Define editorial
 Discuss editorial types
 Write a compelling editorial
Are you PRO? Or CON?
Do you say YES or NO?
Are you FOR or
AGAINST?
   an article in
    a newspaper or other periodical or on
    a website presenting the
    opinion of the publisher, writer, or editor
    (Webster)
      opinyon ng namamahala ng diyaryo sa
       mga isyu o patakaran
      analytical interpretation on relevant issue
      attempt to influence, by giving readers all
       the facts and concerns
Editorial
 soul of the newspaper
 the heartbeat of the paper
     “… the expression of the paper’s
      conscience, courage and convictions
      …” (Joseph Pulitzer)
Explain and interpret the news
Persuade the readers to follow
 a course of action
NEWS – school
       community/ local
        national
       international
S - State the problem or situation.
 (balitang batayan/newspeg)
P - State your position. (
E- Give evidences to support your position.
C- State and refute the position of the other
 side in the conclusion.
S- Offer possible solutions to the problem.
1.   Impormasyon at interpretasyon /
       Information & interpretation
2.    Kritisismo / Criticism
3.    Argumentasyon at
      panghikayat/argumentation and
      persuasion
4.    Komendasyon, pagpapahalaga o
      pagpaparangal / Commendation,
      appreciation/tribute
5.    Panlibang / Entertainment
Functions:
    Explain the significance of an
  issue/event
    Interpret news – factual, objective,
  comprehensive
                (magpabatid,
                  magpaliwanag,
                  magbigay kahulugan)
Duterte signs expanded maternity leave
                 law
 Duterte signs law waiving document
    fees for first-time jobseekers
                   Lost in the organized chaos of the midterm
State        elections is the welcome news on the fate of a number
the          of important measures that would significantly ease the
issue/news   hardships of workers and jobseekers. Two of these, the
peg          First Time Job Seekers Assistance Act and the
             Extended Maternity Leave Act, have been signed into
Position law; another one, the Alternative Working Arrangement
on the issue
             bill, has just passed third and final reading in the
             Senate.
                   President Duterte signed Republic Act No. 11261,
             or the First Time Job Seekers Assistance Act, last
Evidences month, though it was made public only on May 7. Under
             this law, first-time job applicants no longer have to pay
             fees for government documents required for
             employment.
                 Applying for work can be an expensive
            exercise, more so for fresh graduates who
            have yet to earn their first peso. A police
            clearance certificate, for instance, costs P100,
Evidences   same as a barangay clearance, while a
            multipurpose NBI clearance will set back an
            applicant by P130. Thanks to the Tax Reform
            for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, a
            birth certificate from the Philippine Statistics
            Authority (PSA) Helpline (formerly the
            National Statistics Office) now costs P365 a
            copy.
                 The new law should make it easier and
            less costly for fresh graduates to apply for and
            land their first job, instead of joining the 2.2
            million unemployed and 5.5 million
            underemployed Filipinos as of October 2018,
                 Meanwhile, employees from the private
            sector should find some comfort in Senate
            Bill No. 1571, which would allow them to
Evidences   enjoy an alternative working arrangement
            while still doing the required eight hours of
            work for five days. Under this bill, employers
            and employees may agree to adopt flexible
            working arrangements, including a four-day
            work week or compressed work week.
                 The Senate-approved bill comes two
            years after the House passed a similar
            measure, House Bill No. 7402 or the
            Telecommuting Act, which allows employees
            to work from home using the latest
            technological devices.
                The Senate’s Alternative Working Arrangement
          bill is seen to help ease the worsening traffic situation
          in Metro Manila which, last year, cost the country
          some P3.5 billion in lost opportunities a day,
          according to the Japan International Cooperation
          Agency. With employees riding to and from work at
          varied hours instead of filling the streets and public
          transport hubs during those frantic rush hours, a
          smoother, less stressful commute may be expected.
