0% found this document useful (0 votes)
147 views22 pages

FIL 03 Module 3

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
147 views22 pages

FIL 03 Module 3

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 22

Fil 03 Northern Christian College

Dalumat sa Filipino
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

1https://web.facebook.com/dalumatapsafilipinocentrex/?_rdc=1&_rdr

Module 3
Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN
Guro

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1


Fil 03 Northern Christian College
Dalumat sa Filipino
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons


for our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern
Christian College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were not
always specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material in
good faith, believing that they were made accessible online to help advance
understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide.
NCC believes that, because such material is being used strictly for research,
educational, and non-commercial purposes, this constitutes fair use of any such
material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the Philippines
and Section 177 of the US Copyright Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only isolated
articles and brief portions were copied/provided links in the modules and online
lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation
procedures when using words ideas that are not their own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ
Deskripsyon ng Kurso:
Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, atpananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa
wikangFilipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma
sa konteksto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng
kursong Filipinosa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).

Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer 2
Talaan ng Nilalaman 3
Intriduksyon, Layunin at Patnubay 4
Paunang Gawain 5
DALUMAT-SALITA: Ambagan, mga salitang susi at iba
Ambagan 6
Mga Salita sa Ambagan 11
Mga Susin Salita (Indie at Delubyo) 19
Pagtataya 21
Talasanggunian 22

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Fil 03 Dalumat sa Filipino

INTRODUKSYON

Sa patuloy na pag bago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago


rin ang daloy ng kultura lalo sa pang-araw-araw na ginagawi
natin. Kabilang narito ang wika na siyang pinaka midyum ng
ating pakikipagtalastasan. Sa bawat panahon na nagdaan ay
patuloy ang pagbabago at pag- unlad ng wika kaya isa sa mga
katangian nito na ang wika ay daynamiko. Sa yunit na ito ay
tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon.
Pokus nito ang pagtalakay sa mga kumperensya/aktibidad na
lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at
iba pang wika ng bansa. Tatalakayin din kung paano umuunlad
ang wika sa bansa at paano naaapektuhan ng globalisasyon ang
wika sa bansa. Layunin ng yunit na ito na matukoy ang mga
dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at
makabuo ng sariling opinyon hinggil sa epekto ng pagbabago ng
panahon sa wika..

Layunin at Patnubay
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng
asignaturang Fil 03 (Dalumat sa Filipino). Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:

1. Malaman ang kaligiran at kahalagahan ng proyektong


ambagan.
2. Maisa-isa ang mga salitang katutubo sa sa ambagan.
3. Natutukoy ang kahalagahan ng Proyektong Ambagan sa wika at bansa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4


Fil 03 Dalumat sa Filipino
4. Makabuo ng isang pag-aaral sa mga salitang katutubo na maaring isali sa
ambagan.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa paggamit ng modyul na


ito:
Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagtataya bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul. Masusukat rito ang mga
natutunan mo sa nakaraang modyul.
2. Basahing mabuti ang mga aralin pagkatapos ay sagutin ang Pansariling
pagtataya (SAQ) na kasunod nito.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain, huwag tingnan ang susi sa pagwawasto habang sumasagot at
huwag din ibahin ang sagot kapag nakita na ang sagot.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Kapag natapos na ang mga gawain, isumite ito sa guro sa kanyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) sa itinakdang araw ng
pagpapasa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin guro sa kaniyang gmail
(joannaagustin025@gmail.com) o facebook account (Joanna Alipio
Agustin) kung may katanungan sa nakalaang oras ng klase.. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Kaya mo ito!

PAUNANG GAWAIN

Subuking bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na wiakng di-Tagalog. Ang mga
salitang ito’y
patunay na ang pagpapayaman sa wikang pambansa ay nakasalalay rin sa paggamit
ng mga salita mula
sa iba’t ibang wika ng Pilipinas.
1. Hayahay: __________________________________________________________
2. Pangga: ___________________________________________________________
3. Gahum: ___________________________________________________________

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 03 Dalumat sa Filipino
4. Pag-uswag: ________________________________________________________
5. Dulganay: _________________________________________________________
6. Bana: ____________________________________________________________

DALUMAT-SALITA: Ambagan, mga


Modyul 3
salitang susi at iba
Panimula:

