0% found this document useful (0 votes)
119 views15 pages

Misteryo NG Liwanag

Misteryo

Uploaded by

Velando Ethan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
119 views15 pages

Misteryo NG Liwanag

Misteryo

Uploaded by

Velando Ethan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 15

PAROKYA NG BIRHEN NG FATIMA

LUPON NG LITURHIYA

BUWAN NG STO. ROSARYO


sa Taon ng Pamilya at Eukaristiya at
Dakilang Taon ng Jubellio ng Awa.

PAGNINILAY
SA MISTERYO NG
LIWANAG

1 | Page
(Ang Unang Misteryo ng Liwanag:
ANG PAGBIBINYAG KAY HESUS)

Ang Mabuting Balita ng


Panginoon ayon kay San Mateo
(Mateo 3:13-17)

Matapos mabinyagan, umahon si


Jesus mula sa tubig. At agad na
nabuksan ang langit at nakita niya
ang Espiritu ng Diyos na
bumababang parang kalapati at
papunta sa kanya. Narinig kasabay
nito ang boses mula sa langit na
nagsabi:
"Ito ang Aking Anak, ang
Minamahal, siya ang aking
Hinirang."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


MAGSIUPO ANG LAHAT PARA SA PAGNINILAY
________________________________________________________
PAKIKIISA
Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan ay siyang ikalawang
“pagpapakita” – ikalawang pagpapakilala sa kanyang pagkatao at sa
kanyang misyon. Ipinahahayag ng tinig ng Ama na si Hesus ay ang
“Anak/Lingkod,” na pinuspos ng Espiritu ng Panginoon at isinugo upang
“magtatag ng katarungan sa lupa.” Itinatakda ng kanyang misyon ang
pag-ako sa bigat ng pagkakasala ng sangkatauhan alinsunod sa huli sa
mga Awit ng Lingkod. Ipinagugunita sa atin ng pagbibinyag kay Hesus
ang sarili nating bautismo nang bigkasin din ng Ama ang
napakagandang pahayag: “Ikaw ang Aking mahal na anak!” Iyon ang
walang kapantay na pribilehiyong nagpapahintulot sa ating magdiwang
ng Eukaristiya. Ipahayag natin ang ating pasasalamat at pagmamahal.
Sinasabi nating ang mga tao’y gumagawa ng “propesiyang tanda”
kapag sila ay gumagawa ng kagulat-gulat at ito’y tanda rin ng lalong
dakilang bagay na sasapit. Ipinahahayag ng mga ito ang kasidhian ng
kanilang kapangakuan; ito ang magtutulak sa kanila upang mamili sa
mga ilang mahahalagang isyu. Sa kanyang buhay, maraming ikinilos si
Hesus na animo’y propesiya, gaya ng pagpapaalis sa mga
2 | Page
mangangalakal sa Templo, pagpapagaling sa lumpo, at marami pang
ginawang himala. Lahat ng mga iyon ay “kamangha-mangha” sa kani-
kanilang sariling paraan. Sila’y nakatawag-pansin ng maraming taong
nagnanais makaunawa sa maaari nilang maging “kahulugan.”
Sa buhay ni Hesus ay may “ginawa” siya na di naman tunay na
kamangha-mangha at di nakatawagpansin ninuman, maliban sa pinsan
niyang si Juan: ang pagbibinyag sa kanya sa Ilog Jordan. Iyon ay tunay
na “karaniwan,” pagkat pinagdaraanan o ginagawa iyon ng halos lahat
noong mga panahong iyon, bilang tugon kay Juan Bautista Ngunit ang
paglusong ni Hesus sa tubig ng Jordan, kasama ng maraming
makasalanang humihingi ng kapatawaran, ay may malalim na kahulugan
kung kaya ito’y naging isa sa pinakamadulang tanda ng propesiya. Sa
katunayan, ang pagbibinyag sa kanya ang nagbunyag sa kanyang
misyon at sa kanyang nakakubling dakilang katauhan. Ang dimensiyon
ng isang propesiya na ipinamalas ni Hesus ay di-gaanong ang
paglusong
niya sa tubig ng Ilog Jordan, na tulad ng kanyang pakikisalamuha sa
mga makasalanan. Mahirap iyon isipin o paniwalaan.

