100% found this document useful (1 vote)
3K views147 pages

RD Elc Key Stage 3 Module Final

Uploaded by

karen chan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
3K views147 pages

RD Elc Key Stage 3 Module Final

Uploaded by

karen chan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 147

i

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Region 02 Development: Empowering Learners’ Character (RD ELC)
(Key Stage 3)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval
of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for
profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum and
Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement of supplementary
work are permitted provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD., CESO V
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD., CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD

Development Team
Writers: Herminia Alicia N. Gecha (SDO Batanes), Ma. Bernadine B. Ramirez (SDO Cagayan),
Leovie P. Nucom (SDO Cauayan City), Angelie C. Llamelo (SDO Ilagan City),
Mary Joy F. Navarro (SDO Ilagan City), Lovely V. Vicarme (SDO Isabela),
Elve V. Banaga (SDO NuevaVizcaya), Maricon M. Sevilla (SDO Quirino),
Melba L. Badilla (SDO Santiago City), Margot S. Ferrer (SDO Tuguegarao City),
Elycen Z. Caranguian (SDO Tuguegarao City), Ailene T. Amandy (SDO Tuguegarao City)

Layout Artist & Illustrator: Gilson F. Mercado (SDO Quirino)

Content & Language Editors: Delia D. Blacer-EPS (SDO Batanes), Noemi C. Soliven-EPS (SDO Cagayan)
Joel V. Valdez-EPS (SDO Cauayan City), Eva O. Dela Cruz-EPS (SDO Ilagan City),
Danilo A. Rarama-EPS (SD0 Isabela), Rayda Joy C. Calansi-EPS (SDO N. Vizcaya)
Julius Aaron M. Rueda-EPS (SDO Quirino), Estelito C. Balatan-EPS (SDO Santiago
City), Emma Louisa O. Javier – EPS (SDO Tuguegarao City)

Regional Quality Assurance Team: Noemi C. Soliven, PhD. (SDO Cagayan),


Marilou D. Desiderio (SDO Tuguegarao City), Helen Grace J. Tabor (SDO Nueva Vizcaya)

Focal Persons: Richard O. Ponhagban, EPS CLMD, Isagani R. Duruin, EPS CLMD
Rizalino G. Caronan EPS-LRMDS, CLMD

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

ii
Rasyonale
Ang tagumpay sa pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) ay konektado sa
kakayahan ng mga mag-aaral para maisakatuparan ang mga pagpapahalagang natutunan mula
sa apat na sulok ng silid-aralan at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay matatamo lamang
sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng angkop na pagtuturo na kung saan bumabalot sa tibay ng
pag-uugali ng mga mag-aaral sa kanyang komunidad at bansang kinabibilangan.
Gayunman, ang pagtuturo ay magiging matagumpay kapag ang pagsasagawa ng
programa ay mula sa mga namamahala sa taas, pababa sa paaralan; at magkaisa para sa isang
mithiin na magkasangga sa pagtatrabaho at pagsasama-sama ng wastong mga pagpapahalagang
Pilipino na nakatutok sa mga mag-aaral na maging MAKADIYOS, MAKAKALIKASAN,
MAKATAO, at MAKABANSA.
Ang Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon DOS sa tulong ng Curriculum and Learning
Management Division (CLMD) ay binuo ang proyektong binansagan bilang RD ELC na ang
ibig sabihin ay Region 02 Development: Empowering Learners’ Character. Ito ay alinsunod sa
Republic Act No. 10533 na mas kilala sa tawag na Enhanced Basic Education Act of 2013 na
naglalayong palakasin ang mga mag-aaral na maging produktibo at responsableng
mamamayang taglay ang mga pangunahing kakayahan at kasanayan para sa panghabambuhay
na karunungan at trabaho.
Samantala, kinikilala kung gaano kahirap tiyakin ang kabuuan ng edukasyon sa mga
mag-aaral. Karagdagan nito, mas mahalaga na panatilihin ang mga pagpapahalaga at
patnubayan ang bawat mag-aaral na maging mapagmahal, tapat at may tamang pag-uugali. Sa
Rehiyon Dos, napananatili ng mga tagapagpatupad ang pagtutulungan bilang isang pangkat o
grupo at sinisiguro na ang bawat mag-aaral ay maranasan at maramdaman ito nang pisikal,
emosyonal, ispirituwal sa isang tahimik at ligtas na kapaligiran. Ito ang nag-udyok upang
isagawa ang proyektong ito.
Ang Kagawaran ng Edukasyon (Central Office), minsang pinaalalahanan ang mga
tagapagpatupad na habang hinuhubog sa mga mag-aaral ang kaalaman at kasanayan; kaakibat
o kasama nito na mahubog sila bilang isang mabuti at mabait na mag-aaral. Sa henerasyon
ngayon, ang bawat indibidwal ay dapat lumaking may pantay o balanseng isip at puso. Habang
nakatuon tayo sa paghubog sa pag-uugali ng mga mag-aaral, natututunan din nilang magkaroon
ng malaking puso. Magagawa nating pagpantayin ang kanilang puso’t isipan. Kaya, habang
hinuhubog ang mga mag-aaral na maging mapanuri, inaasahan din silang maging mapagmahal
na tao.
Ang kawili-wili nito, ang pangarap na ito ay ang nag-udyok sa Rehiyon Dos upang
hubugin ang mga puso ng mga mag-aaral na maging maging masigasig tungo sa kaunlaran.
Ang modyul na ito ay inaasahang mabigyan ang mga guro sa EsP nang nararapat na
instruksiyon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pagpapahalagang Pilipino at
magpakilos sa lahat ng mga mag-aaral sa rehiyon dos para sa paghubog ng bansang
kinabibilangan sa pamamagitan ng praktikal na pagsasanay sa mga pagpapahalagang etikal sa
pang-araw-araw na buhay bilang mga mamamayan at gisingin sila sa pamamagitan nito at
maging uliran sa pagtamo ng indibidwal at pambansang tunguhin o layunin.

iii

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Talaan ng Nilalaman

Paksa Pahina

Rasyonale iii

Talaan ng Nilalaman iv

Mga Pagpapahalagang Etikal v

Pagkamatatag (Resiliency) Para sa Buwan ng Enero 1

Pagmamahal (Love) Para sa Buwan ng Pebrero 21

Pag-asa (Hope) Para sa Buwan Marso 33

Pagpapatawad (Forgiveness) Para sa Buwan ng Abril 42

Pagkakawanggawa (Charity) Para sa Buwan Mayo 51

Pagpapahalaga sa Sarili (Self-Esteem) Para sa Buwan ng Hunyo 60

Kalinisan (Cleanliness) Para sa Buwan ng Hulyo 73

Pagkakaisa (Unity) Para sa Buwan ng Agosto 87

Pagmamalasakit (Emphaty) Para sa Buwan ng Setyembre 101

Pagkamagalang (Respect) Para sa Buwan ng Oktubre 111

Pagkamatapat (Honesty) Para sa Buwan ng Nobyembre 120

Pagkamasunurin (Obedience) Para sa Buwan ng Disyembre 128

iv

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MGA PAGPAPAHALAGANG ETIKAL
(EsP 7-10)

BUWAN PAGPAPAHALAGANG DESKRIPSIYON


ETIKAL
Enero Pagkamatatag Naiaangkop ang sarili sa oras ng
(Resiliency) pangangailangan at nakapaghahanda sa
kalamidad.
Pebrero Pagmamahal Naipaparamdam ang pagmamahal sa
(Love) Diyos, kapwa at lahat ng kanyang nilikha.

Marso Pag-asa Naipakikita ang kahalagahan ng


(Hope) pagbibigay pag-asa sa iba.

Abril Pagpapatawad Paglimot at pagpapatawad sa kamalian ng


(Forgiveness) kapwa.

Mayo Pagkakawanggawa Nakatutulong sa mga nangangailangan.


(Charity)

Hunyo Pagpapahalaga sa Sarili Naipamamalas ang angking kakayahan ng


(Self-Esteem) may tiwala sa sarili at walang sinasaktan.

Hulyo Kalinisan Napapangalagaan ang kalusugan sa


(Cleanliness) pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran.

Agosto Pagkakaisa Pagkakabuklod-buklod at pagsasama-


(Unity) sama ng pamilya sa oras ng pagkain,
pagdarasal, pamamasyal at iba pa.

Setyembre Pagmamalasakit Pagdama sa damdamin ng iba at


(Empathy) pakikibahagi sa kanilang nararamdaman.

Oktubre Pagkamagalang Pantay-pantay na pagtingin at


(Respect) pakikisalamuha sa iba.

Nobyembre Pagkamatapat Nagsasabi ang katotohanan sa mga


(Honesty) magulang at sa kapwa.

Disyembre Pagkamasunurin Nasusunod at naisasagawa ang utos ng


(Obedience) Diyos, magulang at kapwa.

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAMATATAG (RESILIENCY)
para sa Buwan ng Enero

HERMINIA ALICIA N. GECHA


May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator
1

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAMATATAG
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha na ang banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay
mapagtatagumpayan sa tulong ng pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya
at paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro nito. (EsP8IP – IVh – 16.3)
2. Naisasagawa ang mga angkop at kongkretong hakbang sa pagiging handa sa mga
epekto ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino. (EsP8IP – Ivh – 16.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkamatatag
Mga Kagamitan:
ICT Resources, Manila Papers, Marker, Cartolina, Coloring Materials,
Camera/Cellphone, Ballpen, Pencil
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA
(30 minuto)

Panuto: Tunghayan ang mga larawan. Ano ang iyong nararamdaman?

(Sources: https://news.abs-cbn.com)

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng strong family ties – ang
pagkakaroon ng malakas na buklod ng pamilya na nagsasama at pinapahalagahan ang
bawat isa sa hirap at ginhawa. Ang mga kamag-anak ay patuloy na sinusuportahan at
tinutulungan. Minsan pa, ang ilang pamilya na ay nagkakasamang namumuhay sa
iisang bubong at nagkakaroon na ng tinatawag na extended family rito. Ayaw kasi
nating magkakahiwalay at magkakalayo, nais na laging buo at nagkakasama ang lahat
ng miyembro ng pamilya. Ngunit sa panahon ngayon, nagbago na ang pananaw na
ito, marami ng pamilya ang hindi buo dahil kinakailangang umalis upang
makapaghanapbuhay na nagdudulot ng pansamantalang pagkakahiwalay na kung
minsan ay nauuwi rin sa pagkasira at pagkakawatak-watak na ng pamilya dahil sa mga
hindi inaasahang mga pangyayari.
Nakaaantig ng damdamin ang mga eksenang tulad ng nakikita sa mga larawan.
Noong wala pa ang pandemya sa ating bansa, halos araw-araw makikita natin ang
ganitong mga eksena o senaryo sa ating mga paliparang lokal o pang-internasyonal
man. Ama ng tahanan, ina ng tahanan, si ate o si kuya o kaya’y mag-asawa na iniiwan
ang mga anak, o mga mahal sa buhay sa Pilipinas upang makapagtrabaho sa ibang
bansa. Ang layunin nila sa pag-alis ay makapagdulot ng mas maginhawa at
magandang buhay para sa mga kapamilya.
Ang pag-alis o paglabas ng tao sa sariling bayan patungo sa ibang lugar o
bansa ay tinatawag na migrasyon. May positibo at negatibong epekto ito na
nagdudulot ng banta sa pamilyang Pilipino.
Tutulungan ka ng araling ito na malinang ang iyong kaalaman at kakayahan
upang:
a. mahinuha na ang banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay
mapapagtatagumpayan sa tulong ng pagpapatatag ng pagmamahalan sa
pamilya at paghubog sa pagkatao ng bawat miyembro nito,
b. maisagawa ang mga angkop at konkretong hakbang sa pagiging handa sa mga
epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.

ALAMIN NATIN
(30 minuto)

Alam mo ba na…
Isa ang bansang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming Overseas Filipino
Workers na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Sa tala ng Philippine Statistics Office,
noon lamang Abril hanggang Setyembre 2016, tinatayang 2.2 milyong Pilipino ang umalis ng
bansa upang magtrabaho at mahigit sa kalahati ng bilang na ito ay mga babae. Ang milyon-
milyong Pilipino na ito ay umalis ng bansa sa paniniwala na ito ay makabubuti para sa kanilang
iniwanang pamilya.
Ano mga ba ang migrasyon?
Ito ay ang pag-alis ng tao sa isang lugar at paglipat sa panibagong lugar. Intensiyon ng
migrante na manirahan nang mahabang panahon kundi man pirmihan sa piniling bagong lugar.

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Dalawang Uri ng Migrasyon
Una ay ang Panloob na Migrasyon – ito ay migrasyon na nangyayari lamang sa loob
ng bansa kung saan magmula ang migrante sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa
ibang pook.
Ikalawa ay ang Panlabas na Migrasyon – ito ay ang paglipat ng mga tao sa ibang
bansa upang doon manirahan o kaya’y magtrabaho. Ang isang Pilipinong naninirahan sa labas
ng Pilipinas ay tinatawag na Overseas Filipino at ang isang Pilipino naman na nasa ibang bansa
upang maghanapbuhay ay tinatawag na Overseas Filipino Worker o OFW. Ang mga OFW ay
bumabalik sa ating bansa pagkatapos ng kanilang kontratang magtrabaho sa ibang bansa.
Malaki ang bilang ng migrasyon ng mga kababayan nating OFW.
Ang uri at dahilan ng migrasyon ng tao.
Marami at iba-iba ang mga dahilan ng migrasyon ng tao, at may apat na uri ito. Ang uri
ng migrasyon ay maaaring magpaliwanag ng dahilan ng migrasyon.
Migrasyong pang-ekonomiko – paglabas ng bansa upang magtrabaho ayon sa kursong natapos.
Halimbawa nito ay ang mga Pilipinong nars na nagtatrabaho sa mga ospital sa ibang bansa.
Migrasyong sosyal o panlipunan – pag-alis sa sariling bansa upang manirahan sa ibang bansa
kung saan may higit na pagkakataon na mapabilis ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
Migrasyong politikal – ay sapilitang pag-alis ng migrante sa bansa upang makaligtas sa pag-
uusig politikal ng pamahalaan at upang mailigtas nila ang kanilang buhay sa panahon ng giyera.
Migrasyong environmental o pangkapaligiran – pag-alis sa isang lugar dahil sa mga
kapahamakang dulot ng kalikasan. Halimbawa ay ang mga kababayan nating mga taga
Tacloban na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 ang lumipat sa
ibang lugar upang doon na manirahan. Ang pagtakas ng mga tao upang mailigtas ang buhay sa
labanan ay itinuturing rin na migrasyong pangkapaligiran.

Mabubuting Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino

1. Higit na matatag ang kinikitang pera ng OFW upang matustusan


ang mga pangunahing pangangailangan ng naiwang pamilya.

2. Natutustusan ang pagkain o nutrisyon ng mga kapamilya.

3. Bumubuti ang kondisyon ng tirahan ng pamilya dahil


nakapagpapatayo sila ng kanilang matibay at permanenteng tahanan o
kaya’y regular nang nakababayad ng upa ng nirerentahang bahay.

4. Natutustusan ang gastos sa pag-aaral ng mga anak sa mga


piniling paaralan at nabibili ang mga pangangailangan ng mga
anak sa pag-aaral tulad ng mga cellphone, computer at laptop at
wifi para sa internet sa pananaliksik at mga proyekto.

5. Nakalalabas ng bansa ang kapamilya upang dalawin ang


magulang o kapamilyang OFW na nakapagpapalawak ng kanilang
kaalaman sa kultura ng bansa kung saan naghahapbuhay ang
kapamilya.

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


6. Nakapag-iipon ang mapag-impok na kapamilya para sa
maaaring maging pangangailangan nila sa hinaharap.

7. Ang mga may malikhaing pag-iisip ay nakapagsisimula ng


mga negosyo na kailangan sa kanilang lugar. Dahil dito,
nakatutulong ang pamilya na mapabilis na makaipon upang
matupad ang kanilang mga pangarap sa pamilya at mapabibilis
ang pag-uwi ng kapamilyang OFW.

8. Natutulungan ng OFW ang kapamilya na makapaghanapbuhay


din sa bansang pinagtatrabahuhan. Dahil dito, lumalawak ang
pag-unlad ng pamilyang Pilipino.

9. Tumitibay ang determinasyon ng kapamilyang Pilipino na


maging matatag at lakasan ang loob sa mga sakripisyo na
kapuwa nararanasan ng OFW at naiwang pamilya na magkaisa
sa pagpapanatiling buo ng kanilang pamilya.

10. Lumalakas ang pagpapahalaga ng pasasalamat at pagsisikap


na tumbasan ang pagsasakripisyo ng kapamilyang OFW na
nagtitiis na mawalay upang kumita at mapabuti ang kalagayan
ng kanilang pamilya.

11. Tumitibay ang pagkilala sa Diyos na Siyang pinagmumulan


ng lahat ng mga biyayang tinatamasa ng pamilya. Mula sa
pananampalatayang espirituwal, nagiging higit na
mapagkumbaba ang pamilya ng OFW.

Masasamang Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino


Hindi lahat ng bunga ng migrasyon ay mabubuti at kapaki-pakinabang. Kaalinsabay ng
mga materyal na benepisyo ay mga masasama at di kanais-nais na mga pangyayari na
kadalasan ay may mga permanenteng pagkasira sa mga pagpapahalagang pampamilya. Ang
mga nakalulungkot na masamang epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay ang mga
sumusunod:

1. Nagkakawatak-watak ang dating buong pamilya. Karaniwan na isa sa mga magulang


ang napipilitang mangibang-bayan upang maghanapbuhay. Kung kulang o hindi wasto
ang paggabay sa mga anak ng naiwang magulang, maaaring mapariwara ang mga anak
dahil sa lungkot na dala ng pagkakawalay ng naghahanap-buhay na magulang.

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


2. Ang kamag-anak, yaya, o kasambahay na pinagkatiwalaan na mag-aruga at magbigay
ng kalinga sa mga naiwang anak ng OFW ay hindi makaya ang wastong pagdidisiplina
sa mga naiwang anak. Nagbubunga ito ng hindi magagandang kaasalan ng mga anak sa
kanilang mga magulang at kapamilya. Nagkakaroon ng puwang o gap sa pagitan ng
mga magulang at mga anak na lumalaki dahil sa pagkakahiwalay ng kanilang pamilya.

3. Nagkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa paghahanapbuhay sa ibang lugar. Dahil sa


labis na kalungkutan at paghahanap ng kalinga ng nawalay na asawa, ang isa sa mag-
asawa ay maaaring magtaksil sa kaniyang kabiyak. Ang pakikiapid o pakikisama sa di
nila asawa ay nagiging sanhi ng permanenteng pagkasira ng dati ay masayang
pagsasama. May mga pangyayari na ang mag-asawa na kapuwa OFW ay parehong
nagtataksil sa isa’t isa at bumubuo ng kanilang ibang sari-sariling pamilya sa bansang
pinagtatrabahuhan.

4. Ang incest o ang pag-abusong sekswal ng magulang sa sariling anak na babae o lalaki
ay nangyayari kung ang asawa ay naghahanapbuhay sa ibang bansa. Ang pagkasira ng
puri ng anak at ang permanenteng epekto ng incest ay dinadala niya habambuhay.

5. Pagkalulong sa masasamang bisyo, pakikipag-ugnayang sekswal bago ikasal,


pagbubuntis o pag-aasawa nang hindi pa handa.

6. May mga OFW na nagkakaroon ng malulubhang sakit na dulot ng di maayos na


kondisyon sa lugar ng pinagtatrabahuhan, kakulangan ng masustansiyang pagkain, di
maayos na tirahan, at sobrang init o lamig ng klima sa lugar ng pinagtatrabahuhan.
Pagkabulag, pagkabingi, pagiging imbalido mula sa aksidenteng tinamo sa trabaho o
seryosong atake sa puso o utak ay ilan sa mga sakit na nagdudulot ng pagkakatanggal
sa trabaho at nagiging dagdag pasanin ng pamilya.

7. Ang maling paggastos sa pinaghirapang remittance ng naiwang asawa at pamilya ay


nagpapanatili sa pagdarahop ng OFW at ng kaniyang kapamilya. Ito ay maaaring dulot
ng pagbabago at naging maluho ang naging paraan ng pamumuhay o lifestyle ng
pamilya ng OFW.

8. Ang pagpapautang sa ibang tao ng perang pinaghirapan ng OFW ay nakaaapekto rin sa


pamilyang Pilipino. Kadalasan kasi ang utang na ito ay hindi na nababayaran at
maaaring pagsimulan ng di pagkakaunawaan. Nawawala kasi ang perang inilalaan para
sa kabutihan at pangangailangan ng pamilya.

Ano-ano ang magagawa upang maging handa sa mga epekto ng migrasyon sa


pamilyang Pilipino?

1. Palakasin ang pagmamahalan at pagkakaisa bilang isang pamilya. Isaisip, isapuso, at


isakilos ang pagpapakita ng pagmamahal sa magulang o kapamilya na OFW. Sapagkat
labis silang nalulungkot dahil sa pagkakahiwalay sa inyong pamilya.

2. Panatilihing bukas, masaya at may paggalang ang komunikasyon sa kapamilyang


OFW. Iwasan ang palagiang paghingi ng pera o mga kagamitan ang maging paksa sa
6

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


pakikipag-usap sa mga magulang o kapamilyang nagsasakripisyo sa ibang bansa.
Kumustahin sila nang may katapatan at paalalahanan na laging mag-iingat sa araw-
araw.
Iwasan ang pagbabago sa istilo ng pamumuhay dahil sa may inaasahang regular
na remittance. Manatiling simple, maging matalino sa paghingi at paggamit ng pera
mula sa mga magulang. Alalahaning lubhang pinaghirapan ng magulang o kapamilya
ang bawat sentimong ipinadadala nila.

3. Ipunin ang perang natatanggap mula sa kapamilyang OFW. Magbukas ng bank account
upang maging ligtas at upang kumita ng interest ang perang naiipon. Masarap ang
pakiramdam na makitang ligtas at lumalago ang perang pinaghirapang kitain ng
kapamilyang OFW.

4. Iwasan ang mga luho sa mga gamit para lamang makapagyabang at hangaan ng mga
kamag-anak, kabarkada, o mga kaibigan. Humingi lamang ng perang pinaghihirapan
ng mga magulang o kapamilyang kitain para sa tunay na pangangailangan.

5. Bilang isang anak, itutok ang sarili sa pag-aaral. Isa sa mga pangunahing dahilan ng
pangingibang-bansa ng mga OFW ay para mabigyan ng pinakamabuting edukasyon
ang mga anak. Sila ay naniniwala na ang edukasyon ay mabisang pundasyon ng
mabuting buhay sa hinaharap para sa kanilang mga anak. Malakas na dagok sa kanila
kapag di nakapagtatapos sa pag-aaral at napapariwara ang kanilang mga anak habang
sila’y patuloy na nagsasakripisyo at nagtitiis sa ibang bansa.

6. Maging madisiplina at maingat sa pakikipagkaibigan o pakikipagbarkada upang


maiwasan ang mga taong nagiging sanhi ng iyong kapahamakan o pagkapariwara tulad
ng maagang pagbubuntis, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

7. Higit sa lahat, panatilihin at palakasin ang pananampalataya sa Diyos. Ipagdasal ang


isa’t isa araw-araw. Hingin sa Diyos na gabayan ang pamilya sa pagdedesisyon at mga
pagkilos para sa kabutihan ng pamilya.

Ano-ano ang mga pagpapahalaga na magpapatatag sa paghubog ng pagkatao ng


isang OFW at bawat miyembro ng kaniyang pamilya.

1. Pagmamahalan at pagmamalasakit sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya.


2. Simpleng paraan ng pamumuhay.
3. Kababaang-loob (humility)
4. Katapatan ng Mag-asawa (Conjugal Fidelity) – Dapat panindigan ng mag-asawa ang
kanilang sumpa na manatiling mag-asawa habambuhay kahit nasa malayo ang kabiyak
na OFW.
5. Pagiging mapanuri sa mga balak ng kamag-anak, kaibigan at kapuwa lalo na kapag nais
mangutang sa perang pinaghirapan ng kapamilyang OFW.
6. Pagiging matalino sa balak na gamitin ang naipong pera sa negosyo at iba pang uri ng
investment.
7. Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya o paniniwala sa pag-asa.
Maraming banta at mga suliraning dulot ng migrasyon sa pamilyang Pilipino, ito ay
mga hamon na mapagtatagumpayan ng pamilyang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay
7

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


ng mga pagpapahalagang inilahad sa itaas, mapatatatag at mapalalakas ang pagkatao ng bawat
miyembro ng pamilya ng OFW. Ang malakas at matibay na pananampalataya sa Diyos at
matibay na pagmamahalan sa isa’t isa ang magpapanatili na maging buo at matagumpay ang
pamilya ng migranteng Pilipino.
(Source: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Baitang 8, pp. 279-287)

I. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Punan ang graphic organizer ng hinihinging detalye.
Patnubay na tanong: Ano ang iyong ideya kaugnay ng mga salitang nasa gitnang bilog?