Mayaman sa kultura ang Pilipinas. Ang kultura na sumasalamin sa makulay at masalimuot nating

kasaysayan. Sa ilalim ng ating kultura ay ang ating sariling wika. Ang wika na tumutukoy sa

pagkakakilanlan ng ating lahi, tayo bilang mga Pilipino. Isa ang ating bansa sa mga

may pinakamaraming pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang

wikang Filipino, ay kasama ay kasama pa ang mahigit sa isandaang katutubong wika. Sa pagdaan ng

maraming taon ay unti-unting nagkaroon ng mga pagbabago sa ating wika at sa larangan ng paggamit

nito at tila ay naging bahagi na rin ng ating kultura at tradisyon. Sa kasalukuyang panahon ay nauuso

ang mga salita ng taon o sawikaan. Maraming mga katanungan ngayon ang nauugnay tungkol dito ngunit

upang mas maunawaan ay nararapat lamang na ating alamin ang mga bagay-bagay patungkol dito.

Aralin 1. Ambagan

Ano ang Ambagan?

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (2015) ang “Proyektong Ambagan”

ay proyekto ng FIT na ginaganap tuwing kada dalawang taon” bilang pagkilala at

pagpapatupad sa hangarin ng ispesipikong probisyong pangwika ng

Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagbibigay-diin sa papel ng


Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6
mga wika sa Pilipinas sa pag-unlad ng wikang pambansa:
Fil 03 Dalumat sa Filipino

“ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang

nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”

Ang Ambagan ay proyekto ng “paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng

iba’t ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa kurpos ng wikang Pambansa. Ito

ay pagpapalawak ng mga nauna nang pagsisikap na lubusin ang pagkalap ng mga

salitang di-Tagalog para maging bahagi ng wikang Filipino gaya ng mga sumusunod:

“gahum” (hegemony)

“bana” (husband)

“abyan” (close friend)

‘adi” (male friend)

“faga” (small fragments from a meteor that fell to the earth from

outer space)

“himuga” (heinous crime)

“dan-aw” (small lake)

“dag-om” (rain cloud)

“xapo” (green chili) at marami pang iba.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Ano ang dahilan ng pagtatala sa


mga terminong ito?

Para kay Asenjo, hindi lamang pagpapalutang ng kultura ng mga pamayanan

ang ambag ng mga salita mula sa iba pang wika ng Pilipinas. Itinala nya ang mga

praktikal na dahilan ng pagtala ng mga terminong ito:

1. Nariyan pa bilang mga buhay na salita, gawain, paniniwala na ginagamit ng

iilan na lamang, at yaon nalamang mga matatanda.

2. Malapit ang pagkakatulad ng mga salitang ipinakilala, kung hindi man

talagang katumbas ng mismo ring mga salita sa Hiligaynon at Cebuano.

3. Mapapayaman nito ang kasalukuyang kahulugan saTagalog

4. Madagdagan ang mga salitang pang-agrikultura sa diksyunaryo at maibalik

tayo.

Sinasabing interdisiplinaring ang dulog ng Ambagan at mga Susing salita ayon

sa papel ni Anonuevo sapagkat binaybay niya ang mga usaping lingguwistiko,

ekonomiko, at kultural, sa pamamagitan ng paggamit sa mga terminong Kinaray-a sa

agrikultura bilang lunsaran. . Isa itong modelong halimbawa ng pagdadalumat gamit

ang mga salityang mula sa iba pang wika ng Pilipinas.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Pansariling Pagtataya(SAQs). Sino ang nagtataguyod ng


Ambagan?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Ang nagtataguyod ng Ambagan ay ang Filipinas

Institute of Translation, Inc.” Tama ang iyong sagot kaibigan!

Pansariling Pagtataya(SAQs). Saan kinukuha ang mga


salitang isinasali sa ambagan?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Kinukuha ang mga salitang kalahok sa ambagan

sa mga iba’t ibang wika na umiiral sa bansa.” Tama ang iyong sagot

kaibigan!

Gawain #1. Sawikaan vs. Ambagan

Sa limang pangungusap ano ang kaibahan at pagkakatulad ng

Sawikaan at Ambagan?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Modyul 3 Mga Salita sa Ambagan


Aralin 2

“Ang Bug-at kang lamigas kag Bugas”


(Ang bigat ng lamigas at bigas)
ni Dr. Genevieve Asenjo

Nag-ambag ng 12 salitang Kinaray -a sa larangan ng agrikultura:

Baliskad- pangalawang pag-araro para mapino ang nagungkag na

tigang na lupa. Dito sinusuyod ng tao at kalabaw at araro ang mga ligaw na damo.

