ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 1
Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________
ARALIN Mga Relihiyon sa Timog at
Kanlurang Asya
7
Most Essential Learning Competency
Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.
AP7TKA-IIIg- 1.21
Ang modyul na ito ay ginawa upang talakayin ang bahaging ginampanan ng relihiyon at
kultura ng Timog at Kanlurang Asya sa pamumuhay ng mga Asyano.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano
2. Naipapaliwanag ang kalagayan ng mga kababaihan dulot ng reliyihon;
3. Naiguguhit ang mga simbolo na sumasagisag sa bawat relihiyon sa Timog at
KanlurangAsya.
Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa ibaba. Isulat mo ang titik ng tamang sagot sa
bawat bilang.
1. Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang ito na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at
pagbabalik-loob.
a. Religare b. Religous c. Replica d. Republic
2. Ang _______ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan,
paggalang, kaugalian at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalalang diyos
a. Paaralan b. Pamahalaan c. Relihiyon d. Simbahan
3. Ang pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa
cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay.
a. Sati b. Holi c. Suicide d. Cremation
4. Ang pagsasagawa ni __________________ ng tradisyong ito ay naging daan upang
batikusin ng mga Kanluraning bansa at ng mga pangkat ng mga feministang Hindu ang
tradisyon at modernisasyon.
a. Ruop Kanwar b. Roop Kanwar c. Roup Kanwar d. Roop Kkanwar
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 2
5. Ang sumusunod ay simnolo ng mga relihiyon sa Timog Asya. Alin ang HINDI kabilang?
a. b. c. d.
6. Ang tawag sa paniniwala sa iisang diyos lamang.
a. Ekonomiya b. Monopolyo c. Monoteismo d. Politeismo
7. Tinuturing bilang banal na aklat ng Islam.
a. Bibliya b. Koran c. Torah d. Vedas
8. Ito ang banal na aklat ng mga Hindu.
a. Bibliya b. Koran c. Torah d. Vedas
9. Ang karne nito ay pinagbabawal na kainin ng mga Muslim.
a. Baboy b. Baka c. Kabayo d. Kambing
10. Ang tawag sa kaugalian na pagpapahintulot na maaaring magkaroon ng 4 o higit pang
asawa ang lalaking Muslim.
a. Poligamiya b. Monopolyo c. Monoteismo d. Politeismo
Panuto: Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Mga Nasyonalistang Lider at Bansang Kanilang Pinagmulan
Hanay A Hanay B
_____ 1. Mohandas Gandhi A. Iran
_____ 2. Mustafa Kemal Atataruk B. Saudi Arabia
_____ 3. Mohamed Ali Jinnah C. India
_____4. Ibn Saud D. Pakistan
_____5. Ayatollah Khomeni E. Turkey
Sa panahon ngayon ng pandemya, ang pagkalat ng COVID-19 hindi lamang sa ating
bansa kundi sa buong mundo ay sadyang nakababahala. Walang ibang malalapitan kundi ang
paniniwala sa isang makapangyahiran na may lalang ng mundo. Iba-iba man ang tawag sa kanya,
ito pa rin ang mabisang kapitan sa panahon ng pandemyang ito. Ano ang tawag dito? Saan ito
nagmula? Mayroon ba itong kinalaman sa pamumuhay ng mga Asyano?
Ang tawag sa masidhing paniniwalang ito ng mga Asyano ay relihiyon. Ang salitang ito
ay nagmula sa salitang Latin na religare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
Halos lahat ng relihiyon ay nagmula sa Asya, ito ay ayon sa kasaysayan na ating aalamin lalo na
sa Timog at Kanlurang Asya. Ito ang ilan sa mga kahulugan ng relihiyon:
• Ang relihiyon ay ang pagkilala sa isang kapangyarihan ng nakapaghahari sa lahat ng
bagay at ang kanyang mga batas at utos ay sinusunod.
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 3
• Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang,
kaugalian at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalalang diyos.