Ang pag-ibig lamang ng Diyos sa bawat nilalang at buong


sangkatauhan ang maaaring makaisip ng gayong “pakikisama” na tunay
na ganap para maging lubos na “pagtulad o pakikiisa.” Kaya nga, ang
nagkatawan-taong Anak ng Diyos ay nanaog buhat sa langit upang
“lubos na makisama’t makiisa” sa kahirapan ng sangkatauhan at
kasaysayan ng tao. Sa gayong “pakikisama’t pakikiisa,” ang ganap na
walang salang si Hesus ay naging bahagi di lamang ng maliit na pangkat
ng mga makasalanang natitipon noon sa Ilog Jordan, kundi ng lalong
maraming makasalanan ng sangkatauhan. Kung paanong naging banal
ang mga tao dahil sa siya’y naroroon sa tubig, nahugasan din sa
pagkakasala ang mga makasalanang sinamahan niya. Sadyang gayon
ang misyon ni Hesus. Nahulaan na ito ng propetang si Isaias nang
ipahayag niyang ang misyon ng “Lingkod ng Panginoon” ay ang
maghatid ng “katarungan” (o kabanalan) sa mga bansa. Wika mismo ng
Panginoon tungkol sa kanya, “Hinubog kita at nakipagtipan sa iyong
bayan, liliwanagan ng Panginoon ang mga bansa, upang imulat ang mga
mata ng mga bulag, palayain ang mga bihag, at hanguin ang mga nasa
kadiliman.”
Pinatunayan ni Hesus sa kanyang buhay ang gayong nagpapalaya’t
nagpapabanal na pakikisalamuha sa kanyang pakikisama sa mga
makasalanan – bagay na ikinagulat ng mga “banal” ng kanyang
panahon. Ayon sa kanyang mga kalaban, ang “pakikisama” niya sa mga
makasalanan ay malamang na makamantsa sa kanyang karangalan. Di
ito inalintana ni Hesus at nagpatuloy pa nga siyang tulad nang dati,
pagkat, wika niya – ang mga maysakit nga ang nangangailangan ng
manggagamot. (Mt 9:12.) Gayunman, dahil sa pakikisama niya sa mga
3 | Page
makasalanan, nagbuwis siya ng kanyang buhay, pagkat namatay siya
para sa kasalanan ng lahat. Amen.

(Ikalawang Misteryo ng Liwanag:


4 | Page
ANG KASALAN SA CANA)

Ang Mabuting Balita ng


Panginoon ayon kay San Juan
(Juan 2:1-11)

Ito ang simula ng mga tanda ni MAG-SIUPO ANG LAHAT PARA


Jesus. Ginawa niya ito sa Kana
SA PAGNINILAY
ng Galilea at ibinunyag ang
kanyang luwalhati, at nanalig sa
kanya ang kanyang mga alagad.

Ang Mabuting Balita ng


Panginoon.

