’y tama


Ngunit kung ‘yong susuriin landas mo’y
magiliw
Liwanag ay lumalapit ngunit ‘di mo pansin
Ang iyong mga Gawain ‘di maililihim.

Koro:
Tunay kabunduka’t karagatan ay
mapakukublihan
Ngunit sa Diyos ay walang pook na ‘di
mahahayag
Ang buhay man na nilalandas
Ay ligtas sa kamatayan
Sarili mo’y nalilinlang kung isiping
paghatol
Ay ‘di darating.

Sinisikap mong masumpungan ang


kasiyahan
Ngunit bakit kadalasan ika’y nagkukulang
May tinig na nagsasabing h’wag magpatuloy
Landas mo ay nalilihis kaya nga’t magbalik.

*ulitin koro*
Sa Diyos walang lihim.
58

“SA ITAAS KA LAGING TUMANAW”


(Keep Looking Up)

Ang buhay ay mayro’ng lungkot


At kat’waan ‘di masayod
Upang sumigla kang lubos
Lak’san ang ‘yong loob.

Koro:

Kay Jesus ka tumingin at iingatan


Hindi ka N’ya pababayaan kailanman
Magtiwala’t ang ulap ay mapaparam
Sa itaas ka laging tumanaw.

Kung ikaw ay nanlulupaypay


Dalangin mo’y ‘di makamtan
At nais mo ang patnubay
Kay Jesus tumawag.

Suson-suson man ang hirap


Dibdib mo man ay may sugat
Pag-uusig ay laganap
Loob mo ay lak’san.

*ulitin koro*
59

“SA KANYA”

Mayroon akong sasabihin sa iyo


Na ibig sana’y aawitin ko
Ito’y tungkol sa buhay sa mundong ito
Ang buhay na ibinigay ng Diyos para sa’yo.

Koro:
Sa Kanya mayroong kabuluhan ang iyong
buhay
Sa Kanya may pag-asa at pag-ibig na
tunay
Sa Kanya may kaligtasan
Kung ika’y mananampalataya
Sa Kanya may pag-asa, sa Kanya.

Sa umaga’t maghapong ika’y litong-lito


Sa mga pangyayaring naririnig mo
Minsan ay naitatanong mo sa sarili mo
Kung saan patungo ang buhay sa mundong
ito.

Inuubos mo ang oras sa trabaho mo


Upang ika’y lalong umasenso
Kailangang mawala mo sa mundong ito
Ang lahat ng pag-ibig sa kayamanan mo.

*ulitin koro*
60

“SA KRUS NG KALBARYO”

Kaibigan ko pakinggan mo
Panawagan para sa’yo
Ang buhay ay ihanda na
Malapit nang magwawakas itong mundo.

Koro:
Sa krus ng kalbaryo Sya’y nakadipa
Nag-aantay kung kalian ka lalapit sa
Kanya
Mga sugat na kay hapdi, Kanyang
tinitiis
Upang kamtan mo ang kaligtasan mo.

Sa langit at lupa ay ating makikita


Mga palatandaan na
Malapit nang magwawakas
Itong mundo.

Magpasya ka ngayon
Habang may panahon
Alinlangan pawiin na
Baka ang pintuan ay biglang magsara.

*ulitin koro*
61

“SA LANDAS NG PAGDURUSA”

Ang landas ng pagdurusa


Doon sa Jerusalem
Mga tao’y nagtungo at naghintay
Nang mapagmasdan nilang
Si Cristo’y hinatulang mamatay.

Duguan at mayroong latay


Ang buo Niyang katawan
At sa ulo ay may koronang tinik
At sa bawat hakbang Niya’y
Paghamak ng mundo’y naririnig.

Koro:
Ang landas ng pagdurusa na tinahak ni
Jesus
Namatay Siya upang tayo’y matubos
Langit ay nilisan Niya, pagka’t pinili Niya
tayo
Sa landas ng pagdurusa ay laan sa
Kalbaryo.

*ulitin lahat*
Dugo Niya’y tinigis nang tayo’y luminis
Doon ay naganap ang Kanyang pasakit.