__________________
__________________
__________________
__________ __________
__________ __________
__________ __________
__________ Migrante/Oversea __________
__________ s Filipino Worker __________
__________ (OFW) __________
__________ __________
__________ __________
________ ________
__________________
__________________
__________________

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


__________________
__________________
__________________
__________ __________
__________ __________
__________ __________
__________ Pamilyang __________
__________ __________
__________ Pilipino __________
__________ __________
__________ __________
________ ________
__________________
__________________
__________________

II. Pagganyak: Larawan Ko, Ilarawan Mo!


Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay ng mga
larawan.

Kahon A.

Sources: (dslcrib.com) (djqierby.blogspot.com)


(Christianity.com) (oprah.com)

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


1. Ilarawan ang mga pamilyang nasa itaas. Ano ang nahihinuha mo na kalagayan ng mga
pamilyang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang dahilan at ganoon ang estado o kalagayan ng mga pamilyang nasa larawan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Kahon B.

Sources:(dslcrib.com) (djqierby.blogspot.com) (Christianity.com) (oprah.com)

1. Suriing mabuti ang mga larawan sa ikalawang kahon, ano ang nahihinuha mong nangyari sa
mga pamilyang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang nahihinuha mong dahilan kung bakit nagkaganito ang mga pamilyang nasa
larawan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

III. Pagpapalalim: Sitwasyon Ko, Wakasan Mo


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon at bumuo ng sariling wakas
na naaangkop sa sitwasyon batay sa mga pangyayaring inilahad.

1. Ang pamilya Dela Cruz ay binubuo ng limang miyembro, si Mang Jose ang ama, si
Aling Maria ang ina, si Mario ang panganay, labing-pitong taong gulang kasalukuyang Grade
12 nangangarap maging Piloto, si Mercy ang pangalawa, labing-apat na taong gulang nasa
hayskul nais maging guro at ang bunso si Maurice, sampung taong gulang na nagsasabing gusto
niyang maging sikat na tagaluto ng kaniyang sariling restawran.

Mula ng malaman ng mag-asawa ang kani-kaniyang pangarap ng kanilang mga anak


ay lalo silang nagsumikap na magtrabaho at palaguin ang kanilang munting Grocery Store
upang mapaghandaan at matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak, ngunit nakikita nila
ang katotohanan na hirap silang pagkasyahin ang kanilang kinikita sa Grocery Store para sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, para sa kasalukuyang pag-aaral ng mga bata at
para sa kanilang pag-iipon para sa kinabukasan. Kaya, napagpasyahan ng mag-asawa na isa sa
kanila ay kailangang magsakripisyo at mangibang-bansa upang matupad ang mga pangarap ng
kanilang mga anak.

Mabilis na naproseso ang mga papeles ni Mang Jose upang maging isang Sales
Supervisor sa isang malaking tindahan ng sapatos sa Saudi Arabia. Nakaalis siya agad ng bansa
patungong Saudi at naiwan ang kaniyang mag-iina dito sa Pilipinas. Naging malungkot at
mahirap na sitwasyon ito para kay Aling Maria at sa mga anak ngunit dahil likas ang pamilyang
madasalin at nagmamahalan sila ay nagsimulang
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Si Johnny ay nag-iisang anak, estudyante sa hayskul, nasa ika-walong baitang,


masayahin, malusog at galante kung gumastos. Palibhasa kasi, ang ama at ina niya ay kapuwa
mga OFW sa Singapore. Siya’y kumpleto sa gamit, magagandang cellphone at laptop,
mamahaling bag at mga damit at malaking baon na pera sa pagpasok sa paaralan. Hindi mo
nakikita ang kalungkutan sa kaniyang mukha dahil marami siyang mga barkada at may
11

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


katulong sa bahay upang mag-asikaso ng kaniyang mga pangangailangan. Ngunit ang kaniyang
mga grado ay pulos bagsak sa unang markahan, ipinagbigay alam ito ng katulong sa kaniyang
mga magulang sa Singapore pati na rin ang kaniyang walang sawang paghingi at paggasta ng
pera sa pamamagitan ng telepono. Hindi inaasahan ito ng kaniyang mga magulang sapagkat
pinalaki naman nila ang aknilang anak na may disiplina at may takot sa Diyos noong sila ay
nagkakasama-sama pa dito sa Pilipinas.

Kinausap ng ama at ina si Johnny sa telepono at ipinaliwanag sa kanya ang lahat ng


nararapat niyang malaman at isipin sa sitwasyong kanilang kinalalagyan na sila ay nagkakalayo
dahil nais nilang bigyan siya ng mabuting kinabukasan dahil mahal siya ng mga ito. Pinayuhan
siyang isaisip, isapuso, at isakilos ang lahat ng itinuro sa kaniya na wastong pag-uugali at
pagpapahalaga.

Napaiyak si Johnny habang siya’y kinakausap ng mga magulang. Nangako siya na


magbagong buhay at mula noon
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa Natin
(30 minuto)

Indibidwal na Gawain
Panuto: Ang bawat isa sa inyo ay may kani-kaniyang kakayahan at interes. Halimbawa:
mahilig at may kakayahang sumulat at umawit, pintor o mahilig gumuhit, artista o mahilig
umarte. Pumili ka ng isa sa mga gawaing nakatala sa ibaba na kaya at nais mong isagawa at
gawin ito.
Mga gawaing pagpipilian:
1. Gumuhit ng larawan o gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga banta ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino at ito’y napagtatagumpayan sa tulong ng
pagmamahalan at katatagan ng pamilya.

2. Bumuo ng rap at awitin ito o kaya’y tula na lapatan ng musika na ang nilalaman ay
mga mabubuti at masasamang epekto ng migrasyon at mga konkretong hakbang sa
pagiging handa sa mga epekto ng migrasyon. Irekord o kunan mo ng video ang iyong
pag- awit upang mapakinggan o mapanood ng iyong guro.

3. Sa pamamagitan ng monologue, magpakita ng sitwasyon kung paano


mapagtatagumpayan ng pamilyang Pilipino ang banta ng migrasyon sa tulong ng
pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya at paghubog ng pagkatao ng bawat
miyembro nito. Kunan ng video ang pagmomonologue na siyang ipapakita o
ipapadala mo sa iyong guro.
12

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Rubriks sa Pagbuo ng Poster, Rap, at Pagsasadula o Monologue
(Isulat sa patlang ang puntos na naglalarawan ng kahusayan ng mga mag-aaral sa kanilang
gawain.)

Pamantayan 5 4 3 2
Naglalaman ng May isa o May ilang mali Karamihan sa
Nilalaman
wastong dalawang mali sa mga ibinigay mga ibinigay na
impormasyon sa mga ibinigay na datos o datos o
na datos o impormasyon impormasyon
____________
impormasyon. ay mali.
Lubhang Hindi gaanong
Malinaw at Malabo at hindi
malinaw at malinaw at
Paglalahad nauunawaan nauunawaan
nauunawaan nauunawaan
ang ang
ang ang
pagkakalahad pagkakalahad
pagkakalahad pagkakalahad
___________ ng mga datos o ng mga datos o
ng mga datos o ng mga datos o
impormasyon. impormasyon.
impormasyon. impormasyon.
Hindi gaanong Hindi maayos
Pagkakasunod Wasto ang Maayos ang
maayos ang ang
-sunod ng mga pagkakasunod- pagkakasunod-
pagkakasunod- pagkakasunod-
Datos at Ideya sunod ng mga sunod ng mga
sunod ng mga sunod ng mga
datos at datos at
datos at datos at
___________ mensahe. mensahe.
mensahe. mensahe.
Hindi
Mapanghika- Nakahihikayat Bahagyang
Nakahihikayat nakahihikayat
yat nang lubos ang nakahihikayat
ang ginawa. ang ginawa.
____________ ginawa. ang ginawa.

Isapuso Natin
(30 minuto)

Gawain A
Panuto: Ibigay ang hinihinging datos ng concept map sa ibaba.

13

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Migrasyon sa
Pamilyang
Pilipino

Dalawang (2) Dalawang (2)


Banta/Suliraning Benipisyo ng
Dulot ng Migrasyon Migrasyon sa
sa Pamilyang Pilipino Pamilyang Pilipino

Gawain B.
Panuto: Magbahagi ng napanood o narinig o di kaya’y nasaksihan na matagumpay at kahanga-
hangang kuwento ng isang OFW at kaniyang pamilya na napagtagumpayan ang mga banta ng
migrasyon sa tulong ng katatagan at pagmamahalan ng pamilya at paghubog sa pagkatao ng
bawat miyembro nito na dapat tularan at gawing inspirasyon. Lagyan ng sariling pamagat ito.

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano nagsimula ang kahanga-hangang pangyayari sa buhay ng OFW na ito?


2. Ano-ano ang mga balakid o pagsubok na pinagdaanan ng OFW at ng kaniyang
pamilya at kanilang napagtagumpayan?
3. Paano sila pinalakas at pinatatag bilang isang pamilya ng mga pagsubok na ito? Ano-
ano ang mga pagpapahalagang kanilang patuloy na isinabuhay at hinubog sa kanilang
buhay.
4. Ano ang pinakahinangaan mo sa katangian ng migrante at sa kaniyang pamilya?
5. Paano mo pahahalagahan ang aral na natutunan mo sa kuwento o pangyayaring iyong
ibinahagi?

_________(Pamagat)___________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
14

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tandaan: Ano mang pagsubok na dumarating sa pamilyang Pilipino ay


napagtatagumpayan ito sa pamamagitan ng matatag na pagmamahal sa
isa’t isa, pagtitiwala, patuloy na paghubog sa mabuting pagkatao,
pagpapatatag ng mabuting kaasalan ng bawat isa, at pagkakaroon ng
matibay na pananampalataya at paniniwala sa Diyos.

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Ipakita mo ang pagsasabuhay sa natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagpuno


sa tsart ng hinihinging datos. Ang unang bilang ay isinagawa upang magsilbing gabay sa
pagsasakatuparan ng gawain.

Mga Pagpapahalaga na
Mga Angkop at
Isasagawa o
Mga Banta o Suliraning Kongkretong Hakbang
Isasabuhay na
Dulot ng Migrasyon sa na Gagawin sa
Huhubog sa Pagkatao
Pamilyang Pilipino Pagiging Handa sa mga
ng Bawat Miyembro ng
Epekto ng Migrasyon
Pamilya
Halimbawa:
Nagkakawatak-watak na ➢ Kung ako’y anak ng mga ➢ Pagkakaroon ng
Pamilya dahil ang magulang magulang na nagbabalak Pananampalataya at takot sa
ay OFW at ang mga anak ay magtrabaho sa ibang bansa, Diyos.
15

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


nahinto sa pag-aaral at kakausapin ko muna ang ➢ Pagpapahalaga sa
napabarkada sa mga may aking mga magulang na sakripisyo ng magulang na
masasamang impluwensiya. ibilin o iwan kami sa taong nagtatrabaho sa ibang
kanilang bansa.
mapagkakatiwalaan na ➢ Pagiging responsableng
kami’y mapangangalagaan anak.
at mababantayan at tratuhin
kaming parang tunay na
mga anak na handang
disiplinahin kami para sa
aming ikabubuti.
➢ Sa magulang naman, maaga
pa lamang ay disiplinahin,
may takot sa Diyos, may
pagmamahal sa anak at
turuang mamuhay na hindi
umaasa masyado sa
magulang at sa iba ang anak
upang kapag sila’y iniwan
ay hindi sila masyadong
mahirapan.
1. Pagkalulong sa
masamang bisyo ng mga
anak o asawa ng naiwang
pamilya sa Pilipinas.
2. Pagkakaroon ng incest o
pang-aabusong sekswal at
maagang pagbubuntis ng
mga anak na babae.
3. Pagkakaroon ng
malubhang sakit o kaya’y
pagkadisgrasya ng OFW
sa ibang bansa na
magdudulot ng
pagkakatanggal nila sa
trabaho.
4. Ang mag-asawang OFW
ay maaaring tuluyan ng
magkahiwalay dahil sa
paghahanap-buhay sa
ibang lugar. Sa labis na
kalungkutan at
paghahanap ng kalinga ng
nawalay na asawa ay
maaaring magtaksil sa
kaniyang kabiyak.
5. Mga anak na iniwan sa
kamag-anak o
kasambahay ay
nagkakaroon ng di
magagandang kaasalan
16

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


sapagkat hindi sila
nagagabayan ng wasto
tulad pagbibisyo at pag-
inom ng ipinagbabawal
na gamut at maagang
pagbubuntis.
6. Ang maling paggastos sa
pinaghirapang pera ng
nagsakripisyong
kapamilya ay maaaring
makapag panatili sa
pagdarahop ng pamilya
dulot ng nagbago at
naging maluhong lifestyle
ng pamilya.
7. Ang pagpapautang sa
ibang tao ng perang
pinaghirapan na hindi
binabayaran ng umutang
ay maaring pagsimulan
ng di pagkakaunawaan at
ang perang ilalaan sana
para sa interes at
pangangailangan ng
pamilya ay hindi
mapakikinabangan.

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Ipakita at patunayan ang iyong natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsasagawa


ng mga hinihingi sa bawat bilang.

1. Kung ikaw ay anak ng isang OFW, paano mo mapagtatagumpayan ang mga banta ng
migrasyon sa inyong pamilya? Ano-anong pagpapahalaga ang iyong huhubugin at mga angkop
at kongkretong hakbang ang inyong isasagawa upang maging handa sa mga epekto ng
migrasyon sa inyong pamilya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
17

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bilang isang anak, kaibigan at kabataan, paano ka makatutulong sa mga anak ng mga OFW
upang ang mga banta ng migrasyon ay kanilang mapagtagumpayan? Bumuo ng Pangalan ng
gawain o proyekto at itala ang mga hakbangin na iyong isasagawa upang maisakatuparan ang
iyong gawain.

Rubriks sa Pagbuo ng mga hakbangin kaugnay ng Proyekto.


(Isulat sa patlang ang puntos na naglalarawan ng kahusayan ng mga mag-aaral sa kanilang
gawain.)

Pamantayan 4 3 2 1
Makabuluhan Lubhang Makabuluhan at Hindi gaanong Hindi
makabuluhan at wasto ang mga makabuluhan at makabuluhan at
___________ wasto ang mga hakbangin. wasto ang mga mali ang mga
____________ hakbangin. hakbangin hakbangin
Lubhang Hindi gaanong Hindi
Makatotohanan
Makatotohana makatotohanan makatotohanan makatotohanan
at kapani-
n at Kapani- at kapani- at kapani- at kapani-
paniwala ang
paniwala paniwala ang paniwala ang paniwala ang
mga gawain o
___________ mga gawain o mga gawain o mga gawain o
hakbangin.
hakbangin. hakbangin. hakbangin.
Maayos ang Hindi gaanong May kalabuan
Maayos ang Magulo ang
Presentasyon maayos ang ang
presentasyon ng presentasyon ng
ng mga presentasyon ng presentasyon ng
mga gawain o mga gawain o
Hakbang mga gawain o mga gawain o
hakbang hakbang
___________ hakbang hakbang
Hindi
Makahihika- Nakahihikayat Bahagyang
Nakahihikayat nakahihikayat
yat nang lubos ang nakahihikayat
ang gawain. ang gawain.
____________ gawain. ang gawain.

18

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

I. Panimulang Gawain
➢ Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kasagutan.
II. Pagganyak
➢ Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kasagutan
III. Pagpapalalim
➢ Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kasagutan
Isagawa Natin
➢ Nakabatay sa Rubriks ang pagbibigay puntos sa gawain.
Isapuso Natin
Gawain A:
Ang maaaring mga sagot ay maaring magmula sa mga masasamang epekto ng migrasyon sa
pamilyang Pilipino tulad ng sumusunod:
1. Nagkakawatak-watak ang dating buong pamilya.
2. May mga pagkakataon na ang kamag-anak, yaya, o kasambahay na pinagkatiwalaan na
mag-aruga at magbigay ng kalinga sa mga naiwang anak ng OFW ay hindi makaya ang
wastong pagdidisiplina sa mga naiwang anak. Nagbubunga ng hindi magagandang
kaasalan ng mga anak sa kanilang mga magulang at kapamilya.
3. May mga pagkakataong nagkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa paghahanapbuhay sa
ibang lugar. Ang pagtataksil sa isa’t isa ay nangyayari.
4. Ang incest o ang pag-abusong sekswal ng magulang sa sariling anak na babae o lalaki
ay nangyayari kung ang asawa ay naghahanapbuhay sa ibang bansa.
5. Pagkalulong sa masasamang bisyo, pakikipag-ugnayang sekswal bago ikasal,
pagbubuntis o pag-aasawa nang hindi pa handa.
6. May mga OFW na nagkakaroon ng malulubhang sakit na dulot ng di maayos na
kondisyon sa lugar ng pinagtatrabahuhan.
Ang maaaring mga sagot ay maaring magmula sa mga mabubuting epekto ng migrasyon sa
pamilyang Pilipino tulad ng sumusunod:
1. Natutustusan ang pagkain o nutrisyon ng mga kapamilya.
2. Bumubuti ang kondisyon ng tirahan ng pamilya. Mula sa inipong kita ng kapamilyang
OFW, may nakapagpapatayo ng matatag at disenteng tahanan o kaya’y regular nang
nakababayad ng upa ng nirerentahang bahay.
3. Natutustusan ang gastos sa pag-aaral ng mga anak sa mga piniling paaralan na sa
kanilang palagay ay magbibigay ng mabuting kalidad ng pagtuturo sa kanilang mga
anak. Nabibili ang mga pangangailangan ng mga anak sa pag-aaral tulad ng mga
cellphone, computer at laptop at wifi para sa internet sa pananaliksik at mga proyekto.
4. Nakalalabas ng bansa ang kapamilya upang dalawin ang magulang o kapamilyang
OFW na nakapagpapalawak ng kanilang kaalaman sa kultura ng bansa kung saan
naghahapbuhay ang kapamilya.
5. Nakapag-iipon ang mapag-impok na kapamilya para sa maaaring maging
pangangailangan nila sa hinaharap.
6. Ang mga may malikhaing pag-iisip ay nakasisimula ng mga negosyo na kailangan sa
kanilang lugar.
Gawain B:
➢ Ang mga mag-aaral ay may iba ibang kasagutan.
Isabuhay Natin
➢ Ang mga mag-aaral ay may iba ibang kasagutan.
Subukin Natin
19

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


A. Ang mga mag-aaral ay may iba ibang kasagutan.
B. Nakabatay sa rubriks ang pagbibigay puntos sa gawain.

Mga Sanggunian:

Aklat
Twila G. Punsalan, et al. Pagpapakatao. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 8. (Rex Publishing Company. Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila. 2018) pages
275-287.

Web (Image)
ABS-CBN News – How Families Say Goodbyes. Image Accessed 27 October 2020
Pagkakawatak-watak ng Isang Pamilya. Image Accessed 26 October 2020
A Family that Prays Together Stays Together. Image Accessed 26 October 2020

Inihanda ni:
HERMINIA ALICIA N. GECHA

20

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGMAMAHAL (LOVE)
para sa Buwan ng Pebrero

MA. BERNADINE B. RAMIREZ


May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

21

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGMAMAHAL

Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan
at pagtutulungan na nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa. (EsP8PB-Ib1.3)
2. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos (EsP10PB-IIIa-
9.1)
Paksa /Pagpapahalaga
Pagmamahal
Mga Kagamitan
Larawan, manila paper, Marker, Masking tape , Gunting, krayola, pastel oil
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang oras
Isang Linggong aralin (2 Oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Maraming layunin ang pamilya, isa na rito ang pangalagaan ang kanilang mga anak, na
mahubog sa kanila ang pagiging responsableng indibidwal na may takot sa Panginoon
Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay sama–samang magbasa ng banal na aklat, nananalangin
para sa isa’t isa at modelo sa paghubog ng paniniwala ay malaki ang magiging impluwensya
nito sa mga anak na magkaroon ng matatag na pananampalataya sa ating Panginoon.
Sa totoong buhay, maraming mga gawi ang kailangan malinang ng mga magulang sa sarili
upang makilala ang positibong impluwensya

Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng Balakid

Word Search Puzzle


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at hanapin ang sagot sa kahon.
Isulat ang sagot sa patlang. Bilugan ang mga nahanap na salita.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 1. Ito ay nagpapakita ng suporta sa interes, desisyon o plano sa buhay
ng bawat kasapi ng pamilya.
_ _ _ _ _ _ _ 2. Ito ay ang pagmamano sa mga nakakatanda.
_ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 3. Ito ay kaugalian ng isang pamilya na nagpapakita ng
pagdulog sa Panginoon sa lahat ng oras.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 4. Ito ay isang kaugalian ng pagtulong ng pamilya sa komunidad
pagkakaroon ng maayos at matiwasay na relasyon sa pamayaban.

22

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 5. Ito ang kaugalian na siyang sentro sa ating relasyon sa pamilya,
kapwa at sa Diyos.

P A G S U P O R T A B T U O P Q R
Q W E R T H K L I O P R A N A G O
Q W E R T Y U I O V A E R T Y O P
D F G H J K L P O P G S C V B Y O
N M M I D T J P A R T P D F G H J
A B T U O P Q R B C D E B A K O T
A P A N A N A M P A L T A Y A I U
Z X C V B N M Y U I O O Q E T A E
P A K I K I P A G K A P W A U T O
P A G M A M A H A L E R T Y U I I

II. Pagganyak
Suriin ang mga larawan at pagnilayan ang bawat larawan. Isulat ang iyong sagot
sa loob ng puso.

23

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


1. Ano-ano ang pinapakita ng mga larawan?
2. Sa paanong paraan naipakikita ang pagmamahal sa bawat larawan?
3. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong kapwa?
4. Bilang isang mag-aaral, ano-ano pa maliban sa mga larawan ang kaya nating
gawin upang maipakita ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa?

III. Pagpapalalim
Mayroong tatlong sangkap na bumubuo sa masaya at mapayapang pamilya ito ay
ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na kailangan taglay ng
bawat isang miyembro ng pamilya.

Malawak ang depenisyon ng pamilya. Ang pamilya ay hindi lamang ang


nakagisnan o nakalakihan natin. Ang isang kalinga ng pamilya ay atin ding
nararamdaman sa ating mga kaibigan, kapitbahay, kababayan katrabaho na
sumusuporta sa anumang aspeto ng ating pagkatao.

Hindi maiiwasan sa isang pamilya na kung minsan ay magkaroon ng hindi


pagkakaunawaan ngunit ang tunay na pamilya sa bandang huli ay mananatiling
isang pamilya.

Mapagmamasdan at mapaparamdam ang tunay na pagmamahal sa isang pamilya


kung taglay nito ang mga sumusunod:

24

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


• Pagrerespeto
Sa isang pamilyang Pilipino ang pagrerespeto ay nakikita sa pamamagitan
ng pagmamano sa mga nakatatanda. Ang maayos na pakikipag-usap at pag-
unawa sa bawat desisyon ng kasapi ng pamilya ay pagpapakita ng respeto.
• Pagsuporta
Ang pagpapakita ng suporta sa bawat interes, desisyon at plano sa buhay ng
bawat kasapi ay nagpapakita ng pagmamahal sa bawat isa.
• Pagsasakrispisyo
Kadalasang ito ang ginagawa ng ating mga magulang.

Basahin ng mabuti ang sanaysay at pagnilayan ang mensahe nito.

Ang Pamilya
Seasite.niu.edu

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng ng kanyang Pamilya. Kahit siya ay
doktor, manunulat, siyentipiko o ano pa man, nananantili siyang ama o anak,
pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang
katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya bilang kasapi ng isang pamilya.

Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang
pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasiya para sa pamilya. Sa
kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at pag-aralin ang
mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng
pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang
humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng
pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad din. Sagutin nila ang
mahusay na pag-aral at ang pagtulong sa bahay.
Kasama rin sa pag-aalaga ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at
ina, lalot na’t ang mga ito ay nakababata. Kadalasa’y sama-sama sa isang bahay ang
lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsa’y kapisan din ang wala
pang asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang pamilya’y
tatlong salin-lahi ang nakatira sa iisang bahay. Tulong-tulong sila sa mga gawain at
sa paghahanap buhay.

Ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak. Sa


pananaw na ito, hindi maaring umangat nang nag-iisa ang isang tao. Kailangan niya
ang tulong ng kanyang pamilya sapagkat lubhang mahirap ang buhay sa mundo. Sa
kabilang dako, ang taong may pag-aaruga sa kanyang pamilya ay kinasisiyahan ng
kapalaran. Ganito halos ang nangyayari lalo na sa mga pamilya na dukha.
Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina, upang mapag-aral
ang pinakamatanda. Kapag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang pag-aralin
ang kanyang mga kapatid.

Ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na sandata laban sa trahedya.


Ang mga naulilang mga bata ay may maaasahan. At kahit mahirap ang isang
pamilya’y nakakaraos din kahit paano. Ang pamilya rin ang nagtataguyod ng
25

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


mahuhusay na pagpapahalagang sosyal. Itinataguyod nito ang pagiging
responsable, ang pagtutulungan, ang pagkakaisa at pagtatangi sa isa’t-isa. Matibay
rin itong sanggalang laban sa tinatawag na ‘alienation’ (pagpapalayo ng damdamin
sa ibang tao) at iba pang karamdaman ng isip at damdamin.

Isagawa Natin

Gawain I
Punan ang mga sumusunod kung paano naipakikita ng bawat miyembro ng pamilya ang
kanilang pagmamahal. Isulat sa loob ng puso ang mga gawain/resposibilidad ng bawat
miyembro ng pamilya na nagpapakita ng pagmamahal.

