0% found this document useful (0 votes)
111 views30 pages

Fil 01 Modyul 7

The document discusses different concepts of heroes, leaders, and workers in Filipino culture. It explains that ancient Filipinos believed in heroes with supernatural powers from amulets called "anting-anting". Today, Filipinos consider those who sacrifice for others through acts of bravery, goodness, and service without expecting rewards as heroes. The globalization has influenced Filipino traditions and values, but important aspects of culture are still preserved while adapting to modern times.

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
111 views30 pages

Fil 01 Modyul 7

The document discusses different concepts of heroes, leaders, and workers in Filipino culture. It explains that ancient Filipinos believed in heroes with supernatural powers from amulets called "anting-anting". Today, Filipinos consider those who sacrifice for others through acts of bravery, goodness, and service without expecting rewards as heroes. The globalization has influenced Filipino traditions and values, but important aspects of culture are still preserved while adapting to modern times.

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 30

Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

https://userscontent2.emaze.com/images/208ccc97-5fc8-411f-b7d3-
______________________________________________________________________________________
b4367221f134/ce88766a13acebfeae189b4f4ab3a82d.png

__________________________________
____ Bb. Alixson Jasrel D. Dela Peña

1|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for our students
during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian College (NCC) included some
copyrighted material, the use of which were not always specifically authorized by their copyright owners.
NCC used such material in good faith, believing that they were made accessible online to help advance
understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC believes that,
because such material is being used strictly for research, educational, and non-commercial purposes,
this constitutes fair use of any such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the
Philippines; and

Section 177 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial portions thereof) was
copied; only isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and online
lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation procedures when using
words ideas that are not their own.

2|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

MODYUL Fil 01
7 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Desripsyon ng Kurso:

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong

komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad

sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa

makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang

tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at

larangan.

Talaan ng Nilalaman

NCC’s Fair Use Disclaimer…………………………………………………………..…2

Deskripsyon ng Kurso…………………………………………………………………..3

Pamantayang Pampagkatuto………………………………………………………........4

YUNI YUNIT IX: Sining at Kultura ng Filipinas


sa Panahon ng Globalisasyon ………………………………………………….……………..…5

Pansariling Pagtataya (SAQs)..…………………………………………………………25

Mga Gawain…………………………………………………………………………….26

3|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

MODYUL Fil 01
7 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Pamantayan sa Pampagkatuto

Layunin ng kursong ito ang mga sumusuod;

• Maipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong

komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;

• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikayon sa lipunang

Pilipino;

• Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalas ng wikang Pambansa, pagpapatibay ng

kolektibong identidad at pambansang kaunlaran;

• Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino;

• Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika.

Ang mga Inaasahang bahagi ng modyul 7,

YUNIT IX: Sining at Kultura ng Filipinas sa Panahon ng Globalisasyon


A. Ang Konsepto ng mga Filipino sa Bayani, Pinuno at Mangagawa
B. Isyung Pangkultural ng Filipinas
YUNIT X: Ang Pakikibahagi ng Kabataan sa Usaping Panlipunan
A. Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan
B. Pakikibahagi nga mga Kabataan sa mga Usaping Panlipunan
YUNIT XI: Paglahok ng mga Kabataang Filipino sa Isyung Panlipunan: Mga Dahilan ng Paglahok,
Epekto sa Sarili at Lipunan
A. Solusyon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan

4|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

YUNIT IX: Sining at Kultura ng Filipinas sa Panahon ng Globalisasyon

http://cszdoodles.blogspot.com/2018/12/perlas-ng-silanganan.html

Perlas ng Silangan. Kilala ang Filipinas sa katawagang ito. Bukod sa ang bansa ay mayaman

sa mga biyaya ng kalikasan, natatangi rin ang kultur anito. Maipagmamalaki ang kulturang

Filipino. Ang mga tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay namumukod-tangi kahit na ito

ay mula sa impluwensiya ng iba’t ibang katutubong kultura ng mga nandayuhan noon sa bansa.

Bagamat ang modernisasyon ay nagiging hamon s amabilis na pagbabago nito. Ang magandang

tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay hindi naman nakalilimutan, ngunit ang mga ito’y

nagbabago sanhi ng mabilis na pagbabago ng panahon na bunga ng maunlad na teknolohiya.

Sa kasalukuyang panahon ay bakas nab akas ang mga pagbabago sa kultura ng mga

Filipino. Ang tradisyon, kaugalian at gawi ay naiimpluwensyahan na ng makabagong ideolohiya

5|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

mula sa iba-ibang bansa, Sanhi nito, ang mga prinsipiyo, pag-iisip, pagtanggap at pamumuhay ay

hindi na purong impluwensiya mula sa mga dayuhan sa bansa.

Ano ang sining at kultura ng Filipinas sa panahon ng globalisasyon? Ito ang tutuklasin sa

bahaging ito ng pag-aaral.