*ulitin koro*
62

“SA LANDAS NG PASAKIT”


(Via Dolorosa)

Doon sa landas ng pasakit sa Jerusalem noon


Sundalo’y nag-utos na lumayo
Mga taong nanunuod
Kay Jesus na patungong Kalbaryo
May kirot at nagdurugo
Sugat sa Kanyang likod
Koronang tinik nasa Kanyang ulo
At Kanyang binata lait at kamatayang sigaw nila.

Koro:
Ang landas ng kamatayan
Pinili Niya’t binata
Naging handog, manunubos si Jesus
Dahil iyan ang bunga ng pag-ibig
Niya sayo’t sa ‘kin
Minamahal Niya tayong
Nagkasala kailan pa man.

At ngayon ay tumatawag tayo ay hinihintay


Nananabik makasama ang lahat
Taos-pusong pagtugon ang papalis
Sa lahat ng hirap Niya.

*ulitin koro*
Dugong lilinis sa sala ng tao’y
Nabubo sa bayan ng Jerusalem.

*ulitin koro*
63

“SA PAGSIKAT NG ARAW”

Sa pagsikat ng araw sa umaga


Ang buong pag-asa ang nadarama
Ang haplos ng hamog sa mga dahon
Ay nagbibigay buhay na pag-asa.

Koro:

Gaano man kadali ang nangyari sa buhay


mo
Ituring mo ito’y gabi na dumating sa
buhay mo
Hayaan mo ngang lumipas sa tulong ng
Maykapal
Sapagkat ng umaga ay mayroon kang pag-
asa.

Huwag kang mabahala kaibigan


Ang buhay mo sa Diyos mo ilaan
Patuloy na umikot ang mundo
Upang ang liwanag ay dumating sa’yo.

*ulitin koro*
64

“SA PILING MO”

Ang bawat sandali ng aking pagninilay-nilay


ay nakatugon kay jesus
At sa dugo N’yang nabuhos
Lahat inako N’ya upang ako ay matubos
Upang maibalik lamang sa piling N’ya.

Koro:

Nagkatawang-tao ang Diyos


Na manlilikha at namuhay
Ayon sa kalooban ng Ama
Tunay ngang ako’y iniibig Niya
Nawalay man S’ya ng saglit
Ng buhay ay makamit ko
O, Panginoon salamat sa Iyo
Hirap man ang daranasin ko
Magtatapat sa Iyo.

Tunay ka ngang dakila, puso ko’y inuunawa


Dahil sa kasalanan ko, nilinis ng Iyong dugo
Sa krus ay nalagot taglay na buhay N’ya
Doon Niya naihayag ang tunay N’yang habag.

*ulitin koro*
65

“SA PINTO NG PUSO”

Sa pinto ng puso naroon si Jesus


Kamay na may butas ang itinutuktok
Sa ‘di kawasa Nya’y aking pinapasok
At inanyayahang manirahang lubos.

Koro:

S’ya naman ay tumatawag din (sa


atin)
Sa iyong puso’y dinggin (ngayon din)
Siya ay pagbuksan at papasukin
Nang tayo’y pagpalain.

Sa bundok hinahanap ang sariling Kanya


Kahit nag-iisa naligaw na tupa
Siyam napu’t-siyam ay iniwan N’ya
Upang ang isa’y mapabalik Niya.

*ulitin koro*
66

“SAAN KA PAROROON”

Saan ka paroroon kaibigan ko


Hindi mo batid kung sa’n ka tutungo
Ang iyong pangarap ay kumikislap
Ngunit ‘di malasap.

Nauunawaan ko ang tangis mo


Si Jesus lang ang gabay sa buhay mo
Kaya’t abutin mo ang Kanyang kamay
At sa Kanya’y magpaakay.

Ang Panginoong Jesus lang ang daan


Siya ang buhay at katotohanan
Kaya’t abutin mo ang Kanyang kamay
At sa Kanya’y magpaakay.