                In fact, based on a global research report from
          Regus—the world’s largest provider of workplace
Evidences solutions—nine of 10 companies offering flexible
          working hours to their staff in the Philippines have
          attested to its benefits, among them improved
          productivity, reduced overhead expenses and an
          improvement in work-life balance that results in
          increased job satisfaction and motivation.
     True, the arrangement may not work for all jobs,
especially those in manufacturing and assembly line
production, as noted by the Employers
Confederation of the Philippines. But in most jobs,
flexible working arrangements have resulted in
reduced traffic congestion, less air pollution, as well
as less work stress and better health for workers.
     Just as timely in our rapidly changing workplace
is Republic Act No. 11210, or the Expanded
Maternity Leave law, which grants working mothers
in the government and private sector 105 days of
paid maternity leave credits, with seven days
transferable to fathers. An additional 15 days of paid
leave will be granted to single mothers.
              The law gives mothers the option to
         extend their leave for another 30 days without
         pay, provided that the employer is given due
         notice. The measure also removes the four-
         pregnancy cap and applies to all female
         workers regardless of civil status. By giving
         mothers sufficient time to recover after
         childbirth and nurture their newborns, the law
         seeks to ensure the well-being and stability of
         Filipino women and their families, which
         should help translate to a healthier, more
         productive workforce.
Conclusion Small measures with big impacts. Let’s
Solution have more of them.
Aim:     Influence the readers by
 pointing the good and bad features
 of the issue/event
       Manuligsa o magreklamo
       MULA nang ilunsad ng Duterte
administration ang giyera sa illegal drugs, marami
nang napatay na drug suspects at marami na ring
drug addict ang naikulong. (par 1)
       Ayon sa report, mahigit 4,000 drug
suspects na ang napatay. Pero sa kabila nang
maigting na kampanya laban sa illegal na droga,
nananatili pa rin itong problema. Tila wala pa ring
pagbabago kahit araw-araw ay may nahuhuling
drug suspect. Bumabaha pa rin ang shabu na
parang agos na hindi mapigilan. (par. 2)
     At ang problemang ito ay labis na
pinuproblema ng Presidente. Ang laki raw
ng problema niya. Sinabi niya noong
Sabado, makaraang dumating mula sa
pagbisita sa Israel at Jordan na
kontrolado ng Bamboo triad at Sinaloa
syndicate ang droga sa bansa. Ang atin
umanong “container circuit” ay ginagamit
ng dalawang sindikato para maipasok ang
droga particular ang cocaine. Kaya
sobrang laki raw ng problema niya sa
pagharap sa dalawang sindikatong
nabanggit. (par. 3)
        Kung mayroon lang daw siyang modernong
kagamitan kagaya sa United States, matagal nang
natapos ang illegal drug operations ng sindikato.
Kung mayroon lang daw siyang armas gaya ng
precision-guided, matagal nang naubos ang mga
salot. (par. 4)
         Mukhang malaki ang problema ng Presidente
sa pakikipaglaban sa droga kaya gusto niya nang
modernong armas laban sa mga sindikato. Gusto
niyang maubos na ang mga ito. Pero hindi ganun
kadali ang paglaban. Kahit na nga araw-araw ay
may napapatay na drug suspect, balewala rin
sapagkat, kapiranggot lamang ito sa ga-bundok na
problemang kinakaharap ukol sa bawal na droga.
(par. 5)
     Pero nakapagtataka naman na kung
gaano kaproblemado ang Presidente sa
droga, tila hindi naman natitigatig ang
Bureau of Customs na madalas
malusutan ng kargamentong shabu. (par.
6)
     Marami nang nakalusot na bilyong
halaga ng shabu sa Customs at matindi,
naaabsuwelto pa ang mga akusado. Mas
maganda kung unahin munang linisin
ang Customs bago bumili ng
makabagong armas laban sa drug
syndicates. (par. 7)
Function: Persuade the readers to
 accept one’s stand
       makipagtalo
       upang manghikayat
THE House of Representatives has approved on
 second reading the bill that seeks to lower
 the minimum age of criminal responsibility,
 shortly after the measure was amended to
 align with the Senate version.