Dito nagkalukso-lukso, nagkakabaliktad-liktad ang lupa at laman nito: nadudurog

hanggang sa lumitaw ang pino at makinis na bahagi.

2https://theaseanpost.com/article/myanmars-farmers-go-hi-tech

Binati- ito ay palayan na naararo na at napatubigan; handa na para

taniman ng palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay iyong btumutubo na-panggas-at

nagabot na o nabunot at ngayon, itatanim na uli, sa binating ito.

Binangto- sinanga na mais. Maaaring may mantika at asin, maaring

wala. Low-class o home made na popcorn. Imahen ng gutom at kahirapan.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Hamod- lupa na mabato, kung tawagin ay dalipe. Lupang bindi

masustansya, hindi mainam pagtaniman.

Hanalon- napakaitim na lupa. Masustansya kayat mainam

pagtaniman.

Inupong- bugkos ng mga naani; komunidad ng mga naaning palay,

partikular sa kontekstong ito.

Limbuk- bigas na sinangag mula sa bagong ani na palay. Tradisyon

ang paglilimbuk, kapag bagong ani, tanda ng pasasalamat.

Linas- proseso ng pag-alis, paghihiwalayng lamigas sa uhay nito sa

pamamagitan ng pagkiskis dito ng mga paa. Sayaw ng mga paa sa palay upang

magkahiwa-hiwalay ang mga butil nito

3https://www.haikudeck.com/lk-957-62-uncategorized-presentation-5eac052341

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Si Roberto Anonuevo (2009), isang mananaliksik at dating direktor ng ng KWF,

sa kanyang pagsusuri sa varayti ng Tagalog sa Binangonan, Rizal, kanyang binanggit

na ang mga mangingisda ay gumagamit ng mga sumusunod:

baklad (uri ng pitak-pitak na

kulungan ng mga isda na nababakuran ng

lambat)

4https://www.flickr.com/photos/jazzyjo814/4340944969

panti (uri ng lambat na ginagamit na pangaladkad sa ilalim

5https://www.amazon.com/Bilipala-
ng tubigan at panghuhuli ng ayungin at tilapya)
Decorative-Netting-Decorations-
Mediterranean/dp/B01LY840BP
bubo (buho o anumang pahabang sisidlang pinapainan ng darak o sapal

ng niyog na pambitag ng hipon)

pangahig (pang+kahig) o galadgad (lambat na may pabigat at ikinakahig

wari sa ilalim ng tubig sa tulong ng mga bangka para hulihin ang mga biya, suso, at

katulad)

sakag (uri ng bitag na panghuli ng hipon), kitang (uri ng pangingisdang

ginagamitan ng serye ng mga tansi at bawat linya ng tansing tinatawag na leting ay

may pain ang kawil)

paluway (uri ng lambat

na panghuli ng dalag o biya)

pukot (uri ng malaking

lambat na inihagis sa laot)

6https://news.un.org/en/story/2016/04/527302-un-guidelines-and-new-
technologies-boost-efforts-help-curb-ghost-fishing

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 03 Dalumat sa Filipino
dala (pabilog na lambat na may pabigat ang mga gilid at ginagamit na

panghul ng dalag o kanduli)

Mga terminong itinala ni Anonuevo (2009) “habang nakikipaghuntahan sa ilang

matatandang taga-Binangonan, at hindi matatagpuan sa mga opisyal na diksyonaryo

o tesawro sa kasalukuyan”.

Hinggil sa Pagkain

Alibutdan- hilaw na sinaing, o kulang sa

tubig na sinaing. Sa Ilonggo tinatawag itong lagdos. sa

patalinghagang paraan, hindi pa ganap ang

pagkakasanay sa talento. 7https://read.cash/@esciisc/sinaing-bow-


450d63d3

“Alibutdan pa ang anak mo para sumali sa boksing.”

Balinggiyot- taguri sa tao, hayop, ibon, isda o anumang bagay na

napakaliit.

“ Aba’y balinggiyot naman itong nakuha mong

isda!”

Sa Bisaya Romblon, maitutumbas ito sa salitang

isot napanuring sa anumang maliit o kaunti..