Saan ka paroroon kaibigan ko


Hindi mo batid kung sa’n ka tutungo
Ang iyong pangarap ay kumikislap
Ngunit ‘di malasap
Kaya magpaakay kay Jesus.
67

“SALAMAT O, DIYOS”

Salamat O, Diyos sa pagsubok sa buhay ko


At ako ay lumalago at tumitibay
Salamat O, Diyos natutuhan kong magtiis
Kahirapan man o sakit hanggang masubok.

Koro:
Sa buhay kong ito’y tunay
Na ‘di ko kayang tiisin
Ang kailangan ko O, Diyos ay tulong Mo
Ang pagsubok ‘pag dumarating
Ang puso ko’y naninimdim
Pangako Mo O, Diyos ay nalilimutan.

Salamat O, Diyos sa tagumpay na dulot Mo


At isusuko sa Iyo lakas ko’t buhay
Salamat din sa paglipas nitong bagyo
Mukha Mo’y namamalas ko na walang
hanggan.

*ulitin koro*
68

“SALAMAT SA IYO”

Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Jesus
Ako’y inibig Mo
At inangking lubos.

Koro:
Ang tanging alay ko sa’yo aking Ama
Ay buong buhay ko puso’t kaluluwa
‘Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas at gintong sinukob
Ang tanging dalangin O, Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala nang iba pa akong
hinihiling.

‘Di ko akalain
Ako ay bibigyang pansin
Ang taong tulad ko’y
‘Di dapat mahalin.

Aking hinihintay
Ang ‘yong pagbabalik, Jesus
Ang makapiling Ka’y
Kagalakang lubos.

*ulitin koro*
69

“SALAMAT SA’YO”

O, Diyos nang malaman mo ang kahinaan ko


Ang mga pagkakamaling nagawa’y ‘di lingid
sa’Yo
Ako ay nalagay sa ‘di magandang
kinabukasan
Ngunit ‘di mo pinabayaang mawalay.

Koro:
Salamat sa’Yo, Panginoon ko
Binigyan Mo ng pag-asa ang pusong ito
O, kay saya muli ng buhay ko
Ang Ika’y maging matibay na kanlungan
ko.

Ngayon Ika’y laging aalalay


Magsisilbing liwanag sa ‘king paglalakbay
Nabuksan na ang aking damdamin
Na Ika’y purihin sa pamamagitan ng awitin.

*ulitin koro*
Narito ako, Panginoon
Nahahandang suklian ang pag-ibig Mo
Dumating man ang maraming kahirapan
Alam kong ‘di Mo ako iiwanan.

*ulitin koro*
70

“SALAMAT SA’YO PANGINOON”

Salamat sa ‘Yo, Panginoon


Salamat sa buhay ko ngayon
Kung hindi sa’Yo ay walang matatamo
Ang mga pagsusumikap ko.

Koro:
Kaya sa bawat sandali
Sa Iyo, ako’y magpupuri
Dahil sa Iyong kabutihan aking
nakamtan
Ang pangarap ko’y tagumpay.
Salamat sa’Yo Panginoon
Salamat sa buhay ko ngayon
At kailan man sa’Yo ay hindi
magbibitaw
Sa buhay ko’y Ikaw ang S’yang
tanglaw.

*ulitin lahat*
71

“SALITA”

Dahil sa Salita lahat ng bagay ay nalikha


Salita ng karunungan ng Diyos na
lumikha
Salitang nag-uugnay sa landas nang
kabanalan
Nagliliwanag Ka sa dilim ng sanlibutan.

Koro:
Salita Mo’y ilawan sa ’king mga paa
Liwanag sa ‘king landas, sa aking
paglalakbay
Tinatahak nito buhay na walang
hanggan
Sa piling ni Jesus, kailan pa man.

Nais kong maligtas sa makasalanang


mundong ito
Dapat na pag-aralan Salita ni Jesu-Cristo
Salitang nag-uugnay sa landas nang
kabanalan
Tinatahak nito buhay na walang
hanggan.

*ulitin koro*
72

“SI JESUS”

Kahit pilitin kong puso ko’y maging


matibay
Ang kabiguan ay dumarating sa aking
buhay
Kung ako’y naro’n na at nagdurusa
Ang aking gagawin tatawagan ko S’ya.