 Both the Senate and House versions now
 propose that the minimum age of criminal
 responsibility be lowered to 12 years old from
 the current 15 years old.
Source: SunStar Manila
   Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula
nang bumigay ang mga mambabatas sa
harap ng masigabong pagtutol sa pagbaba
ng edad ng criminal liablity sa 9 anyos mula
15 anyos.
   Umatras ang mga mambabatas sa
posisyon nilang ikulong ang mga 9 na taong
gulang . Pero sa tingin ba talaga nila mas
nasa wastong pag-iisip ang 12 anyos para
maging criminally responsible?
     Maraming kahinaaan ang umiiral na Republic
 Act (RA) 10630, pero implementasyon ang
 problema at hindi ang diwa ng rehabilitasyon na
 siyang buod nito.
     Ayon sa mga psychologist, wala sa mga
 teenager ang ganap na kakayanang
 makapagdesisyon nang tuwid;di pa nila kayang
 kontrolin ang pagiging padalos-dalos at mapusok,
 at di nila kayang arukin ang masamang
epekto ng kanilang mga ginagawa.
     Ayon sa mga pag-aaral, nagma-mature ang
 mga adolescents pag sapit ng 16 na taon. Kaya
 nga hindi hinahayaang magmaneho ang mga
 batang 15 taon pababa sa ibang bansa. Pero sa
 Pilipinas, puwede na silang ikalaboso.
    Isang bagay pang nagpapakumplika ng
sitwasyon ng bata: ang kultura ng
kahirapan.
    Ano ba ang profile ng batang kriminal sa
Pilipinas? Una, siya ay mahirap, pangalawa,
maaga siyang nasadlak sa mapapait na mga
karanasan, at pangatlo, exposed siya sa
kriminalidad.
    Nakapanlulumo na dalawang beses
magiging biktima ang mga bata: Hindi na
nga sila sinagip ng sistema mula sa
kahirapan, pero ngayon, ituturing pa silang
kriminal kahit pinagsamantalahan o
pinabayaan ng matatanda.
    Kumplikado ang problema ng kriminalidad
sa hanay ng kabataan. Kailangan nito ng
malawak, malalim, sensitibo at matalinong
pag-atake sa problema – hindi sinturong
lalatay sa balat o martilyong babasag sa
bungo ng mga musmos.
    Tulad ng tugon ng administrasyong
Duterte sa iligal na droga, kamay na
bakal din ang sagot nito sa mga batang
napariwara. Tulad ni Kian delos Santos, ang
kabataan na naman ang biktima ng
pagpapapogi ng isang pinunong walang
amor sa karapatang pantao.
    Malupit, marahas, ’di makatarungan
at ‘di makatao ang panukalang ibaba
sa 12 anyos ang criminal liability. Muli
na namang pinatunayan ni Duterte,
sampu ng mga kampon niya sa
Kongreso, na ang pamumuno nila'y
walang puso.
Function: Commend, praise
    Magbigay – papuri, parangal sa
    tagumpay, kontribusyon ng
    piling tao, institusyon...