Gawain II
Pagnilayan natin ang kantang ‘Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.’ Tutulungan kayo ng iyong
guro sa pag-unawa rito.
1. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng kanta?
2. Ano ang mga bagay na kayang gawin ng pag-ibig?
3. Naniniwala ka ba na ang Diyos ay ang pag – ibig? Bakit?
4. Ano ang maaring epekto sa ating buhay kung ginawa nating sentro ng ating buhay ang
pagmamahal sa Panginoon?

26

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig
Erik Santos

Pag-ibig ang siyang pumukaw


Sa ating puso at kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin


Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo’y magkawalay

Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig


Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagsuyo


Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo

Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig


Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig


Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamaha
Diyos ang pag-ibig

Musixmatch
https://g.co/kgs/VgAK2k

27

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


1. Ano ang nakapaloob na paksa o tema ng kanta?

2. Ano sa tingin mo ang layunin ng may-akda sa paglikha sa kanta?

3. Ano ang ipinapabatid na aral o mensahe ng kanta?

Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng liham sa iyong sarili sa taong 2030 kung ikaw ay magiging isang Ina/Ama
. Isulat sa iyong liham kung paano ka magiging isang ama / ina sa iyong pamilya. Paano itatayo
ang iyong pamilya na puno ng pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa.

28

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


TANDAAN

Ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ay nahuhubog sa loob ng tahanan sa ating


pamilya. Ang bawat isang miyembro ng pamilya ay nakatutulong upang mas mapausbong
ang pagmamahal sa bawat isa. Kinakailangn ng suporta sa bawat pamilya upang makamtan
ito. Ang isang maayos at masayang pamilya ang bubuo sa isang komyunidad na payapa at
puno ng pagmamahalan.

Kung nais nating magkaroon ng masagana, mapayapa at masayang pamayanan


simulan natin ito sa ating pamilya.

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Gumuhit ng poster at gumawa ng islogan tungkol sa kahalagahan ng mga aral at


positibong impluwensiya na nakuha sa sariling pamilya.

Mga kagamitan:

Long size bond paper


Lapis
Pentel pen
Krayola/pastel
Ruler

Rubrik sa Paggawa ng Poster at Islogan Pamantayan

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Kaangkupan ng Napakahusay at Mahusay ngunit Hindi angkop sa
nilalaman sa Tema angkop sa tema ang hindi masyadong tema ang desinyo at
disenyo at islogan angkop sa tema ang islogan
desinyo at islogan

Pagkamalikhain at Napakamalikhain at Malikhain at 75% Hindi malikhain at


orihinalidad sa 100 % orihinal ang na orihinal ang 50% na orihinal ang
pagguhit at islogan iginuhit at islogan iginuhit at islogan iginuhit at islogan

29

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Malinaw na Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang
naipahayag ang pagkalalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
mensahe sa iginuhit mensahe sa iginuhit mensahe sa iginuhit mensahe sa iginuhit

Kabuuan

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Nagmamano si Ben sa kanyng Lolo at Lola sa tuwing pagdating niya sa kanilang
tahanan. Ano ang ipinamamalas ni Ben na magandang kaugalian?
A. Pagrerespeto
B. Pagsusuporta
C. Pagsasakripisyo
D. Pagtitiyaga

2. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay ng isang pamilya.” Ano ang nais ipahiwatig ng


kasabihan?
A. Ating ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak
D. Pagkawalang bahala sa nararamdaman ng iba.

3. Sa araw-araw, naglalako ng kanyang kaunting paninda si Aling Cynthia upang


maitaguyod niya ng pag-aaral ng kanyang mga anak.
Sa araw-araw, ay busog sa pangangaral ang kanyang mga anak na magpursigi sa
kanilang pag-aaral. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong .
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.

4. Ang mag-asawang Ben at Lupe ay patuloy sa pagtuturo sa kanilang mga anak na


ang pagmamano ay pagpapakita ng respeto. Anong aral ang mapupulot sa kaugaliang
pinairal ng mag-asawa?
A. Pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. Huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. Maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. Umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

5. Napakalawak ng depinisyon ng pamilya. Alin sa sumusunod ang sumasalungat sa


depinisyon ng pamilya?
A. Ang kalinga ng pamilya ay mararamdaman din sa ating mga kaibigan.
B. Ang kalinga ng pamilya ay maari ring maramdaman sa inyong mga katrabo.
C. Ang kalinga ng pamilya ay mararamdam din sa inyong mga kapitbahay.

30

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


D. tanging sa sarili mong pamilya lamang mararanasan ang kalinga.

6. Nang dahil sa pananampalataya ni Gorio ay unti-unti niyang nakayanang harapin ang


taong pumaslang sa kanyang asawa. Anong aral ang mapupulot mula sa sitwasyon?
A. Hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
B. May puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
C. Malayang magdesisyon ang tao para sa kanyang ikabubuti
D. Hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at pagpapatawad

7. Palaging isinasama ni Bernie ang kanyang anak sa tuwing siya ay nananalangin at


nagbabasa ng banal na aklat. Lagi niya silang pinapayuhan ng mga magagandang asal
na napupulot nila sa pagbabasa. Paano naging maimpluwensyang ama si Bernie sa
mga anak?
A. Pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kanyang pamilya
B. Pagsuporta sa mga pangangailangan ng kanyang anak sa paaralan
C. Pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
D. Sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at magpasalamat
8. Sa tuwing may darating na panauhin ang pamilyang Reyes agarang nagmamano ang
mga anak nila sa mga panauhin, ito ay sa kadahilanang palagi ang pagpayo ng mag-
asawa sa dalawang anak na ang pagamamano ay simbolo ng pagrerespeto. Anong
aralang mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
A. Pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. Huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. Maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. Umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

9. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na


pahayag ang nagpapatunay rito?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyongm pag-
uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging
isang mabuting indibidwal.

10. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay nito?

A. Sinusuportahan sa gustong makamit ng anak


B. Laging binibigyan ng pera ang anak
C. Pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. Hinahatid sa eskwelahan

31

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

Paghawan ng Balakid

P A G S U P O R T A B T U O P Q R
Q W E R T H K L I O P R A N A G O
Q W E R T Y U I O V A E R T Y O P
D F G H J K L P O P G S C V B Y O
N M M I D T J P A R T P D F G H J
A B T U O P Q R B C D E B A K O T
A P A N A N A M P A L T A Y A I U
Z X C V B N M Y U I O O Q E T A E
P A K I K I P A G K A P W A U T O
P A G M A M A H A L E R T Y U I I
Subukin Natin
1. A
2. A
3. D
4. C
5. D
6. B
7. D
8. C
9. B
10. A

Sanggunian

Bardon Liezelou T., Edukasyon sa pagappakatao Unang Markahan – Modyul 1:


Impluwensya Hatid ng Pamilya Unang Edition (15-17

Cempron Ruth D. , Lepaopao Rashiel Joy F. Edukasyon sa pagappakatao Unang


Markahan – Modyul 2: 3P’s Umiiral sa Pamilya Unang Edition(Department of Education
CARAGA ,2020), 9-10

Inihanda ni:
MARIA BERNADINE B. RAMIREZ

32

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAG-ASA (HOPE)
para sa Buwan ng Marso

LEOVIE P. NUCOM
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

33

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAG-ASA

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng
kanilang buhay para sa pagboboluntaryo (EsP9TT-llg-8.2); at

2. Nakapagtatala ng gawaing kabutihan sa kapwa ng buong-puso at natutukoy ang


kayarian nito. (EsP8PB-lllf-11.3).
Paksa/Pagpapahalaga:
Pag-asa
Mga Kagamitan:
ICT Resources, Papel at Panulat
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Napakaraming mga pangyayari sa ating mundo nitong mga nakaraang buwan. Sa


pagpasok ng taong 2020, samu’t saring kaguluhan at mga problema ang kinaharap natin at ang
pinakamalaki nga ay ang pandemyang COVID-19 na isang uri ng sakit na nagsimula sa Wuhan,
China at unti-unting kumalat sa iba’t ibang panig ng ating mundo. Malaki ang epekto ng
pandemyang ito dahil marami na itong kinitil na buhay, maraming tao ang nawalan ng trabaho
at nasadlak sa kahirapan.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi natin maiwasan na panghinaan ng loob at mawalan
ng pag-sa dahil tila wala ng solusyon ang makalulutas ng ating problema. Dahil sa ganitong
kaisipan, marami sa atin ang nakakaisip at nakagagawa ng mga hindi mabuting bagay
hanggang sa tumuntong tayo sa pagkakataong kinikitil natin ang ating sariling buhay dahil sa
kawalan ng pag-asa.
Ang ganitong mga pangyayari ay marahil mabigat ngunit sa kabila ng mga suliraning
ating kinakaharap, kailanman ay hindi naging tama ang gumawa ng mga maling bagay dahil
lamang may problema o suliranin bagkus ay huwag tayong magpapa-apekto sa mga
problemang kinakaharap natin. Lagi tayong maging matatag at huwag tayong mawawalan ng
pag-asa at lagi tayong hihingi ng gabay sa ating Panginoon upang malagpasan nating ang ating
mga suliranin. Kapit lang, tiwala lang, ang mga suliraning ito ay matatapos din.
Kaya halika, narito ang mga ilang gawaing magtuturo sa iyo na maging matatag at
laging magkaroon ng pag-asa.
Simulan na natin!

34

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Alamin Natin
(30 minuto)

I. Panimulang Gawain
Panuto: Magbigay ng mga tao sa iyong buhay na pinaghuhugutan mo ng pag-asa,
maaaring ito ay ang iyong mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro kaibigan
at iba pa. Isulat ang kanilang pangalan at ilarawan ito sa mga kahong nasa
ibaba at ilagay/idikit ang kanilang larawan sa tabi nito.
PANGALAN LARAWAN

1.

2.

3.

4.

II. Pagganyak
Panuto: Hanapin ang video sa youtube gamit ang link na nasa ibaba at panoorin ito.

Video link: https://www.youtube.com/watch?v=LWGkwGvj_yw


Pandemic: A Message of Hope | Inspirational Video

35

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


III. Pagpapalalim

a. Tungkol saan ang videong iyong pinanood?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
b. Sa anong suliranin umiikot ang video? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

c. Paano ipinakita ang pag-asa mula sa video? Ipaliwanag.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

d. Kung ikaw ang nasa suliraning ito, paano mo ipakikita sa iyong kapwa ang simbolo
ng pag-asa? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

36

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isagawa Natin
(30 minuto)

Panuto: Suriin ang mga larawang nasa ibaba at ipaliwanag kung paano sila nakapagbibigay
ng pag-asa ngayong panahon ng pandemya. Isulat ang iyong kasagutan sa kahong
nasa tabi nito.

A. MEDICAL WORKERS
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
_______________________________
Larawan mula sa Flickr

B. MGA PULIS
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Larawan mula sa Flickr _______________________________

MGA GABAY KATANUNGAN


1. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga tauhan na nasa mga larawan ngayong panahon ng
pandemya:

C. MGA GURO
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Larawan mula sa www.practioner.com ________________________________
________________________________
37
_______________________________

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


a. Medical Workers
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Mga pulis
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
c. Mga guro
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang kanilang mga tungkulin ngayong mayroon tayong nararanasang
pandemya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sa hinaharap, nais mo rin bang maging katulad nila? Kung oo, ano ang iyong dahilan?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

38

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Punan ang kahon na nasa ibaba. Ilagay sa kahon ang iyong sariling mga
pamamaraan kung paano ka makapagbibigay ng pag-asa sa iyong kapwa ngayong panahon
ng pandemya. Hindi kinakailangang malaking pamamaraan ito.

ANG AKING MINI-DIARY


TANDAAN
________________________________________________________________________________
Lahat tayo ay may pakinabang sa mundong ating ginagalawan. Walang mayaman
________________________________________________________________________________
o mahirap sa pagtulong sa ating kapwa na nangangailangan dahil sa mata ng ating
________________________________________________________________________________
Panginoon, lahat tayo ay pantay-pantay at lahat tayo ay may kakayahan na maari nating
________________________________________________________________________________
magamit sa mga mabubuting gawain.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____

Sa pagbibigay ng tulong sa ating kapwa, may malaki na itong epekto sa


tinutulungan natin dahil mula sa tulong na ito, dito nagsisimula ang pag-asa upang
ipagpatuloy ang buhay at maging matatag sa lahat ng hamon na ito dahil darating din ang
panahon

Isabuhay Natin
(30 minuto)

A. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na salaysay. Isulat ang
tamang sagot sa patlang ng bawat aytem.

_______1. Ang iyong lola ay patuloy na lumalabas ng inyong tahanan sa kabila ng abiso
ng gobyerno hinggil sa banta ng COVID-19.
_______2. Lagi mong sinusuot ang iyong face mask tuwing ikaw ay pupunta sa labas.
_______3. Paulit-ulit ginagamit o sinusuot ang disposable face mask.
_______4. Nagbebenta ka ng mga face mask at face shield sa mahal na presyo.
39

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


_______5. Iniiwasan mong dumaan o pumunta sa mga establisimentong may safety
protocols.
B. Panuto: Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa iyong sarili pagkaraan ng sampung
taon. Kinakailangan na maipakita mo kung paano ka makapagbibigay ng pag-asa gamit
ang iyong sarili sa panahong ito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Kumatha o sumulat ng isang tula hinggil sa taong nais mong tularan. Ipakita sa iyong
tula ang mga katangian niya kung paano siya nagbibigay ng pag-asa sa ibang tao.
Ang tula ay maaring may sukat o malaya.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

40

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

A. Alamin Natin
Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

B. Pagpapalalim
Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

C. Isagawa Natin
Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

D. Mga Gabay Katanungan


Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

E. Isapuso Natin
Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

F. Isabuhay Natin
A.
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Mali
B. Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

G. Subukin Natin
H. Maaring magkakaiba ang sagot (answers may vary)

Mga Sanggunian:

TFP Fellow Oct13 Media Release 2 | Anton Diaz | Flickr. Image. Accessed 18 October 2020
UN Women - Visit to Maria Police Station, Philippines_-9 | Flickr. Image. Retrieved on 18
October 2020
Free Images : nurse, practitioner. Image. Retrieved on 18 October 2020.

Inihanda ni:
LEOVIE D. NUCOM

41

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGPAPATAWAD (FORGIVENESS)
para sa Buwan ng Abril

ANGELIE C. LLAMELO
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator
42

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGPAPATAWAD

Layunin :
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nahihinuha na ang pagpapatawad ay palatandaan ng pagkakibigang batay sa kabutihan


at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at
pagpapaunlad ng pakikipagkapwa. (EsP8PIId-6.3); at

b. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan. (hal:
pagpapatawad) (EsP8PIId-6.4).
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagpapatawad
Mga Kagamitan:
Kard, A4- sized bond paper o colored paper, panulat, kahon na regalo
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Ang pagpapatawad ay ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng pagkakataong


ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa. Kapag ang pagpapatawad ay lubos, nawawala ang
hangad mong gumanti o ang galit na iyong nararamdaman sa taong nakasakit o nagtaksil
sa iyo.

Ang pagpapatawad sa kapuwa na nagdulot sa iyo ng sakit o nakagawa sa iyo ng


kamalian ay hindi madaling gawin. May pagkakataon na pakiramdam mo ay hindi na
mawawala ang sakit na iyong nararanasan dahil sa kaniyang ginawa. Maaaring iniisip mo
rin kung kaya mo pa siyang patawarin.

Ang pagpapatawad ay nagbibigay sa iyo ng kapayapaan ng damdamin at


kalayaan sa hinanakit. Ito ay palatandaan din ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan
at pagmamahal. Ito ay isang paraan ng pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapuwa. Kaya
mo bang magpatawad sa mga nagkasala o nagkulang sa iyo? Alam mo ba kung paano
magpatawad? Ang mahalagang tanong na dapat mong sagutin upang maunawaan ang
araling ito ay: Bakit mahalaga ang pagpapatawad?

(Punsalan, Twila, Nonita, Camila and Myra Villa, Pagpapakatao, Batayang Aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao, 2018, 101-104)
43

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


I. Paghawan ng Sagabal

Panuto: Hanapin ang limang salita na may kinalaman sa ating aralin. Gawing gabay ang
kahulugan sa bawat aytem sa ibaba. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, o
padayagonal.

A P A G M A M A H A L O P I
K A G A I O L E R T A L P W
L A M A M A H K L K A P A S
K W B G H L I K M A E L G A
A D H U S D L A M I L A K H
B E L H T A I T H D A T A A
A I G A G I A S A A L W K L
I L A L K A H B A G E D A P
L H N M I I L A L A S L I A
A N T A A L D A N N T K B G
A M A K K O I L A A L B I M
N A G L H A K W P L H P G A
A N P A G P A P A T A W A D
G F T Y R E W S L H P A N W

____________1. Galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga (Edukasyon
sa Pagpapakatao 10 Modyul sa Mag-aaral, 2015, 12)

____________2. Pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga


(Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul sa Mag-aaral, 2013, 148)

____________3. Ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng pagkakataong ituloy ang iyong ugnayan
sa isa’t isa. (Pagpapakatao. Batayang Aklat sa EsP. 2018, 104)

____________4. Ito ay hango sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at


kabaitan. (Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul sa Mag-aaral, 2013, 299)

II. Pagganyak

Suriin ang ilang sa bahagi ng awit ni Bassilyo (2013) na pinamagatang “Lord Patawad”. Awitin
ang liriko nang lalong maunawaan ang mensahe nito

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan


Ang aking iniisip ay puro pansarili lamang
Kapag may mabigat na problema at seryoso
Doon ko lamang naaalala ang pangalan Mo

Lord, patawad pagkat ako'y makasalanan


Makasalanang nilalang
Lord, patawad pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

44

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


III. Pagpapalalim:
Mula sa inawit na bahagi ng kantang “Lord Patawad” ni Bassilyo, sagutin ang mga
sumusunod:

1. Ano ang naramdaman mo habang inaawit ito?


_______________________________________________________________

2. Ano ang mensaheng nais iparating ng awit? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Bakit nasabi sa awit na siya ay makasalanang nilalang?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Paano mo masasabi na taos-puso ang paghingi ng tawad?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Isagawa Natin
(30 minuto)

Mapapatawad Mo Ba?
(Tamara, Christine and Van Hooser, Youth Activities Related to Forgiveness, 2020)

Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bigyan ng maliit na kard ang bawat isa. Gamit ang kard,
hilingin sa mga mag-aaral na magsulat ng isang halimbawa ng sitwasyon na maaaring ikasakit ng
damdamin o ikagagalit nila at nang kanilang pamilya.
Kolektahin ang mga kard at ibahagi ang mga ito sa kabilang grupo. Siguruhing hindi maibabalik
sa grupo ang mga sariling kards. Pag-usapan sa grupo ng sampung minuto at pagkatapos ay talakayin
sa klase kung:

a. patatawarin nila ang taong nakagawa ng bawat halimbawang sitwasyon na nasa


kard? Bakit oo? Bakit Hindi?;
b. ang bawat sitwasyon ay magiging madali o mahirap patawarin; at
c. bakit mas madaling magpatawad sa ilang mga sitwasyon kaysa sa iba.

Narito ang kraytirya sa pagbibigay ng grado:

Naipaliwanag ng mahusay at malinaw ang kasagutan – 50%


Naipakita ang Disiplina at kooperasyon sa grupo – 50%
Kabuuan 100%

45

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Suriin ang maikling kwento tungkol sa pagkakaibigan ni Ana at Jen na isinulat ni Angelie C.
Llamelo noong October 22, 2020. Maaaring panoorin ang video ng kwento gamit ang link na ito,
https://youtu.be/AaOiqBvXMYU.

Ang Tunay na Pagkakaibigan


ni: Angelie C. Llamelo

Sa Porgib National High School matatagpuan ang matalik na magkaibigan


na sina Ana at Jen. Isang mahalagang lugar para sa kanila ang kanilang
tambayan na upuan sa ilalim ng puno ng Acacia tuwing recess, sapagkat
dito sila unang nagkakilala. Lumipas ang ilang taon at lalong naging
matatag ang pagkakaibigan ng dalawa.
Mayaman ang pamilya ni Ana, samantalang ang pamilya ni Jen ay naging
kapos mula ng malugi sa negosyo dahil sa malubhang sakit ng kaniyang
ina. Batid ni Ana ang kalagayan ni Jen ngunit ni minsan ay hindi niya
nakitang nanamantala ito sa kanilang pagkakaibigan.
Dumating ang kaarawan ni Jen at
laking gulat niya dahil binigyan siya ni Ana ng isang cellphone. Ayaw
niya itong tanggapin noong una, ngunit ipinilit ito ni Ana at sinabing kusa
niya itong ibinibigay bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.
Pagkalipas ng ilang araw napansin ni Ana na lumiliban na sa klase si Jen
at tila nawawalan na ng panahon sa kaniya. Naisip niya na baka hindi
nakabuti ang cellphone na ibinigay niya.
Isang araw, naisipan ni Ana na imbitahan si Jen sa isang hapunan
sa kanilang tahanan sa darating na linggo. Umayon si Jen na pupunta kaya
naman natuwa si Ana at muling nagkaroon ng oras ni Jen para sa kaniya.
Dumating na nga ang araw ng linggo,
ilang beses tinawagan ni Ana si Jen ngunit hindi ito nasasagot. Malungkot
si Ana sa mga panahong iyon kaya naman, napaiyak na lamang siya dahil
sa sakit na naramdaman niya.
Kinabukasan, agad niyang hinanap si Jen sa kaniyang klase, ngunit
lumiban nanaman ito. Nang mag-isa siyang nagmeryenda sa kanilang
tambayan ay naisipan niyang tawagan si Jen. Nakailang ulit niyang
tinawagan si Jen ngunit hindi siya sinasagot, hanggang hindi na nga nag-
ring ang kaniyang numero.
Hindi maunawaan ang nararamdaman ni Ana sa mga panahong iyon,
lungkot, inis, at galit. Hindi niya alam kung paano mapapatawad ang kaniyang matalik na kaibigan.

46

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Lumipas na ang isang linggo at nakita
muli ni Ana si Jen sa kanilang tambayan at hawak
ang cellphone na ibinigay niya. Kahit may galit
pa ito sa kaibigan ay nilapitan parin niya si Jen at
ipinakita ang kaniyang sama ng loob sa
pamamagitan ng hindi pagpansin kahit katabi na
niya ito. Nagsimula na ngang magpaliwanag si
Jen, sa unang salita pa lamang niya ay naluluha
na ito. Nalaman ni Ana na naisanla ni Jen ang
cellphone sa isang kapitbahay habang hinihintay
ang lingguhang sahod ng kaniyang ama, ito ay upang mailabas sa ospital ang
kaniyang ina na pumanaw na noong mismong araw na inimbitahan siya sa
kanilang tahanan. Na kaya pala panay ang liban niya sa klase dahil kinakailangan niyang bantayan ang
kaniyang ina tuwing pumapasok sa kontraktwal na trabaho ang kaniyang ama. Humingi ng tawad si Jen
sa hindi pagsabi kay Ana nang naging suliranin niya.
Hindi naunawaan ni Ana ang naramdaman niya sa pagkakataong iyon, ngunit lahat ng inis at
galit sa kaibigan ay tila napalitan ng kapatawaran. Ito ay tanda ng kanilang kabutihan at pagmamahal
sa isa’t isa bilang magkaibigan.

Mga Katanungan:

1. Ilarawan ang pagkakaibigan ni Ana at Jen sa isang pangungusap.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sino ang mas hinangaan mo sa kwento, si Ana o si Jen? Bakit?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Masasabi mo ba na ang pagpapatawad na ginawa ni Ana kay Jen ay batay sa kabutihan at
pagmamahal? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Naranasan mo na bang nagalit o nagkasala sa iyong kaibigan? Paano kayo
nagkapatawaran?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Paano napauunlad ng pagpapatawad ang pagkakaibigan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Handa Akong Magpatawad

Balutin ang isang walang laman na kahon at palamutihan ng isang ribbon na tulad ng isang
regalo. Ipaliwanag na ang pagpapatawad sa isang tao ay tulad ng pagbibigay ng isang regalo sa kapwa
na pinatawad at sa isang nag-aalok ng kapatawaran. (Tomey, 2019)

47

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Iwan ang regalo sa ibabaw ng mesa at idikit ang kard na nakasulat ang mensaheng
“Mapapatawad mo ba ako?” Pag-iisipan ng mag-aaral kung sino ang taong naiisip nila sa regalong iyon
na handa nilang patawarin.

Upang lubos na maisabuhay ito, ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain:

Gamit ang isang bond paper (A4) gumawa ng isang Kard ng pagpapatawad. Tupiin ito sa
dalawang bahagi. Sa harap ay iguhit ang regalo, sa pagkakataong ito ang mensahe na ilalagay ay
“Pinapatawad na Kita.” Sa loob ng kard ay isulat ang lahat ng kanilang gustong iparating sa taong
pagbibigyan nila ng kard at sa huling bahagi ay ang mensahe ng kanilang kapatawaran. Maging malaya
sa pagbahagi ng saloobin. Maaaring dagdagan ng disenyo ang kard tulad ng larawan sa ibaba.