Koro:

Si Jesus, kung kaylan kailangan Siya


Palaging naro’n at karamay Siya
Si Jesus, kapag hindi ko na makaya
Sa Kanya lang ako aasa.

Maiiwasan bang ang iba’y hapdi ang


dulot
Ang kaibigan ay nagbibigay sama ng loob
Kung ako’y masaktan saan pupunta
Ang aking gagawin tatawagan ko Siya.

*ulitin koro*
Kay Jesus lang tayo umasa.
73

“SI JESUS ANG ATING ILAW”

Sa ating paglalakbay
Sa mundong madilim
Siya ang umakay
Sa ating mga landasin.

Koro:

Si Jesus ang ating ilaw


Siya ang tanging tanglaw. (2x)

Sa ating pagdurusa
Siya ang karamay
Nagbigay ng pag-asa
At liwanag sa ating buhay.

Sa madilim na karanasan
Nitong ating kasalanan
Siya ay namatay
Upang tayo’y maliwanagan.

Si Jesus ang ating ilaw


Siya ang tanging tanglaw
Si Jesus ang ating ilaw
Sa buhay mo at sa buhay ko
Si Jesus ang tanging tanglaw.
74

“SI JESUS ANG PAG-ASA”

Sa paglalakbay minsan ay kaylumbay


Sa mga pagsubok kayhirap managumpay
Ngunit dahil sa pag-ibig ni Cristo
Pag-asa’y matatamo.

Koro:

Si Jesus ang pag-asa


Sa pusong nagdurusa
‘Di ka N’ya iiwan kailan man
Magtiwala ka lang sa Kanya.

Kung ikaw ay labis na nasasaktan


Dahil sa kabiguan na iyong nararanasan
Ngunit dahil sa pag-ibig ni Cristo
Pag-asa’y matatamo.

*ulitin koro*
75

“SI JESUS AY DARATING”

Sandali na lang ang panahon ng ating


pagtitiis
Pagsubok dapat labanan hanggang sa
kamatayan.

Koro:

Si Jesus ay darating, tayo’y Kanyang


kukunin
Dadalhin sa langit na tahanan
Doo’y walang problema
Ano mang kahirapan, doon sa langit na
tahanan.

Mga kapatid, kaibigan nakita nyo’t nalaman


Ang mga palatandaan sa langit at sa lupa
man.

Tayo ma’y nasa huling araw, panahong


mapanganib
Marami ang tumatakbo ng paroo’t parito.

*ulitin koro*
76

"SI HESUS ANG TUNAY NA PAG-IBIG"

Ang pagmamahal ng ating Panginoon


Ay isang pag-ibig na ako'y nagkaroon
Palagi mang sinasaktan at kinakalimutan
Ngunit ang damdamin n'ya sa akin ay
laging nandoon

Koro

Si Hesus aking mahal ang tunay na pag-


ibig
Ang mga kamalian kanyang tinutuwid
Inaalagaan ako't sinasamahan
Sa bawat dagok ng buhay kong ito

Ilang beses nangako ako't nabigo


Ngunit pag-iintindi niya'y laging
natatamo
Paulit-ulit man akong lugmok sa mga
kasalanan
Ngunit habag sa akin ay lagi paring
natatanto

"ulitin koro"
77

“SIYA”

Buhay ko’y may kaguluhan


Ang landas walang patutunguhan
Kaibigan ano kaya ang kahahantungan
Ngunit salamat ako’y natagpuan
Binigyan N’ya ng kapayapaan
Tanging kay Jesus mayroong tagumpay.

Koro:
Siya ang aking patnubay
Siya ang aking gabay
Siya sa akin nagbibigay buhay
Si Jesus ang katotohanan
Si Jesus ang daan
Siya ang tanging Panginoon
Magpakailan pa man.

At ngayon sa aking buhay


Sa tuwina Siya’y nagbabantay
Ang pag-ibig Niya ay tunay at walang
kapantay
Hinding-hindi na ako mangangamba
Si Jesus ang laging kasama
S’ya ay akin at ako’y sa Kanya.