• Isang kalipunan ng mga sistema ng paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw na
nag-uugnay ng sangkatauhan, espiritwalidad, at minsan ay moralidad.
Simbolo ng mga Relihiyon mula sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Relihiyon mula sa Timog Asya
Hinduismo – ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic na
itinatag ng mga Aryan. Ito ang pangunahing relihiyon sa India. Sa simbolo nito na AUM na
simbolo nito ay nangangahulugang “ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad, at paggunaw
ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon.’ A – ay simula, U – ay pag-unlad, M – ay
hangganan. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spectrum ng mga batas at
preskripsyon ng mga “pang-araw-araw na
moralidad” batay sa karma, dharma, at iba
pang norm sa lipunan. Bagaman ito ay
naniniwala sa napakaraming diyos na
umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na
may isang pinakamataas na diyos at ito ay
si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga Hindu si
Brahma ay ang tagapaglikha, siVishnu ay
ang tagapagpanatili, at si Shiva ay ang taga-
sira. Hindi sila magkakahiwalay kundi iba-
ibang aspekto at manipestasyon ng iisang
banal na kaisahan o trimutri. Ang mga Hindu ay naniniwala na ang trimutri ay patuloy na
naglilikha at nagbabago sa mundo, na sa katapusan ng bawat siglo ng “araw ni Brahma”, ang
lumang mundo ay sinisira ni Shiva, si Brahma naman ay lumilikha ng panibagong mundo at si
Vishnu ay nagpapakita sa mundo sa iba-ibang anyo upang panatilihin ang mundo at gabayan ang
mga tao. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri
ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin.
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 4
Sistemang Caste
Ang Hinduismo ay ang tanging relihiyon na naniniwala sa sistemang caste. Ayon sa
kanilang paniniwala, si Brahma ay naglikha ng unang tao na pinangalanang Manu. Mula sa ulo
ni Manu ay nagmula ang mga pinakamagaling at pinakabanal na tao na tinawag na brahmin.
Mula naman sa kamay ni Manu ang mga mananakop at mandirigma na tinawag na kshatriyas.
Sa binti ni Manu ay lumabas ang mga manggagawa sa mundo na tinawag na vaishyas. At sa paa
ni Manu ay nagmula ang iba pang tao na tinawag na sudras. Kung ganoon, si Brahma na
tagapaglikha ang siyang nagtalaga ng apat na caste ng tao.
Ang untouchables o outcasts naman ay ang tawag sa mga taong hindi kabilang sa
alinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain. Bawat pangkat ay may kani-
kaniyang patakaran at kaasalang sinusunod.
Ang Hinduismo ay naniniwalana ang tao ay hindi na mamatay kundi nagkakaroon ng
reinkarnasyon sa mga susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng
katawan o samsara, ibig sabihin ay dala-dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang
buhay, ayon sa batas ng karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng
kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa
ay makakaisa ni Brahma sa habang panahon sa estado na tinatawag na nirvana. Upang
matulungang makamit ang nirvana, may disiplinang nabuo nang sa gayon ay mapatindi ang
konsentrasyon sa paghahangad na matularan si Brahma. Ang disiplinang ito ay ang tinaguriang
yoga. Liban dito may batas ding dapat sundin upang matuklasan ng isang indibidwal ang
kanyang sarili. Itoay ang batas ng moral na kaayusan o dharma.
Sati o Suttee – ang pagsama ng
babaeng Hindu sa kanyang asawang
namatay sa pagsunog dito
Noong taong 1829, sa ilalim ng pamahalaang Ingles, ipinagbawal sa India ang sati o suttee. Ito
ay ang pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o
pagsunog sa labi ng asawang namatay. Itinuturing itong isa sa mga tradisyong Hindu na patuloy
pa ring isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India. Tulad sa nangyari sa isang 18 taong gulang
na babae na si Roop Kanwar na nagsagawa ng sati. Ang pangyayaring ito ay naging daan upang
batikusin ng mga Kanluraning bansa at ng mga pangkat ng mga feministang Hindu ang tradisyon
at modernisasyon.