A. Ang Konsepto ng mga Filipino sa Bayani, Pinuno at Mangagawa

ALAMAIN:

Tayo ay may iba’t ibang konsepto hinggil sa bayani. Ito ay dahil sa iba-iba rin ang ating mga

paniniwala at sariling ideolohiya sa buhay Isama pa rito ang dahilang iba-iba rin ang ating karanasan

at panahon ng ating kamulatan mula pagkasilang. Basahin ang sanaysay sa ibaba upang malaman kung

ano ang konsepto ng mga Filipino sa pagiging bayani.

Ang salitang bayani ay karaniwang iniuugnay sa mga taong hinahangaan o iniidolo dahil

sa taglay na lakas at katapangan, mabubuting gawain at katangian at di-mabilang na pagtulong sa

kapwa na walang hinihintay na kapalit maibuwis man ang kaniyang buhay. Samakatuvvid, ang

bayani ay isang magiting na indibidwal na ang tanging hangarin ay ang kabutihan ng lahat.

Kilala natin ang superheroes na sina Darna, Captain Barbell, Wonder Woman at Superman.

Sila ay mga bayani na iniidolo at hinahangaan ng lahat. Sila ay may iba't ibang kapangyarihan

upang ipagtanggol ang mga naaaping mamamayan at maging ang mga mahal nila sa buhay.

Bagama't nakatatak sa ating isipan ang kanilang kabayanihan, mulat tayo sa katotohanang sila at

ang kanilang kabayanihan, mulat tayo sa katotohanang sila at kanilang mga kuwento ay likhang-

isip lamang.

Sino ang mga bayani at paano maging bayani?

6|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Ang salitang bayani ay mula sa salitang Griyego na “heros” na ang kahulugan ay

tagapagtanggol. Ang kahulugang ito ay katulad din ng salitang Latin na “seruare” na ang

kahulugan ay magbigay ng proteksyon. Sa Filipinas, ang bayani ay may iba’t ibang katawagan.

Banuar ang tawag dito ng mga Ilokano, samantalang palbalani sa mga Pangasinensi. Sa

Hiligaynon ay baganihan, balani sa Tausug at bagani sa Maranao.

May iba-ibang konsepto hinggil sa pagiging bayani. Ang mga bayani ay unang nakilala sa

mga panitikang klasikal mula sa mga magigiting na tauhan ng mga epiko. Sa Filipinas, sa

panahong katutubo o lumang panahon, ang bayani ay kinikilala na nagtataglay ng kakatbang lakas

at kapangyarihan.

Tayong mga Filipino ay naniniwala sa mga bayaning may anting- anting. Ang anting-

anting ay isang kapangyarihang nagbibigay proteksyon upang hindi masaktan o kaya ay tablan ng

kahit na anong mapaminsala at nakamamatay na sandata. Sinasabing ang kapangyarihang ito ng

anting- anting ay mula sa kakaibang uri ng bato, kuwintas, singsing, pulseras, mga uri ng metal

na mula sa kalawakan tulad ng bulalakaw at maliliit na tipak ng bato sa kalawakan, dagta ng puno

tulad ng sa puso ng saging, dugo o kaya ay buto ng hayop na binasbasan at dinasalan sa panahon

ng kuwaresma o sa araw ng pagkamatay ni Hesus, balat ng hayop at iba pa. Isa o anumang

kumbinasyon ng mga anting-anting ay nakasasapat na upang magkaroon ng Iakas at

kapangyarihan, tagabulag, kakayahang pagalawin nang kakatwa ang mga bagay sa paligid at mag-

anyo ng kahit na anumang naisin tulad ng sa hayop o ng anumang bagay sa paligid.

Ang anting-anting ay isang kapangyarihang nagbibigay


proteksyon upang hindi masaktan o kaya ay tablan ng kahit na
anong mapaminsala at nakamamatay na sandata.

7|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Ang kabutihan nito, naniniwala tayo na ang pagtataglay ng anting-anting ay kaakibat ng

responsibilidad ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Na ang sinumang may anting-anting ay iyong

nabibiyayaan ng kabutihan at kababang loob at ang tanging hangad ay ang pagtulong,

pagtatanggol at pagmumulat sa mga tao na ang kabutihan ay hindi kailanman masusupil ng

kasamaan. lto ay mabubuting kaaralan na naikikintal sa isipan ng mga Filipino na nararapat

maging bahagi sa patuloy na pagtingin sa konsepto ng kabayanihan. Na ang kabutihan ng

kalooban ay siyang tunay na kapangyarihan.

https://clipartstation.com/bayanihan-clipart-3/

Sa panahon ng pandarayuhan, kung kailan ang iba’t ibang mga lahi tulad ng mga Kastila,

