Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Learners’ Activity
Sheets
Filipino 7
Quarter 3 – Week 1b
Tulang Panudyo at Tugmang de
Gulong
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Filipino – Grade 7
Learners’ Activity Sheets
Quarter 3 – Week 1b: Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for the
exploitation of such work for a profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their
respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
authors do not represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Learner’s Activity Sheet
Writer/s: Ma. Carolin Iris T. Cepida
Editor/s: Ma. Veronica Ivy T. Mitrofanous, Shielo B. Cabahug, Rosemarie Q. Boquil, Charlene
Mae A. SIlvosa
Illustrator:
Layout Artists: Lester John G. Villanueva
Lay-out Reviewer: Blessy Suroy-Suroy
Management Team: Minerva T. Albis, Ph.D.
Lorna P. Gayol
Erwin G. Juntilla
Normie e. Teola
Narciso C. Oliveros
Ma. Medy A. Castromayor
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545 Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Learners’ Activity
Sheets
Filipino 7
Quarter 3 – Week 1b
Tulang Panudyo at Tugmang de
Gulong
D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur
LEARNERS’ ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 7
depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545
Quarter 3, Week 1b
Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksiyon:_________
Guro: _____________________________________ Petsa: ___________________
Paaralan: __________________________________ Iskor:____________________
I. Pamagat: Tugmang Panudyo at Tugmang de Gulong
II. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Naihahambing ang mga katangian ng tula/zwiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan. (F7PB-IIIa-c-14)
a. Naihahanay ang mga katangian ng palaisipan at bugtong at nasusuri ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito.
III. Tagubilin:
Ang gawaing pagkatutong ito ay nakatuon sa paghahambing ang mga
katangian ng tula/zwiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Ang mga nasa
ibaba ay mga gawaing makakatulong upang higit na mapaunlad ang kaalaman at
kasanayan ninyo kaugnayan sa nasabing paksa. Basahin ang mga panuto sa bawat
gawain at sagutan ang mga ito.
IV. Mga Pagsasanay
Gawain 1. Paalala sa Umaga!
Panuto: Basahin ang mga paalalang nasa ibaba at isaayos ang sinalungguhitang
letra upang mabuo ang kulang na salita. Isulat ang iyong sagut sa sagutang
papel.
1. Barya lang po sa umaga 2. Magbayad muna
sa n a h p o pwede na. bago m b a b u a
3. Ang ‘di magbayad walang problema. 4. Huwag kalimutang pumara
sa r a k m a palang ay bayad ka na. nang makauwi sa l i p a a m y
5. Ang sitsit sa aso ang katok ay sa pinto
sambitin ang a p r a ang dyip ay huminto.
Gawain 2. Unawain Natin!
A. Panuto: Basahin at unawain ang akda. Pagkatapos sagutan nang buong husay at
talino ang mga kasunod na katanungan.
Ang Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong
Ang Tugmang De Gulong ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na
maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at
traysikel. Maaari itong nasa anyo ng salawikain, maikling tula o kasabihan.
HALIMBAWA:
Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
Ms. na sexy, kung gusto mo'y libre sa drayber ka tumabi.
Ang 'di magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana
Ang Tulang Panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay
may sukat at tugma. Ang layunin nito ay mambuska o manudyo. Nagpapakilala ito
na ang ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.
HALIMBAWA:
Bata batuta! Isang perang muta!
May dumi sa ulo, Ikakasal sa Linggo Inalis, inalis, Ikakasal sa Lunes.
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na
may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag
ding palaisipanang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o
enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag
sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at
maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum),
mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
HALIMBAWA:
Isang butil ng palay, Sakop ang buong bahay. Sagot: Ilaw
Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko. Sagot: Uling
Sa buhatan ay, ay silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: Basket
Ang Palaisipan ay isang suliranin uri ng bugtong na sinusubok ang
katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para
mabuo ang solusyon. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, nunit maaari
din namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.
HALIMBAWA:
1. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang
bola nang ‘di man lang nagagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero
2. Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay Amerikano, at
ang kanyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansag na Prinsiya,
nang siya ay lumaki ay nakapangasawa siya ng Haponesa at doon
nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan siya ay inabot sa Saudi.
Tanong: Ano ang tawag kay Pedro?
Sagot: Bangkay
B. Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba batay sa iyong naunawaan sa
Tugmang Panudyo at Tugmang De Gulong. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.
1. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tugmaang de gulong sa tulang
panudyo.