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 5
Roop Konwar
Nagwakas ang buhay
niya dahil siya ay
naging biyuda, subalit
marami siyang nasagip
na buhay ng
mgakababaihang
Hindu.
Isa pang tradisyon ng mga Hindu ang paliligo taon-taon sa Ilog Ganges, sa paniniwala na
ang gawaing ito ay maaaring makalinis ng kanilang katawan at kaluluwa. Subalit ang tradisyong
ito sa kasalukuyan ay ipanagbawal na ng pamahalaan dahil hindi na malinis ang Ilog Ganges na
makasasama sa kalusugan.
Buddhismo– Ang Buddismo ay sumibol ng mga 2500 taon ang nakaraan sa India sa panahong
ang mga tao ay may malalim na pagkabagot sa Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang
caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon.
Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng
reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Kaya marami sa kanila ang tumalikod at
nanampalataya sa mga hayop.
Sa mga taong 563 B.C., isinilang si Siddhartha Gautama, anak ng haring Suddhodhana at
reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Bilang isang prinsipe, siya’y lumaki sa
tradisyon ng Hinduismo at nakapag-asawa na napapalibutan ng kagandahan at karangyaan.
Isang araw, matapos siyang magkaroon ng anak na lalaki, si Gautama ay naharap sa apat
na pangyayari na nakapagbago sa kanyang buhay. Ang una ay nakakita siya ng isang tao na
nakalugmok sa lupa at namimilipit sa sakit. Ang ikalawa ay nakakita siya ng isang matandang
lalaki, nakukuba na ang likod, nanginginig ang mga kamay at hirap nang lumakad. Ang ikatlo ay
nakakita siya ng taong ililibing na kung saan ang mga naulila ay nag-iiyakan. Ang ikaapat ay
nakakita siya ng isang manlilimos na monghe, payapa at tahimik na nagpapalimos ng kanyang
makakain. Dahil sa mga nakita niya, iniwan niya ang asawa’t anak at naging monghe upang
mapag-isipan niya nang husto ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda at ng kamatayan. Ang
gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “gabi ng dakilang
renunsasyon”.
Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na monghe. Hanggang sa isang
araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar
na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam.
Nagpatuloy siya sa kanyang meditasyon hanggang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay
na,” mula sa Mabuti kailangang magmula sa mabuti at sa masama ay kailangang magmula ang
masama. Ito ang susi sa karunungan”. Alam ni Siddhartha Gautama na hindi bago ito sapagkat
ito ang batas ng karma ng Hinduismo, subalit iba naman ang konklusyon na hinugot niya mula
rito.
Mula sa ilalim ng puno, pumunta siya sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe
at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang Sermon sa Banares. Nang matapos
siyang mangaral, tinagurian na siyang “Ang Naliwanagan”, “Ang Nagising” o Buddha ng
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 6
kanyang mga tagapakinig at tagasunod. Nag-organisa si Buddha ng misyon ng pagtuturo sa
buong India at lahat ng makarinig sa kanya na nawalan na ng gana sa tradisyonal na relihiyon ay
naging tagasunod niya.Nang mamatay si Buddha sa edad na walumpu, ang Buddhismo ay
nagkaugat na at naging epektibong pwersang moral sa India. Kahit pa nagkaroon ng reporma sa
Hinduismo na nakabawas sa impluensya ng Buddhismo sa India, ito naman ay hindi nakapigil sa
Buddhismo dahil ito ay naikalat na ng tagasunod ni Buddha sa Ceylon, Burma, Thailand, China,
Korea, Tibet at Japan.
Mga Relihiyon mula sa Kanlurang Asya
Islam - Narinig mo na ba ang “Allahu Akbar!’ Nakakita ka na ba ng mga Muslim? Ang
Kanlurang Asya ay kilala bilang bansa ng mga Muslim. Dahil sa paniniwala nila sa Islam na
sumasamba lamang sa iisang Diyos o paniniwalang monoteismo. Ang Islam ay
nangangahulugang “Pagsuko sa Kagustuhan ng Diyos na si Allah”.