Amerikano at Hapon ay dumating at nangagsipanirahan sa ating bansa, namulat naman tayong

mga Filipino sa konsepto ng kabayanihan sa katauhan ng mga magigiting na mandirigma. Bago

pa dumating ang mga Kastila ay napamalas na ang kabayanihan ng mga mandirigma. Sila ay mga
8|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Filipinong malalakas at may pagmamalasakit sa bayan na handang magtanggol sa kanilang

pangkat at sa karamihan. Ang panahong ito ay ang panahon ng kabayanihan na kinabibilangan ni

Lapu-lapu. Natatangi ang konsepto ng kabayanihan sapagkat ang pangunahing katangiang taglay

ay lakas, kahandaan sa pakikidigma para sa layuning magtanggol sa bayan. Ang kabayanihan ng

mga mandirigma ay walang hininging kasunduan o kaya ay kasulatan sapagkat ang tanging

kuwalipikasyon lamang ay ang kaakuhan at kakusahan ng kalooban na humarap sa digmaan ng

kalasag at kumintang para sa kabutihan ng bayan. Sa mga mandirigma natin natutuhan ang

konsepto ng kabayanihan na hindi anting-anting ang makapagtatanggol sa sarali at sa kalahatan

kundi ang pag-ako at pagkukusa upang ihayag ang responsibilidad na ipagtanggol ang bayan.

Isang kaaralan na nararapat ating matutuhan sa kasalukuyan.

https://www.naturecoaster.com/citrus-county-historical-society-events-exhibits-summer-2018/

9|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

https://www.wikiwand.com/tl/Pilipinas

Samantala, sa panahon pa rin ng pandarayuhan kung kalian mahabang panahon ang

pananatili ng mga Kastila, natutuhan nating mga Filipino ang konsepto ng kababayanihan na ayon

sa pagpapakasakit, pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Hindi ang pagkakaroon

ng anting-anting o kapangyarihan at lakas ang katangian ng pagiging bayani kundi ang kakayaham

upang ipreserba abg kultural na kalagayan, pagkaisahin ang mga mamamyan at pagtatanggol sa

bayan. Ito ang panahon ng mga panulat nina Rizal at del Pilar bilang mga propagandista at

pakikidigma ni Bonifacio sa layuning makamtan ang kasarinlan. Napapaisip tayo kung ang

ganitong konsepto ng kabayanihan ay maaari nating gawing batayan ng pagiging bayani sa

kasalukuyan. ang magbuwis ng buhay para sa bayan ay maiisip nating kalabisan. Lalo tayong

mapapaisip na kaya ng aba bayani ang mga sundalo ay dahil itinataya nila ang kanila ng buhay

10 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

para sa bayan? Paano ang mga guro, kawani, abogado at maging ang mga street sweepers na

naglilingkod sa bayan? Hindi ba’t sila rin ay naglalaan ng kanilang buhay para sa bayan?

Ang pandarayuhan ng mga Amerikano at Hapon hanggangsa panahon ng kasarinlan ay

nag-ambag din ng natatanging konsepto ng kabayanihan sa ating mga Filipino. Ang panahonh ito

na naglaan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paggawa at paglilingkod ay nag-iwan ng mark ana

ang kabayanihan ay maaaring akamit kung mayroong mabuting edukasyon sapagkat

makatutulong sa paggawwa at makapaglilingkod sa kapwa. Hindi “Bayan Muna Bago ang Sarili”.

Ito ang panahon kung kalian pinahahalagahan ang pagkaroon ng sapat na edukasyon. Ang

pagkakaroon ng edukasyon ay susi upang makapaglingkod sa bayan. Panahon ng mga

manggagawa na naglilingkod sa bayan. Ang makapaglingkod sa bayan ay tunay na kabayanihan.

http://kaluh-doscope.blogspot.com/2015/02/siningsaysay.html

Ngayon ay nalalaman natin sa radyo, pahayagan at telebisyon ang kabayanihan ng mga

OFW o mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Ang kanilang pagsasakripisyo para sa

11 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

kanilang pamilya ay itinuturing na kabayanihan. Sa kanilang pagsasakripisyo, may ilang pasakit

ang natatanggap. Ang lalong masaklap, sa rian ay ito pa ang nagdulot ng kanilang kamatayan.

Namamalasak din ang pahayag ng kabayanihan sa tuwing may ‘laban’ si Manny Paquiao.

Ang kaniyang lakas, liksi, estratehiya at buong kahusayan sa boksing ay nagdadala ng pagkilala

sa bansa at itinuturing itong kabayanihan. Ang pagtuturo ni Efren Peñaflorida sa lansangan

kasama ang kaniyang kariton ay kinikilala ring kabayanihan dahil itinataguyod niya ang

kahalagahan ng edukasyon para sa mga maralita. Maging ang isang mamamayan na nakapulot at

nagsauli ng malaking halaga ng salapi ay kinakabitan ng salitang bayani. Ang pagtataguyod kaya

ng isang guro ng libo-libong mag-aaral para sa mag-aaral at ang pag-aaruga kaya ng ama at ina

ay maituturing ding kabayanihan?

http://edition.cnn.com/2010/WORLD/asiapcf/09/16/cnnheroes.penaflorida.update/index.html