__________________________________________________________
TANDA NI JESUS

Sa ikalawang Misteryo ng Liwanag ang Kasalan sa Cana ang


unang himala na ginawa ni Jesus, sa kasalan sa Cana, Galilea.
Naganap ang himala ng tubig na naging alak, dahil nanampalataya ang
Mahal na Birheng Maria na kayang gawin ito ng kanyang anak.
Gayundin, naganap ang himala dahil sa pagtalima ng mga katulong na
sundin ang utos ng Mahal na Birhen, na gawin ang anumang sabihin ni
Jesus. Tunay nga na mahalaga ang pananampalataya para maganap
ang isang himala, at kailangan din ang ating pakikipagtulungan para
mangyari ito. Mga kapatid, madalas nagsisimula ang pananampalataya
natin sa pagkakasaksi sa isang himala. Naniniwala tayo sa Panginoon,
dahil tayo mismo nakaranas ng himala. Gumaling sa malubhang
karamdaman, pinagkalooban ng anak matapos ang mahabang
panahong paghihintay, nakaligtas sa aksidente at marami pang iba. Pero
hindi dapat sa isang himala nagsisimula ang pananampalataya. Sa halip,
nagsisimula ang pananampalataya sa pagpapasyang gawin ang
anumang sabihin ng Panginoon sa atin. Mga kapatid, nagaganap
lamang ang himala dahil una na tayong sumampalataya. Walang
himalang mangyayari sa mga taong walang pananampalataya.

Natapos ang linggo ng pagkikita sa kasalan sa Cana. Dumalo pala


sa kasalan si Jesus at nakibahagi sa awitan, sayawan at inuman! Tila
5 | Page
NAGPAPABANAL ang kanyang pagdalo at pakikiisa hindi lamang sa
Kasalan kundi sa iba pang masasayang pagdiriwang at pagsasamahan.
Nagsimulang makilala si Jesus ng mga alagad, pero may nakakilala
at nanalig muna sa kanya: si Maria, ang kanyang ina. Papa-anong
sumilid sa kanyang isipan na humiling ng isang himala kay Jesus? Alam
kaya niya na gagawin ni Jesus ang himala? Hindi humiling si Maria ng
pagbabagong-buhay ng makasalanan o tinapay para sa mga
nagugutom; ninais niya lamang na maligtas sa kahihiyan ang bagong
kasal at humiling ng isang himala.
Parang paninisi ang sagot ni Jesus kung isang di-kilala ang kausap.
Ngunit, kapag sinasabi ito sa kanyang ina nang may ibang
pagpapahiwatig, ipinakikita ang pagkamalapit at pagkaunawa sa isa’t isa
na higit pa sa salita. Tila hindi nagbalak si Jesus na magsimula ng
kanyang misyon sa gayong paraan, o hindi pa sa oras na iyon, pero
nakilala ng kanyang espiritu ang Espiritu na nagsasalita sa pamamagitan
ng kanyang ina, at ipinagkaloob ni Jesus sa kanya ang unang
mahiwagang tandang ito.
Mahalagang banggitin na pitong himala lamang ang iniulat ni Juan, at
tinatawag niya itong mga gawa o tanda. Gawa ng Anak ng Diyos na
siya’y nagpapahayag ng kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng
mga iyon. Mga tanda rin ang mga iyon, ibig sabihin, mga kilos na bagay
sa ating kalagayan at pang-unawa upang maunawaan natin ang tunay
na misyon ni Jesus – magbigay-buhay at baguhin ang daigdig.

Ito ang dahilan kung bakit binanggit ni Juan ang ilang detalye ng
pangyayaring ito na anyo ng bagay na espirituwal. Nakibahagi si Jesus
sa kasalan at ano ba ang kanyang ginawa kundi ihanda ang ibang
kasalan ang kasalan ng Diyos sa sangkatauhan. Nagsalita si Jesus na
hindi pa dumarating ang kanyang oras, ngunit ang kanyang tunay na
oras ay ang Pagtitiis at Muling Pagkabuhay niya (Jn 17:4).
Iniulat ni Juan na ginamit ni Jesus ang tubig na laan para sa
sagradong paghuhugas ng mga Judio. Laging nasa isipan ng mga Judio
na pawiin ang “DI-KALINISAN” bago ang pagsamba, kaya nga
napakarami ng mga sagradong paghuhugas. At pinalitan pala ni Jesus
ng alak ang bindita! Sapagkat hindi lamang pagkatakot sa kasalanan
ang tunay na relihiyon; higit na mahalagang tanggapin mula kay Jesus ang
Espiritu, na tulad ng alak na matapang, nagpapalaya sa atin sa mga
kinaugaliang gawi at sa makitid na karunungan natin.
Ang tubig na naging alak: Dumarating si Jesus sa ating tahanan
para pagbaguhing-anyo ang ating pang-araw-araw na buhay – ang mga
karaniwang gawain natin.
Ganyan ibinunyag ni Jesus ang kanyang kaluwalhatian sa taong
nagsisimulang matuklasan siya. Nagdala na ng grasya si Maria kay Juan
Bautista (Lc 1:39); ngayon nakialam siyang muli upang mapabilis ang
pagsimula ng pag-eebanghelyo. Hindi na siya magsasalita sa