Subukin Natin
(30 minuto)

I. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot

A B

__________1. Pagpapatawad a. Pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao


__________2. Pagkakaibigan dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
__________3. Pagmamahal b. Ito ay hango sa salitang-ugat na buti na
__________4. Kabutihan nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan.
__________5. Kapayapaan c. Ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng
pagkakataong ituloy ang iyong ugnayan sa isa’t isa.
d. Galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang
bagay na may halaga.
e. Ang kalagayan ng pagkakaroon
ng katahimikan at katiwasayan.

II. Suriin ang pahayag sa ibaba. Sang-ayon ka ba rito? Ipaliwanag ang iyong sagot. (5 puntos)

Ang pagpapatawad ay nagbibigay sa iyo ng kapayapaan ng damdamin at


kalayaan sa hinanakit.

48

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO
Paghawan ng Sagabal
A P A G M A M A H A L O P I
K A G A I O L E R T A L P W
L A M A M A H K L K A P A S
K W B G H L I K M A E L G A
A D H U S D L A M I L A K H
B E L H T A I T H D A T A A
A I G A G I A S A A L W K L
I L A L K A H B A G E D A P
L H N M I I L A L A S L I A
A N T A A L D A N N T K B G
A M A K K O I L A A L B I M
N A G L H A K W P L H P G A
A N P A G P A P A T A W A D
G F T Y R E W S L H P A N W

1. PAGMAMAHAL
2. PAGKAKAIBIGAN
3. PAGPAPATAWAD
4. KABUTIHAN

Pagpapalalim/ Isagawa natin/ Isapuso natin/ Isabuhay natin:

May iba’t ibang kasagutan

Subukin natin:
I.
1. c
2. a
3. d
4. b
5. e

II. May iba’t ibang kasagutan

49

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Mga Sanggunian:

Bognot, Regina Mignon, et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul sa Mag-aaral, 2013,299

Brizuela, Mary Jean, et.al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul sa Mag-aaral, ( 2015), 12

Llamelo, Angelie C., Ang Tunay na Pagkakaibigan, 2020

Punsalan, Twila, Nonita, Camila and Myra Villa, Pagpapakatao, Batayang Aklat sa Edukasyon
sa Pagpapakatao 8, (2018), 101-104

Tamara, Christine. “Youth Activities Related to Forgiveness.” Classroom.


https://classroom.synonym.com/youth-activities-related-forgiveness-8207701.html
(accessed October 15, 2020)
Tomey, Jill. “The Gift of Forgiveness”. Character Council. https://charactercincinnati.org/in-
school/activity/forgiveness-4/

Mga Larawan:

Mercado, Gilson, Larawan ni Ana at Jen, 2020

Vector Illustration of Valentine's Day Sentimental Greeting Card Expression of Affection.


Retrieved on October 17, 2020. https://www.wannapik.com/vectors/30199
Gift Vector Icon Free Photo. Retrieved on October 17, 2020.
https://www.needpix.com/photo/1830949/

Piotr Siedlecki. finger-fist-forefinger-gesture-graphic. Retrieved on October 17, 2020.


https://www.needpix.com/photo/download/1320721/
Holy Spirit Dove Panda. Retrieved on October 17, 2020. https://pixy.org/4356352/

Inihanda ni:
ANGELIE C. LLAMELO

50

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAKAWANGGAWA
(CHARITY)
para sa Buwan ng Mayo

MARY JOY F. NAVARRO


May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

51

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAKAWANGGAWA

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan o


barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
(EsP9TT-IIe-7.2)
b. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga
pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang
paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang
kaganapan ng kanyang pagkatao. (EsP9TT-IIf-7.3)
c. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang
panayam sa mga taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o
trabahong teknikal-bokasyonal. (EsP9TT-IIf-7.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakawanggawa
Mga Kagamitan:
larawan, lapis, bondpaper
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Likas sa mga tao ang pagiging matulungin at mapagkawanggawa. Kapag tayo


ay nakakakita ng mga taong nangangailangan ng tulong katulad na lamang ng mga
pulubi sa kalsada ay walang atubiling binibigyan at tinutulungan natin sila kahit na
alam natin na wala silang maibibigay na tulong o kapalit sa atin.
Ang pagkakawanggawa ay isang pagbibigay ng tulong sa pamilya o sa kapuwa
tao na nangangailangan, hikahos sa buhay, o nakaranas ng kalamidad nang walang
hinihingi o hinihintay na kapalit. Ito ay ginagawa ng tao sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tulong na maaaring pagkain, kagamitan, pera o pagbibigay ng oras o
serbisyo na kusang loob o bukal sa kaniyang kalooban. Ang pagkakawanggawa ay
maituturing na isang makataong kilos o gawain sapagkat nalilinang sa tao ang
kaniyang pagiging matulungin, mapagbigay, at mapagmahal sa kapuwa.

52

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang maaaring maiugnay sa
salitang “PAGKAKAWANGGAWA”.

PAGKAKAWANGGAWA

II. Pagganyak

Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa loob ng kahon at lagyan ng


deskripsyon ang bawat larawan ayon sa iyong pang-unawa.

1.

DESKRIPSIYON:______________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

53

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


2.

DESKRIPSIYON:______________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________.

3.

DESKRIPSIYON:______________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________.

4.

DESKRIPSIYON:______________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
54

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


III. Pagpapalalim

a. Alin sa mga sumusunod na larawan sa itaas ang nagawa mo na? Isa-isahin.


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.
b. Ano ang pakiramdam kapag ikaw ay nakatutulong sa iyong pamilya, kapwa at
pamayanan? Bakit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.
c. Ano ang kabutihang naidudulot sa iyo ng pagkakawanggawa? Sa iyong kapwa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Isagawa Natin
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang kakayahan at talentong taglay


Panuto: Bumuo kayo ng isang konsepto na naaayon sa inyong talento patungkol sa kung
paano niyo maipakikita sa kapwa ang pagkakawanggawa, pagkatapos ay ibahagi ito sa harapan
ng klase.

TULA

PAGTULA PAG-AWIT

PAGGUHIT PAGDRAMA

55

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Sa loob ng kahon, gumupit o iguhit kung sino ang nais mong tulungan at kung
anong uri ng tulong ang nais mong ibigay sa kanya. Magsulat ng maikling kuwento ayon sa
iyong nagawa at lagyan ito ng pamagat.

_____________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

56

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng mga listahan ng iyong ginagawa na nagpapakita ng


pagkakawanggawa, maaaring ito ay sa tahanan, paaralan o sa pamayanan.

GAWAIN KAILAN GINAGAWA KABUTIHANG NAIDUDULOT


NG PAGGAWA

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat
tanong.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng pagkakawanggawa?


a. pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa
b. pagbibigay sa kapwa dahil may maibibigay rin ito sa iyo
c. pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan
d. pagkukusa na gumawa ng gawaing bahay

57

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakawanggawa?
a. Si Thea ay tumulong sa clean-up drive sa kanilang barangay.
b. Sumama si Tina sa pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.
c. Binigyan ni Leo ng pagkain si Maria para pakopyahin siya nito.
d. Tinulungan ni Zara ang kaniyang nanay sa paglalaba ng kanilang damit.
3. Alin sa sumusunod ang itinuturing na “The Golden Rule”?
a. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
b. Ang kalusugan ay kayamanan.
c. Kung may itinanim, may aanihin.
d. Daig ng maagap ang masipag.
4. Ang mga sumusunod ay may kauganayan sa salitang “pagkakawanggawa”, maliban
sa;
a. pagmamalasakit c. pangungutya
b. pagkakaisa d. paglilingkod
5. Nararapat lamang na ang pakikitungo sa kapwa ay ___________________.
a. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya na tao.
b. pagtrato sa kapawa nang may pagmamahal.
c. pagkakaroon ng pagmamalasakit sa oras ng kagipitan.
d. nakadepende kung may naibigay na tulong sa iyo.

58

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN NATIN
1. B
2. C
3. A
4. C
5. D

Inihanda ni:
MARY JOY F. NAVARRO

59

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGPAPAHALAGA SA SARILI
(SELF ESTEEM)
para sa Buwan ng Hunyo

LOVELY V. VICARME
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

60

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGPAPAHALAGA SA SARILI

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan


ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog
ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin at paglilingkod sa pamayanan. (EsP7PS-Id-2.3)

b. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at


kakayahan. (EsP7PS-Id-2.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa Sarili (Self- esteem)
Mga Kagamitan :
Sagutang papel, journal notebook, short bond paper
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)
Ang Pagpapahalaga sa Sarili ay isang pagpapahalagang Pilipino na kung
tawagin ay pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima sa sarili o pag- ibig sa
sarili (self- esteem sa Ingles) (Lam- ang, Wikipedia, 2019), na tumutukoy sa kung paano
mag-isip at makiramdam ang isang tao. Habang tayo ay lumalaki, bumubuo tayo ng
mga pagpipilian tungkol sa ating mga sarili. Mataas ang lebel mo ng pagtitiwala sa sarili
kung nakakaramdam ka ng kaayusan at kapayapaan. Mababa ang tiwala sa sarili kung
nakakaramdam ng pagiging hindi matatag, matatakutin, at pagiging balisa. (Children’s
Home Society of California, Pagtitiwala sa Sarili).
Ngayong Buwan ng Hunyo, Buwan ng Pagpapahalaga sa Sarili, ay
mabibigyang- diin ang ating paniniwala na ang bawat isa ay may angking talento at
kakayahan na kung pauunlarin, lilinangin at gagamitin sa tamang paraan ay magdadala
sa atin tungo sa magandang kinabukasan.
Tayong lahat ay may natatanging mga kaloob, na ibinigay ng ating Ama sa
Langit. Noong isinilang tayo, taglay na natin ang mga kaloob, talento at kakayahang ito.
Kung minsan iniisip nating wala tayong maraming talento o nabiyayaan ang ibang tao
ng mas maraming kakayahan kaysa sa taglay natin. Kung minsan hindi natin ginagamit
ang ating mga talento dahil natatakot tayong baka mabigo tayo o mapulaan ng iba. Ang
modyul na ito ay magsisilbing paalaala na lagi tayong magtiwala sa ating sarili,
kakayahan at talento.
Ating linangin ang kumpyansa sa sarili upang magtagumpay sa maraming aspeto
sa buhay.

61

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng Sagabal

Panuto: Basahin ng mahusay at intindihin ang bawat salita o pangungusap. Tukuyin ang mga
ito kung ang isinasaad ay “Talento” o “Kakayahan.” Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

_____1. Kahusayan.
_____2. Talinong likas sa tao.
_____3. Kapasidad o abilidad ng isang tao.
_____4. Tumutukoy ito sa dunong at karunungan.
_____5. Isang biyaya na dapat itong ibahagi sa iba.
_____6. Likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin.
_____7. Hindi tumutukoy sa kalidad ng ginawa kundi sa abilidad sa paggawa.
_____8. Isang pambihirang lakas at kakayahan/ biyaya/ na may kinalaman sa genetics.
_____9. Ang katangiang ito ay nalilinang habang lumalaki at nabubuhay ang isang tao, kaya
puwedeng mas humusay pa ito kaysa sa dati.
_____10. Ayon kay Thorndike at Barnhart, ito ay kalakasang intelektwal (intellectual power)
upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o sa
sining.

II. Pagganyak
A. Magtala ng hindi bababa sa sampung naging karanasan mo noon na mahusay mong
ginawa at nagdulot ng kasiyahan sa iyo.
Halimbawa: pagdisenyo sa loob ng kwarto.

MAHUSAY AT
MASAYA AKO
KAPAG…

1._________________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
4._________________________________________________________________
5._________________________________________________________________
6._________________________________________________________________
7._________________________________________________________________
8._________________________________________________________________
9._________________________________________________________________
10.________________________________________________________________

62

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


B. Mula sa (10) sampung naging karanasan, pumili lamang ng limang higit na
nagustuhan.

C. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.

Pangkat A- Ibabahagi ng unang grupo ang limang karanasan na higit na nagustuhan.

Pangkat B- Makikinig at tutukuyin ng pangalawang grupo ang mga kakayahang


nagamit ng unang nagbahagi.

Pangkat C- Tutukuyin naman ng pangatlong grupo ang mga talentong taglay batay
parin sa sagot ng unang nagbahagi gamit ang Multiple Intelligence Theory
ni Howard Gardner

Magpalitan ng gawain hanggang makapagbahagi ang lahat ng kinatawan. Gamitin ang


talahanayan sa ibabang bahagi.

Ang higit kong


nagustuhan sa aking
naging karanasan ay…

KAKAYAHANG TALENTONG
KARANASANG HIGIT NA NAGUSTUHAN
NAGAMIT TAGLAY

Hal. Kadalubsahan sa Visual- Spatial


Pagdisenyo sa loob ng kwarto pagdisenyo (Picture Smart)
1.

2.

3.

4.

5.

63

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MULTIPLE INTELLIGENCE THEORY NI HOWARD GARDNER

MULTIPLE
KAHULUGAN HALIMBAWA
INTELLIGENCE
Talinong mabilis matuto sa pamamagitan ng
paningin at pag-aayos ng mga ideya. May
kakayahan siya na makita sa kaniyang isip
ang mga bagay upang makalikha ng isang
produkto o makalutas ng suliranin.
VISUAL- SPATIAL
(Picture Smart)
JUAN LUNA- pintor

Talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.


Kadalasan ang mga taong may taglay na
talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,
pagkukuwento at pagmememorya ng mga
salita at mahahalagang petsa. Mahusay siya
sa pagpapaliwanag, pagtuturo,
VERBAL- LINGUISTIC pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan
(Word Smart) ng pananalita. Madali para sa kaniya ang
matuto ng ibang wika. KORINA SANCHEZ-
journalist
Talino sa pangangatuwiran at paglutas ng
suliranin (problem solving). Ito ay talinong
kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
Mahusay sa matematika, chess, computer
programming at iba pang kaugnay na gawain.
LOGICAL
MATHEMATICAL Gloria Macapagal
(Logic /Number Smart) Arroyo- ekonomista

Natututo sa pamamagitan ng mga


kongkretong karanasan o interaksyon sa
kapaligiran. Mas natututo sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan, tulad ng
BODILY pagsasayaw o paglalaro. Mataas ang kanyang
KINESTHETIC muscle memory.
(Body Smart) Katryn Bernardo- aktres
Natututo sa pamamagitan ng pag- uulit,
ritmo, o musika. Hindi lamang ito
pagkatututo sa pandinig kundi pag- uulit ng
isang karanasan.
RHYTMIC- MUSICAL
(Music Smart)

Ryan Cayabyab-
kompositor

64

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Talino sa interaksyon o pakikipag- ugnayan
sa ibang tao, kakayahang makipagtulungan at
makisama sa isang pangkat. Mataas ang
interpersonal intelligence, bukas sa kaniyang
pakikipagkapwa o extrovert. Sensitibo at
mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng
INTERPERSONAL damdamin, motibasyon at disposisyon ng
Catriona Gray- Miss
(People Smart) kapwa. Siya ay epektibo bilang pinuno o
Universe 2018
tagasunod man.
Natututo ang tao sa pamamagitan ng
damdamin, halaga at pananaw. May
kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban. Ang taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis
INTRAPERSONAL niyang nauunawaan at natutugunan ang
(Self- Smart) kaniyang nararamdaman at motibasyon.
Malalim ang pagkilala s kaniyang angking Bob Ong- manunulat
mga talento, kakayahan at kahinaan.

Talino sa pag- uuri, pagpapangkat at


pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan
(definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-
NATURALIST
aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
(Nature Smart) Gina Lopez-
environmentalist
Talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat
sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang
papel na gagampanan ko sa mundo?” “Saan
ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa
lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap ng
paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng
EXISTENTIAL mga bagong kaalaman sa mundong ating
Albert Einstein- scientist
ginagalawan.
(Teacher Teptep, Modyul 2 Esp 7 -Talento Mo! Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin - Week 4 Day 3)

I. Pagpapalalim
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng unang gawain?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Paano mo pinili ang mga kakayahan o talentong higit na nagustuhan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
65

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Ano- ano ang napagtanto mo sa gawaing ito?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Paano mo pauunlarin ang iyong angking talento at kakayahan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Isagawa Natin
(30 minuto)

1. Pangkatin sa lima ang klase. Bigyang-diin na ang bawat isang miyembro ng grupo ay
nagtataglay ng sariling galing at talento tulad ng nabanggit sa multiple intelligences.

2. Subukin sila sa isang talent show na kung saan maaaring maipamalas ang kanilang
pinagsamasamang galing at talento sa isang 3-5 minutong presentasyon.

3. Ang nasabing presentasyon ay pagpapakita ng iba’t ibang galing at talento tulad ng


pagkanta, pagsayaw, pagbigkas, pagguhit, at iba pa o kaya nama’y kombinasyon ng
dalawa o higit pa.

4. Hayaang pag-usapan ang kanilang plano sa loob ng limang minuto o ang “5-minute
challenge” gamit ang countdown timer.

5. Suriin ang sumusunod na rubrik bilang gabay sa pagpaplano:

Rubrik para sa pagpapakitang gilas ng angking talento at kakayahan

Kraytirya 5 4 3 2 1
Paghahanda
Tiwala sa Sarili
Pagkamalikhain
Kalidad ng pagpapalabas o pagpapakitang
gilas
Pagiging angkop sa resulta ng MI
(Multiple Intelligence)
Iskor

66

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Basahin at unawaing mabuti ang nahabing tula sa ibaba. Gawan ito ng sariling pagninilay
(reflection) sa journal notebook.

Sarili ay Mahalin, Talento’t Kakayahan Palawigin


Ni: Lovely V. Vicarme

Likas sa tao ang talento at kakayahan,


Tuklasin, gisingin sa sarili nananahan,
Paunlarin, gamitin at sanaying lubusan,
Diyos na nagbigay, mabibigyang kagalakan

Kamangha-mangha ang mga talentong bigay,


Dulot ay inspirasyon at pagbabagong tunay,
Kumpyansa sa sarili, ibuhos ng walang humpay
Kahinaan ay labanan, huwag itigil ang pagsasanay.

Ang “Batas ng Buto” ay may mahalagang turo,


Hindi lahat ng buto ay maaaring maging puno,
Gayon din kung nais mong makamit ang isang bagay,
Sumubok sa ibang larangan kung hindi nagtagumpay.

Huwag matakot sumubok nang sumubok,


Huwag ikahon ang sarili sa iisang sulok,
Posibilidad at pagkakataon ay hindi matatapos,
Sa mga taong positibong lubos.

Gawing inspirasyon si Sir Thomas Edison,


‘San libong pagsubok kanyang nilipon,
Positibong panananaw ang naging tugon,
Tiyaga, tiwala naghintay - tamang panahon.

Sa daang tinatahak patungo sa paroroonan,


Pagkabigo, pagtanggi ating mararanasan,
Ika- nga ni idol na si Michael Jordan,
“Daan- daang kabiguan ang siyang naging dahilan.”

Sikaping tuklasin, paunlarin at gamitin


mga kaloob ng Diyos sa atin
Regalo’y pagyamanin at ating ibahagi,
Pahalagahan ang sarili, at ating ipagmalaki.

67

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


TANDAAN
Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang mga ito ay kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga
tungkulin at paglilingkod sa pamayanan. “Your talent is God’s gift to you. What you do
with it is your gift back to God.” (Leo Buscaglia). Paglabanan ang kahinaan. Anumang
talento o kakayahang taglay ay paunlarin at ibahaging tunay.
Atin ding tandaan, na ang dulo ng kakulangan at dulo ng kalabisan ay
nagreresulta ng masamang epekto sa ating pagkatao. Huwag babaan o taasan ang tingin
sa sarili. Kaya ang birtud (pagpapahalaga sa sarili o self-esteem) ay dapat nasa gitnang
bahagi, hindi labis, hindi kulang, kundi balanse.

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Gumawa ng Plano (Personal Development Plan) kung paano mapauunlad ang angking
talento o kakayahan tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan,
pagtupad ng mga tungkulin at paglilingkod sa pamayanan. Gumamit ng sariling graphic
organizer. Maging malikhain sa paggawa ng plano. Ilagay ito sa isang malinis na short bond
paper.

Halimbawa (Talento): Si Jenny ay isang eksperto at magaling na taekwondo


player. Pinauunlad niya ang kanyang talento sa pamamagitan ng pagtuturo sa ibang mga tao
ng mga taekwondo moves at sa pagpapaalala sa mga ito na ang mga moves na iyon ay
ginagamit lamang sa sport o para sa pansariling depensa. Hindi ginagamit ito para makapanakit
ng ibang tao.

Halimbawa (Kakayahan): Si Joan ay may kakayahang magpatawa. Isa itong regalo sa kanya
mula nang siya'y isilang. Ginagamit at pinauunlad niya pa ang kanyang kakayahan sa
pagpapatawa sa pamamagitan ng paggawa ng mga charitable activities. Si Joan ay nagtutungo
sa mga home for the aged at doo'y namamahagi siya ng tulong at ginagamit niya ang kanyang
kakayahan upang pasayahin at patawanin ang mga nakatira doon.

Subukin Natin
(30 minuto)

Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay tama. Kung sa tingin mo naman ay mali,
salangguhitan ang salita o grupo ng mga salita na hindi tama ang pagkakagamit sa
pangungusap. Itama ang mga maling ito at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

________1. Ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa talento sa halip na sa kakayahan ay


isang hadlang tungo sa pagtatagumpay.
________2. Bawat tao ay may talento at kakayahan, subalit ang bawat tao ay may kani-
kaniyang panahon ng pagsibol at tinatawag na early bloomer. (Sean Covey, 7
Habits of Highly Effective Teen)
68

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


________3. Ang isang pinuno tulad ni Presidente Rodrigo Duterte ay isang “introvert.”
________4. Kinakikitaan ng talinong “existential” ang mga evangelical preachers.
________5. Ang “Batas ng Buto” o Law of Seeds ay tumutukoy sa kalikasang hindi lahat ng
bunga at buto ng isang puno na kung itatanim ay mabubuhay.
________6. Ang interes o hilig ay walang kaugnayan sa ating talento at kakayahan.
________7. Si Morgiana ay isang magaling na hair dresser, samakatuwid siya ay maituturing
na naturalist.
________8. Ang interpersonal skill ay kilala rin sa tawag na self- smart.
________9. Ang pagpapaunlad sa talento at kakayahan ay isang hakbang ng pagpapahalaga.
________10. Ang taong visual/ spatial ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento at
pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa.

69

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

ALAMIN NATIN
1. Paghawan ng Sagabal
1. Kakayahan
2. Talento
3. Kakayahan
4. Talento
5. Talento
6. Talento
7. Kakayahan
8. Talento
9. Talento
10. Kakayahan
2. Pagganyak
May kanya- kanyang sagot ang mga mag- aaral
3. Pagpapalalim
Personal na kasagutan
SUBUKIN NATIN
1. ✅
2. Ang maling pahayag ay ang “early bloomer”. Papalitan ito ng “late bloomer”
3. Ang maling salita sa pangungusap ay “introvert”. Papalitan ito ng “extrovert”
4. ✅
5. ✅
6. Ang mga maling salita sa pangungusap ay “walang kaugnayan”. Papalitan ito ng “may
kaugnayan.”
7. Ang maling salita sa pangungusap ay “naturalist”. Papalitan ito ng “visual/ spatial”
8. Ang maling salita sa pangungusap ay “self- smart”. Papalitan ito ng “people smart”
9. ✅
10. Ang maling salita sa pangungusap ay “visual/spatial”. Papalitan ito ng
“verbal/linguistic.”

Rubrik para sa pagpapakitang gilas ng angking talento at kakayahan

KRAYTIRYA 5 4 3 2 1
Paghahanda
Tiwala sa Sarili
Pagkamalikhain
Kalidad ng pagpapalabas o pagpapakitang
gilas
Pagiging Angkop sa resulta ng MI
(Multiple Intelligence)
Iskor

Rubrik para sa paggawa ng Graphic Organizer at Personal Development Plan.

70

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


KRAYTIRYA 16-20 11-15 6-10 1-5
Paggawa ng Malinaw Nakapaglahad Nakapaglahad Nakapaglahad
plano o Personal na nailahad ang ng plano o tiyak ng plano o tiyak ng plano o tiyak
Development plano o tiyak na na hakbang sa na hakbang sa na hakbang sa
Plan sa hakbang sa paghubog ng paghubog ng paghubog ng
pagpapaunlad paghubog ng sarili ngunit sarili ngunit sarili ngunit
ng angking sarili tungo sa mayroon mayroon mayroon
talento at layuning: lamang tatlong lamang lamang isang
kakayahan. magkaroon ng isinaalang- dalawang isinaalang-
tiwala sa sarili, alang na isinaalang- alang na
paglampas sa layunin. alang na layunin.
mga kahinaan, layunin.
pagtupad ng
mga tungkulin
at paglilingkod
sa pamayanan.

