Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig?
A. argumento B. talumpati C. impromptu D. anekdota
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng positibong paninindigan?
A. Huwag sundin ang sinasabi ng nasa panunungkulan dahil wala silang
B. pakialam sa iyo, buhay mo iyan.
C. Hindi natin makakayang gawin ang simpleng bagay tulad ng pagtitipid ng kuryente at tubig dahil mga bata
pa tayo.
D. Sa puntong ito, dapat tayong magtulong-tulong sa paglutas sa suliranin sa basura
3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapahayag ng katangian sa argumento, opinyon, at
pananaw?
A. Mahalaga at napapanahong paksa.
B. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
C. Maikli ngunit malaman at malinaw.
D. Malinaw ngunit hindi nagkasunod-sunod ang mga talata
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pahayag na nagbibigay ng matatag na opinyon?
A. Labis akong naninindigan na si Nesthy ang tunay na wagi sa larong iyon.
B. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting ma-vaccine ang lahat.
C. Lubos kong pinaniniwalaang mahal niya ang kanyang trabaho.
D. Kumbinsido akong magbabalik din tayo sa dating normal.
5. Paano nakakatulong ang talumpati sa pang araw-araw na buhay? Piliin ang pinakaangkop na sagot.
A. Nakapagbibigay inspirasyon sa mga tao.
B. Nakapag-udyok na gawin ang kanilang ipinaglalaban.
C. Upang malayang makapagpahayag ng sariling opinyon, ideya at argumento hinggil sa napapanahong isyu.
D. Maka-aliw sa ibang tao.
Panuto: Bumuo ka ng mga pangungusap na nagpahahayag ng iyong opinyon at pananaw batay sa mga kaganapan sa
loob ng palaso. Isulat sa papel ang iyong sagot. Gawing batayan sa pagsagot ang pamantayang nasa kasunod na
pahina.
6.
7. Anong elemento ng maikling kuwento ang nais bigyang-pansin sa bahaging ito?
Natatanaw ko ang A. tagpuan B. banghay C. tauhan D.
aking sarili sa isang kasukdulan
masusukal at
tahimik na 8. Ang krisis ay may simula, ________ may katapusan kaya hanapin
kapaligiran. Tanging ang pinakamaikling landas sa pagitan ng simula at katapusan nito.
huni ng ibon lamang Alin sa sumusunod ang angkop na pangatnig upang mabuo ang diwa
ang maririnig at ng pangungusap?
paspas ng hangin.
Isang maliit na
bahay na giray na
giray na yari sa
kawayan ang
makikita sa di-
A. dahil sa B. datapwat C. at D. samantala
9. Anong bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa kapana-panabik na pangyayari sa kuwento?
A. panimula B. kasukdulan C. suliranin D. wakas
10. Ano ang tawag sa pinakaluluwa ng isang dula?
A. tauhan B. iskrip C. manonood D. entablado
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at tukuyin kung ano ang kataga o salitang pang-ugnay ang
angkop gamitin sa sumusunod na pahayag.
11. Matalino si Anthoneth ________ siya ay sakitin.
A. ngunit B. tungkol sa C. ayon sa D. pati
12. Masipag ____ bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.
A. ng B. na C. –g D. at
13. Paano mo maihahambing si Temujin sa dulang Munting Pagsinta kay Manuel sa dulang “Dahil sa
Anak” batay sa pangyayari sa dula?
A. Mas magalang si Temujin kaysa kay Manuel.
B. Si Manuel ay mas pasaway kaysa kay Temujin.
C. Si Temujin ay mas matapang kaysa kay Manuel.
D. Sina Temujin at Manuel ay parehong masunurin.
14. Paano mo ihahambing ang tanghalan ng dalawang dula?
A. Parehong maaliwalas ang tanghalan ng dalawang dula.
B. Mas magara ang tanghalan ng dulang Dahil sa Anak kaysa sa Munting Pagsinta.
C. Mas malawak ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta kaysa sa dulang Dahil sa Anak
D. Ang tanghalan ng dulang Munting Pagsinta ay mas makulay kaysa sa dulang Dahil sa Anak.
15. “Inang, kaya ko na po ang aking sarili, payagan po ninyo akong maghanap ng mapagtrabahuan at
isasabay ko na rin ang aking pag-aaral.” Bakit ganito ang sinabi ni Cita sa kanyang ina? Ano ang
ipinakita niyang pag-uugali? A. Ayaw niyang mag-aalala ang ina at gusto niyang makatulong.