Sa kataliwasan, nakamamanghang pag-isipan kung ang mga konsepto ng kabayanihan ay

itutuon sa mga pangyayart tulad ng pag- ibig ni Darna o ni Superman na sadya nilang bibitawan

kapalit ng kanilang mga misyon bilang superhero. Katulad din ito ng sitwasyong kinasasangkutan
12 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

ng isang ama na nagnakaw ng malaking halaga ng salapi upang maisalba ang anak sa bingit ng

kamatayan. Maituturing ba ang mga iyon na kabayanihan? O kaya, kabayanihan din bang

maituturing ang pagpayag ng isang ina na isakripisyo ang kaniyang buhay para mabuhay ang

sanggol sa kaniyang sinapupunan?

Ngunit sa katotohanan ay araw-araw nating nakasasalamuha ang mga bayani. Hindi natin

sila kilala. Hindi natin alam kung saan ang adres nila o kung ano ang hitsura nila. Tanging mga

pagkakataon lamang ang maglalapit sa atin sa kanila... kung kalian kailangan natin ang tulong

nila. Kusa silang darating at gagawin ang lahat upang patunayan na sa ating mundo ay lagging

may mga bayaning sasaklolo sa oras ng ating pangangailangan.

IKAW, paano ka magiging bayani sa iyong sariling paraan?

https://www.facebook.com/montsapo/photos/a.343121989206773/1113031958882435/

13 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

B. Isyung Pangkultural ng Filipinas

Tayong mga Filipino ay kilala sa buong mundo dahil sa pagtatagay ng mabubuting

kaugalian at katangian. Mayroon tayong kulturang bukod-tangi na bumibighani maging sa mga

dayuhan. Marami sa mga kaugaliang ito ay unti-unti nang nalilimutan sanhi ng mabilis na

pagbabago ng panahon at iba pang salik tulad ng enkulturasyon at migrasyon. Nararapat lamang

na mapanatili sa kulturang Filipino ang mabubuting kaugalian. Gayunman, nararapat ding

isaalang-alang na ang ilang kaugalian ay hindi na umaangkop sa lipunan ating ginagalawan sa

kasalukuyan.

Kaugnay ng kultural na usapin, kasalukuyan nakararanas ang ating lipunan ng maraming

isyung sumasagabal sa pagsulong ng bansa. Ang mga isyung ito ay kailangang matalakay nang sa

gayon ay malapatan ng angkop na aksyon para sa ikasusulong ng bansa. Kaya sa bahaging ito ng

pag-aaral ay tatalakayin ang mga isyung pangkultural ng Filipinas.

YUNIT X: Ang Pakikibahagi ng Kabataan sa Usaping Panlipunan

A. Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan

Ang kasalukuyang henerasyon ay sinasabing panahon ng mga milenyal. Panahon ng mga

kabataan. Si Dr. Jose Rizal ay bumanggit na “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Naniniwala ang

pambansang bayani na may mga katangian ang mga kabataan na gumawa ng mga bagay-bagay

para sa ikaayos ng bansa. Ipinahihiwatig din nito na ang kabataan ay may kakayahan na mamuno

at umakay ng kapwa kabataan tungo sa ikabubuti ng kalahatan.

14 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Sa kahariang ito, tatalakayin ang pakikibahagi ng mga kabataan sa usaping panlipunan.

Higit sa lahat, ilalahad sa mga aralin kung paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa

mga mahahalagang isyu ng lipunan upang maunawaan ang kanilang mga gampanin at ang

kanilang tungkulin para sa pagunlad ng bansa. Sab inga, hindi kailangang maging matanda ang

kabataan upang maging aktibong kasapi o miyembro ng kaniyang pamayanan.

Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan

By: Michaela E. Macan

Ito'y isang talumpating aking inihahandog para sa mga Kabataang Pilipino.

Bago ko simulan ang aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang

kabataan, may kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito

matutugunan at mabibigyan ng solusyon? .

Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabi sakin na kung hindi ka marunong sumabay ,

maiiwan ka talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iwanan na ng panahon.

Marami na sa ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap nilang umahon

ay hinihila pa rin sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng bawat isa sa atin. .

"Ang buhay ay kakambal ng paghihirap" ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay

sanggol, ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito, kahit magtago pa tayo saan mang

sulok ng mundo. Hindi parin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng

buhay ng tao. .

Imbes na magalit tayo dahil sa naging ganito ang katayuan natin sa buhay, dapat nating

isipin at isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Ang mga

biyayang ito ay may kapalit na responsibilidad upang ito'y gamitin sa tamang paraan upang mas

mapaunlad pa ang ating mga sarili. .