6 | Page
ebanghelyo, at ang kanyang huling salita: Gawin ninyo ang sasabihin
niya sa inyo. Amen.

(Ikatlong Misteryo ng Liwanag:


ANG PAGPAPAHAYAG NG KAHARIAN NG DIYOS)

7 | Page
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
(Marcos 1:14-15)

Pagkadakip kay Juan, pumunta si Jesus sa Galilea. Doon niya


ipinahayag ang magandang balita ng Diyos sa pagsasabing,
"Sumapit na ang panahon; magbagong-buhay at maniwala sa
magandang balita; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


MAGSIUPO ANG LAHAT PARA SA PAGNINILAY
__________________________________________________________
ANG KAHARIAN NG DIYOS ANG MENSAHE NI HESUS.

“Kaharian ng Diyos”ang sentrong larawan ng mga turo at aral ni Kristo sa


Ebanhelyo. KIK 739

Sinimulan ni Hesus ang Kanyang publikong ministeryo sa


pagpapahayag na”dumating na ang takdang panahon at malapit na ang
paghahari ng Diyos. Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga
kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita(Mk. 1:15). Upang
makamit o makapasok tayo sa Kaharian ng Diyos na siyang una at dapat
nating pangaraping makamit ay isa sa mga kondisyon ay ang
PaGBABALIK-LOOB BILANG MGA MAKASALANAN, ang una nating
hakbang ay tuwinang pagbabagong buhay. Ang kaharian ng Diyos ay
nangyayari na sa mga taong nananatili sa kabutihan na ang iniisip ay
kapakanan ng iba tulad ng ginawa ni Hesus.

8 | Page
Sa Pagbibigay ng kung ano man ang mayroon tayo, natutulungan
tayo na hanapin ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng
pagbabahagi natin ng pag-ibig ng Diyos na sa ating kapwa sapagkat
itinataguyod nito ang kaganapan ng buhay na matulungan ang lahat na
maranasan ang magandang pagbabago ng buhay. Higit nating
mararanasan ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pag-
aalay ni Hesus ng kanyang sakrispisyo.

SA BANAL NA EUKARISTIYA, PATULOY NATING TINATANGGAP


ANG BUHAY NI HESUS NA SIYANG NAGPAPATAWAD AT
NAGBABAGO SA ATIN.

Ang kaharian ng Diyos ay umiiral sa kasalukuyan sapagkat si


Hesus ay patuloy nating kapiling na handang magpatawad sa ating mga
nagawang kasalanan at mag-alay ng buhay sa pamamagitan ng Banal
na Eukaristiya. Sa tuwing tinatanggap natin si Hesus sa Eukaristiya, tayo
ay kanyang pinababanal sapagkat ang buhay niya ay kanyang
inihahandog upang tayo ay pabanalin. Natutulungan tayo ng Espiritu
Santo na magbigay rin ng ating sarili sa iba upang magbigay rin ng
buhay. Bukod dito, dinadalisay tayo ng Espiritu Santo sa ating mga
pagkamakasarili kung tunay lang nating tinatanggap si Hesus sa anyo ng
tinapay at alak sa misa.