Mosque o Masjid Ito ang paraan
ng pagsamba
– ito ang kanilang
nila
lugar ng pagsamba
Qu’ran o Koran
–ang banal na aklat
ng mga Muslim
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 7
May pangkat ng Taliban, isang grupo ng mga radikal na
Muslim sa Afghanistan ang nagpapatupad ng kautusan
laban sa mga kababaihan tulad ng pagsusuot ng Burka,
ang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong
katawan, pagsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang
mata.
Legal ang Poligamiya sa relihiyong
ito. Ang mga lalaki ay maaaring
mag-asawa ng higit sa 4 kung kaya Ito ang tradisyunal na
nilang bumuhay ng maraming kasuotan ng mga kababaihang
pamilya. Muslim.
Judaismo – Ang kulturang pananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unahang
naitalang pananampalataya ng monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong
pampananampalataya na sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Sa Judaismo, ayaw banggitin ng
mga Hudyo ang ngalan ng Diyos kaya iba-iba ang taguri sa Diyos na ginagamit nila. Kabilang
dito ay “Ang Kapangyarihan", "Ang Banal", Ang Pinagpala", at “Ang Langit”. Ang pinagmulan
ng Judaismo ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimula muna sa paniniwala ng relihiyong
Canaanite na may halong relihiyong Babylonian at sa paniniwala kay Yahweh. Ang Judaismo ay
laganap sa mga bansang Israel, United States, France, Canada, United Kingdom, Russia,
Argentina, Germany, Australia, at Brazil. Ang nagtatag ng relihiyon na ito ay si Abraham.
Ang mga pangunahing utos at aral ng
Judaismo ay mula sa Torah. Ito ay
binubuo ng 24 aklat ng Tanakh
(tinatawag na Lumang Tipán sa
Kristiyanismo) at hindi kabilang dito
ang Bagong Tipán.
Kristiyanismo – relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga
Kristiyano ay naniniwala na si Hesus, na tinatawag ding Hesukristo, ang Anak ng Diyos at ang
Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang
talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal na libro ng mga Kristiyano ay ang
Bibliya, na galing sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “Libro”. Isang angkop na
pangalan dahil ang Bbiliya ay ang aklat para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay aklat na
walang katulad, at katangi-tangi sa lahat ng aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya.
Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya ang kaisipan at kalooban ng
mga manunulat upang maisulat nila ang lahat ng ibig Niya at tanging mga bagay lamang na nais
Niya.
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 8
Gawain A: Draw Me
Sa kaliwang bahagi ng isang bond paper, iguhit ang simbolo ng mga relihiyon sa Timog Asya at
sa kanang bahagi ang simbolo ng mga relihiyon sa Kanlurang Asya.
Gawain B: Thumbs Up o Thumbs Down!
Magbigay ng reaksiyon sa mga gawing may kinalaman sa mga kababaihan. Thumbs Up kung
Sang-ayon o Thumbs Down kung Hindi Sang-ayon. Ipaliwanag ang napiling sagot.
Unang Gawi – Poligamiya o pag-aasawa ng higit sa isa
Ikalawang Gawi – Pagsama sa isang babae sa pagsusunog sa asawang namatay
Kilalanin ang mga relihiyon sa Timog Asya at Kanlurang Asya. Kopyahin sa isang buong papel
ang gawaing ito at isulat ang sagot sa loob ng bilog.
Relihiyon sa
Relihiyon sa
Kanlurang
Timog Asya
Asya
Panuto: Tama o Mali. Iguhit ang kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at
kung ang pahayag ay hindi wasto.