15 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Ngunit taliwas ang tugon natin dito. Masakit isipin na dahil sa kahirapan maraming tao ang

na udyok na gumawa ng mga masasamang bagay para mabuhay. Ang katotohanang ito na aking

nasaksihan tungkol sa kahirapan na kinakaharap ng ating lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa

telebisyon. Kasi sa Tv, napapansin kong ang mga tao ay puro sisi sa pamahalaan sapagkat para sa

kanila ay napapabayaan na sila nito. Wala namang masama ang pagiging dukha, kung tayo ang

magsisikap lamang na malampasan ang problemang ito. Ito ay isang bagay na hindi nararapat isisi

kahit nino man. Dahil tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran. Ito ay maaring sanhi ng

kawalan ng iyong pagsisikap, kawalan ng determinasyong mangarap at iba pang mga dahilan ng

iyong paghihirap. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon at mangatwiran para sa sarili,

nararapat lang na tayo ay maging responsable at huwag umasa at maging reklamador sa

pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang tungkulin sa ating lipunan. Mga kaibigan, Sariling

sikap po ang solusyon sa kahirapan. .

Kayo namang mga nakaupo sa pamahalaan at sa mga nakakataas, huwag po nating

abusuhin ang kapangyarihan na hawak natin. Kaya nga pinili kayo ng sambayanan upang

maglingkod sa kanila ng tapat at para maka tulong sa kanila hindi para kubitin ang pondo ng bayan

at igasto para sa sariling kapakanan. Ang mga taong naghihikahos at naghihirap sa buhay ay mas

lalong naghirap dahil sa mga kalokohan na inyong ginagawa. Sana'y inyong mapagtanto ang

inyong mga nagawa para sa ikagaganda at ikalalago ng ating bansa. .

Ako ay lubos na naghahangad ng pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong

lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating

makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang, nararapat na lamang

na tayo mismo ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Dahil kung nakaya ng

ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang

16 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay

nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may

katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan.

Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang

lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay dahil

ang kahirapan ay di mawawakasan, kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.

Kaya para sa mga kabataang pinoy, huwag tayong magpabulagbulagan sa mga nagaganap

dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

https://nimespino.files.wordpress.com/2017/07/kabataan2.jpg

B. Pakikibahagi nga mga Kabataan sa mga Usaping Panlipunan

Nito lamang Mayo ng 2018 ay nasaksihan ng bawat Filipino ang pakikibahagi ng mga

kabataan sa pagpili ng mga mamumuno sa lipunang kanilang kinabibilangan. Naging bahagi rin

ang mga kabataan sa pagtataguyod ng mga layuning pambarangay at pambayan sapagkat sila man

ay abala sa pagbuo ng kanilang mga layunin at plataporma bilang mga Sangguniang Kabataan.

Ito ay nagpapatunay lamang na bahagi ang mga kabataan sa anumang layunin ng pamahalaan.
17 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act ay naaprubahan noong Enero ng 2016

upang ganap nang maging bahagi ang mga kabataan sa pagpili ng pamunuan na bubuo ng mga

program na susuporta sa mga hangarin ng pamahalaan. Mula sa dating edad na 15-21 taong

gulang, nilinaw ng akto na ang edad ng mga kabataang maaaring makilahok sa Sangguniang

Kabataan ay mula sa 18-30 taong gulang simula sa eleksyong pambarangay ng 2018. Sa layuning

mapabuti ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin ng mga proyekto ng mga kabataan, ang SK ang

siyang lilikha ng mga layunin na ayon sa mga tunguhin ng barangay na nauugnay din sa mga

layunin ng pamahalaan.

https://filblogsite.wordpress.com/2016/09/18/first-blog-post/

Maraming suliraning kinahaharap ang bayan sa kasalukuyan. Ang mga suliraning ito ay

hindi lamang nararanasan sa ngayon kundi kahit na sa mga nakaraang pamamahala ng mga pinuno

ng bayan. Kung iisa-isahin, mangunguna sa mga suliraning ito ang kahirapan, sunod ang

korapsyon, kalidad ng edukasyon, kriminalidad at droga. Isama na rin dito ang mga usapin ukol

sa mga kalamidad, ugnayan ng simbahan at pamahalaan, pagpapahalagang pantao, child labor,

prostitusyon, paglobo ng bilang ng nahahawaan ng sakit na AIDS, kalusugan at pabahay (kasama

18 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

na ang mga relokasyon n mahihirap na pamilya sa bansa). Kung iisipin, ang mga nabanggit ay

ang pangunahing suliranin lamang na kinahaharap ngayon ng bayan. Marami pang maliliit na isyu

ang maidaragdag dito.