Paglikha at Nakalikha ng Hango ang Nakalikha ng Hango ang


paggamit ng sarili, malikhain graphic graphic graphic
graphic at orihinal na organizer sa organizer ngunit organizer sa
organizer graphic libro o ibang hindi malinaw libro o ibang
organizer na sanggunian na ang naibigay o sanggunian
ginamit upang ginamit upang naibahaging ngunit malabo
maibigay o maibigay o plano ng ang naibigay o
maibahagi ang maibahagi ang pagpapaunlad naibahaging
plano ng plano ng ng talento o plano ng
pagpapaunlad pagpapaunlad kakayahan pagpapaunlad
ng talento o ng talento o ng talento o
kakayahan kakayahan kakayahan

MGA SANGGUNIAN:
A. AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Manual. Pahina 48- 56

B. WEB (Article)

Children’s Home Society of California. “Pagtitiwala sa Sarili.” chs-


ca.org.https://www.chs-ca.org/_docs/FEP_SelfEsteem_2017_Tagalog_web.pdf
(accessed October 22, 2020)

Jones, Rita. “Identifying Talents/ On Course Workshop.” oncourseworkshop.com.


https://oncourseworkshop.com/self-esteem/identifying-talents/ (Accessed October 21,
2020)

Lam- ang. Pagpapahalaga sa Sarili. tl.wikipedia.org.


https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapahalaga_sa_sarili (Accessed October 24, 2020)

71

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Teacher Teptep. “MODYUL 2 ESP 7 -TALENTO MO! TUKLASIN, KILALANIN
AT PAUNLARIN - WEEK 4 DAY 3.” youtube.com
https://www.youtube.com/watch?v=lcKWHyfXV1Y&t=1229s (Accessed October 20,
2020)

C. WEB (Image)

Albert Einstein. Pixabay Albert Einstein Portrait - Free photo on Pixabay. Image.
(Accessed October 25, 2020)

Book Writer. Pixabay. Book Notebook Write - Free photo on Pixabay. Image.
(Accessed October 25, 2020)
Philippine nature. Pxfuel Royalty-free Philippines photos free download | Pxfuel.
Image. (Accessed October 25, 2020)

Catriona Gray. File:Catriona Gray with iconic tristar and sun earpiece, in Mak Tumang
Swarovski gem-embellished "Mayon" evening number.jpg - Wikimedia Commons
commons.wikimedia.org. Image. (Accessed October 25, 2020)
Gloria Macapagal Arroyo. Flickr Gloria Macapagal Arroyo - World Economic Forum
Annual. Image. (Accessed October 25, 2020)

Kathryn Bernardo. Wikimedia Commons File:Kathryn Bernardo at the Celebrate Mega


in Iceland, 2016.jpg. Image. (Accessed October 25, 2020)

Korina Sanchez. File:Korina Sanchez at abs-cbn studio.jpg. Image. (Accessed October


25, 2020)

Multiple Intelligence Thumbnail. Image. English: Multiple Intelligence Theory


Multiple-intelligence. jpg (601 × 597 pixels, file size: 68 KB, MIME type: image/jpeg).
Accessed October 23, 2020

Ryan Cayabyab. File:Ryan Cayabyab.jpg - Wikimedia Commons. Image. (Accessed


October 25, 2020)

Spolarium painting. File:'Spoliarium' by Juan Luna.jpg - Wikimedia Commons Image.


(Accessed October 25, 2020)

Inihanda ni:
LOVELY V. VICARME

72

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
KALINISAN (CLEANLINESS)
para sa Buwan ng Hulyo

ELVE V. BANAGA
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

73

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
KALINISAN

Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. (EsP10PB-IIIg-
12.1)
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan.
(EsP10PB-IIIg-12.2)
3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan
(EsP10PB-IIIh-12.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Kalinisan
Mga Kagamitan:
Malinis na papel, Lapis, Lumang magasin, Kagamitang pansining, Cellphone
Empowerment:
Integrasyon sa iba pang asignatura
Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Isa sa natatanging likha ng Diyos ay ang ating kalikasan at ang mga nabubuhay at
hindi nabubuhay na nakapaloob dito. Tayo bilang tao ay nilikha rin ng Diyos upang
mapangalagaan ang lahat ng ito.
Nakasalalay sa kalikasan ang lahat ng pangangailangan ng tao. Siya ang tagatustos
ng lahat ng ikabubuhay ng tao. Mula sa pagkain, damit, tahanan, mga kasangkapan at
marami pang iba na nagdudugtong sa buhay ng tao.
Nilikha ng Diyos ang napakagandang paraiso para sa atin, ngunit kung ating
papansinin napakaraming ilog at dagat ang nagkukulay itim, maraming bundok ang
nakakalbo, maraming hayop ang nawawalan ng tahanan at unti-unting nawawalan ng buhay
ang ating inang kalikasan. Ano kaya ang dahilan ng mga ito? Marahil ang kawalan ng
disiplina at ang kawalan ng responsibilad ng mga tao na inatang sa atin ng Diyos. “Ang
taong walang pagmamahal sa kalikasan ay walang pagmamahal sa sarili. Ang taong kinikitil
ang kagandahan ng paligid ay pumapatay sa sarili niyang buhay.” Ano nga ba ang ibig
ipahiwatig ng kasabihang ito? Bilang tagapangalaga ng mundo, ano ba ang tunay nating
tungkulin?
Malinaw ba sa ating isipan ang bagay na ito o tayo mismo ang siyang nagiging dahilan
ng unti-unting pagkawasak at pagkasira ng ating kalikasan? Napagtanto mo na ba na ikaw,
ako, tayo ay may responsibilidad na dapat gampanan upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng ating kapaligiran?
Tandaan na kung ano ang ginawa natin ay siyang ibabalik sa atin. Huwag na sana nating
hintayin ang unos na ipupukol ng ating Inang Kalikasan. Maging alerto at responsable sa
ating mga kilos upang maging ligtas sa oras ng sakuna.
Dahil sa mga hindi magandang nangyayari sa ating kapaligiran inihanda ang mga
aktibidad na kapaloob sa gawaing upang makatulong sa inyo bilang isang mag-aaral kung

74

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


papaano ninyo mapangangalagaan ang ating kalikasan at maipaliwanag ang kahalahan ng
pangangalaga sa ating kalikasan.

Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

_____1. Ito ay isang nakahahawang sakit na dulot ng virus mula sa lamok.


a. Dengue b. leptospirosis c. malaria d. sipon
_____2. Tumutukoy ito sa pagtaas ng temperature ng mundo.
a. Climate change b. photosynthesis
c. Global warming d. ozone layer
_____3. Isa itong proseso kung saan mas malaki ang iniaambag na init sa ibabaw ng isang
planeta ng radyasyon mula sa atmospera nito.
a. Climate change b. fossil fuel
c. Global warming d. greenhouse effect
_____4. Tumutukoy ito sa isa sa mga greenhouse gases na nagpapabagal ng paglabas ng init
ng daigdig papuntang kalawakan.
a. Carbon dioxide b. Monoxide c. sulfur dioxide d. oxide
_____5. Ito ay isang gawi ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropical na Karagatang
Pasipiko na karaniwang nangyayari sa pagitan ng ng limang taon.
a. Greenhouse effect b. El Nino c. El Nina d. climate change

II. Pagganyak

https://www.google.com/search?q=basura+ilog+editorial+cartoon&ved (accessed on October 19, 2020)

Pagmasdan mo ang larawan. Ano kaya ang nangyayari sa lalaki? Bakit siya tumatakbo na tila
may naghahabol sa kanya? Ano kaya ang nais ipamalas at ipahiwatig ng larawang ito?
Sa modyul na ito, magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa pagpapatupad ng mga
angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

75

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


III- Pagpapalalim

Global Warming Introduksyon ng APA FORMAT

Malaki na ang ipinagbago ng ating


mundong ginagalawan. Ang hindi
mapigilang pagtaas ng populasyon ay
nagdudulot ng maraming suliranin. Hindi
na mabilang ang mga taong nagugutom.
Marami ang walang tirahan. Kasabay pa
nito ang kurapsyon ng mga lider ng bansa
na siyang dahilan ng pananatiling mahirap
ng bansang Pilipinas.

https://www.google.com 2011/02/10/global-warming-introduksyon-ng-apa
format/amp/ (accessed on October 19, 2020)
Bukod pa sa mga suliraning ito, tila hindi na pansin ang suliranin sa ating kapaligiran.
Laganap na ang polusyon saan man. Kasama na sa ating araw-araw na pamumuhay ang
makalanghap ng usok mula sa tambutso ng mga rumaragasang sasakyan. Sa katunayan, ayon
kay Olusegun at Ojiboye (sa pagbanggit ni Ludang, Yetrie) ang Green House Gas (GHG) na
responsable sa pagbabago ng klima ay sanhi ng mga sasakyan sa pagitan ng taon 2003
hanggang 2006. Nililinaw nila na isa ang mga sasakyan sa may malaking kontribusyon sa
polusyon sa hangin. Ang polusyon na ito ay kagagawan ng mga tao. Dahil sa GHG kaya nabuo
ang suliraning Global Warming.

Ayon sa isang artikulo sa internet, ang Global Warming ay isang phenomenon kung
saan tumataas ang pandaigdig na temperatura (average global temperature) nang higit pa sa
normal nitong antas. Tinatayang mula pa sa pagtatapos ng taong 1800’s, ang pandaigdigang
temperatura ay tumaas na ng may 0.7 hanggang 1.4 degree F (o 0.4 to 0.8 degrees Celsius) at
maraming mga eksperto ang naniniwala na ang average temperature ng daigdig ay maaring
umabot pa sa 2.5 hanggang 10.4 degrees F (o 1.4 hanggang 5.8 degrees Celsius) sa taong 2100.

Kabilang sa mga gawain ng tao na nakakaambag sa global warming ay ang pagsusunog


ng fossil fuels (coal, oil, at natural gas) at ang maling paggamit ng lupa. Ang paggamit
ng fossil fuels na karaniwan sa mga sasakyan, mga pagawaan at mga planta ng kuryente, ay
nagreresulta sa pagkakabuo ng carbon dioxide (CO2). Ang CO2 ay isa sa mga greenhouse
gases na nagpapabagal ng pag-labas ng init sa daigdig papuntang kalawakan. Ang mga
punongkahoy at mga halaman ay may malaking naitutulong upang maalis o di kaya’y
mabawasan ang antas ng CO2 sa hangin sa proseso ng photosynthesis. Subalit, dahil sa
pagtugon sa pangangailangan sa tirahan ng nakararaming populasyon sa daigdig, ilan sa mga
punongkahoy na dati’y mapayapang namumuhay sa ating mga kagubatan at kakahuyan ay
naisasakripisyo kung kayat patuloy na dumarami ang antas ng CO2 sa hangin. Gayunpaman,
may mga iilang siyentipiko, ang naniniwala na hindi gaanong nakakaapekto sa pagbabago ng
klima ang pagtaas ng antas ng greenhouse gases sa atmospera. Ayon sa kanila, mas
nakalalamang pa rin ang mga natural na proseso (kagaya ng pagtaas ng enerhiyang inilalabas
ng araw at ang pagputok ng mga bulkan) sa pagkakaroon ng global warming.

76

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Malaki na rin ang pinsalang naidulot ng suliraning ito sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Milyon kabahayan na ang nasira dahil sa pagtaas ng sea level. Natutunaw na ang mga
yelo sa polar zone. At marami na rin ang namatay dahil dito. Dahil dito, sinaliksik namin kung
ano ba ang epekto ng Global Warming sa ating sariling bansa. Una na dito, dahil sa Global
Warming mas lalong mainit ang ating tag-init at sobrang lamig naman kung tag-lamig. Dahil
sa init, mabilis ding lumaganap sa bansa ang sakit na Dengue. Ang pagkagutom ay epekto rin
nito dahil maraming pananim ang sinisira ng mga bagyo, El Nino at pagbaha. Ilan lang ito sa
mga epekto ng Global Warming sa bansa at maaari pa itong mas maging malalala kung hindi
tuluyang masosolusyunan ang suliranin.

Nagsimula ang masusing imbestigasyon ng Global Warming kay Svante Arrhenius


(1859 – 1927) nang madiskubre niya ang malalang epekto ng Carbon Dioxide (CO 2) sa
atmospera ng mundo. Siya ang nakadiskubre ng Greenhouse Effect na kung saan ang pagtaas
ng konsentrasyon ng CO2 ay nagdudulot ng pagtaas din ng temperatura ng mundo. Dahil dito
inilahad nina Arrhenius at Thomas Chamberlin na nanganganib ang mundo dahil sa pag dagdag
ng Carbon Dioxide sa atmospera na kagagawan ng mga tao.

Ang greenhouse effect ay ang pag-iinit ng atmospera o ibabaw ng daigdig dahil sa


pagpigil ng mga greenhouse gases na makalabas ang init na nagmumula sa araw pagkatapos
nitong marating ang daigdig. Sa normal na kondisyon, mahalaga ang greenhouse effect upang
mapanatili ang init sa daigdig at masuportahan ang mga may buhay dito. May mga hangin o
gases sa kalawakan na nagsisilbing greenhouse – ang mga greenhouse gases. Hinahayaan
nilang makapasok sa atmospera ang enerhiyang (init) nagmumula sa araw at makarating sa
daigdig subalit pinipigil nila ang init na makalabas muli patungong kalawakan. Epekto nito
ang pag-init ng ating atmospera.

Dahil sa problemang kinakaharap, ‘di lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo
ay hindi malayong mangyari ang isinasaad sa banal na kasulatan – ang katapusan ng mundo.
Subalit hindi ang ‘Amang Lumikha’ ang sisira dito, ang mga tao na mismo ang sumisira sa
sarili niyang mundo. Dahil nga sa suliranin, natitiyak na ng nakararami na nalalapit na ang
katapusan ng mundo. Ang pinakakontrobersiyal ay ang prediksyon sa taon 2012 na
isinapelikula pa. Subalit para sa amin hindi lamang ito hula, na binase dahil sa galaw ng mga
bituin sa kalangitan, na maaaring balewalain kundi isang katotohanang nagbibigay babala sa
atin sa kalunos lunos na mangyayari sa hinaharap.

1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit sa loob ng artikulo? Sang-ayon ka ba sa mga


ito?
2. Isa-isahin ang mga gawain ng tao na nakaaambag sa global warming.
3. Batay sa artikulo, bakit maituturing na malaki na ang nagiging pinsala ng global
warming sa ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga patunay.
4. Sa iyong sariling pananaw, ano kaya ang maaaring kahantungan ng ating bansa sa
hinaharap kung hindi masosolusyonan ang mga suliraning ito?

77

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isagawa Natin
(30 minuto)

Gawain 1: Magbigay ng limang bagay na dapat gawin para sa pangangalaga ng kalikasan at


ipaliwanag ang bawat isa.

MGA DAPAT GAWIN PARA SA PANGANGALAGA NG


KALIKASAN

MGA DAPAT GAWIN PALIWANAG

Pamantayan para sa Gawain 1:

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman Kulang pa


(3) ang
kasanayan
(2)
Paglahad ng Napakakomprehensibo Maayos ang Maayos ngunit Magulo at
paliwanag/ at napakaayos ng pagkakalahad kakikitaan ng kulang na
Katwiran pagkakalahad ng ng paliwanag kakulangan sa kulang ang
paliwanag at katwiran at katwiran mga inilahad mga inilahad
na paliwanag na paliwanag
at katwiran at katwiran

78

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Kalinisan ng Napakalinis ng Malinis ng Kakikitaan ng Maraming
Pagtatala ng pagkakatala ng mga pagkakatala ng kaunting kamalian sa
mga sagot sagot sa grapikong mga sagot sa kamalian sa pagtatala ng
pantulong grapikong pagtatala sagot
pantulong
Interpretasyon
8-10 Napakahusay 5-7 Mahusay
4-6 Katamtaman 1-3 Kailangan pang magsanay

Gawain 2: Teksto-suri.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga
naihandang katanungan.

RA 9003
Solid Waste Management Act

Ang RA 9003 o Solid Waste Management Act ay batas na tumutukoy sa tamang


pagbubukod-bukod ng mga basura. Nais nitong maging responsible ang mga mamamayan sa
pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng bawat isa. May iba’t ibang uri ng basura, ito ay
papel, plastik, bakal, bote, at bubog na kabilang sa recyclable waste, samantala kabilang
naman sa compostable waste materials ang kitchen waste gaya ng tiring pagkain, balat, at
buto ng gulay prutas, balat ng tahong, talaba, alimasag, balat ng itlog, tinik, hasang, bituka
ng isda at halimbawa ng garden waste ay ahon at damo, sanga at dumi ng hayop.
Mapakikinabangan umano ang mga basura kung maaayos ang mga ito, maaari itong
mapagkakitaan o di kaya’y gawing fertilizer. Kaya gayon na lamang ang adhikain ng RA
9003 na maisulong na maging ganap na epektibo ang batas. Maaari naming sampahan ng
kasong kriminal at sibilyan ang sinomang mamamayan, opisyal,o ahensya na lalabag sa batas
tulad ng pagkakalat, pagtatapon, at pagtatambak ng basura sa pampublikong lugar,
pagsusunog ng basur, pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura, pagtatambak,
https://www.google.com/search?sxsf=Ra+9003+summary+Tagalog=version (accessed October 20, 2020)
pagbabaon
1. Tungkolngsaan
mgaangbasura sa lugar
tekstong na binabaha, at paghahalo-halo ng mga nahiwa-hiwalay
nabasa?
na basura.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
May kapalit na multa o parusa ang paglabag sa RA 9003, maaaring pagbayarin ng
_____________________________________________________________________
mula P300.00 hanggang P3,000.00 at pagkakabilanggo ng mula labinlimang araw hanggang
_____________________________________________________________________
anim na buwan, o kaya naman ay serbisyong pangkomunidad mula isa hanggang labinlimang
araw.
2. Makatutulong ba ang nabanggit na paksa upang mapangalagaan ang ating kalikasan?
Ipaliwanag.
Ang kaalaman tungkol sa RA 9003 ay malaking tulong upang maiwasan ang mga
_____________________________________________________________________
problemang posibleng kaharapin ng mga mamamayan at buong bayan sa usaping
_____________________________________________________________________
pangkapaligran at pangkalusugan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay ang RA 9003 ba ang magiging susi upang maging malinis ang ating
kapaligiran?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
79

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamatayan sa pagpupuntos para sa gawain 2


PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG
SA 5 4-3 PAGHUSAYAN
PAGPUPUNTOS 2-1
Nilalaman at Nailahad nang Nailahad nang Nailahad nang maayos
organisasyon ng napakahusay ang mahusay ang mga subalit ang ideya ay
gawain mga ideya. ideya. Ngunit kakaunti taliwas sa aralin.
Kumpleto at may lamang ang nilalaman
katuturan ang ng gawain.
nilalaman ng
gawain.
Maayos ang
Napakaayos at pagkakagawa ng Hindi maayos at hindi
napakalinis ng mga aktibidad at mayroon malinis ang
ideyang nailahad. lamang isa o dalawang pagkakagawa ng
pagkakamali. aktibidad.

Gawain 3: Basahin ang liriko ng isang awiting pinamagatang “Masdan Mo Ang Kapaligiran”
at suriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ng pagsagot nang may pang-unawa sa mga
nakatalang tanong sa ibaba.
Masdan mo ang Kapaligiran Ang mga batang ngayon lang isinilang
(ASIN) May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
Wala ka bang napapansin May mga ilog pa kayang lalanguyan
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin Bakit 'di natin pag-isipan
Pati na ang mga ilog natin Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan
At malayo-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Darating ang panahon, mga ibong gala
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ang mga duming ating ikinalat sa Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man Lahat ng bagay na narito sa lupa
Sariwang hangin, sa langit natin Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala
matitikman pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Mayro'n lang akong hinihiling 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan na
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo
80

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
https://www.allthelyrics.com/lyrics/asin/masdan_mo_ang-kapaligiran (accessed October 20, 2020)
PAKSA/TEMA NG AWIT:

SULIRANING NAKAPALOOB SA AWIT:

LAYUNIN NG MAY-AKDA SA PAGLIKHA NG AWIT:

ARAL/MENSAHENG NAIS IPABATID NG AWIT:

Pamantayan para sa gawain 3:


Pamantaya Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman Kulang pa
n (3) ang
kasanayan (2)
Nilalaman Napakakomprehensib Maayos ang
Maayos ngunit Magulo at
o at napakaayos ng pagkakalahad
kakikitaan ng kulang na
pagkakalahad ng ng ideya at
kakulangan sa kulang ang
ideya at pagpapaliwana
mga inilahad na mga inilahad
pagpapaliwanag g ideya at na ideya at
pagpapaliwana pagpapaiwana
g g
Kalinisan ng Napakalinis ng Malinis ng Kakikitaan ng Maraming
Pagtatala ng pagkakatala ng mga pagkakatala ng kaunting kamalian sa
mga sagot sagot talahanayan mga sagot sa kamalian sa pagtatala ng
talahanayan pagtatala sagot
Interpretasyon
8-10 Napakahusay 5-7 Mahusay
4-6 Katamtaman 1-3 Kailangan pang magsanay

Gawain 4: Challenge Accepted.


Panuto: Kunan ang iyong sarili ng larawan na naglilinis ng mga kalat, nag-aayos ng mga
basura, nagtatanim, nagdidilig o kahit ano pang mga aktibidad na nagpapakita ng
pangangalaga sa kalikasan. At ipaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan. I-post ito sa Facebok at lagyan ng # Challenge Accepted at #KALIKASAN
AY PANGALAGAAN.
81

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


PAGNINILAY
Napag-aralan ko na…
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________.
Naniniwala akong…
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Simula ngayon…
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Pamatayan sa pagpupuntos para sa gawain 4


PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG
SA 10-8 7-6 PAGHUSAYAN
PAGPUPUNTOS 5-2
Para sa caption/pagpapaliwanag

Nilalaman at Kumpleto at may Nailahad nang mahusay ang Nailahad nang


Organisasyon ng katuturan ang mga ideya. Ngunit kakaunti maayos subalit
Gawain nilalaman ng lamang ang nilalaman ng ang ideya ay
kanyang kanyang pagpapaliwanag o taliwas sa aralin.
pagpapaliwanag o naging caption. Hindi maayos at
caption sa larawan. Maayos ang pagkakagawa hindi malinis ang
Maayos din at ng aktibidad at mayroon pagkakagawa ng
napakalinis ng mga lamang isa o dalawang aktibidad.
ideyang nailahad. pagkakamali.

Para sa larawan
Pagiging Napakamalikhaing Hindi gaanong malikhain Hindi maayos at
malikhain nailahad ang mga ang pagkakalahad ng mga nauunawaan ang
larawan. Madaling larwan. nais ipahtid ng
maunawan ang larawan.
mensahe ng
larawan.

82

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang “Pangako sa Pagpapanatili ng Kalinisan
sa Sarili at Kapaligiran.” Huwag kalimutang lagdaan ito.