_____ 1. Malaki ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga Asyao.
_____ 2. Buwan-buwan dinarayo ng mga Hindu ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India.
_____ 3. Sa sati o suttee, ang babaeng asawa ay sumasama sa namayaning asawa nito.
_____ 4. Sa Islam, ipinagbabawal ang pagkain ng karne ng baboy
_____ 5. Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim.
_____ 6. Allah ang nag-iisang sinasamba ng mga Muslim
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 9
_____ 7. Sa pagkamatay ni Roop Konwar, natigil ang tradisyong paniniwala ng mga Hindu na
dapat kasama ang babaeng asawa sa paglibing ng asawa nito.
_____ 8. Isa sa pinagdiriwang ng mga Kristiyano ay ang mahal na araw taon-taon
_____ 9. Si Buddha ay isang prinsipe na tinalikuran ang lahat ng kanyang karangyaan upang
hanapin ang tamang landas.
_____ 10. Sa kasalukuyan, ipinatigil na ng pamahalan ng India ang paliligo sa Ilog Ganges.
_____ 11. Ang pinagmulan ng Judaismo ay ang bansang Israel.
_____ 12. Si Guro Nanak ang nagtatag sa relihiyong Sikhism.
_____ 13. Ayon kay Mohammad, ang tao ay nakararanas ng kalungkutan o dalamhati dahil sa
kanyang mga nais sa buhay.
_____ 14. Si Mahavira ang nagtatag ng relihiyong Jainism.
_____ 15. Mapipilit ang mga tao kung sino o ano ang kanyang paniniwalaan o sasambahin.
Matapos natin mapag-aralan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga taga
Timog Asya at Kanlurang Asya, sumulat ng isang repleksiyon kung paano naging parte ng buhay
mo ang relihiyon lalo na sa panahon ng pandemya. Anong mga turo at aral na iyong natutunan
ang may malaking bahagi sa iyong buhay? Paano ito naging gabay sa iyong pamumuhay? Paano
ito nakatulong sa iyo sa sa pagharap sa mga hamon ng buhay?
7-AP Qtr3 Week 7
ARALING PANLIPUNAN -IKATLONG KWARTER 10
SAGUTANG PAPEL – Qtr.3- Week 7
A. PANIMULANG PAGSUSULIT : Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa ibaba. Isulat mo ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
B.BALIK- TANAW: Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. 2. 3. 4. 5.
C. Gawain A: Draw Me
Sa kaliwang bahagi ng isang bond paper, iguhit ang simbolo ng mga relihiyon sa Timog Asya at sa
kanang bahagi ang simbolo ng mga relihiyon sa Kanlurang Asya.
Gawain B: Thumbs Up o Thumbs Down!
Magbigay ng reaksiyon sa mga gawing may kinalaman sa mga kababaihan. Thumbs Up kung Sang-
ayon o Thumbs Down kung Hindi Sang-ayon. Ipaliwanag ang napiling sagot.
Unang Gawi – Poligamiya o pag-aasawa ng higit sa isa
Ikalawang Gawi – Pagsama sa isang babae sa pagsusunog sa asawang namatay
D. PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Kilalanin ang mga relihiyon sa Timog Asya at Kanlurang
Asya. Kopyahin sa isang buong papel ang gawaing ito at isulat ang sagot sa loob ng bilog.
Relihiyon sa
Relihiyon sa
Kanlurang
Timog Asya
Asya
E. PANGHULING PAGSUSULIT: Tama o Mali. Iguhit ang kung ang pahayag ay
nagsasabi ng katotohanan at kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.
11. 12. 13. 14. 15.
PAGNINILAY: Matapos natin mapag-aralan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa
pamumuhay ng mga taga Timog Asya at Kanlurang Asya, sumulat ng isang repleksiyon kung
paano naging parte ng buhay mo ang relihiyon lalo na sa panahon ng pandemya. Anong mga turo
at aral na iyong natutunan ang may malaking bahagi sa iyong buhay? Paano ito naging gabay sa
iyong pamumuhay? Paano ito nakatulong sa iyo sa sa pagharap sa mga hamon ng buhay?
7-AP Qtr3 Week 7