ANG PAGBABALIK-LOOB NA KINAKAILANGAN PARA SA


KAHARIAN AY HUMIHINGI NG ISANG GANAP NA PAGBABAGO NG
SARILI.

Isang pagbabago ng estilo ng pamumuhay at ng mga bagay na


inuuna. Tandaan ninyo ito:kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga
bata, hindinghindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.
(Mt.12:3)
Ang pagbabagong loob ang unang-una at namamalaging kondisyon
para sa kristiyanong moral na pamumuhay. Gayun man nilinaw ng PCP
II na hindi lang ito pansarili, makasariling pagharap sa Diyos, kundi
nangangailangan ng pagtatalaga tungo sa panlipunang
pagbabago”(PCP II 271- 276)
May tungkulin tayo sa kapwa natin na sila rin ay madala natin sa
pagbabagong buhay, kaya nga may pananagutan tayo sa kanila na
mamuhay ng ayon sa turo at aral ni Hesus. Makakapamuhay lamang sila
ng moral kung natutulungan at napupunan din ang pangangailangan
nilang materyal, kaya mahalaga na tinutulungan natin silang mga
mahihirap na maiangat ang kalalagayan sa buhay sa pamamagitan ng
pag-bibigay at taus-pusong pagtulong.

Sa gawang mabuti, ito ay tanda ng Paghahari ng Diyos. Bakit may


mga taong patuloy pa ring nagkakasala habang naghahangad na
9 | Page
makamit ang mga pangarap nila. Dahil hindi pa nila natatagpuan ang
tunay na kaharian ng Diyos. Ang kaharian ng Diyos ay mula sa Diyos na
siyang tunay nating Kaharian. Kung tayo’y nagmamahalan,
nagpapatawaran sa isa’t isa at tapat palagi sa paggawa ng mabubuting
gawain, tunay ngang matatagpuan natin ang mensahe ni Hesus na
walang iba kundi ang kanyang Kaharian. Amen.

( Ika-Apat Na Misteryo Ng Liwanag:


ANG PAGBABAGONG ANYO NI HESUS)

10 | P a g e
Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San
Marcos (Marcos 9:2-10)

At kuminang na puting-puti ang


kanyang damit, na walang
makapaglalabang simputi niyon
sa lupa...
At may ulap na lumilim sa kanila.
At narinig mula sa ulap ang
salitang ito:
"Ito ang Aking Anak, ang
Minamahal, pakinggan ninyo
siya."

Ang Mabuting Balita ng


Panginoon.

MAGSIUPO ANG LAHAT PARA SA PAGNINILAY


__________________________________________________________
MAMUHAY NANG MANINGNING

Ang pagbabagong- anyo ni Hesus – ang pagpapahayag ng kanyang


dakilang kalikasan at kaluwalhatian – ay isang di malilimot na karanasan
para sa tatlong mapalad na disipulong sina Pedro, Santiago, at Juan.
Gayon na lang ang kanilang pagtatangi sa alaala nito sa buong buhay
nila. (Jn 1:14 at 2 Ped 1:17-18.) May mensahe rin ba kaya sa atin ang
pagbabagong-anyo ni Hesus? Maaari nating isiping nangyari iyon sa
kanya sapagkat, bukod sa kanyang pagiging isang tao, siya ay Diyos
din. Ngunit tayo’y mga karaniwang nilalang lamang . . . . Tayo’y mga
hamak na makasalanang nilalang! Malimit na ang ating mga buhay, mga
isipan, at gawi ay malayo sa pagiging maningning . . . . Gayunman, alam
nating mayroon din tayong kislap ng kabanalan. Nilikhang kawangis ng
Diyos, taglay natin sa ating sarili – na gaya ng isang napakahalagang
binhi – ang kakayahan at ang panawagang papagningningin natin ang
kabanalan ng Diyos. Subalit ito’y binhing nababalot ng kahinaan. Sa
marami sa atin, ito’y nahihimbing na binhi, bihag sa putik ng ating mga
bisyo at pagkakasala. Ngunit sa biyaya ng Diyos, ang binhi’y
nananatiling buhay, at taglay pa rin nito ang kakayahang umusbong at
lumago, kung mabibigyan lamang ng pagkakataon. Sa mahabang
panahon, marami ang nangarap sa Pagbabagong-anyo bilang
panghabambuhay nilang tungkulin.
Tulad ni Abraham, dininig nila ang panawagan ng Panginoong talikdan
ang katiwalian, pagkamakasarili, hilig sa lahat ng mga materiyal, at
11 | P a g e
kasiyahan, saka umusbong na tulad ng binhi sa panahon ng tagsibol, sa
sikat ng araw ng pagmamahal ng Diyos. Sa gayon nagmistulang
magandang punong hitik sa bunga ng kababaang-loob, pagkabukas-
palad, kadalisayan, at pagkakawanggawa . .