Ako si _______________________, nangagakong ________________ araw-araw upang


maging malinis ang katawan. Pananatilihin kong malinis ang aking
________________________ upang makaiwas sa sakit. Magiging mapanuri rin ako sa
aking __________________. Iiwasan ko ang ______________, ________________, at
________________ ako sa mga gawaing pangkalinisan at pangkalusugan.
________________________

TANDAAN
Ang kalinisan ay kayamanan. Ang kalinisan ng kapaligiran ay napakahalagang
salik upang maiwasan ang mga sakit at mga sakuna. Karapatan mong lumanghap ng
malinis na hangin ngunit may pananagutan kang pangalagaang mabuti ang kalikasan sa
pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran. Ang
pagkakaisa ng mga mamamayan ay kailangan upang mapanatili ito at tiyak na
magbubunga ng malusog na pamayanan

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Sa isang malinis na papel, pumili ng naayon sa kayang gawin (gumuhit/poster, tula,
kanta o acrostic na nagpapakita ng isa sa mga madalas mong ginagawa sa inyong tahanan na
maituturing na angkop na kilos para sa kaayusan at kalinisan ng ating Inang Kalikasan.
Kalakip nito ang iyong maikling paliwanag kaugnay ng iyong iginuhit na larawan.
Pamantayan para sa Gawain
Pamantayan Napakahusay Mahusay (4) Katamtaman (3) Kulang pa ang
(5) kasanayan (2)
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Kulang na
naipamalas ang malikhain sa naging malikhain kulang ang
pagkamalikhain pagguhit ng sa pagguhit ng naipamalas na
sa pagguhit ng larawan larawan pagkamalikhain
larawan sa pagguhit ng
larawan
Organisasyon Buo ang May kaisahan May kaisahan Hindi ganap ang
kaisipan, at sapat na ngunit kulang sa pagkakabuo,
konsistent, at detalye kalinawan ng kulang na kulang
malinaw ang mga detalye ang mga detalye
detalye
83

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi kakikitaan
paksa angkop ang larawan sa naaangkop ang ng kaangkupan
larawan sa paksa larawan sa paksa ng larawan sa
paksa paksa
Interpretasyon
13-15 Napakahusay 10-12 Mahusay
7-9 Katamtaman 4-6 Kailangan pang magsanay

Subukin Natin
(30 minuto)
Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
_____1. Upang mapangalagaan ang ating kapaligiran ay ipinasa ng ating mga mambabatas
ang isang batas na siyang tutugon sa mga kasong mayroong kinalaman sa kapaligiran.
Anong batas ito na naipasa noong Enero 26, 2001?
a. RA 9004, Solid Waste Management Act
b. RA 9003, Ecological Management Act
c. RA 10533, Solid Waste and Ecological Management Act
d. RA 10534, Ecological Management and Solid Waste Act
_____2. Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kalikasan?
a. Tumulong sa paglilinis sa loob lamang ng silid-aralan.
b. Matutong magtipid sa pagbili ng mga pagkain.
c. Makiisa sa mga mag-aaral na sumisira ng mga pananim sa paaralan.
d. Sumali sa mga tree planting activity kahit mayroong registration fee.
_____3. Si Ana ay naglalakad at nakakita siya ng bote ng softdrinks pinulot niya ito at
itinapon sa nabubulok na lalagyan. Tama ba ang ginawa ni Ana?
a. Oo, dahil nagpapakita ito ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
b. Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
c. Oo, dahil ang bote ng softdrinks ay nauuri sa hanay ng mga nabubulok.
d. Hindi, dahil sa maling tapunan niya ito inilagay.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?
a. Pagpuputol ng mga puno upang gawing tahanan
b. Paghuli ng mga malapit ng maubos na uri ng hayop.
c. Pagtatanim ng mga puno sa kabundukan.
d. Pagsusunog ng mga basura upang hindi kumalat.
_____5. Ang paghahanay-hanay ng mga basura mula sa nabubulok, hindi nabubulok at
nareresiklo ay nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.
a. Mali, dahil mayroong mga bagay na mas mainam ang gawin.
b. Tama, dahil nagpapakita ito ng pagiging disiplinado ng tao sa kanyang mga
basura.
c. Hindi, dahil wala itong epekto sa kalikasan
d. Oo, dahil maaring kan magkaroon ng pera dahil sa basura.
_____6. Ano ang nabanggit sa artikulo na sanhi ng pagkakaroon ng greenhouse gases na
siyang responsable sa pagkakaroon ng pagbabago sa ating klima?
a. Pagmimina sa ating mga kabundukan
b. Pagkakaingin sa ating mga kabundukan
c. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
d. Pagbuga ng usok mula sa tambutso ng mga saksakyan
84

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


_____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga gawain ng tao na nakaaambag sa
Global Warming?
a. Pagtatanim ng puno b. Pagsusunog ng fossil fuel
c. Maling paggamit ng lupa d. Pagputol ng punongkahoy
_____8. Batay sa artikulo, ano ang mahalagang impormasyong nadiskubre ni Svante
Arrhenius sa kanyang masusing imbestigasyon?
a. Epekto ng fossil fuel sa ating mundo
b. Epekto ng Carbon dioxide sa ating mundo
c. Epekto ng photosynthesis sa ating mundo
d. Epekto ng Global Warming sa ating mundo
_____9. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa malaking pinsala ng Global
Warming sa ating mundo?
a. Milyong kabahayan na ang nasira dahil sa pagtaas ng sea level.
b. Natutunaw na ang mga yelo sa polar zone
c. Nagkakaroon na lamang tayo ng taglamig na panahon at bihira na ang tag-init
d. Mabilis ding lumaganap sa ating bansa ang sakit na Dengue
_____10. Sila ang mga kilalang taong naglahad na nanganganib ang mundo dahil sa pag
dagdag ng Carbon Dioxide sa atmospera na kagagawan ng mga tao
a. Svante at Arrhenius b. Artemis at Plato
c. Arrhenius at Thomas Chamberlin d. Socrates at Marie Curie
_____11. Ayon sa mga siyentipiko, ito raw ang mga natural na proseso na mas nakaaapekto
sa pagtaas ng greenhouse gases sa ating atmospera.
a. Pagmimina at pagkakaingin
b. Pagtaas ng enerhiyang inilalabas ng araw at pagputok ng bulkan
c. Pagtaas ng temperatura sa atmospera at pagkatunaw ng yelo sa polar zone
d. Pagtatapon ng fossil fuel at basura sa ilog
_____12. Sa iyong sariling hinuha, ano ang maaaring kahihinatnan kung tataas ang lebel ng
pangangailangan ng tao sa punongkahoy para sa pagpapatayo ng kanilang tirahan?
a. Maiiwasan ang pagkakaroon ng global warming
b. Babagal ang paglabas ng init sa daigdig papuntang kalawakan
c. Magpapatuloy ang pagkakaroon ng panahong taglamig
d. Bababa ang temperatura ng ating mundo dahil sa Carbon dioxide
_____13. Ito ang pinakasuliraning lumilitaw sa editoryal na dapat bigyang atensyon at
solusyon.
a. Pagtatapon ng langis sa ilog b. Pagmimina sa kabundukan
c. Pagtatapon ng plastic d. Pagkakaingin sa kabundukan
_____14. Batay sa editoryal na binasa, maituturing itong isang patunay ng pagkakaroon ng
hindi magandang epekto ng pagtatapon ng basura sa ating kalikasan.
a. Pagkasira ng dating malinis at malinaw na tubig sa Manila Bay
b. Pagtaas ng temperatura sa ating atmospera
c. Pagbaba ng bilang ng mga punongkahoy na tumutuong sa pagpapababa ng carbon
dioxide
d. Pagguho ng lupa dahil sa pagmimina
_____15. Isang hakbang na binanggit sa editoryal na maaari nating pamarisan sa ating
komunidad upang maisulong ang kaayusan ng ating kalikasan.
a. Pagkakaroon ng environmental laws
b. Pagbibigay babala sa mga minero
c. Paggawa ng proyekto para sa pagtaas ng bilang ng punongkahoy
d. Pagpapatigil sa kaingin system
85

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

Alamin Natin
1.a 2.b 3.d 4.a 5.c
Isagawa Natin
Gawain 1, 2, 3, 4
Maaaring magkakaiba ang sagot batay sa naibigay na pamantayan.
Subukin Natin
1. b 6. d 11. b
2. d 7. a 12. b
3. d 8. b 13. c
4. c 9. c 14. a
5. b 10. c 15. a

Sanggunian:
Mula sa Internet:
a. https://www.google.com 2011/02/10/global-warming-introduksyon-ng-apa-
format/amp/ (Accessed on October 19, 2020)
b. https://www.google.com (Accessed October 20, 2020)
c. https://www.slideshare.net/mobile/mcwainf/rubric-sa-pagsulat-ng-tula (Accessed
on October 20, 2020)
d. https://www.allthelyrics.com/lyrics/asin/masdan_mo_ang-kapaligiran (Accessed
on October 20, 2020)
e. https://images.app.goo.gl (Accessed on October 20, 2020)

Inihanda ni:
ELVE V. BANAGA

86

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAKAISA (UNITY)
para sa Buwan ng Agosto

MARICON M. SEVILLA
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

87

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAKAISA

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Napatutunayan na
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na
makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at
pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang
ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng
pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang
kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan. (Prinsipyo ng Pagkakaisa) (EsP9PL-Id-
2.3)
d. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangay),
lipunan/bansa. (EsP9PL-Id-2.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakaisa
Mga Kagamitan:
ICT Resources, Manila Papers, Marker, Masking Tape, Glue, gunting at tsarts
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Bayanihan, sama-sama, tulong-tulong iyan ay tatak nating mga Pilipino


magmula noon magpahanggang ngayon na nakaugat sa salitang Pagkakaisa.
Marami nang pagkakatataong napatunayan natin na ang pakikiisa ay may
magandang dulot sa ating bansa. Sa pamamagitan nito ay naisasakatuparan natin ang
ating mga layunin na may kagaanan, sapagkat lahat ay kumikilos at iisa ang ninanais
na tunguhin. Sa ano mang larangan mahalaga ang pagpapakita ng pagkakaisa sapagkat
ang dulot nito’y hindi matatawaran. Sa pamamagitan din nito ay naipagpapatuloy natin
ang magagandang mga kaugaliang nasimulan ng ating mga ninuno.
Walang anumang pagsubok ang hindi kayang malagpasan ng mga Pilipinong
nagkakaisa. Lahat ay gumagaan kung nagtutulungan.

88

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Alamin Natin
(30 Minuto)

I.Paghawan ng Sagabal
a. Pamahalaang Pampolitika - Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro
na ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang
pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.
b. Prinsipyo ng Subsidiarity- Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan
na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa- Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng
pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga
mamamayan.

II. Pagganyak
Panoorin ang isang video clip
Magkaisa
https://www.youtube.com/watch?v=9tho9xOsW6w

Tanong:
a. Ano ang mensahe ng awitin?
b. Bakit kinakailangang magkaisa ang bawat isa?

III. Pagpapalalim

Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa


(Solidarity)

Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay sekondarya ang paghahanap ng mga


matatalik na kaibigan. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging kaibigan
mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming
karanasan. Sila ang kabiruan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga
seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit pang dakilang
tunguhin sa buhay. Natanong mo na ba kung paano nagsimula ang inyong barkada?
Paano kayo naging magkakaibigan? Bakit sila ang naging matatalik mong kaibigan? Sa
isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga magkakatulad ng interes, hilig, o
mga pangarap. Maaaring magkakatulad ng pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay.
Sino pa nga ba ang magsasama-sama? Halimbawa sa panonood ng sine, kundi ang mga
magkakatulad na may gusto kay John Lloyd at Bea? Subalit may pagkakataon ding
nagsasama ang hindi magkakilala. Dahil sa nakababagot na paghihintay sa pag-usad ng
pila sa sine, maya-maya’y nag-uusap na ang magkatabi. Hindi sila magkakakilala.
Nagkataong magkasunod, parehong naiinip. Sa pila natagpuan ang bagong kaibigan.
Baka nga mamaya, maging kasintahan pa! Napalalalim ng isang pinagdaanan ang
pagsasama. Ang parehong karanasan ang naging dahilan ng pagkakakilala at pag-
uugnayan. Ganyan nabubuo ang barkada. Magkakapareho at kaiba rin. Umuusad at
lumalalim ang pagkakaibigan sa paglipas ng panahon dahil sa mas marami pang
pagkukwentuhan at sama-samang pagdanas.

89

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isang malaking barkada

Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una rito ang
kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila nakatira at
doo’y sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga
hamon sa buhay. May mga kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang
binubuo. Ang valedictorian na anak ni Aling Norma, tagumpay ng buong kapitbahayan.
Ang aksidente ni Manuel sa motor ay lubhang ipinag-alala ng buong baranggay. Ang
pagliligawan nina Eric at Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa patubig ang laman
ng usapan sa barberya at palengke. Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng
pamayanan.

Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin
ang kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga
nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan
ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay
ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan. Babalikan nila ang nakaraang
nakaukit sa kanilang kultura upang makita ang mga landas na mainam na tahakin sa
kinabukasan.

Lipunang Pampolitika
Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat
at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang
magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa
pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas
malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo. Sa dami ng interes na kailangang
pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na
nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang kultura ang
mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang umiiral na pare-
parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan: paano siya
makagagawa at magiging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito? Paano
magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong
tunguhin ng mga tao? Ito ang kinakaharap ng lipunan ang makagawa at maging
produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito. Maging isa pa rin ang direksyon
ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhin ng mga tao.

90

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at
tuparin ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang
tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin
sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito.
Tungkulin ng pamahalaan na isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng
mga mamamayan.

Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng


mga tao ang kanilang batayang pangangailangan. Mag-iipon, mag-iingat, at
magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at
pagbibigay-serbisyo. Sa ugnayang pang-mundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado
sa internasyonal na larangan. Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang
matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na
kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.

Isang Kaloob ng Tiwala


Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan
ang pamahalaan bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng mga namumuno
ang kapangyarihan na bigyang-direksyon ang kasaysayan at kinabukasan ng estado,
itinuturing kung minsan ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang sakop lamang ng
pamahalaan. Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay
kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito
sa pamumuno at pangangasiwa.

Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang


pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga kabarkada o kasamahan sa
pamayanan minsan sa ating buhay. Iyong mga pagkakataong biglang nagyaya ang
kabarkadang si Tonio na maligo sa ilog pagkatapos ng klase. Hindi siya namilit pero
sumama ang buong barkada sa kanya. Nag-enjoy ang lahat, salamat at nakinig sa
kanyang pag-aaya! Si Aling Cora biglang nagtawag na magtanim ng mga halaman sa
paaralan. At dahil sa tindi ng kanyang pagkagusto sa gawaing iyon, mahusay niyang
napapayag ang iba na makilahok kahit sa una'y ayaw talaga nila. Ngayon, nakikinabang
ang mga bata sa paaralan sa lilim na dulot ng mga punong tinanim ni Aling Cora at ng
lahat ng nagtiwala sa kanya.
Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong
lider kahit sa una'y ayaw naman talaga. Bakit? Mayroong nakikita sa kanilang pag-
91

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


aalab ng kalooban. May matatayog silang pangarap na nakikita nilang maaaring maabot
sa pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin upang makita ang potensiyal
ng grupo o pamayanan. Malay sila sa layuning komyunal. Mulat sila sa mga katutubong
yaman ng grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad nila nang sama-sama. May husay
sila sa pagsasalita upang ipahayag ang kanilang nakikita at may kakayahan silang pag-
alabin din ang damdamin ng kanilang mga kasama tungo sa isang hangarin. Hindi lahat
ng tao ay ganyan. At ang mga ganyan, ang mga Tonio at Aling Cora, ang natural na
nagiging pinuno ng lipunan.

Tayo
Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga Tonio at Aling Cora na lamang ang
dapat magpatakbo ng lipunan, na ilagak na lamang sa kanilang mga kamay ang
kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang magaling sila. Ang
lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan,
gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan.
Maaaring mahusay na pinuno si Tonio, ngunit kailangan niya ng katuwang upang
maisagawa ang malalaki niyang proyekto. Ang totoo, hindi naman talaga sa kaniya ang
proyektong kaniyang pinasisimulan. Ang mga ito ay proyekto ng kaniyang mga
kasamahan na nagkataong siya lamang ang nakapagpaliwanag at nanguna sa paggawa.
Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kanyang sarili. Ito ay proyekto ng
at para sa kaniyang pinamumunuan.

Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na


pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.” Ang
gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan naman
ay susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng
Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging
maayos ang lipunan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga
mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na
walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa
pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi
panghihimasukan ng mga lider pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga
mamamayan ang kanilang sarili.
Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan
at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang
mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa:
“May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong
tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-
isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.” Tungkulin nating
magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Kapwa-Pananagutan
Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan-ang
pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.
Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo-ang
pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang
pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa
lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung hindi tutuparin ng mga kasapi
ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasya, kung hindi
92

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


sila makikilahok sa mga komyunal na gawain, kung hindi sila magiging maigi sa
kanilang mga paghahanap-buhay, hindi rin tatakbo ang pamahalaan at lipunan. Ang
pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino
at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.
Dagdag na Komplikasyon
Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli
ay ang mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niya, "Hindi rin naman mahalagang
magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami."
Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi
mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng
mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang
pinakamahusay na karunungan. Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng
pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos. Si Martin Luther
King ay isang tinig lamang ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat. Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan
para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng
pagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala ang isang
tangkay.

Maaaring tututol pang muli ang nawalan na ng loob. Kaniyang sasabihin: "Matagal na
akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod
ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga
kurap sa pamahalaan." Lalong higit tuloy ngayon kailangang gumising at magbantay.
Sa harap ng garapal at talamak na kurapsyon, kailangang maging mas maingat ang
taumbayan sa pagbibigay ng tiwala. Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring
bawiin. Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang
paglilingkod." Baliktad ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga
namumuno. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno
ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna
lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at
kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang
pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

Sino ang “boss”?


Sa unang talumpati ni Noynoy Aquino pagkatapos niyang manumpa bilang
pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!” Kontra ito sa
nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng pagbabago sa
pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan ang nasa ibaba. Inilagay
ang mga mamamayan sa pedestal; ang pangulo ang maglilingkod sa kanila. Subalit,
hindi pa rin maaalis ang katotohanang may higit na kapangyarihan at lawak ng pananaw
ang pinuno na kailangang yukuan at pagtiwalaan ng ordinaryong mamamayan. Kaya’t
sino talaga ang “boss”? Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang
barkada, walang sinuman ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo,
ngunit kapwa silang nag-uugnayan sa loob ng barkada.

Sa Lipunang Pampolitika ang ideal ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga


ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang
mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang
relasyon ng magkakabarkada. Walang "boss" sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang
93

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


mas marami, hindi rin naman ang iilan. "Boss" ng bayan ang pinuno. Magtitiwala ang
bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para
sa kasaysayan at kabutihang panlahat. "Boss" naman ng pinuno ang taumbayan-walang
gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at
kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang kabutihang
panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at pagtutulungan. Ang
Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at
pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito. Ang
tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat-ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at
ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.
(Sipi ay nagmula sa Edukasyon sa pagpapakatao 9 modyul pahina 27-31)

Isagawa Natin
(30 minuto)

Panuto: Gamit ang graphic organizer, ipakita kung paano naaabot ng lipunang pampolitika
ang tunguhin na kabutihang panlahat. Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa
nagdaang gawain at babasahin?

Lipunang
Politikal

94

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong journal ang mga naging realisasyon
mo.
1. Ano na ang nagawa mo para sa bayan?
2. Ano ang inaasahan mo sa pamahalaan?
3. Magbigay ng mga pagkakataong kailangan ng tiwala ng pamahalaan?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________

TANDAAN

KAPAG MAG-ISA ka madali kang maitumba, kapag dalawa na kayo may


kakapitan ka. Isipin mo kung lahat ng maliliit na bayan ay magbuklud-buklod
mananatili itong matayog na nakatayo.

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Dumalo sa isang Public Hearing sa isang Sangguniang Bayan o Panlungsod (Hal.
Pagdinig sa pagtataas ng pamasahe ng pampublikong transportasyon). Alamin ang mga
sumusunod:
1. Ano-ano ang karapatan mula sa pamahalaan ang malayang ipinaubaya sa mga
mamamayan na nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
2. Ano-ano naman ang mga hakbang na ginawa ng mga dumalo ang nagpapakita
95

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?
3. Ano sa mga nakitang ito nais mong makita sa pamilya o paaralan?
Pangatwiranan.

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot.

1. Saan inihambing ang isang pamayanan?


a) Pamilya
b) Organisasyon
c) Barkadahan
d) Magkasintahan

2. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.


a) Mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b) Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c) Sabay
d) Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan


ng pamayanan.
a) Mga Batas
b) Mamamayan
c) Kabataan
d) Pinuno

4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay…


a) Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b) Angking talino at kakayahan
c) Pagkapanalo sa halalan
d) Kakayahang gumawa ng batas

5. Siya ay isang halimbawa na may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng
pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
a) Ninoy Aquino
b) Malala Yuosafzai
c) Martin Luther King
d) Nelson Mandela

6. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang…


a) mamamayan
b) pangulo
c) pangulo at mamamayan
d) halal ng bayan
96

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng
sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito
a) Lipunang Pulitikal
b) Pamayanan
c) Komunidad
d) Pamilya

8. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa…


a) pagsasapribado ng mga gasolinahan
b) pagsisingil ng buwis
c) pagbibigay daan sa Public Bidding
d) pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa…


a) sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b) pagkakaroon ng kaalitan
c) bayanihan at kapit-bahayan
d) pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

10.) Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Ang pahayag ay_______


a.) Tama. Dahil ang pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga
kasamahan sa pamayanan minsan sa ating buhay.
b.) Mali. Sapagkat kailangan natin piliin kung kanino dapat tayo magtitiwala.
c.) Mali. Sa dahilang ang tiwala ay ipinagkakaloob sa lahat ng taong kilala
man natin o hindi.
d.) Tama. Dahil sa pamamagitan ng pagtitiwala ay naisasakatuparan natin
lahat ng ating layunin nang walang kamalian.

97

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI NG PAGWAWASTO

ISAGAWA NATIN (30 minuto)


Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong
5 points. Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points. Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points. May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunanang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points. Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point. Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.
ISAPUSO NATIN (30 minuto)
Rubrik para sa Gawain ng Pagkakatuto
(DYORNAL)
4 3 2 1

May malinaw na Ang dokyumentaryo Karamihan ng mga Ang paksa ay hindi


layunin o tema. Ang ay tumutugon sa bahagi ng malinaw sa kabuuan
lahat ng bahagi ng paksa ngunit hindi dokyumentaryo ay ng dokyumentaryo
dokyumentaryo ay malinaw ang layunin may sinasabing
may sinasabing o tema makabuluhan
makabuluhan tungkol sa paksa Mas malaking bahagi
tungkol sa layunin o ng dokyumentaryo
tema ang hindi ayon sa
paksa
Nalakipan ng angkop Nalakipan ng angkop May tangka na Hindi nalakipan ng
at makabuluhang na kaalaman mula sa maglakip ng angkop sapat na
kaalaman mula sa pagsasaliksik sa at makabuluhang impormasyon upang
pagsasaliksik na sumusuporta at kaalaman mula sa suportahan at
sumusuporta at nagpapaliwanag sa pagsasaliksik upang ipaliwanag ang
nagpapaliwanag sa pangunahing ideya suportahan at pangunahing ideya
pangunahing ideya ipaliwanag ang
pangunahing ideya
ngunit hindi sapat
upang suportahan o
maipaliwanag ang
pangunahing ideya

Mayroong hindi Mayroong ilang Mayroong ilang Walang hindi


pangkaraniwang hindi hindi pangkaraniwang
nilalaman na pangkaraniwang pangkaraniwang nilalaman na
nakapupukaw ng nilalaman na nilalaman ngunit nakapupukaw ng
98

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


interes ng mga nakapupukaw ng hindi nakapukaw ng interes ng mga
manonood at interes ng mga interes ng mga manonood at hindi
nakadaragdag sa manonood at manonood at hindi kaugnay ng paksa
kabuluhan ng nakaugnay sa paksa nakaugnay sa paksa
dokyumentaryo

Ang dokyumentaryo Ang dokyumentaryo Ang dokyumentaryo Ang doyumentaryo


ay: ay: ay walang malinaw ay walang maayos na
= nagsimula sa = nagsimula sa na panimula o panimula, panapos at
pagpapakilala ng pagpapakilala sa patapos at ang mga kaayusan
paksa sa pamaraang paksa impormasyon ay
kawili-wili hindi lohikal na
=nagbubuo sa naayos
= lohikal na impormasyon
nakaayos upang =nagtatapos sa isang
maayos na mabuo ng pangwakas na
manonood ang paksa salaysay
o konsepto
= nagwawakas sa
pamamaraang nag-
iiwan sa mga
manood ng kawili-
wiling ideya ukol sa
paksa na napanatili
ang kanilang isip

ISABUHAY NATIN (30 minuto)


Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa Gawain (Tingnan ang rubrik sa “Isagawa Natin”)
SUBUKIN NATIN (30 minuto)
1. C 6. A
2. A 7. A
3. D 8. A
4. A 9. B
5. C 10. A
Sanggunian /References for Learners
MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral baiting 9, Modyul 2 Pahina 27-31
MGA WEBSITES
https://www.youtube.com/watch?v=9tho9xOsW6w

Inihanda ni:
MARICON M. SEVILLA

99

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


100

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGMAMALASAKIT (EMPATHY)
para sa Buwan ng Setyembre

MELBA L. BADILLA
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

101

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGMAMALASAKIT

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa ( EsP8PB-IIIe-
11.1)
b. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing
tumutugon sa pangangailangan ng kapwa (EsP8PB-IIIf-11.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagmamalasakit
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng aralin
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Ang tunguhin ng ating pagkatao ay ang paggawa ng kabutihan at isa rito ang
pagmamalasakit sa kapwa. Ang PAGMAMALASAKIT ay ang pag-unawa sa kalagayan ng
ating kapwa sa kanilang pinagdadaanan.
Ang pagiging mapagmatiyag natin sa ating kapwa ay isang daan upang makita natin
ang mga opurtunidad upang maipadama natin ang ating pagmamalasakit, pagdamay at
pagtulong sa kanila.
Sa pang-araw-araw nating pamumuhay dapat maging alerto tayo sa mga maliliit na
opurtunidad upang ipakita at makapagsagawa tayo ng pagmamalasakit sa ating pamilya,
kapwa at kapaligiran.
Sa pamamagitan ng pagpapakita natin ng ating pagmamalasakit at pagdamay sa ating
kapwa, tayo ay umuunlad sa aspetong social at emosyonal. Ito rin ay isang pamamaraan upang
masunod natin ang ehemplo ng ating Tagapagligtas nang Siya ay nagminesteryo rito sa mundo.
Hindi nga ba Siya ang ating perpektong halimbawa na dapat nating tularan?
Kaya halina! Buksan ang ating mga mata at puso at ating sundin ang yapak ng ating
Manunubos sa pamamagitan ng pagkilos ng pagmamalasakit sa ating pamilya, kapaligiran at
ganun din sa kapwa.

Alamin Natin
(30 Minuto)

1. Paghawan sa balakid
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at buuin gamit ang mga salitang nasa loob
ng kahon na nasa ibaba. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________1. Ang taong may ________________ sa kapwa ay lubos na kasiya-siya.

S K I M L A A A T

102

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


_____________2. Sa dami ng pagsubok sa buhay, __________ sa kapwa ang maaring
sandigan.
A G D Y A P A M

_____________3. Ang____________________ sa kapwa ay walang hinihinging kapalit.

T A G U O N G P L

_____________4. ____________________ang lubos na kasiyahan kapag kasama ang


pamilya.
R R M A N A D A A A M N

_____________5. Nagiging matatag ang isang samahan kung may ____________ sa bawat
isa.
- P N A U A A N W G

2. Pagganyak
A. Panonood ng Video Clip sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=1E39jpNN9eQ
Pamprosesong mga katanungan:
A.1. Sino-sino ang mga karakter sa napanood na videoclip?
A.2. Isalaysay sa sariling salita ang kwento.
A.3. Nang ang may-ari na ang naglinis ng sapatos, ano ang
naging kaibahan ng kanyang pagkilos sa paggamit ng
sapatos?