8https://www.insidescience.org/news/warming-oceans-may-
lead-smaller-fish
Gango- hipong ibinilad sa araw para

patuyuin: HIBI. Kung paniniwalaan ang lahok sa

disyonaryo at tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang


9https://www.lazada.com.ph/products/uns
“hibi” ay hango umano sa wikang Tsino. Kung gayon alted-dried-hipon-500grams-12kilo-
250php-i1850664682.html

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 03 Dalumat sa Filipino
nga, maimumungkahing gawing pangunahing lahok ang “gango” at gamiting

singkahulugan na lamang ng “hibi”.

Mambabakaw-mangunguha

o manghihingi ng isda o anumang bagay

doon sa palengke o baybayin. Mangungupit

ng isda o anumang paninda o bagay sa

palengke o tindahan. 10https://web.facebook.com/media/set/?set=a.409538267646


&type=3&comment_id=456242957646&_rdc=1&_rdr

“Mambabakaw muna ako sa palengke ng ating pulutan, hane?”

Hinggil sa Tao

Barangkong- taguri sa binti na

malaki ang masel na parang atleta, at ikinakabit sa

tao na mahusay umakyat ng bundok.

11https://www.dreamstime.com/sexy-athletic-
woman-big-quads-muscular-girl-posing-outdoor-
legs-image118631819

Gurarap- paniniwalang dinadalaw ng kaluluwa o multo ang isang

tao guni-guni hinggil sa isang bagay na animoy namamalikmata ang tumitingin.

12https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?frame=e3d39b26537f7795f296ebad02be8c3d67480142

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Halugaygay- uri ng larong pambata na pinahuhulaan kung sino sa mga

batang nakahanay at pawang nakatikom ang mga palad ang nagtatago ng buto ng

kanduli habang nag-aawitan ang magkakalaro; awit pambata na isinasaliw sa

naturang laro.

Tulatod- sa Binangonan, tumutukoy sa pinakabao ng tuhod: kneecap

-sa diksyonaryo- tesawro ni Jose Villa

Panganiban, tumutukoy sa kukote… sa

pinakadulong bahagi ng gulugod na malapit sa

puwitan. Katunog ng tulatod ang pilantod, na

tumutukoy naman sa paika-ikang paglakad

sanhi ng pagkapilay o pinsalasa tuhod, binti o

paa.
13https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalu
mat/?frame=e3d39b26537f7795f296eba
d02be8c3d67480142

Hinggil sa Hanapbuhay

Bangkis-

paraan ng pagtali na

paagapay sa dalawang

pinagdurugtong na kahoy o

kawayan, gaya sa katig ng

bangka
14https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?frame=d0b57317f138c408fc1abadb56121c3a
65fab1c8

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Pandiwa: Bangkisan, Bangkisin, Ibangkis, Magbangkis, Nagbangkis,

Pabangkisan.

Baoy- bawiin ang isang bagay na ibinigay sa ibang tao: sa sugal,

bawiin o kunin sa kalaban ang pustang salaping natalo

Pandiwa: Bumaoy, Bumabaoy, Magbaoy.

Halimbawa; “Bumabaoy na naman si Pedro sa kalaban dahil wala nang

pera!”

Halos katunog nito ang maoy sa Bisaya Romblon, na tumutukoy sa pagwawala

o pagkawala ng bait tuwing nalalango sa alak o droga.

15https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?frame=d0b57317f138c408fc1abadb56121c3a65fab1c8

Garautan- bagahe; abasto: kargamento o anumang nakatali o

nakakahong dala-dalahan ng byahero

o manlalakbay: mga bagay na dala, bitbit o sunong, pasan o karga ng tao na

magbibiyahe.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 16


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Tagapo- 1: sa Isla Talim, pook na inaahunan ng tao, at tagaan ng

kawayan. 2: pook na pinagkukunan ng kawayan o buho.

16https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?frame=050b4ac55c03a64d1fc25a4aec89454abd5dd4
90

Pansariling Pagtataya(SAQs). Bakit mga salitang katutubo


ang isinasali sa Ambagan?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Hindi, ang mga hinihirang na salita ng taon ay

hindi lamang mga bagong salita bagkus maaari ring itanghal na salita ng

taon ang mga salitang patay na pero muling binuhay.” Tama ang iyong sagot

kaibigan!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 17


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Gawain #2. Katutubong Wika, Gagamitin ko.

Mula sa mga nailahad na katutubong salita, pumili ng limang salita at

gamitin ang mga ito sa pangungusap.

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain #3. Mabuhay Ambagan!