May mga isyung ituturing na maliit lamang ngunit nararapat na pagtuunan ng pansin. Dati,

nakagiginhawa sa atin na marinig na ang ating kapatid o isang miyembro ng pamilya ay

magtatrabaho sa ibang bansa, ngunit ngayon ay nakababahalang isipin na maging ang mga

Overseas Filipino Workers ay nakararanas na nang matinding suliranin dahil sa mga karanasang

nagpapahirap at pagmamaltrato sa kanila sa ibang bansa. Noon, ikinararangal natin na marinig

ang napakagandang balita na ang bansa natin ay isa sa bansa na may mayaman, malinis at ligtas

na kapaligiran. Ngayon, nakabibiglang malaman na ang ilang bahagi ng karagatan ng ating bansa

ay tinatayuan na ng karatig bansa ng mga imprastraktura at nababalita na ring inaangkin ang

bahagi ng karagatang ito. Hindi na rin maikakaila na may suliranin din sa pamamahala at

pagtataguyod ng katahimikan o kapayapaan sa bansa sapagkat nagiging laman na rin ng mga

usapin ang hidwaan sa pagitan ng mga namumuno sa hudikatura, ilang mga senador at sa iba pang

sektor ng pamahalaan. Ang sunod-sunod na pagbaha sa maraming bahagi ng bansa, pag-aalsa ng

mga jeepney driver, walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagtaas ng presyo ng mga

pangunahing bilihin at pati na ang paghina ng ekonomiya ay patuloy na binibigyang solusyon

ngunit tila may kahirapang matugunan.

Kung ang mga suliraning ito na kinahaharap sa kasalukuyan ay may kahirapang tugunan

ng mga namumuno sa bansa, paano kaya maaaring maging bahagi ang mga kabataan para sa

ikatutugon nito?

Halaw sa isang paskil sa social media, nabanggit ng blogger na si Julliene28 ang ilang

mahahalagang tungkulin ng mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan. Una rito ay ang

19 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

paggalang sa bansa at sa mga simbolong pambansa. Pagtulong sa kaunlaran ng pamahalaan at

kagalingan ng estado, pakikibahagi at paggawa ng mga aksyon na tutugon kahirapan at sa mga

taong nangangailangan, pagsunod sa mga patakarang panlipunan na pinaiiral ng bansa, pagiging

aktibo sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan, pamumuno para sa kapayapaan

at pagtutulungan ng komunidad, pakikibahagi sa paglilinis at pagsasabuhay ng kalikasan at

pagbuo ng mga proyekto na makatutulong para sa ikagiginhawa ng nakararami.

Napakapositibo ng

ating pag-iisip na ang mga

ito ay magagawa ng mga

kabataan. Marahil, sa tulong

at gabay ng mga

nakatatanda at ng mga may

karanasan na sa pagtugon sa

mga suliraning naisaisa,

hindi malayo na mararating

at matutupad ang mga

hangarin para sa bansa.

Gayunpaman, may isang

tanong na dapat patuloy nating pag-isipan. Sa kasalukuyan, maituturing (pa rin) bang pag-asa ng

bayan ang mga kabataan? Sa pinagdadaanang nilang hirap at pagsubok sa ngayon,

maipagpapalagay bang nagkulang ang mga nakatatanda sa pagdidisiplina sa kanila, o ang mga

kabataan mismo ang may dala ng suliranin sa lipunan? Bakit hindi mo ito pag-isipan?

https://twitter.com/kplbulsu/status/1274004351497891840

20 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

YUNIT XI: Paglahok ng mga Kabataang Filipino sa Isyung Panlipunan: Mga


Dahilan ng Paglahok, Epekto sa Sarili at Lipunan

Tinaguriang pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Sila ang mag-aangat sa kalagayan ng

bansa sa kasalukuyan. Katuwang ang pamahalaan sa pagsugpo sa anumang suliranin at mga

usaping pambayan. Maraming mga isyung panlipunan ang kinasasangkutan ng mga kabataan. Sila

ang nagsisilbing mga boses ng nakararami sa mga usaping may kinalaman sa mga kabataan.

Nakikilanok sila upang marinig ang kanilang mga munting tinig.

Sa gitna ng kasalukuyang itinatakbo ng ating lipunan, mahalaga pa ba ang pakikisangkot

ng mga kabataan? Ikaw bilang kabataan, naranasan mo na bang makilahok sa mga usaping

panlipunan. Ano-anong isyung panlipunan ang iyong sinalihan at sinubukang maging kabahagi.

Paano ka nakibahagi sa mga usaping ito? Sa araling ito'y mailalahad at mauunawaan pang lalo

ang mga paglahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan. lisa-isahin ang mga dahilan ng

paglahok, epekto sa sarili at lipunan. Maipauunawa ang mahalagang tungkulin ng mga kabataan

sa ating lipunan, at higit sa lahat, paano nagiging makabuluhan ang pakikisangkot ng mga

kabataan sa mga isyung panlipunan sa kinabukasan ng bansa?

A. Solusyon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan

Bilang isang kabataan, anak, mag-aaral, kaibigan, at mamamayan, mahalaga na tayo ay mulat

sa mga suliranin ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa lipunan ay

inaasahan sa ating mga kabataan, ang susunod na henerasyon na magtataguyod sa matayog na

bayan.