Nagning-ning ang kanilang kabutihan, at di ito napalamlam ng


kamatayan man. Ang mga nasa paligid nila’y nakasaksi sa katulad ni
Kristo. Tawag natin sa kanila’y “mga santo.” Tawag sa kanila ng Diyos ay
“mga kaibigan.” Salamat sa mga taong tulad nila, ang mundo ay higit na
maganda at nababawi ng sangkatauhan ang kanyang karangalan at
kadakilaan. Ang Pagbabagong-anyo ay isang paanyaya sa ating lahat
para maging dakila. Alam natin kung paano – sa pamamagitan ng
pagiging bukas sa biyaya ng Diyos, pagbabalik-loob, pagsisisi, dasal, at
pagkakawanggawa. Ito ang ating pagkakataon upang ilantad ang tunay
nating kadakilaan.

Ngayong Buwan ng Santo Rosaryo, ginaganyak tayong magnilay sa


mensahe ng pagbabagong-anyo ni Hesus at ilapat ito sa ating buhay ito
ang butil ng ikaapat na misteryo ng liwanag. Ang pangyayaring ito sa
buhay ng Panginoon ay isang pampasigla upang tayo’y magpakabuti –
upang mapagningning ang ating ilaw! Ito’y magkakatotoo kung
mamumuhay tayo alinsunod sa turo at halimbawa ni Hesus. Hinahamon
din tayong manatiling tapat sa ating pananampalataya maging sa gitna
ng mga pagsubok. Tiyak na ang Diyos na nagkaloob sa atin ng Kanyang
bugtong na Anak ay magliligtas sa atin laban sa lahat ng sama at
tutulong sa ating mga pangangailangan. Nawa ang Eukaristiyang ito’y
maging pagpapahayag ng pananampalataya sa maaasahang
pagmamahal ng Diyos sa atin at pagpapatibay sa ating pangakong
“mamuhay nang maningning.” Amen.

(Ika-Limang Misteryo Ng Liwanag:


ANG PAGTATATAG NG BANAL NA EUKARISTIYA)

12 | P a g e
Ang Mabuting
Balita ng
Panginoon ayon
kay San Mateo
(Mateo 26:17-35)

Habang sila'y
kumakain, kinuha MAGSIUPO ANG LAHAT PARA SA
ni Jesus ang PAGNINILAY
tinapay, at
matapos magpuri
sa Diyos,
pinaghati-hati
niya iyon at
ibinigay sa mga
alagad habang
sinasabing,"Kunin
ninyo at kainin; ito
ang aking
katawan."
Pagkatapos ay
kinuha niya ang
kalis,
nagpasalamat
siya at ibinigay sa
kanila habang
sinasabi: "Inumin
ninyong lahat ito
sapagkat ito ang
aking dugo, ang
Dugo ng Tipan,
na ibinubuhos
para sa marami,
para sa
ikapagpapatawad
ng mga
kasalanan."