    Sa ganitong panahon ng kalamidad, panganib at
matinding pangangailangan tumitingkad ang
kabayanihan na likas sa bawat Filipino. (P1)
    Mula sa simpleng text message hanggang sa
status shoutout sa Facebook at pagti-tweet
hanggang sa pagpaparating ng mahalagang
impormasyon sa mga radyo at telebisyon – lahat ito
ay anyo ng kabayanihan. Hindi man napapansin ng
publiko pero ito ang tunay na people power. Sa
mismong mga ordinaryong mamamayan
humuhugot ng impormasyon ang mga opisyal ng
pamahalaan. (p2)
      Syempre, pinakamabilis na tulay ang broadcast
media. Pero sorpresa pa rin ang power ng social
media. Mabilis ang batuhan ng impormasyon, hindi
lang sa iba't ibang panig ng Pilipinas kundi sa buong
mundo.Direktang nagkakabalitaan ang magpapamilya
at magkakaibiganKadalasan ay dokumentado pa ng
litrato. (P3)
      Ang hindi nalalaman ng marami sa ating mga
kababayan, ang simpleng pagbabahagi ng kwento at
impormasyon ay malaking bagay sa iba. Sa isang
iglap, naipaparating ang importanteng detalye at may
mga kasong agad din itong naaaksyunan. Kaya
naman marami sa mga government agencies at local
government offices ay nagtayo na rin ng kanilang
sariling website, Facebook at Twitter accounts para sa
direktang pakikipag-ugnayan sa kanila ng mga
mamamayan. Tunay na epektibo naman ang medium
na ito. (P4)
    Saludo kami sa mga lalaki at babaing ito na
iniiwan ang kanilang mga pamilya sa gitna ng
kalamidad para tumugon sa mas malaking
responsibilidad: ang sumaklolo sa publiko, mga
estrangherong minsan lamang nila
makakadaupang-palad ngunit pinagbubuwisan ng
buhay.
    Nakakabilib ang kanilang dedikasyon. Hindi
matatawaran ang kanilang kabayanihan. Lahat ay
ginagawa para sa mga taong walang kaugnayan sa
kanila. Nameless, faceless 'ika nga! Sa lahat ng
rescuers na walang takot na sumusuong sa
masungit na panahon at ngitngit ng kalikasan:
mabuhay kayo! Bayani kayo para sa amin!(P5)
Function: Entertain while suggesting
 truth
       Manlibang sa gitna ng
 pagbanat
      May birong hindi nakakatawa sa maraming
paaralan: Ang wikang Filipino raw ay pang-kubeta na
lang.
    Malinaw kasi ang nakapaskil sa paligid: English-
speaking zone. Bawal magsalita ng sariling wika sa
halos lahat ng bahagi ng paaralan – klasrum, opisina,
pasilyo, palaruan, aklatan. “Ma’am, may I go out?”
Puwede palang mag-Filipino habang nakababa ang
salawal at sinasagot ang tawag ng kalikasan. Pero
kanino ka naman makikipagtalastasan? Puwede kaya
nating kausapin ang mga butiki sa loob ng kubeta? Mas
matino kaya silang kausap kumpara sa maraming
guro’t opisyal na ipinagpipilitan ang malawakang
paggamit ng dayuhang wika?
    Agosto na naman. Oras nang magbigay ng
talumpati ang mahihilig mag-Ingles hinggil sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Ito
ang pagkakataong nililinis ang mga
lumang tarpaulin na nakalagay ang mga katagang
“Buwan ng Wika” at “Mabuhay ang Wikang Filipino!”
    Ang dati’y lingguhang selebrasyon ay naging
buwanan simula noong 1997 dahil ipinatutupad ang
Proklamasyon Blg. 1041 (Nagpapahayag ng
Taunang Pagdiriwang Tuwing Agosto 1-31 Bilang
Buwan ng Wikang Pambansa) ni dating Pangulong
Fidel Ramos. Pagkatapos ng ilang dekada, may
ibinunga bang maganda ang pagpapahaba ng
selebrasyon?
    Sa kaso ng maraming paaralan, hindi natin makita
ang lohika ng pagbabawal sa mga estudyanteng
gamitin ang sariling wika. Walang kasalanan ang
isang estudyanteng nadapa sa harap mismo ng
karatulang “English-speaking zone” na mapasigaw ng
“Aray” sa halip na “Ouch.” At kapag tinanong natin
kung ano’ng nararamdaman niya, ano kaya ang
kanyang magiging sagot? “Masakit po!” Duda kami na
sasagutin ka niya ng “It hurts!”
