Tula Noong 1960's

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panglan: Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 1/20/22


BSED 2-B

ALAY SA LAHI
ni Ruben Vega

Hinamak mang buhay sa sirang Bandila


sa nagisnang lupa’y
Maitatagdan din sa pagkadakila:

Ang punit na puri’y puri rin sa wila


sa paniniwalang
Ang kabayaniha’y walang pagkasira,

Kung nagdarahop man ang sariling lilim


sa mithing magiting
Ako’y dumiripang kahoy sa dalangin:

Ang munting anino’y aking pipiliting


magsilbing panabing
Kahit sa sansulok ng Bayan kong giliw.

Kung ako’y humuhong alabok na lamang


sa gulong na araw
At hapong gunitang nagsabulalakaw

Ay! Alalahaning minsa’y may nabuhay


sa diwa at kulay
Na nagmamalaking Pilipinong tunay!
PAGSUSURI:

Ang isa sa mga tulang naisulat noong taong 1960’s ay ang akda ni Ruben

Vega ang “Alay sa Lahi”. Ito ay tungkol sa pagkilala sa kabayahinan ng mga

Pilipinong dumanas ng paghihirap nang sa gayon ay makamit natin ang kalayaan

at ipinapaalala ng tula na huwag nating kalilimutan ang kanilang mga

pinaghirapan.

Kung susuriin ang paraan ng pagkakatugma, ito ay pangkaraniwang

tugmaan lamang at ang pantig ay may bilang na labindalawa at aanimin. Ang

mga piniling salita upang mabuo ang piyesa ay matatalinhaga, gayunpaman,

mababakas sa tono ng tula ang matinding emosyong nais iparating sa

mambabasa.

Sa kasalukuyan, ang talinhaga, mensahe, at nag-uumapaw na emosyon

sa isang tula na sinusulat ng isang makata ay unti-unti nang nawawala.

Karamihan sa mga tulang likha ng mga Pilipino nagyon ay nagiging mababaw

ang mensahe dahil madalas na ang paksa ay walang malalim na

pinanghuhugutan o maaaring ang pagkabuo ng tula ay batay lamang sa

kagustuhan ng manunulat. Akin ding napansin na naghahanap na lamang ng

mga salita na bubuo sa tugmaan kahit na wala ng kinalaman sa paksa kung kaya

nagiging mababaw na ang emosyong dapat maramdaman sa tula.

You might also like