B. Sobrang kampante siya sa kanyang kakayahan.
C. Galit siya sa ina at ayaw na niya itong makita.
D. Matapang si Cita at gusto niyang lumayo. ______
16. “Ipinagmamalaki kita anak sa iyong lakas ng loob at determinasyon, sa kabila ng ating kahirapan ay
nakapagtapos ka ng pag-aaral at hindi ka sumuko.’ Anong damdamin ang nangingibabaw sa
pahayag na ito?
A. lungkot B. alinlangan C. pagmamalaki D. pasasalamat
17. Marami ang nahumaling sa tiktok, may mga matatanda at bata. Nakapagbibigay diumano ito sa
kanila ng aliw at kasiyahan. Batay sa pahayag na ito, ang mga nagtitiktok ay nakaramdam ng –
A. tuwa B. takot C. lungkot D. pagmamalaki
18. Ang paggamit ng hayop na ito sa akda ay nangangahulugang mabagsik, mapanlinlang at walang
utang na loob.
A. tigre B. tao C. baka D. kuneho
19. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?
A. padapuan-pagapangan B. wagas - dalisay
C. iyak nang iyak - umaatungal D. magpahele-magpa-alaga
20. Ang sumusunod ay halimbawa ng ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin maliban sa
__________.
A. Lubos kaming natutuwa sa iyong pagdating. C. Salamat!
B. Yehey! Nanalo ako! D. Gusto ko sanang sumang-ayon sa’yo.
21. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. pabula D. dula
22. Punan ng tamang pang-ugnay ang pangungusap. “Nag-aral siya ___ leksyon para sa nalalapit na
pagsusulit.”
A. ng B. sa C. nang D. may
23. Gamit ang konotasyon na pagpapakahulugan, ano ang “pusang itim”?
A. uri ng hayop B. nagbabadya ng kamalasan C. kulay D. nangangalmot
24. “___________, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa Rokkaku-do
(Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng
Awa, na nakadambana roon.” Anong pahayag ang gagamitin upang mabuo ang salaysay?
A. pahayag sa pagsisimula
B. pahayag sa pagpapatuloy ng pangyayari
C. pahayag sa pagtatapos ng kuwento
D. pahayag sa kuwento
25. Simula nang makalabas sa kulungan si Li Huiquan ay kinupkop siya agad ni Tiyo Lou. Tinulungan
upang makapagsarili ng negosyo at magbagong buhay. Anong pagpapahalagang Asyano ang
ipinapakita sa salaysay?
A. Pagpapahalaga sa pamilya
B. Paggalang sa nakatatanda
C. Pananampalataya o pananalig sa Diyos
D. Paggalang sa awtoridad.
26. Tumutukoy ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
A. denotasyon B. konotasyon C. kasingkahulugan D. kasalungat
27. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na _______ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsunod-sunod sa pangungusap.
A. nagsasama B. nag-uukol C. nagtuturing D. nag-
uugnay
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Para sa bilang 1 and 2. Basahing mabuti ang
bawat pangungusap at piliin ang angkop na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
28. Matinding _______ ang dinanas ng mga tao sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
A. sa:KIT B. SA:kit C. sa:kit D. SA:KIT
29. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.
A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO
30. Paano mo malaman na Haiku ang tula?
A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
31. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?
A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig
Para sa bilang 5-6. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita.
32. Haiku
Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain
A. Pagtupad sa pangarap C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap
B. Pagtitiis para sa pangarap D. Malayo ang tingin
33. Tanka
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
A. May patutunguhan
B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap
D. Malayo ang tingin
34. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng
pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba
35. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon
Para sa bilang 9-10 suriin kung ano ang tono o layunin ng nagsasalita
36. “Umulan ba kahapon?”
A. nagtatanong B. nag-aalinlangan C. nagpapahayag D. nagbubunyi
37. “Ikaw ba talaga iyan?”
A. nagtataka B. nagtatanong C. naninigurado D. nananabik
Para sa bilang 11. Ang maikling tulang Tanka at Haiku ay may matalinghagang salitang ginamit upang maging
masining ang pagpapahayag.