21 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Kilala ang ating bansa sa gandang taglay nito, mula sa mga tanawing kaakit-akit, mga

pagkaing pagkasarap-sarap, at kasaysayang tumatak sa bawat bahagi ng bansa. Ang pagpupunyagi

at pagsisikap ng bawat Filipino ang nag-angat at nagpaganda ng kaniyang buhay. Ipinagkaloob

ng Diyos ang kaniyang pinakamagandang regalo na ating matatanggap, ang ating kapwa at ang

mundo. Tulad na lamang ng nakasaad sa bibliya, nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang

kalikasan at isa't isa. Nabuo ang mga pangkat ng tao, nagtatag ng mga lungsod para sa maayos na

pamamak at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng bawat mamamayan. Likas na sa ating

Filipino ang pagiging matatag sa anumang problema na ating kakaharapin. Hindi tayo

nagpapadaig sa mga taong pilit tayong hinihila pababa. Lumalaban tayo kaysa nagpapatalo.

Bilang kabataan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin, dahil hindi sapat ang karanasan

at kaalaman sa buhay na puno ng pagsubok, Gayunpaman, hindi dapat nawawala and ating interes

na alamin ang mga suliranin ng ating lipunan. Mga problemang hindi masosolusyonan at

naghihintay lamang ng kasagutan at resolusyon. Hindi natin maitatago na maraming suliranin ang

kinakaharap ngayon ng ating bansa, tulad na lamang ng mataas na kakulangan sa suplay ng mga

pangangailangan ng bawat mamamayan, mataas na antas ng korapsyon, kahirapan at talamak na

paggamit o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

https://web.facebook.com/kabataan4change/photos/a.1614392508877424/1650137768636231

22 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

https://ereckaangulo8.blogspot.com/2019/04/mali-ba-si-rizal-nung-sinabi-niyang.html

Ang mataas na kakulangan sa suplay ng pangangailangan ay suliraning maaaring mabigyan

ng solusyon. Ang hindi wastong paggamit o pag-aaksaya ng mga produkto ay mayroong malaking

epekto sa ating lipunan. Marami ang magdurusa dahil sa kakulangan ng pondo na nakalaan para

itustos sa mga nangangailangan. Hindi mabibigyan ng sapat na tulong ang bawat pamilya. Kaya

bilang isang kabataan, kailangan nating maging maingat sa mga bagay na ating ginagamit. Higit

itong makatutulong sa ating sarili at sa ating pamilya. Mabuti rin na maging masinop sa mga bagay

na ipinagkaloob sa atin ng kapwa at ng pamahalaan.

Ang mataas na antas ng korapsyon ay nadudulot ng kahirapan. Habang ang mga sakim na

politiko ay nahihiga sa limpak-limpak na pera na kanilang nanakaw sa taong-bayan na kanilang

niloko sa halip na pinaglingkuran, naghihirap naman ang mga mamamayan, kaya minsan ay

kumakapit na sila sa patalim para makaahon sa kahirapan. Lingid man sa ating kaalaman kung

paano nangyayari ang mga imoral na kilos na ito ng mga sakim na politiko, lubos naman nating

alam kung paano sila pagbabayarin ng Diyos, ang tanging may karapatang manghusga sa mga
23 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

may kasalanan. Ngunit hindi dapat tayo pumapayag na ang mga magnanakaw na ito ang

magtatakda ng ating kinabukasan, ipaglaban natin ang mga bagay na ipinagkakaloob at nakalaan

para sa atin.

Shabu, Marijuana, Heroine; ilan sa mga ipinagbabawal na gamot sa ating bansa. Ang mga

ito'y ilegal kaya hindi maaaring gamitin, ngunit marami ang pinipiling suwayin ang batas. Sa

katotohanan, halos daan-daang libong Filipino ang gumagamit nito. Nakakalungkot lamang na

marami ang pumili ng mali kaysa sa tamang tunguhin ng buhay. Nagdulot na rin ang problemang

ito ng maraming karahasan, tumapos sa buhay ng marami at nag-iwan ng mapapait na alaala.

Bilang isang kabataang alam ang dulot nito, nararapat na hindi tayo maging interesado sa

paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tulungan din natin ang ating kapwa na maging bukas ang

isinuliraning ito Mabuti na ipagbigay-alam natin sa awtoridad kung may kahina-hinalang

pangyayari sa ating kapaligiran.

Ang kabataang bukas ang isip sa

mga suliranin ng lipunan ay isang

mabuting tao. Ang Filipinong may

malasakit sa kaniyang bansa ay dapat

ipagmalaki ng kahit sinuman. Isa

siyang kabataang mag-aangat sa

kagitingan at kabutihan ng

mamamayang Filipino, ipakikilala

niya Filipinas bilang isang maunlad at

makapangyarihang bansa.

https://web.facebook.com/152456278789417/photos/a.152456315456080/152456868789358/
24 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Pansariling Pagtataya (SAQs)


Sukatin ang iyong kaalaman hinggil sa iba’t ibang kaugaliang Filipino sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga inilarawan sa pahayag. Maaaring sa Filipino o sa Ingles ang sagot. Tiyak na sagot lamang ang isulat
sa patlang.