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bugtong sa palaisipan.
3. Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang mga akdang pampanitikan na
tulad nito?
4. Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao, maging sa
kalagayang panlipunan ng tao ang nilalaman ng tugmaang de gulong, tulang
panudyo, palaisipan at bugtong?
5.Masasabi mo bang may likas na talino ang ating mga ninuno batay sa mga anyong
ito ng panitikan? Paano mo ito napatunayan?
Gawain 3: Tukuyin Natin!
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay (A) Tugmang De Gulong, (B)
Tugmang Panudyo, (C) Bugtong, (D) Palaisipan. Isulat lamang ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Mga pare, 2. Si Maria kong Dende
Please lang kayo’y tumabi. nagtinda sa gabi
Pagkat dala ko’y Nang hindi mabili
Sandatang walang kinikilala; Umupo sa tabi.
ang aking manibela.
3. Anong meron sa aso na meron din sa 4. Dalawang magkaibigan laging
pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa nag-uunahan
manok na dalawa sa buwaya, at
kabayo na tatlo sa palaka?
_______5. Kulasising berde dumapo sa
pili Humuning malumbay makawili-wili,
Kung mawili man hindi tagarine Siyempre
uuwi, Siyempre uuwi Sa bayang sarili
Gawain 4: I-post Mo!
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na may kaugnayan sa ating paksa at isulat ang
iyong sariling halimbawa ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong at
Palaisipan. Ibatay ang iyong likha sa pamantayan na nasa ibaba.
Isa kang pintor. Napansin mong madalas na hindi nagkakaintindihan ang
mga pasahero at drayber sa inyong lugar. Naisip mong bumuo ng tugmang de
gulang na ipapaskil sa mga traysikel. Itataya ito baray sa sumusunod na
pamantayan:
a.) Nilalaman
1.) Malinaw ang mensahe ……………………….. 3 puntos
2.) May orihinalidad ……………………………….. 3 puntos
b.) Pagiging Masining
1.) Malikhain ang presentasyon……….…………. 3 puntos
2.) May hikayat sa media……..…………………… 3 puntos
3.) Angkop ang mga salitang ginamit…….………. 3 puntos
4.) Angkop na larawan …………………………….. 5 puntos
KABUUAN 20 puntos
V. Pangwakas na Gawain/Repleksyon
Panuto: Magbigay ng hinuha tungkol sa Mga Pokus na Tanong para sa aralin.
Gamitin ang Linear Chart. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Paano makatutulong ang tulang
panudyo at tugmang de gulong sa
pagkakaroon ng kamalayang
panlipunan (Social Awareness) para sa
kabutihan
Sanggunian
a. Aklat
Api-it, Marilyn S. et.al. Panitikang Rehiyunal sa Filipino 7
b. Internet
https://www/slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmang-de-gulong-tulang-
panudyobugtongpalaisipan
https://www.youtube.com/channel/UCucm
Learners’ Activity Sheet in Filipino 7
Quarter 3, Week 1b
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1:
1. hapon
2. bumaba
3. karma
4. pamilya
5. para
Gawain 2:
1. Ang tugmang de gulong at tulang panudyo ay pawang magkaparehong panitikang
Pilipino at kadalasang ginagamit ng masa o nakikita at naririnig sa araw-araw. Subalit,
nagkakaiba ang dalawang ito sa paraan nang kanilang pagkakayari. Ang tugmang de
gulong ay tugma na walang kaakibat na sukat at tugma na mamamalas sa tulang
panudyo.
2. Ang bugtong at palaisipan ay parehas lamang na sumusubok ng isip at talino ng
mambabasa, ngunit ang bugtong ay may talinghaga o metapora na ginagamit sa
paglalarawan ng isang bagay habang ang palaisipan ay binabalangkas sa anyong tuluyan
na maaring masagot kaagad gamit ang talas ng utak.
3. upang mas maganda at maayos ang isang paggawa
4. Ang kaalamang bayan ay mga panitikan na siyang sumasalamin sa kultura o uri ng
lipunan mayroon ang isang bansa o ang isang partikular na lugar o grupo ng mga tao.
Nasasalamin dito ang pagkamasayahin at ang pagka-mapang-asar ng mga tao.
5. Oo dahil tayo ay may ibat ibang katangian tulad ng pagguhit, pagsulat at iba pa.
Gawain 3:
1. A 2. B 3. D 4. C 5. A
Gawain 4:
Bata batuta
Samperang muta
Tutubi, tutubi