*ulitin koro*
78

“SIYA ANG NAGMAMAY-ARI SA’YO”

Kung sa mundo’y malungkot ang iyong


buhay
Dahil sa problema na iyong dinadala
Mayroon kang pag-asa, malalapitan
kaibigan.

Koro:

Siya ang nagmamay-ari sa’yo


Siya ang nagbibigay ng buhay mo
Siya ang kaligtasan sa ating suliranin
Problema mo’y Kanyang papawiin.

Sa bawat araw sa bawat sandal


Ngunit ipinadama pag-ibig ng Diyos
Ama.
Huwag kang mag-alinlangan
Na S’ya ay lapitan kaibigan.

*ulitin koro:
79

“SIYA’Y AKING MAMAHALIN”

Ako’y may tagapagligtas


Puspos ng awa’t habag
Sa mukha Nya’y mamamalas
Ang ngiting may paglingap
Sa puso ko’y namumugad
Iingatang may galak.

Koro:
Siya’y aking mamahalin
Lagi kong lilingapin
Pagka’t ng dahil sa akin
Buhay N’ya ay nakitil.

Bagama’t ako’y ‘di dapat


Siya ay laging tapat
Lagi lang nagpapatawad
‘Pag ako’y nagtatapat
‘Pag ako’y tumitiwalag
Tinatawag N’ya agad.

Langit ay Kanyang nilisan


Nang ako’y madamayan
Dinala ang aking pasan
Na mga kasalanan
Kaya’t ‘di ko malilimutan
Ang Kanyang pagmamahal.

*ulitin koro*
‘Pagkat nang dahil sa akin
Buhay N’ya ay nakitil.
80

“TAGUMPAY KAY JESUS”

O aking napakinggan, hinggil sa Tagapagligtas


Ang buhay Niya’y ibinigay, ako’y iniligtas
Napakinggan ang taghoy dahil sa dugong
dumaloy
Kaya’t dagliang nagsisi, tagumpay.

Koro:
O tagumpay kay Jesus, ligtas akong lubos
Hinanap, tinubos sa dugong nabuhos
Pag-ibig N’ya ay tunay, ngayon nasa ‘king
buhay
Kinamtan ko ay tagumpay, linis na dalisay.

O aking napakinggan, Kanyang kapangyarihan


Ang pilay ay nakalakad, nakakita ang bulag
At nang ako’y tumawag, “Pagalingin, pusong
bagbag”
Ang tagumpay ay nakamtan ko nang walang
bayad.

Akin ngang napakinggan, ang langit na tahanan


Mga daan gintong lantay, ‘di mapapantayan
Mga anghel may awit, kaligtasan yaring sambit
Balang araw ang tagumpay aawitin sa langit.

*ulitin koro*
81

“TANGING KANLUNGAN”

Langit ay lubhang maulap


Araw ay ‘di maaninag
Ang gabi ay walang bituin
Landas mo ay kay dilim
‘Di matanaw ang liwanag.

Kaibigan ko ikaw ba’y nag-iisa


Buhay mo’y puno ng pangamba
Dilim ay ‘di magtatagal
Liwanag ay muling daratal
H’wag mawawalan ng pag-asa.

Koro:
Liwanag ay muling sisikat sa landas mo
Mayro’ng bagong pag-asang naghihintay sa’yo
Pagsubok man ay dumating sa buhay mo
Si Jesus lang ang tanging kanlungan mo.

Ang landas ba ngayong nilalakbay


Kay kipot at tila ba walang hanggan
Pag-asa mo ay napapawi
Naging luha ang iyong ngiti
Kasawia’y iyong tinataglay.

Ngunit ngayon narito ang Kanyang kamay


Nakahandang sayo’y umagapay
Pasanin mo’y Kanyang babathin
Landas mo ay pagliliwanagin
Muli bagong umaga’y darating.