III. Pagpapalalim
Pagpapalawig
A. Basahin ang nasa speech baloon at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.

Ano kaya ang kanyang nararamdaman?


A.

B. Paano kita matutulungan?

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang maaaring sitwasyon na kaugnay sa A at B na mga
katanungan?
2. Sino-sino na ang mga taong nagtanong sa iyo ng mga katanungang ito?
Ilahad ang mga kasagutan.
3. Kanino mo na itinanong ang mga katanungang ito? Bakit?

103

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isagawa Natin
(30 minuto)

Pangkatang Gawain. Performance Task.


Panuto:
1. Pangkatin ang klase sa apat.
2. Sa malikhaing pamamaraan gawin ang Performance Task tungkol sa
pagmamalasakit na nakaatang sa bawat grupo.
3. Bigyan ang bawat grupo ng oras na iplano at mag-ensayo para sa
pagsasagawa ng Performance Task.

Dula-dulaan Jingle

Komik Istrip Photo Collage

104

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Mga Rubriks ng mga Gawain

Rubrik sa Pagtatanghal ng Dula-dulaan

Pamantayan Lubhang kasiya-siya Kasiya-siya Hindi kasiya-siya


10 9 8 7 6 5 4 3 2 1
Pagkakaganap Makatotohanan, kapani- Kapani-paniwala ang Ang tamang galaw,
ng mga tauhan paniwalaang pagganap pagkakaganap sa pagsasalita at
ng mga tauhan, galaw at tauhan bagamat may ekspresyon ng mukha
ekspresyon ng mukha. ilang pagkakataon na ay hindi gaanong
hindi consistent sa naipakita ng tauhan
papel na kaya’t hindi gaanong
ginagampanan ng makatotohanan ang
tauhan. papel na
ginagampanan.
Mga kasuotan Naaangkop ang mga May mga tauhang Hindi angkop ang
kasuotang ginamit. angkop ang kasuotan ginamit na kasuotan.
Naging makatotohanan. at ilan din ang hindi
angkop ang
kasuotang ginamit.
Pagkakaayos Naging makatotohanan Naging maayos ang Naging payak ang
ng tanghalan ang tagpuan dahil sa tanghalan ngunit tanghalan dahil sa
ginamit na mga may ilang kulang na kakulangan ng mga
kasangkapan at props kagamitan at props. kagamitan at props.
Disiplina ng Lahat hanggang 80% ay 50% hanggang 79 ay 49% at pababang
grupo may disiplina habang may disiplina habang porsiyento ang may
nagtatanghal. nagtatanghal. disiplina sa grupo
habang nagtatanghal.
Pagkakaisa Lahat hanggang 80% ay 50% hanggang 79% 49% at pababang
ng grupo nagpapakita ng pakiki- ay nagpapakita ng porsiyento ay
isa sa grupo. pakiki-isa sa grupo. nagpapakita ng pakiki-
isa sa grupo.
Verona, Mga Rubric ng Pagmamarka sa iba’t ibang Pampanitikang Genre sa
Filipino at mga Kaugnay na Asignatura,1

Interpretasyon
34-50 Lubhang kasiya-siya
15-33 Kasiya-siya
1-14 Hindi kasiya-siya

Rubrik sa Pagtatanghal ng Jingle

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Bahagya

4 na puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Gumamit ng piling-
piling salita na nakakuha
ng interes ng nakikinig

105

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


at angkop sa paksang
ibinigay
Gumamit ng mga
salitang angkop sa tono,
melodi, chord pattern at
iba pang katangian ng
awit na pinalitan ng
liriks
Sa kabuuan, ang binuong
liriks ay gumamit ng
mga pahiwatig at/o
simbolismong
makapagpapaisip sa mga
nakikinig
Verona, Mga Rubric ng Pagmamarka sa iba’t ibang Pampanitikang Genre sa
Filipino at mga Kaugnay na Asignatura,.8
Interpretasyon
10-12 Napakahusay
7-9 Mahusay
4-8 Katamtaman
1-3 Nangangailangan pa ng pagsasanay

Rubrik sa Paggawa ng Komik Istrip

Mga Kailangan pa Katamtaman Mahusay Napakahusay


Pamantayan ang kasanayan 3 4
2
1
Lohikal ang
pagkakasunud-
sunod ng mga
pangyayari
Malikhain at
masining ang
presentasyon
Maikli ngunit
nakakakuha ng
interes ang
pamagat pa
lamang
Malikhain at
simboliko ang
disenyo ng takip
Sa kabuuan,
malinaw ang
kwentong
inilahad
Verona, Mga Rubric ng Pagmamarka sa iba’t ibang Pampanitikang Genre sa Filipino at
mga Kaugnay na Asignatura,11

106

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Interpretasyon
18-24 Napakahusay
13-17 Mahusay
7-12 Katamtaman
1-6 Kailangan pa ng pagsasanay
Rubrik sa Pagbuo ng Photo Collage

Pamantayan 5 7 10
Pagkamalikhain Hindi naging Naging Lubusang
malikhain sa Malikhain sa nagpamalas ng
pagbuo ng pagbuo ng pagiging
collage collage malikhain sa
pagbuo ng
collage
Kaangkupan ng Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang
Paksa nabuong collage bahagi ng collage napakaangkop ng
nabuong collage
Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang malinaw
malinaw ang ang intensyon o ang intensyon o
intensyon o detalyeng detalyeng
detalyeng ipinahahayag ng ipinahahayag ng
ipinahahayag ng collage collage
collage
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang
Lubusang angkop
mensaheng mensaheng na angkop ang
ipinahahatid ng ipinahahatid ng
mensahe ng
collage collage collage
Kalinisan at Di malinis at Naging malinis at
Lubusang
Kaayusan maayos ang maayos ang
napakalinis at
pagkakabuo ng pagkakabuo ng
maayos ang
collage collage pagkakabuo ng
collage
Caparida G.V., Cadungon, L.S..ADM Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan
Modyul 2: Sector ng Lupinan:Salamin ng Pagkatao at Kabutihan,10

Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Ilahad ang mga kabutihang nagawa sa kapwa.

MGA KABUTIHANG/TULONG NA NAGAWA SA KAPWA


1.
2.
3.
4.
5.
6.

107

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7.
8.
9.
10.

Iproseso ng guro ang mga kasagutan.


TANDAAN
Sa bawat araw ay may mga oportunidad na ipakita ang pagmamalasakit sa
ating pamilya, kapwa at sa kapaligiran. Dapat maging listo sa pagkilala ng bawat
pagkakataon na ipakita at isagawa ang kabutihan gayundin ang pagpapadama ng
pagmamalasakit sa kapwa dahil ito ang layunin ng ating pagkatao.

Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Sa isang buong Linggo, gawin ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit.
Isulat ang gawain sa mga blankong kahon katabi sa kahon ng bawat araw. (In any order).
Mga Gawaing Nagpapakita ng Pagmamalsakit
1. Pumili ng tatlong tao na iyong sasabihan ng Magandang umaga! at
Kumusta kana? Maaring personal o gamit ang online media flatform.
2. Gumawa ng tatlong (3) kard na naglalaman isang bible verse/ inspiration
quotes na nakapagbibigay ng pag-asa sa mga taong may pinagdadaanan
sa buhay.
3. Isama sa iyong panalangin ang mga taong kapos-palad , may mga sakit,
problema o may mga pinagdadaanan sa buhay.
4. Kausapin ang isang tao/ kaibigan na sa tingin mo na may problema at
bigyan siya mga payo.
5. Tulungan ang isang tao sa paggawa niya ng asignatura sa kanyang pag-
aaral.
6. Ipagluto ang iyong pamilya para sa isang kainan.
7. Gumawa ng isang liham pasasalamat sa para sa iyong mga magulang.
Ipadama sa kanila ang iyong pagdamay bilang anak sa mga hamon na
hinaharap ng inyong pamilya.
8. Isang malayang gawain na nais mo na may kaugnayan sa
pagmamalasakit.

PAGSASABUHAY CHART

LINGGO

LUNES

MARTES

108

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

SABADO

Subukin Natin
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng iyong kasagutan patungkol sa mga dapat sabihin
upang maipadama ang pagmamalasakit sa ating pamilya at kapwa.
_______1. Nakakuha ng mababang iskor sa pagsusulit ang iyong kaklase.
A. Dibale klasmeyt, sa susunod na pagsusulit bawi ka nalang.
B. Buti nga mababa ang iskor mo!
C. Hindi ka kasi nag-review kaya mababa ang nakuha mo.
D. Dapat nangopya ka nalang sa akin.
_______2. Nawalan ng pera ang iyong kaibigan.
A. Burara ka kasi kaya nawala ang pera mo.
B. Dapat kasi hindi mo iniiwan ang bag mo.
C. Halika at sabihin natin kay Ma’am/Sir para maibalik ng nakapulot.
D. Sayang naman, dapat ipinambili nalang natin ng pagkain iyon.
_______3. Nadapa ang iyong makulit na nakababatang kapatid.
A. Hindi mo kasi tinitingnan ang dinadaanan mo, nadapa ka tuloy.
B. Bumangon ka diyan!
C. Buti nga! Karma mo yan, makulit ka kasi.
D. Naku, nasaktan kaba? Kumapit ka sa aking mga kamay at tutulungan
kitang bumangon.
_______4. May sakit ang nanay mo at humingi siya ng tubig dahil nauuhaw siya.
A. Nay, papasok na po ako.
B. Mahuhuli na po ako ako sa klase, wala na akong oras upang mag-abot ng
tubig si ate nalang.
C. Nay, sabihin ko nalang po kay Ate para abutan kayo ng tubig.
D. Sige po, sandali lamang po at kukuha ako.
_______5. May pulubi na humihihingi ng limos sa iyo.
A. Hay naku! magtrabaho kasi kayo para hindi kayo nanlilimos.
B. Ito po kaunting halaga, sana po makatulong sa inyo.
C. Ang lalaki ng katawan ninyo bakit hindi kayo magtrabaho?
D. Ito po tulong ko sa inyo, pero sa susunod hindi na ako magbibigay.

109

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

Alamin Natin
1.Malasakit 2. Pagdamay 3. Pagtulong 4. Nararamdaman 5. Pang-unawa

Isapuso Natin Isabuhay Natin


Iba-iba ang mga kasagutan. Iba-iba ang mga kasagutan.

Subukin Natin
1.A. 2. C 3. D 4. D 5. B

MGA SANGGUNIAN
Caparida G.V., Cadungon, L.S..ADM Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan
Modyul 2: Sector ng Lupinan: Salamin ng Pagkatao at Kabutihan, 2020.p10
HINDI NAILIMBAG NA AKLAT
Verona, Augusto. Mga Rubric ng Pagmamarka sa iba’t ibang Pampanitikang Genre sa
Filipino at mga Kaugnay na Asignatura,2013 pp. 1, 8, 11.
INTERNET.
https://www.youtube.com/watch?v=1E39jpNN9eQ

Ihihanda ni :
MELBA L. BADILLA

110

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAMAGALANG (RESPECT)
para sa Buwan ng Oktubre

MARGOT S. FERRER
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

111

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAMAGALANG

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Napatutunayan na ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang


mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili, (EsP7PT-IIh-8.3)
B. Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal, at (EsP8PB-IIIc-10.1)
C. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkamagalang
Mga Kagamitan:
ICT Resources, larawan, dyornal, Manila Paper, Kartolina, Pentel Pen, Tape
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magalang sa kapwa-tao. Ang pagbibigay respeto
sa ating kapwa ay nagpapakita ng ating pagmamahal, paggalang sa karapatan, pagkilala at
pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa.
Nararapat lamang na isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang na ginagabayan ng katarungan
at pagmamahal.
Maipakikita natin ang paggalang sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng pagsunod sa
utos at payo ng mga nakatatanda, pagkilala sa pagkatao ng iba, pakikinig sa opinyon ng
nagsasalita, at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Kung may paggalang tayo sa ating sariling dignidad, ay may kakayahan din tayong
gumalang sa dignidad ng iba.

112

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Suriin ang bawat larawan at isulat ang sagot sa loob ng kahon upang mabuo ang
mga salita.

This Photo by Unknown Author is

II. Pagganyak
Bakit kailangan ang paggalang sa buhay? Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong
sarili at sa iyong kapuwa?

Panuto: Panoorin ang videoclip: World Best Motivational Videos for Students
https://www.youtube.com/watch?v=_io4xCMS0wM

III. Pagpapalalim
1. Ano ang iyong naramdaman sa pinanood na palabas o videoclip?
2. Anong mga katangian ang ipinakita ng pangunahing tauhan? Sang-ayon ka ba sa
kaniyang ginawa? Pangatwiranan?
3. Kung ikaw ang pangunahing tauhan sa videoclip, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Bakit?

113

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


4. Bakit kailangang respetuhin, mahalin at igalang ang karapatan ng mga taong nasa
iyong paligid? Ipaliwanag.
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang tunay na paggalang sa iyong buhay
at sa iyong kapuwa? Ipaliwanag.

Isagawa Natin
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo at ipagawa ang mga sumusunod:

Pangkat 1 Pangkat 3
Lumikha ng isang awitin na may Lumikha ng isang sayawit
anim na linya, tungkol sa tungkol sa paggalang sa opinyon
paggalang sa mga nakatatanda. ng iba na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal.
Pangkat 2
Lumikha ng isang sabayang pag-
bigkas na may malayang taludturan,
tungkol sa pagpapakita ng pagga-
lang sa dignidad ng tao.

Rubrik para sa Ginawang Presentasyon

Kraytirya Lubos na Kasiya-siya Hindi


kasiya-siya (2) Kasiya-siya
(3) (1)
Magaling ang partisipasyon, paghahanda,
at ginawang presentasyon ng rupo
Magaling ang pagganap ng bawat
miyembro sa papel na ginagampanan
Magaling ang pamamaraang ginamit
upang maipakita ang boses, kilos, at
kagalingan ng bawat grupo
Magaling ang ipinamalas na imahinasyon
at pagkamalikhain sa ginawang
pagtatanghal ng grupo
Naipakita ang pag-unawa sa konseptong
kanilang ipinakita
(Rubrik: EsP-9 Gabay sa Pagtuturo, pahina 135)
114

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isapuso Natin
(30 minuto)

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa talata sa Bibliya. Gawin ito sa iyong dyornal.

1 Pedro 2:17 RTPV05

Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Kristo. Mamuhay kayo nang
may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador.
RTPV05: Magandang Balita Bible (Revised)
Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang talata sa Bibliya? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang iyong mga realisasyon? Ipaliwanag.
3. Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay nang may katarungan at pagmamahal ang
paggalang sa lahat ng tao?

TANDAAN

Ang paggalang sa kapwa ay isang napakahalagang aspeto ng buhay bilang nilalang ng


Diyos. Mula sa pagkabata, naituro na sa atin ang pagsasabi ng “po” at “opo” bilang pagbibigay
galang sa mga nakatatanda. Patuloy na ipinapaalala rin sa atin na huwag gumamit ng
masasamang salita laban sa ating kapwa. Sa pamamagitan ng paggalang, nagkakaroon tayo ng
mas magandang relasyon sa ating kapwa na siyang daan upang magkaroon ng magandang
usapan.

Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip
at kilos-loob. Nakatatanggap tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula
sa Kanya. Ang halaga ng tao ay hindi sa anumang “mayroon” siya kundi sa kung “ano” siya
bilang tao. Kung ito ay naiintindihan ng lahat ng tao siguradong mapapanatili nito ang mataas
na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan. Kailangan mo ang tulong mula
sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. May dignidad ang lahat ng
tao (Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas sa pahina 155-157).

Ang paggalang ay hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. Ayon kay Papa Juan
Pablo II, “Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad. Kung kaya wala itong pinipili at hindi rin ito para sa iilan
lamang.” Dahil sa dignidad, kailangan tuparin ng tao ang kanyang tungkulin na ituring ang
kanyang kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.

115

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Isabuhay Natin
(30 minuto)

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat aytem. Isulat ang sagot sa loob ng puzzle.

SUBUKAN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng
paggalang sa Diyos, matatanda, kapuwa at sa lahat ng kanyang nilikha.

116

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


117

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

o Paghawan ng Sagabal
1. Pagmamano
2. Paggalang sa matatanda
3. Pakikinig sa opinyon

o Isabuhay Natin

MGA SANGGUNIAN

A. Mula sa Libro
• Punsalan, Twila G. et al. 1999. Buhay: Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa
Kolehiyo, Manila: PNU.
• Punsalan, Twila G., Marte, Caberio, Sylvia T., Nicolas, Myra Villa D., Reyes
S. Wilma. “Kaganapan sa Maylalang.” Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao ng Sekondarya, Rex Book Store Inc., (Unang Edisyon 2013).
• Punsalan, Twila G., Marte, Gonzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D., Marte,
Nonita C. “Kaganapan sa Pakikipagkapwa.” Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao ng Sekondarya, Rex Book Store Inc., (Unang Edisyon 2013).
• Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral ng Kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas sa pahina 155-157

B. Mula sa mga larawan


• https://c1.staticflickr.com/1/429/18007562214_4be2160165_b.jpg
• http://www.familyperspective.org/dat/dat-1252-eng.jpg
• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/9a/Candidate_for_t
he_Buddhist_novice_in_the_Buddhist_religion_priesthood_05.jpg/220px-

118

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Candidate_for_the_Buddhist_novice_in_the_Buddhist_religion_priesthood_05
.jpg
C. Mula sa Internet
• https://www.youtube.com/watch?v=_io4xCMS0wM
• https://www.bible.com/tl/bible/399/1pe.2.17
• http://asal-aral.blogspot.com/2019/11/esp-7-modyul-8-ang-dignidad-ng-tao.html
• https://lleworship.blogspot.com/2019/04/ano-nga-ba-ang-pagmamahal-sa-kapwa.html
• https://www.flippity.net/cw.php?k=1YLmQ0_VxyoxphlXs39xPFk_wfzXy1iN9QRA
qUW-1lro
• https://www.scribd.com/document/415976356/Rubric-Para-Sa-Poster

Ihihanda ni :
MARGOT S. FERRER

119

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAMATAPAT (HONESTY)
para sa Buwan ng Nobyembre

ELYCEN Z. CARANGUIAN
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

120

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAMATAPAT

LAYUNIN :
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang
• kahalagahan ng katapatan,
• mga paraan ng pagpapakita ng katapatan at
• bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan (EsP8PB-IIIg-12.1)
B. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at
gawa (EsP8PB-IIIh-12.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkamatapat
Mga Kagamitan:
ICT Resources, Manila Paper, Masking Tape
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Ang Pagkamatapat ay nangangahulugan ng pagiging totoo sa sarili, sa kapwa at sa


Diyos. Inaasahan na maging matapat tayo sa lahat ng bagay, oras, panahon at sitwasyon at
gayun din sa lahat ng tao.
Lahat tayo ay may kakayahan na maging tapat o alagad ng katotohanan. Hindi sapat
ang pagsasabi lang ng totoo sapagkat ang pagiging tapat ay makikita rin sa kilos o gawa at sa
pakikitungo sa iba.
Sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa ay dapat na mapanatili ang katapatan. Wala ng
hihigit pa sa pakikitungo sa mga taong nagsasabi ng totoo at tapat sa kanilang salita at kilos.

Alamin Natin
I. Paghawan ng Sagabal
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
1. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
2. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay nagdudulot ng magandang ugnayan.
3. Kailangan natin isabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa.

2. Pagganyak:
Pagbibigay ng mga kasabihan tungkol sa Katapatan sa Salita at sa Gawa.

121

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


KATAPATAN

SALITA GAWA

Halimbawa:
“Ang katapatan ang pinakamabuting patakaran.” (Honesty is the Best Policy)
“ Mas binibigyan ang gawa kaysa sa salita.” (Action speaks louder than words)
“Ang gawa sa pagkabata dala hanggang sa tumanda.”

3. Pagpapalalim
Ang katapatan ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga totoong
pangyayari, tama, mabuti, at angkop para sa isang sitwasyon. Makikita ang mabuting pagkatao
sa pamamagitan ng katapatan sa salita at sa gawa. Kung kaya’t ang hindi pagiging matapat sa
salita at sa gawa ay makikita sa panloloko at pagsisinungaling.
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na
hindi niya pag-aari, at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan.
Ito ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay nagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment at
malinis na konsensiya. Alam niya na ang katotohanan, mabuti at nararapat gawin.

Isagawa Natin
(30 minuto)

KUNG AKO, SIYA?


Basahin at unawain nang mabuti ang bawat sitwasyon,
Paano ka tutugon kung ikaw ang nasa sumusunod na sitwasyon?

1. Nakapulot ka ng 500 pesos sa tabi ng mesa sa loob ng bahay ninyo. Ito ay ginamit mo,
pinambili mo ng pagkain at nagpaload ka para sa cellphone mo para makapaglaro ng ML. Wala
kang kaalam-alam na ang perang napulot mo ay pag-aari ng tatay mo. Pag-uwi mo ng bahay
ay nadatnan mo ang tatay na pinapagalitan at pinapalo ang nakababata mong kapatid sapagkat
siya ang pinagsuspetsyahan na kumuha ng pera. Bilang nakatatandang kapatid, ano ang
gagawin mo? Sasabihin ang totoo o manahimik na lamang?

122

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________
2. May suliranin sa pera ang pamilya ni Ana. Isang araw, may dumating na kolektor ng
Kuryente sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Ana ng
kaniyang ina na sabihing wala siya at may pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng
ina ngunit alam din niyang ito’y isang kasinungalingan. Bilang isang anak, ano ang gagawin
mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Tumawag ang kaibigan ng iyong kapatid. Sinabihan ka niyang sabihin mo sa kanyang
kaibigan na siya ay natutulog pero ang katotohanan ay nanonood lamang ng telebisyon ang
iyong kapatid. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bumili ka ng miryenda sa kantina ng iyong paaralan. Labis o sobra ang isinukli sa iyo ng
kahera sa kantina. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Nabasag mo ang isang gamit sa laboratoryo ng iyong paaralan subalit walang nakakita sa
ginawa mo. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

123

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang iyong naging pasya sa bawat sitwasyon? Sa iyong palagay, tama ba ng iyong
pasya? Pangatwiranan ang iyong sagot.
2. May maidudulot ba ang pagsasabi ng katotohanan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Bakit mahalaga ang katapatan sa salita at sa gawa?
4. Ano ang mangyayari kapag hindi ka naging matapat sa iyong salita at sa gawa?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo naipakikita ang iyong katapatan sa salita at sa gawa?
* Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Isapuso Natin
(30 minuto)

Gawain: “Islogan ng Katapatan”


Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita sa mensahe ng Katapatan sa Salita at sa
Gawa.
Isulat sa loob ng frame.

124

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Pamantayan sa Pagmamarka

Deskripsyon 10 Puntos 7 Puntos 4 Puntos


Nilalaman Ang mensahe ay Di-gaanong Medyo magulo ang
mabisang naipakita. naipakita ang mensahe.
mensahe.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw Maganda ngunit di-
napakalinaw ng ang pagkakasulat ng gaanong malinaw
pagkasulat ng mga mga titik. ang pagkakasulat ng
titik. mga titik.
Kaangkupan sa May malaking Di-gaanong may Kaunti lang ang
paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan ng
ang islogan ang slogan islogan sa paksa.
Kalinisan Malinis na malinis Di-gaanong malinis Marumi ang
ang pagkabuo. ang pagkabuo. pagkabuo.
Kabuuang Puntos
= 40

Isabuhay Natin
(30 minuto)

“Paggawa ng Truth Log”

Panuto:
1. Sa pagkakataong ito, gagawa ka naman ng isang Truth Log. Maglalaman ito ng iba’t ibang
kuwento ng katapatan. Isulat ang mga sariling kuwento sa sumusunod na tsart.
2. Gawin ang gawaing ito sa loob ng isang lingo.
3. Gumawa ng pagninilay matapos ang isang lingo batay sa ginawang Truth log.
I. Araw at Petsa II. Tiyak na III. Mga Tiyak na IV. Mga Positibong
Sitwasyong Salita o Aksiyong Pagpapahalaga na
Nangyari Ginawa Ipinakita
1. LUNES Pinuna na naman ng Nangako ako sa a. Nadidisiplina ko
aking Nanay ang aking Nanay na lagi ang aking sarili
magulong higaan na ko nang iaayos ang b. Naging maayos
aking iniwan aking higaan ang aking silid
pagkagising pagkagising tulugan
2. MARTES
3. MIYERKULES
4. HUWEBES
5. BIYERNES
6. SABADO
7. LINGGO

Rubrik sa Pagbuo ng “Truth Log”

Pagsasabuhay ng Tiyak/Tuwiran Nararapat Angkop


mga Birtud
125

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


(2 puntos bawat (2 puntos bawat (2 puntos bawat
tiyak at tuwirang paraan na nararapat) paraan na angkop)
sagot)
Mga Sitwasyong
Nangyari
Mga Salita o
Aksyong Ginawa
Mga Positibong
Pagpapahalaga na
Ipinakita

Subukin Natin
(30 minuto)

TAMA O MALI: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay tama at isulat BLUFF kung ang
pahayag ay mali.