Ang Mabuting
13 | P a g e
Balita ng
Panginoon
__________________________________________________________

HAPUNANG PANG-ALAY NG BAGONG TIPAN

Ang Eukaristiya ay tuwinang tagapagpaalaalang sa pamamagitan


ng kanyang pagkamatay sa Krus, pinagtibay ni Hesus ang alyansa ng
Ama at ng buong sangkatauhan. Tuwing ipinagdiriwang natin ang
Eukaristiya, sinasariwa natin ang alyansang ito sa Diyos bilang mga
miyembro ng Kanyang bagong Hinirang na Bayan, ang Simbahan. Dapat
itong maging sapat na dahilan kung bakit di tayo dapat na maging mga
saksing walang pakialam habang ipinagdiriwang ang Eukaristiya.
Kabilang tayo sa mga “nakipagkasundo” at mga tagapakinabang sa
Kasunduan. Ang taos-puso nating paglahok sa pagdiriwang ay patunay
sa ating kapasiyahang magpatotoo sa ating pakikipagkasundo sa
pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, gaya ng itinuro at
ginawa ni Hesus.

Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ang ubod ng pagsambang Katoliko;


at ang Komunyong sakramental ay siyang tampok ng bawat pagdiriwang
ng Eukaristiya. Ang taimtim na pagtanggap ng Eukaristiya at ang sagot
na “Amen!” bago tanggapin ang banal na tinapay at alak ay matibay na
pagpapahayag ng pananampalataya sa tunay na presensiya ni Kristo.
Sa pangungumunyon, pinag-iibayo’t pinagtitibay rin natin ang tipang
nagbubuklod sa atin sa Diyos bilang mga kasapi ng Kanyang bagong
Hinirang na Bayan, ang Simbahan. Sa katunayan, ang Komunyon ay
dapat tingnan at tanggapin sa lalong malawak na kontekstong kanyang
kinabibilangan – ang walang dugong pag-aalay sa Ama bilang alaala ng
pag-aalay ni Hesus sa kanyang sarili bilang ganap na hain para sa
ikatutubos ng lahat ng tao (Heb 9:12-14). Sa gayong pag-aalay
pinagtibay ang bago at walang hanggang Tipan sa pagitan ng Diyos at
ng sangkatauhan.

Kalahok tayo sa pagsariwa sa ganitong paghahain hindi bilang mga


indibiduwal, kundi bilang mga miyembro ng isang “maharlikang
pagkapari,” ng isang “banal na bansang” dinalisay ng dugo ng Kordero
(1Ped 2:9 at Pah 5:9. . .) at hinubog sa isang Katawan ng isang Espiritu.
Tuwing iniaalay natin at tinatanggap ang Katawan at Dugo ni Kristo,
ginagampanan natin ang ating maharlikang pagkapari, ipinahahayag
natin ang ating pagiging kabahagi ng Katawan ng Panginoon, at
sinasariwa natin ang Tipang nagbubuklod sa atin sa Diyos at sa ating
kapwa. Ngunit upang makalahok sa Eukaristiya nang karapat-dapat at
mabisa, dapat tayong dumulog nang may malinis na kalooban,
nakababatid sa kabanalan ng kaloob na ating tinatanggap, at nakalaang
gawin nating tunay na Eukaristiya ang ating buhay.

14 | P a g e
Alalahanin natin ang babala ni Pablong bago mangumunyon,
“bawat isa’y dapat magsuri sa sarili . . . pagkat kung hindi niya
pinahahalagahan ang katawan ng Panginoon kapag kumakain siya ng
tinapay at umiinom sa saro, siya’y kumakain at umiinom ng hatol sa
kanyang sarili” (1 Cor 11:28).

Sa ikalimang misteryo ng liwanag, nawa maipahayag natin ang


ating pagmamahal sa Eukaristiya sa buong buhay natin. Amen.

15 | P a g e

You might also like