*ulitin koro*
82

“TUMINGIN KA SA LANGIT”

Bakit ka nalulumbay
At bakit ka nanlulupaypay
Ang lahat ay ‘di pa tapos
Para sayo’y may bukas pa.
Pasanin mong sariling krus
At susunod ka sa Kanya
Siya ang tanging buhay mo
Puso Niya’y para sa’yo.

Koro:

Tumingin ka sa langit
‘Pagkat nando’n ang pag-asa
Ang mga bagay sa lupa
Ay nagdudulot ng luha.
Tumingin ka sa langit
Pagdating Niya’y malapit na
Uulitin itong awit
Pagdating Niya’y malapit na.

Sa mundo’y sadyang ganyan


Marami kang kabiguan
Ngunit mananaig ka rin
Kung Siya ang iyong susundin.
Sarili ay ‘wag asahan
‘Pagkat walang magagawa.
Ang Kanyang awa’t biyaya
Ang siya mong kanlungan.

*ulitin koro*
83

“TUNAY KANG MATAPAT”

Tunay Kang matapat, D’yos nami’t Ama


‘Di nagbabago, ‘di nag-iiba
Mahapon, matanghali, maumaga
Sa buong panahon, matapat Ka.

Koro:

Tunay Kang matapat, tunay Kang


matapat
Araw-araw aking namamalas
Ang Iyong kabutihang walang kupas
Tunay Kang matapat, sa paglingap.

Tag-araw’t tag-ulan at tag-ani


Araw, buwa’t bituin sa gabi
Nag-aawitang lagi’t sum’saksi
Sa katapatan Mong anong laki.

Kapatawaran at kapayapaan
Mga pangako Mong umaakbay
Lakas ngayo’t pag-asang sumisilang
Ang lahat na ito’y Iyong bigay.

*ulitin koro*
84

“TUPANG LIGAW”

Malapit na namang lumubog ang araw


Dilim ng gabi’y darating na naman
Sa bawat paghimlay mo, isip mo’y
naglalakbay
Nakatanaw sa kawalan.

Koro:

Kayamanan at lahat ng kalayawan


Wala pala itong kabuluhan
Kung si Kristo ay wala pa sa iyong
buhay
Para kang isang tupang ligaw.

Lumipas na naman ang isang araw sa


buhay
Takbo ng buhay mo’y ‘di mo
namamalayan
Sa bawat sandaling darating at papanaw
Buhay mo’y tila parang kulang.

*ulitin koro*
85

“WALANG KABULUHAN”
(Ecclesiastes)

Walang kabuluhan (2x)


Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw
Kung nagawa mo ba ang lahat ng gusto mo
Ito’y walang kabuluhan
Kung ‘di rin lang langit ang tungo.

Koro:

O sayang (2x) ang mga bagay


Na ating pinaghirapan
Kung ito’y nagdadala sa’yo
Na malimutan si Jesu-Cristo.

Walang kabuluhan (2x)


Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw
Kung sayo’y karunungan at talino
Ngunit naging mangmang sa aral ni Cristo.

Walang kabuluhan (2x)


Ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng araw
Kung makamit mo man ang mga bagay sa mundo
Ngunit nalalayo na buhay ni Cristo.

*ulitin koro*
86

“YAKAP NG PAG-IBIG”

Diyos Ika’y naririto


At kahit na ako’y nagkamali
Ikaw ay hindi nagbabago.
Minsan ako’y naliligaw
Kapag landas Mo ay ‘di ko tinatanaw
Ay panglaw itong buhay.
Tulungan Mo akong manumbalik
At sayo’y laging kumapit.

Koro:
Diyos Ikaw ang s’yang kublihan ko
Ligtas ako sa piling Mo.
Kahit may bagyo’y nadarama
Ang init ng pag-ibig Mo.

Pagsubok ay dumarating
Ilang pagsubok bang kailangan
Upang aking mabalik.
Ika’y laging kasama ko
Anong mangyari man
Aking Diyos ako ay tulungan.

Koro2:

Na Ikaw ang s’yang kublihan ko


Ligtas ako sa piling Mo
Kahit may bagyo’y nadarama
Ang yakap ng pag-ibig Mo.

You might also like