1. Tungkol ito sa pagtutulungan ng magkakapitbahay, magkakapamilya o kaya ay kabarangay na gawin


ang isang bagay nang sama-sama at may iisang layunin.

2. Ito ay tungkol sa pagbubuklod-buklod ng isang pamilya o magkakamaganak. Isa ito sa mga uri o
sistemang panlipunan ng mga Filipino.

3. Isang gawi o kilos panlipunan na nagpapahiwatig ng paggalang sa mga nakatatanda. Ginagawa ito sa
pamamagitan ng paglalapat ng kamay sa noo at magalang na pagyukod.

4. Ang pagbanggit sa mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng paggalang sa mga nakatatanda. Sinasabi ito
ng mga kabataan bilang manipestasyon na kababaang loob, paggalang o pagrespeto.

5. Ito ang isa sa mga kilalang kaugalian ng mga Filipino. Ang mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa
mga kaanak at kaibigan maging sa mga dayuhan ay bukambibig dahil ang karanasang dulot ng pagiging
malayo sa sariling tahanan ay hindi nararamdaman.

Interpretasyon Hinggill sa Resulta ng Gawain

Ang interpretasyon ay walang batayang estadistiko. Ito’y isa lamang halimbawa na ang intensiyon ay
maging bahagi lamang ng pagpapahalaga sa talakayan at gawain.

5 Lubos na lubos na kilala ang kulturang Filipino. Filipino sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa.
4 Lunos na kilala ang kultirang Filipino. Filipinong may pagmamalaki sa bansang kinagisnan.
3 Kilala ang kulturang Filipino. Filipinong may pagkiling sa kulturang Filipino ngunit
yumayakap sa impluwensiya ng mga dayuhan
2 Hindi gaanong kilala ang kulturang Filipino. Filipinong patuloy na kinikilala ang sariling
kultura
0-1 Hindi kilala ang kultura ng bansa. Filipinong dayuhan sa sariling bayan.

25 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

Fil 01
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Modyul 7

PANGALAN: ISKOR:
SEKSYON:

GAWAIN 1. Pagpupuno-sa-Patlang. Isulat sa patlang ang nawawalang impormasyon upang


mabuo ang pahayag.
*Kung naunawaan ang iyong nabasa ay masasagot mon ang mabuti ang gawaig ito.

1. Ang salitang pinagmulan ng “bayani” ay _________________________________.


2. Isulat ang iba pang salita na katumbas ng salitang bayani:
a. _________________________
b. _________________________
c. _________________________
3. Batay sa binasang sanaysay ano-ano ang konsepto ng “bayani” sa sumusunod na panahon:
(Sumulat ng 2 pangungusap/sentences sa bawat sagot)
a. Katutubo
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
b. Panahon ng mga mandirigma
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
c. Panahon ng Kastila
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
d. Panahon ng Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng kasarinlan
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

26 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

e. Kasalukuyan (Ngayon)
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Para sa akin, ang isang bayani ay iyong _________________________________________


dahil ________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

GAWAIN 2. Pagsulat. Basahing may pag-unawa ang pahayag sa bawat aytem. Isulat ang S kung
sumasang-ayon at DS kung hindi sumasang-ayon. Ipaliwanag sa laang patlang kung bakit S o DS
ang iyong sagot.

1. Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan lalo na sa mga usaping
pangkapayapaan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Hindi kailangang isangkot ng pamahalaan ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan
lalo na kung politika ang pinag-uusapan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Bawat kabataan ay may papel na ginagampanan para sa kagalingan ng bayan lalo na sa isyu
sa droga, korapsyon at kahirapan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

27 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

4. Ang hindi pakikialam sa mga nangyayari sa lipunan ay may malaking epekto sa buhay ng mga
kabataan lalo na kung ang tumatakbo sa kanilang isipan ay wala silang pananagutan dahil ang
pamahalaan dapat ang nagbibigay ng solusyon dito.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5. Hindi kailangang sumali ang mga kabataan sa mga rally sapagkat lalo lamang magdudulot ito
ng kaguluhan at wala silang maitutulong sa mga isyung panlipunan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

28 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

MAY KATANUNGAN O PAGLILINAW?

I-email ako sa account na ito: alixsonjasreldp@gmail.com


o sa messenger account: https://www.facebook.com/alixsonjasrel.delapena/

Maraming Salamat.

29 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 7

SANGGUNIAN:

Binwag, Alicia M. et. al, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew Publishing House
https://www.slideserve.com/jamar/pagbasa
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino
https://clarissefernandezwordpresscom.wordpress.com/2016/01/29/buhay-tinderot-tindera/

https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular-ka-ba-o-kontraktwal-
usapang-manggagawa-sa-araw-ni-gat-andres-bonifacio/

30 | P a h i n a

You might also like