Ilahad sa limang pangungusap ang kahalagan ng Proyektong Ambagan

sa wika gayundin sa bansa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 18


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Modyul 3 Mga Susing Salita


Aralin 3 (Indie at Delubyo)

Ito ay proyekto ng UP-SWF o Sentro ng Wikang Filipino ng UP-Diliman

• unang pambansang palihan sa wika na

nakatuon sa pagbuo ng kaalaman gamit ang

konseptong nakapaloob sa isang susing salita na

hango sa anumang wika sa Pilipinas.

Dalawang eksperto mula sa magkaibang disiplina ang

nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa mga

salitang “indie” at “delubyo” sa seminar na 17https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?f


rame=5ce4cb2d2bcd1538e1d7b693b1dbfc1b5
feee171
inorganisa ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF)

bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto.

Ang seminar na “Mga Susing Salita:Pambansang Seminar sa Pagbuo ng

Diskurso sa Konseptong Filipino” na ginanap mula Agosto 24--25 at may layon na

“itaguyod at palaganapin ang Wikang Filipino sa lahat ng buwan ng taon” ayon

sa SWF.

Sa unang pang-umagang sesyon ng seminar

noong Agosto 24, ang mga naging panauhing

tagapagsalita ay sina Dr. Rolando B.

Tolentino, dating dekano ng Kolehiyo ng

Pangmadlang Komunikasyon (CMC), at Dr.

18https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/?frame=5c Alfredo Mahar A. Lagmay, executive director


e4cb2d2bcd1538e1d7b693b1dbfc1b5feee171

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 19


Fil 03 Dalumat sa Filipino
ng UP Resilience Institute (UPRI) at Project NOAH (Nationwide Operational Assessment

of Hazards).

Si Tolentino ay propesor din sa UP Film Institute samantalang si Lagmay

naman ay sa National Institute of Geological Sciences. Tinalakay at dinalumat ni

Tolentino ang salitang “indie” samantalang ibinahagi naman ni Lagmay ang gamit ng

wika kontra “delubyo”.

INDIE"

• pinaikling salitang

independent

• ibang mundo ng paggawa


19https://www.klook.com/en-PH/blog/filipino-indie-films-stream/
ng pelikula "“hindi siya

masayahing kuwento. Hindi siya kuwento na sadsad ng fictional na drama..."

• maalala mo ang problema ng lipunang Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya

hindi siya masayang panoorin

"Delubyo"

• warning - responsibilidad ng gobyerno

• response - tamang aksyon ng mga mamamayan

• hindi lang siyensya at teknolohiya ang solusyon

kundi "culture of safety"

• mahalaga ang paggamit ng wika sa

pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa


20https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/
?frame=2661a29aa29062ca1797638b25ae
0bf187df2ada

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 20


Fil 03 Dalumat sa Filipino
kalamidad, ulat ng panahon, at panganib ng delubyo.

Upang mas lalo pang maintindihan ang tungkol sa pagdadalumat ay


pumunta lang sa mga link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=J4Ere2G7fNA

Pagtataya

Pagsulat ng Papel para sa Ambagan


Kayo’y mga mananaliksik na nagbabalak lumahok sa susunod na kumperensya

ng Ambagan. Iisip kayo ng limang (5) salita mula sa wikang hindi Tagalog na

tatalakayin sa kumperensya. Ang inyong mga salita ay dapat na may kabuluhang

panlipunan at ginagamit sa isang larangan lamang o kaya’y sa mga magkakaugnay

na larangan. Ang inyong papel na nagtatanggol sa inyong mga salitang lahok ay

kailangang iskolarli (nakabatay sa mga katiwa-tiwalang sanggunian at interbyu sa

mga may kaalaman sa wikang inyong pinili). Bilang paghahanda para sa pagsulat ng

papel ay kokompletuhin ang balangkas (outline) ng inyong papel sa ibaba. Wikang

Pagmumulan ng mga Salitang Ambag:______________________________________________

Pamagat ng Papel:________________________________________________________________

Salita 1 at kahulugan:_____________________________________________________________

Salita 2 at Kahulugan:_____________________________________________________________

Salita 3 at Kahulugan:_____________________________________________________________

Salita 4 at Kahulugan:_____________________________________________________________

Salita 5 at Kahulugan:_____________________________________________________________

Kabuluhang Panlipunan ng mga salita:_____________________________________________

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 21


Fil 03 Dalumat sa Filipino
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Talasanggunian

https://prezi.com/p/sfy9sll0mvnk/dalumat/

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 22

You might also like