    Kung talagang seryoso ang maraming paaralan
sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, ang unang
unang kailangang gawin ng mga guro’t opisyal nito ay
tanggalin na ang “English-speaking zones” at hayaan
ang mga estudyanteng gamitin ang sariling wika.
Kung nais pa rin nilang ituro ang wikang Ingles,
posible pa rin naman ito nang hindi napapabayaan
ang sariling wika.
       Malaking hamon para sa ating mga paaralan ang
pagtataguyod ng wikang Filipino kung hindi buwan ng
Agosto. Walang lugar ang tinaguriang “English-
speaking zones” sa isang bansang may sarili namang
wika’t nagnanais ng mahigpit na pagkakaisa. Ang
paghuhubog ng kaisipan ay epektibong maisasagawa
sa pagtataguyod ng Filipino, ang wikang nagmula sa
sariling kultura’t malinaw na nagbubuklod sa lahat ng
Pilipino.
       Anuman ang gawin ng mga nasa kapangyarihan,
pilitin man nilang pang-kubeta na lang ang wikang
Filipino, hindi nila ito basta-basta maitatapon sa
inidoro. Hinding hindi ito maibabaon sa limot hangga’t
may mga Pilipinong nakakaalala sa kasaysayan at
pakikibaka ng ating bayan.
   Lead / panimula - - ihayag ang paksa, bakit
    mahalaga ito; maikli, tiyak, straight to the point
   Body / katawan - - facts, lohikal na argumento,
    opsyon/solusyon, nananawagan sa pagkilos,
    paghahalimbawa, ilustrasyon, nagkukumpara
   Conclusion / kongklusyon - - pagwawakas ng
    pinaniniwalaan mo
   Pamagat / Title
   Panimula / Lead or Introduction
   Katawan / Body
   Kongklusyon/lagom o pananawagan sa
    pagkilos / Summary or appeal to act /
    clincher
   Pahayagang pampaaralan: Tulay sa
             transparency
    Dulot ng kabi-kabilang anomalya at katiwaliang
nagaganap sa bansa, maraming nagnanais na
makamit na ang ganap na Freedom of Information
(FOI) upang maiwasan ang mga ito. Sa ganitong
kalagayan, malaki ang papel na ginagampanan ng
pahayagang pampaaralan upang palakasin ang FOI
kahit sa maliliit na sector pa lamang ng lipunan.
Marapat lamang na maging epektibong instrumento
ang ‘campus journalism’ sa pagpapalakas ng FOI na
magsisimula sa tahanan, komunidad at partikular na
sa paaralan. Kung magkagayon, makakamtan na
natin ang ating karapatan sa mga impormasyong
dapat na lantad sa atin.
     Halos tatlong dekada na rin nating ipinaglalaban
ang pagsasabatas sa Freedom Of Information Bill na
siyang magpapatibay sa ating karapatang nakasaad
sa Sec. 28 Article II at Sec 7 Article III ng 1987
Constitution. Ito ang karapatan ng mga mamamayang
malaman ang bawat transaksiyon, kalakaran at
proyektong isinasagawa ng bawat ahensiya ng
pamahalaan. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin
ito ganap na naisasakatuparan kung kaya’t kabi-
kabila pa rin ang korupsyon at katiwalian sa lipunan.
     Matatandaang nitong nakaraang administrasyon
sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulong Benigno
Aquino ay ginulantang ng malawakang korupsyon
ang ating bansa. Kabilang na rito ang makasaysayang
multi-bilyong Priority Development Assistance Fund
(PDAF) scam o pork barrel scam kung saan maraming
senador ang inakusahan at ikinulong dahil sa
pagkakasangkot sa naturang katiwalian.
     Gayundin naman, ang korapsyon sa Department of
Agriculture kung saan gumagamit ito ng mga Non-
Government Organization at foundation ni Janet Napoles para
pondohan ang kabuhayan ng mga magsasaka. Bukod sa mga
ito, nailantad din ang anomalya Disbursement Acceleration
Program (DAP) fund at pagpalya ng operasyon sa Metro Rail
Transit (MRT). Ilan lamang ito sa mga pangyayaring hindi
sana naganap kung umiiral ang FOI sa bansa.