______1. Ang pagiging tapat ay masusukat sa pamamagitan ng binitiwang salita.


______2. Ang kakayahang maging tapat sa salita at sa gawa ay nagsisimula sa pagiging
tapat sa sarili.
______3. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
______4. Ang taong may katapatan sa gawa ay kukuha ng mga bagay na hindi kaniya
kahit na may pagkakataon siyang gawin ito para sa sariling kapakanan.
______5. Ang taong tapat ay nagbibigay ng kuro-kuro at pananaw upang makatulong sa
pananaw ng iba
______6. Ang tapat na tao ay may paggalang sa usapan na dapat tuparin.
______7. Ang matapat na tao ay hindi iniaayon ang kaniyang salita at sa gawa sa
katotohanan.
______8. Ang taong tapat ay naitatago ang lihim na ipinagkatiwala ng iba.
______9. Ang pagiging tapat sa sarili ay mahalaga sa pagkakaroon ng matibay at tunay
na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
______10. Ang taong tapat ay umiiwas sa paggawa ng salita, tsismis o kuwentong
nakakasakit sa damdamin ng iba.

126

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI SA PAGWAWASTO

1. BLUFF 6. FACT
2. FACT 7. BUFF
3. FACT 8. FACT
4. BLUFF 9. FACT
5. FACT 10. FACT

Sanggunian:
Aklat
Bognot, Regina Mignon, Comia, Romoualdes, Gayola, Sheryll et al, Edukasyon sa
Pagpapakatao,Vibal Publishing House, Inc. Meralco Avenue, Pasig City 2013
Punsalan Twila, Gonzales Camila, et.al, Pagpapakatao Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao sa Sekundarya, Rex Printing Company,INC. 84-86 St., Sta Mesa Heights,
Quezon City 2013

Inihanda ni
ELYCEN ZINGAPAN CARANGUIAN

127

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


7-10
PAGKAMASUNURIN
(OBEDIENCE)
para sa Buwan ng Disyembre
HERMINIA ALICIA N. GECHA
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

AILENE T. AMANDY
May Akda

GILSON F. MERCADO
Layout artist at illustrator

128

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7-10
PAGKAMASUNURIN

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa
pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan. (EsP8PB-IIId-10.3)

B. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na
maipamalas ang mga ito. (EsP8PB-IIId-10.4)
Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkamasunurin
Mga Kagamitan:
ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, tsart
Empowerment:
Integrasyon sa lahat ng aralin
Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

Panimula
(30 minuto)

Ang pagkamasunurin o pagsunod ay isang birtud na nagpapakita ng paggalang at


pagmamahal sa mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
Ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga bagay na iniutos sa isang indibidwal na dapat
gawin na kung saan may sangkap itong pagmamahal, paggalang, at bukal sa kalooban ang
pagsagawa nito.
Mahalaga ang birtud na ito sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Nararapat lamang na
isabuhay ng bawat tao ang pagiging pagkamasunurin sa magulang, kapuwa, nakakatanda at sa
awtoridad sapagkat ito ay kalugod-lugod sa mata ng Diyos at naaayon sa kanyang kalooban.

Alamin Natin
(30 minuto)

I. Paghawan ng sagabal
Panuto: Ayusin ang mga salita mula sa hagdan ng katotohanan para malaman ang
mensahe ng Diyos para sa iyo. Muling isulat sa kahon ang nabuong salita at sagutin ang
gawaing Utos Mo, Sundin Ko sa ibaba.

129

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


mga
ang magulang
nararapat g
dahil ito

sundin
ninyo
mga
anak
_____________________________________
ang _____________________________________
inyong _____________________________________
gawin _____________________________________
_____________________________________

Efeso 6:1

130

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Gawain: Utos Mo, Sundin Ko!

Panuto: Punan ang hinihinging datos ng Graphic Organizer. Isulat ang kasagutan sa
espasyong may bilang. Gawing batayan ang unang bilang.

Mga Utos ng aking Bunga ng pagsunod sa Resulta ng hindi


Magulang aking Magulang pagsunod sa aking
Magulang
1. Mag-aral ng mabuti 1. Maraming natutuhan 1. Mababang marka
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

2. Pagganyak
Panuto: Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, matapat mong sagutin at ilista kung sino-
sino ang mga taong higit mong iginagalang at sinusunod sa iyong buhay.

2.

1.
3.

Mga taong
sinusunod at
iginagalang ko

4. 5.

Isagawa ng guro na uriin kung nakapaloob sa magulang, nakatatanda at may awtoridad ang
mga taong tinukoy ng mga mag-aaral batay sa kanilang kasagutan sa Graphic Organizer.
131

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


3. Pagpapalalim

Ang pagkamasunurin ay isang mabuting pag-uugali. Lahat ng taong masunurin ay isang


pagpapala sa pamilya, paaralan, at sa komunidad kung saan ito kabilang.

Ayon sa Bibliya, may utos ang Diyos ukol sa paggalang sa ating mga magulang na
makikita sa Efeso 6:1-3 New Pilipino Version.
1’Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang
nararapat. 2“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na
pangakong 3“Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”4 Mga magulang, huwag
kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo
sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon. Kung mayroong utos ang Diyos kung papaano
dapat ituring ang ating mga magulang, mayroon ding nabanggit ang bibliya kung ano ang hindi
marapat na gawin sa mga magulang. Ayaw ng Diyos na nilalapastangan o hindi iginagalang ng
mga anak ang kanyang mga magulang.
Ayon pa rin sa Bibliya na makikita sa Kawikaan 23:22-26, nakasaad sa bersikulo 22,
“Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa
mundong ito. Huwag mo silang hamakin kapag sila ay matanda na. 23 Pagsikapan mong
mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo
itong ipagpapalit sa kahit anumang bagay. 24-25 Matutuwa ang iyong mga magulang kung
matuwid ka at matalino. Ikaliligaya nila na sila ang naging iyong ama at ina. 26 Anak, makinig
kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay.
Nararapat din na igalang at sundin ang mga magagandang payo ng mga nakakatanda sa
ating lipunan na siyang kasangkapan ng Diyos para mapabuti ang pagkatao ng isang
indibidwal. Ang pagsunod sa mga turo, utos at payo ng mga nakatatanda na may karunungan
ay nagagantimpalaan ng magandang kinabukasan sapagkat nakakabuti ito sa kanyang buhay.
Ayon sa Kawikaan 13: 13-14, 13“Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay
mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan. 14 “Ang mga turo ng taong may
karunungan ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at mailalayo ka sa kamatayan.
Maliwanag na ipinapakita rito ang kahalagahan ng pagsunod o pagiging masunurin.
Mahalaga rin na igalang at sundin ang mga awtoridad sa ating lipunan katulad ng mga
guro, opisyal sa ahensya ng pamahalaan, lider at naglilingkod sa simbahan at iba pang nasa
kinauukulan. Bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang mga mabubuting turo at payo para sa
ikabubuti ng nakararami. Maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala ang kanilang halaga sapagkat kinikilala at
pinahahalagahan ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang mga
magagandang ugali at mga pagpapahalaga. Mapagtitibay ang mga birtud na ito sa pamamagitan
ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos.
132

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Batay sa Roma 13:1-5 ASND, Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa
pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa
mga namumuno sa kanilang pwesto. Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa
itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila.
Ang mga namumuno ay hindi dapat katakutan ng mga gumagawa ng mabuti. Ang dapat
matakot sa kanila ay ang mga gumagawa ng masama. Kaya kung nais mo na wala kang ikatakot
sa mga namumuno, gawin mo ang mabuti at pupurihin ka pa nila. Sapagkat ang mga
namumuno sa bayan ay mga lingkod ng Dios para sa ating ikabubuti. Pero kung gagawa ka ng
masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod
ng Diyos na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya magpasakop kayo sa
pamahalaan, hindi lang para maiwasan ang parusa kundi dahil ito ang nararapat gawin.
Makikita sa talata na nararapat lamang na maging masunurin sa awtoridad basta mabuti ang
pamamalakad.
Ang pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at sa may awtoridad ay nakabubuti sa
ating lipunan. Napakahalaga ang kanilang paggabay sa mga kabataan sapagkat may mahalang
papel na ginagampanan ang mga ito sa paghubog ng isang mabuting kabataan na siyang
inaasahan ng bayan para magsilbing kapaki-pakinabang sa lipunan.
Ang mga magulang ay may mga lehitimong awtoridad na dapat igalang at sundin ng
mga anak. May karapatan silang gumawa ng batas o patakaran sa pamilya. Ginagawa nila ito
bilang pagtupad sa kanilang tungkulin na mapalaki nang maayos ang kanilang mga anak.
Mahalagang may sinusunod na patakaran ang mga anak upang magkaroon ng magandang
samahan sa pamilya at lumaki ang mga anak sa matuwid na landas.

Ang mga patakaran na ipinapatupad ng bawat magulang ay para sa ikabubuti ng mga


anak kaya nararapat na makita ng mga anak sa kanilang mga magulang na hindi lamang sila
dapat tagapagtupad ng batas sa tahanan kundi ginagawa rin nila ang kanilang sinasabi o walk
the talk para maging epektibong modelo sila sa kanilang mga anak. Kinakailangang
maipaliwanag nang maayos ang anumang patakaran na nais nilang ipasunod sa kanilang anak
o kasapi ng pamilya. Sa ganitong paraan, malalaman ng mga anak o kasapi ng pamilya kung
bakit kailangan ang mga patakarang ito tungo sa pagdidisiplina.

Sa kabilang banda, gampanin ng mga anak na igalang at sundin ang tamang awtoridad
ng mga magulang at mainam kung ginagawa ito dahil sa pagmamahal at hindi dahil sa
pagkatakot. May magandang kinabukasang naghihintay sa mga anak na sumusunod sa
mabuting patakaran ng magulang. Ang pagsunod ng anak sa magulang ay isang mabuting daan
tungo sa kaligayahan at pagsasabuhay ng pananagutan.

May ilang prinsipyong nakapaloob kung bakit kailangan ng mga magulang na


magpairal ng mga patakaran para sa mga anak. Ito ay ang mga sumusunod;

1. Dapat maunawaan ng mga anak na ang pagbibigay ng patakaran ay tanda ng


pagmamahal ng magulang sa anak at ang pagsunod sa mga ito ay nakapagpapasaya at
kalugod-lugod sa magulang.
2. Kailangang matutunan ng mga anak na ang patakaran o batas na ipinapatupad ng
magulang ay Konsistent at panindigang ipasunod ang mga ito.
3. Dapat maunawaan ng mga anak na hindi naghahanap ng pagsunod ang mga magulang
upang ipakitang pinuno o boss ito sa tahanan kundi hangad nila na ang kanilang mga
anak ay makatatanggap ng gantimpala o magandang kinabukasan at hindi kaparusahan.

133

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


4. Dapat maunawaan ng mga anak na may kalakip na pagpapala at gantimpala mula sa
Diyos ang pagsunod sa magulang.

Ang magandang layunin ng magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan sa


pagpapairal ng mga patakaran ay balewala kung hindi ito sinusunod at ginagalang ng mga
taong pinaglalaanan ng mga patakarang ito. Dapat isaalang-alang ng bawat isa na ang
pagsunod at paggalang sa awtoridad ay hindi lamang dahil sa kanilang posisyon o sa
kanilang gulang. Hindi rin dahil sa takot sa kanila kundi pagpapamalas ng pagmamahal sa
kanila dahil sa mabubuting hangarin nila para sa lahat ng tao.

May mga mabuting dulot ang pagsunod at paggalang sa awtoridad katulad ng mga
sumusunod;

a. Nagkakaroon ng kaayusan ang samahan at ang lipunan.


b. Naihahanda ang isang tao para sa pagsunod sa iba pang awtoridad na iyong
makasasalamuha habang lumalaki.
c. Natututo ang isang kabataan sa mga karanasan at pagkakamali ng kanilang
namumuno.
d. Nagbibigay daan sa paghubog ng mabuting asal at pagpapahalaga ng isang tao.

Naipakikita ang paggalang sa awtoridad kapag pinakinggan at sinunod ang kanilang


patakaran at payo. Naipakikita rin ang paggalang sa mga awtoridad kung hindi sila
sinisiraan sa iba kaya nararapat lamang na kapag hindi sang-ayon sa kanilang mga
patakaran, mas mainam na solusyonan ito nang maayos na pag-uusap para makaisip ng
mas nakabubuti para sa nakararami. Mahirap kung walang batas dahil magdudulot ito
ng malawakang kaguluhan, pagdami ng krimen at pagdulot ng kahirapan.

Mapagtitibay ng isang tao ang mga birtud na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng


pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng maylalang.

Isagawa natin
(30 minuto)

Gawain 1. Sa Bahay May Batas!

Panuto: Gumawa ng limang patakarang pampamilya gamit ang family law chart na
magsilbing gabay mo sa iyong pagkilos araw-araw. Isulat ang karampatang parusa kapag hindi
nasunod upang hindi mo ito masaway. Gawing batayan ang halimbawa sa ibaba.

Amandy Family Law Chart


Patakaran Parusa
Pag-uwi sa oras ng hapunan upang kumain Maglilinis ng bahay.
nang sabay-sabay
Kapag may tirang pagkain sa pinggan Maghugas ng platong pinagkainan ng buong
pamilya

134

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


______________________ Family Law Chart
(Isulat sa Patlang ang apelyido ng iyong pamilya)
Patakaran Parusa

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Pagproseso sa Awput ng Gawain:


1. Mabuti ba ang mga patakaran ng iyong pamilya o masama? Nakapagpapasaya ba o
nakapagpapalungkot ang mga patakarang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Alin sa mga patakaran sa inyong pamilya ang pinahahalagahan mo nang lubos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga saiyo ang mga patakarang nabanggit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bakit kailangan ng mga magulang ang magpasunod ng mga patakaran o batas para sa mga
anak?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Mahalaga bang igalang at sundin ang awtoridad ng iyong mga magulang?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagmamarka ng Sagot

Pamantayan Napakahusay (10) Mahusay (7) Nangangailangan


ng Pag-unlad (5)

Nakabuo ng patakaran Nakumpleto ang Nakumpleto Nakasulat ng isang


at karampatang parusa limang patakaran at ang tatlo sa patakaran at
sa family law chart at parusa at limang parusa at
naipahayag ang mga naipahayag ang mga patakaran at naipahayag ang
nais sabihin. nais sabihin. parusa at mga nais sabihin.
naipahayag ang
mga nais
sabihin.
135

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Walang katanungan Ang ibang punto Ang ibang punto
Malinaw ang o puna sa sa pagtalakay ay ay hindi malinaw
pagpapaliwanag pagpapaliwanag o nakalilito
pagpapahayag

Isapuso Natin
(30 minuto)

PANUTO: Basahin at unawain ang liham ng isang kabataan sa kanyang guro at ang sagot ng
guro sa liham ng kanyang dating estudyante. Pagkatapos basahin, sagutin ang ilang mga
katanungan.

Liham ng estudyante:

Dear Ma’am Ai,


Ako si Andrea na dati mong estudyante noong hayskul, 19 taong
gulang at may asawa. Labing-anim na taong gulang ako noong ako’y
nakipag-asawa. Nakipagtanan ako sa aking nobyo. Sinuway ko ang utos
ng aking magulang na huwag munang makipag-asawa sa murang edad.
Madalas sabihin sa akin ng aking magulang pati sina lolo at lola na toga
muna bago trahe de boda. Ngunit, hindi ko sila sinunod kaya nagpasiya
akong sumama sa aking kasintahan kahit alam kong ito ay mali. Panganay
sa akin ang aking asawa ng isang taon at ngayon nahuhumaling siya sa
ibang babae na kasing-edad niya. Nabasa ko sa messenger ng asawa ko
ang lahat ng usapan nila na lubos kong ikinalulungkot sa ngayon dahil
matagal na pala akong niloloko ng aking asawa dahil may higit siyang
minamahal kaysa sa akin at madalas silang magkita sa labas ng hindi ko
nalalaman.
Nalilito at natatakot ako ngayon at gusto ko sanang humingi ng payo
sa aking mga magulang at kina lolo at lola pero hindi ko magawa sapagkat
sinabihan ako noon na huwag na akong magpapakita sa kanila kahit
kailan.
Nagsisisi na ako sa ginawa kong pagsuway sa mga magulang ko at
pati kina lolo at lola. Tatlong buwan na akong buntis kaya malaki ang
aking suliranin. Ano ang gagawin ko?

Lubos na gumagalang,
Andrea

136

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Sagot ng guro sa liham ng estudyante:

Dear Andrea,
Salamat sa tiwala at pagtatapat na ipinamalas mo sa akin
patungkol sa iyong kalagayan kahit hindi mo na ako guro sa
kasalukuyan.

Nais kong malaman mo na ikaw ay mahalagang nilalang ng


Diyos. Sa kabila ng iyong pagkakamali, nagawa mong pagsisihan ang
maling pasiya na pinili mo noon. Gayunpaman, gusto kong malaman mo
na talagang wala kang malalapitan kundi ang iyong mga magulang.
Maaaring nasabi nila noon na huwag ka ng magpapakita sa kanila pero
sa palagay ko, bugso lamang ng kanilang galit kaya nasambit nila sa iyo
ang masakit na salitang iyon.

Ngunit ang magulang ay magulang na ang damdamin ay


Iyong nababagabag kapag nakikitang may mabigat na suliranin ang kanilang
anak. Naniniwala ako na tatanggapin ka nila dahil walang matinong
magulang na hindi lubos na nagmamahal sa kanyang anak. Huwag ka
ng magdalawang-isip pa kaya puntahan mo ang iyong mga magulang at
sa kanila mo sabihin at ibuhos ang iyong problema. Huwag mong
ipalaglag ang bata at humingi ka ng kaliwanagan at lakas sa Diyos para
mapagtagumpayan mo ang lahat ng problemang dala-dala mo.
Magsilbing aral sana ang pangyayaring naranasan mo para
Gawain 4. – pangalagahan at sundin
– Facial Expression ang
Mo, mga magagandang
Ipakita Mo! payo ng iyong mga
magulang at nakakatanda sa iyo para lumakad ka sa landas na tuwid para
sa iyong ikabubuti.

Taos puso ka ring humingi ng tawad sa Diyos at sa iyong mga


magulang gayundin kina lolo at lola mo bilang tanda ng
pagpapakumbaba.

Sumasaiyo,

Ma’am Ai

137

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Pagproseso sa Awput ng Gawain:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang sulat? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang iyong realisasyon mula sa iyong nabasa?
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal
ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang at iba pang nakatatanda sa iyo?
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pamantayan Napakahusay Mahusay (8) Nangangailangan


(10) ng Pag-unlad (5)

Malinaw na naipaliwanag Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang


ang mensahe at kaisipan pagpapaliwanag pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng
hinggil sa paggalang at ng mensahe at mensahe at kaisipan mensahe at
pagsunod sa magulang at kaisipan na na nagtataglay ng kaisipan na
nakatatanda nagtataglay ng pagiging lohikal at nagtataglay ng
pagiging lohikal at organisado hinggil pagiging lohikal at
organisado hinggil sa paggalang at organisado hinggil
sa paggalang at pagsunod sa sa paggalang at
pagsunod sa magulang at pagsunod sa
magulang at nakatatanda magulang at
nakatatanda nakatatanda
Kabuuang Puntos

Isabuhay natin
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng kahalagahan ng


pagkamasunurin. Ipakita sa dula-dulaan ang magandang dulot ng pagsunod at hindi magandang
dulot ng hindi pagsunod sa Diyos, magulang, nakatatanda at sa may awtoridad.
Unang Pangkat: Isadula ang pagsunod sa utos ng Diyos
Ikalawang Pangkat: Isadula ang pagsunod sa utos ng mga magulang
Ikatlong Pangkat: Isadula ang pagsunod sa utos ng nakatatanda
Ikaapat na Pangkat: Isadula ang pagsunod sa may awtoridad

138

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Rubrik para sa pagbibigay puntos sa Dula-dulaan

Pamantayan Lubhang Kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya


siya

Iskrip Napakahusay ang Mahusay ang Hindi malinaw ang


pagkakagawa ng pagpapakita ng iskrip sa dula-dulaan
iskrip sa dula-dulaan iskrip sa dula-dulaan
ngunit nakitaan ng
kaunting kalinangan

Pagkakaisa at Kasama lahat ng Kasama lahat ng May mga kasapi sa


partisipasyon kasapi sa dula-dulaan kasapi sa dula-dulaan pangkat na hindi
ngunit may kalituhan nakitaan ng
ang ilan sa kanilang pagganap
pagganap

Kahusayan sa Kapani-paniwala at Hindi gaanong Hindi kapani-


Pagkakaganap ng makatotohanan ang kapani-paniwala at paniwala at
mga tauhan pagkakaganap ng makatotohanan ang makatotohanan ang
mga tauhan mula sa pagkakaganap ng pagkakaganap ng
kilos, pananalita, at mga tauhan mula sa mga tauhan mula sa
ekspresyon ng kilos, pananalita at kilos, pananalita at
mukha ekspresyon ng ekspresyon ng
mukha mukha

Props Angkop ang ginamit May ilang props na Hindi angkop ang
na props hindi angkop ang lahat ng props na
pagkakagamit ginamit

Costume Akma ang ginamit sa May mga tauhan na Hindi akma ang
kasuotan ng mga hindi akma ang kasuotan na ginamit
tauhan kasuotan ng bawat tauhan

Kabuuang puntos = 20

Subukin Natin
(30 minuto)

A. Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.

1. Ang bawat nilalang Diyos ay may taglay na birtud na napakahalaga sa pakikipag-


ugnayan sa kapuwa. Alin sa mga sumusunod na birtud ang tumutukoy sa pagsasagawa ng mga
bagay na iniutos sa isang indibidwal na dapat sundin at gawin na kung saan may sangkap itong
pagmamahal, paggalang, at bukal sa kalooban ang pagsagawa ng mga ito?
139

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


A. Masunurin
B. Matulungin
C. Mapagpasalamat
D. Mapagpakumbaba

2. Paano mo higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?


A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para saiyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
D. Suportahan ang kanilang proyekto at programa.
3. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng
katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
A. Ang marapat na pagsunod ay naipakikita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa
mga ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di
kailangang magpasakop at sumunod.
4. Bakit kailangang igalang at sundin ang mga magulang?
A. Sapagkat ito ay ipinag-uutos ng Diyos
B. Sapagkat karapat-dapat silang igalang at sundin
C. Sapagkat wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila
D. Sapagkat responsibilidad mo bilang anak na sila ay igalang at sundin
5. Lubos ang paghanga ni Juan kay Pedro sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno.
Nang si Pedro ang naging lider ng kanilang pangkat, lahat ng sabihin ni Pedro ay kanyang
sinusunod at ginagawa ng walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang
kanyang sariling pangangailangan. Anong pagakilos ang ipinapakita ni Juan?
A. Pagsunod
B. Kasipagan
C. Katarungan
D. Pagpapasakop

B. I-faceLook Mo Na!
Panuto: Lagyan ng simbolong happy face ☺ang patlang kung ang pahayag ay tama at sad
face  naman kung ang pahayag ay mali.
_____1. Naipakikita ang paggalang sa mga nakatatanda kapag sila ay arugain at pagsilbihan
na isinasalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.

_____2. Naipakikita ang paggalang sa nakatatanda kapag pinapakinggan ang kanilang payo
bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.

_____3. Naipakikita ang paggalang sa nakatatanda kapag iparamdam na sila ay pabigat sa


pamilya.

_____4. Naipakikita ang paggalang sa nakatatanda kapag kilalanin sila bilang mahalagang
kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga espesyal na pagdiriwang.
140

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


_____5. Naipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad kapag ipinapanalangin mo
sila sa Diyos para magampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin para sa bayan at sa
kanilang pamilya.
_____6. Naisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagpapanatili ng pagkakaunawaan at bukas na komunikasyon sa pamilya at
sa lipunang kinabibilangan.
_____7. Naisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagkilala sa kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng
pagkakamali.
_____8. Naisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng kapwa sa pamamagitan ng patuloy na
pagtulong at paglilingkod sa kanila.
_____9. Naisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagsaalang-alang sa damdamin at marapat na pagsasalita at pagkilos ng
kapwa.
_____10. Naisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng pagsaalang-alang ng pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng
pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.

141

Practice Personal Hygiene protocols at all times.


SUSI NG PAGWAWASTO

A. Maraming Pagpipilian
1. A
2. D
3. A
4. A
5. D

B. I-FaceLook Mo Na!
1. ☺
2. ☺

3. 

4. ☺

5. ☺

6. ☺

7. ☺

8. ☺

9. ☺

10.☺

SANGGUNIAN:

AKLAT
Regina Mignon C. Bognot, et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikawalong Baitang – Modyul
para sa Mag-aaral), Vibal Publishing House, Inc., Unang Edisyon, 2013

Punsalan Twila, Gonzales Camila, et.al, Pagpapakatao Batayang Aklat sa Edukasyon sa


Pagpapakatao sa Sekundarya, Rex Printing Company,INC. 84-86 St., Sta Mesa Heights,
Quezon City 2013 (pp. 190-192)
Ang Salita ng Diyos *ASD* Copyright A2010-528 by Biblica. Published by: TouchLife Global
Foundation, inc. Unit 201 Benelisa Mansion, 222F. Roxas St. cor. 4 th Avenue Grace Park,
Caloocan City, Metro Manila, Philippines

WEBSITE

Obedience Always Brings Blessing by Pastor Ed Lapiz Retrieved from


https://www.youtube.com/watch?v=X4xjP3JU7vM on April, 2018

Inihanda ni :
AILENE T. AMANDY
142

Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like