38. Kusang humarap sa may kapangyarihan ang tsuper ng bus matapos masagasaan ang bata sa kalsada.
A. mayayaman B. pulis C. kilalang tao D. misteryosong tao
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang pinakatamang sagot sa sagutang papel.
39. Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”
Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman akong kasama.”
Anong damdamin ang makikita sa pahayag sa itaas.
A. Pagtatampo B. pagmamalasakit C. paghanga D. pagkahiya
40. Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.
” Ama: “Oo nga, wala pa namang dalang mga payong ang mga iyon.”
Anong damdamin ang makikita sa pahayag sa itaas
A. pagkatuwa B. pagsisisi C. pag-aalala D. pagkatakot
41. Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Di ba sinabi kong huwag mong pakialaman ito?”
Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
Anong damdamin ang makikita sa pahayag sa itaas
A. pagkagalit B. pagmamalasakit C. pagkatuwa D. paghanga
42. Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?”
Allan: “Talaga? Yehey! Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
Anong damdamin ang makikita sa pahayag sa itaas
A. pagkatuwa B. pagsisisi C. pagtatampo D. pag-aalala
43. Ilagay sa mga baitang o antas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
1. iyak
2. hikbi
3. hagulgol
4. nguyngoy
A. 2-4-1-3 C. 4-5-3-2-1
B. 1-2-3-4 D. 3-4-5-1-2
44. Sa pangungusap na “Matagal ko nang dapat sabihin sa iyo na mahal kita. Alin sa sumusunod ang salitang
nagpapatindi ng salitang “mahal”?
A. gusto kita B. type kita C. crush kita D. sinasamba kita
45. Manunulat sa pahayagang pampaaralan si Lydia. Nakita niya ang kakulangan ng kaalaman ng mga kaklase
niya sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Ano ang maaaring layunin niya kung susulat siya tungkol
dito? Ipaliwanag kung bakit.
A. magturo dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
B. magpupuri dahil sa kahanga-hangang layunin ni Lydia
C. manghikayat upang malaman ng lahat ang tamang paraan
D. manuligsa dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
46. Batay sa unang tanong, ipaliwanag ang paksa ng susulatin ni Lydia?
A. Ang Pagbabahagi ni Lydia dahil gawin niya ang pagbabahagi.
B. Ang Tamang Paghuhugas ng Kamay dahil tungkol dito ang paksa.
C. Ang Kakulangan ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sapagkat kulang ang kaalaman ng mga bata.
D. Ang kahalagahan ng Paghuhugas ng Kamay sapagkat ilalahad niya ang kahalagahan nito.
47. Alin ang HINDI katangian ng sanaysay? Bakit?
A. Hayop ang tauhan na nagbibigay ng aral.
B. Karaniwang tumatalakay ito sa mga maiinit na isyu.
C. Naglalahad ito ng sariling opinyon at damdamin ng manunulat.
D. Nagtataglay ng mga bagay na nakaangkla sa katotohanan.
Sa bawat indak ng 48. Ano ang paksa ng talata sa itaas? Ipaliwanag.
lamuymoy sa saliw ng ihip A. Nagugunita ng sumulat ang panahon na nagbago ang kanyang paligid
ng hangin na sumasabay sa dahil sa tao na dumating.
ngiti ng haring araw ay
nagpaaalala na ikaw ay
darating. Babaguhin ang
B. Nagugunita ng sumulat ang pagbabagong hatid ng taong bagong dating sa kanyang buhay.
C. Nagugunita ng sumulat ang pagkakaiba ng mga tao na dumarating sa kanyang buhay.
D. Nagugunita ng sumulat ang kanyang karanasan sa bawat tao na kanyang nakasalamuha.
49. Ano ang kaisipang nais iparating ng sanaysay? Bakit?
A. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na nagbibigay saya.
B. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na biyaya.
C. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay na kamangha-mangha.
D. Ang isang bagay na kaaya-aya ay tunay n a kagila-gilalas.
50. Ano ang layunin ng sumulat ng sanaysay?
A. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng pagkakaroon ng bagong kakilala
B. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng pagbabago tungo sa pag-unlad
C. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng patuloy na inubasyon
D. ipaalam sa mambabasa ang kasiyahang dulot ng taong nakasalamuha