      Sa ganitong kalagayan, napapanahon nang paigtingin pa
lalo ang pagsusulong ng ating karapatan sa FOI. Bilang unang
hakbang marapat lamang na magsimula ito sa pinakamaliliit
na sektor ng lipunan gaya ng tahanan, komunidad at
paaralan. Dito na pumapasok ang mahalagang papel ng
pamamahayag pampaaralan. Malaki ang papel na
ginagampanan ng mga mamamayag pampaaralan sa
paghahatid ng panlipunang isyu at impormasyon. Sa
pamamagitan ng mga artikulo at kolumn na kanilang
isinusulat, naiimpluwensyahan nila ang mga mambabasa na
magkaroon ng posisyon patungkol sa mga napapanahong
isyu.
     Kasama na rito ang paraan ng pamamahala sa pondo ng
taunang Pupil’s Development fund at Maintenance Operation
and Other Expenses (MOOE) sa bawat eskwelahan. Maaari
ring mailantad kung nalalabag ang ibinabang Zero Collection
Policy at kung may problema sa pagbibigay ng grado ang
mga guro at iba pang pangyayari na dapat malaman ng lahat.
Makikitang sa paraan pa lamang ito ay napapalakas na ang
FOI sa pamamagitan ng pamamahayag pampaaralan. Tiyak na
magiging hudyat ito upang maisakatuparan ang ating
hangarin na magkaroon ng transparency sa pamahalaan dahil
kahit sa paaralan pa lamang ay napapaigting na ito.
     Samakatuwid, malaki ang kahalagahan ng pamamahayag
pampaaralan sa ating pagsusulong ng FOI. Sa pamamagitan
nito, napasisimulan ang pagpapalakas sa ating karapatan sa
pagkakaroon ng kamalayan sa lahat ng impormasyon tungkol
sa pamamalakad sa ating pamunuang lokal na maaaring
maging tulay upang ganap nating makamtan ang
‘transparency’ sa pamahalaan ng ating bansa.
                         Rachel Mecaela Baxal
                         RSPC 2014 Elem Champion
                         NSPC 2017 Sec Winner
Technical 40%
 Uses lead paragraph that contains news peg
  and the general stand of the writer
 Presents arguments that are based on facts
 Cites sources of facts
 Uses strong and thought-provoking title
 Shows logical reasoning
 Observes the rules of grammar and syntax
 Utilizes transitions properly
Reference: DepEd NSPC Scoresheet for Editorial Writing
Content 50%
 Presents the general stand of the writer in the
  lead
 Utilizes factual information from interviews,
  document reviews, data analysis and other
  reliable sources
 Displays evidence of the writer’s knowledge and
  understanding of issues/problems
 Reflects clarity of the the message and can
  influenve public opinion
 Arguments presented in the body logically
  support the writer’s stand
 Reference: DepEd NSPC Scoresheet for Editorial Writing
Ethics 10%
 Observes ethical and professional standards
  for journalism (fairness, relevance, accuracy,
  originality
 Cites sources and observes copyright laws
 Reference: DepEd NSPC Scoresheet for Editorial Writing
“   If a newspaper were a living thing, as I
    think it is, its news content may be the
    lifeblood, the front page may be its face
    but its editorials – its criticism and
    commentary – are its very soul. And
    when the editorials are flabby,
    complacent or irresponsible, then the
    newspaper has lost its soul – and also
    its character.” - John B. Oakes, New York
    Times
   Arao, Danilo. Wikang Filipino at English Speaking Zones
   Pagsulat ng editorial, Dr. Tess Fortunato
   Department of Education. NSPC Scoresheet Editorial Writing
   Rappler
   Philippine Star
   Philippine Daily Inquirer
   Pilipino Star Ngayon