0% found this document useful (0 votes)
57 views7 pages

Araling Panlipunan 1 PT - Q4

Test

Uploaded by

Leni
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
57 views7 pages

Araling Panlipunan 1 PT - Q4

Test

Uploaded by

Leni
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN – I

Pangalan: ____________________________________________________________________

Baitang/Seksiyon ____________________________ Petsa: _________________________

I – Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang T


kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M kung mali ang
ipinahahayag nito.

_____________1. Ang lokasyon ay tumutukoy sa lugar na kinalalagyan


o katatagpuan ng isang bagay.

_____________2. Mahalaga ang mapa sa pagtukoy ng lokasyon.

_____________3. Nakakaapekto ang panahon sa kasuotan ng mga


tao.

_____________4. Hindi nakakatulong ang mapa sa isang batang


tulad mo.

_____________5. Kung tag-init, ang mga damit na maninipis at yari sa


cotton ang isinusuot.

_____________6. Madaling mahahanap ang isang bagay kung


gagamit tayo ng mga salitang pantukoy ng lokasyon.

_____________7. Nagdadala ng payong at kapote kung tag-ulan.

_____________8. Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay kung tag-


ulan.

_____________9. May tatlong panahon ang Pilipinas.

_____________10. Ang salitang kaliwa at kanan ay maaaring gamitin


upang malaman ang lokasyon o kinalalagyan.

II – Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Piliin at isulat sa


patlang ang titik ng tamang sagot.
_____________11. Ano ang tawag sa kinalalagyan ng mga bagay o
lugar?
a. mapa b. distansya c. lokasyon

_____________12. Ano ang nagsasabi kung ano ang kinakatawan ng


bagay o lugar ng bawat hugis o kulay na ginagamit sa mapa?
a. pananda b. mapa c. distansya

_____________13. Ang distansya ay maaaring _____________.


a. mataas at matarik b. makapal at manipis c. malayo
at malapit

_____________14. Tumutukoy sa dalawang panahon ang ating


bansa?
a. taglamig at tag-ulan b. tag-init at tag-ulan c. tag-init at taglagas

_____________15. Ang tag-init at tag-ulan ay tumutukoy _____________.


a. kapaligiran b. panahon c. lokasyon

_____________16. Malapit lamang sa paaralan ang bahay nina Beth


at Lisa. Alin ang makabubuting sakyan nila pagpasok sa kanyang
paaralan?
a. traysikel b. bus c. Bangka

_____________17. Isang ilog ang tinatawid ng magkakapatid nina


Tristan pagpasok sa paaralan. Ano ang maaari nilang sakyan?
a. dyip b. bus c. Bangka

_____________18. Malakas ang ulan at malamig ang simoy ng


hangin. Sa ganitong sitwasyon, ano ang maaari mong isuot upang
maging komportable ang pakiramdam mo?
a. manipis na damit b. maikling pantalon c. jacket

_____________19. Ang tiyuhin ni Vina ay isang magngingisda. May


babala na may malakas na bagyong paparating sa kanilang lugar.
Ano ang dapat ipayo ni Vina sa kanyang tiyo?
a. Tumuloy siyang mangisda para kumita ng malaki.
b. Pumunta na lamang sa palengke.
c. Huwag na munang umalis ng bahay nila.
_____________20. Bumili ka ng lollipop at kendi. Saang basurahan mo
ito dapat itapon?
a. nabubulok b. di-nabubulok c. kahit saan

_____________21. Alin sa mga ito ang may magandang kapaligiran?


a. maraming halaman pero winawasak ng mga hayop
b. maraming puno at halamang nakatanim
c. maraming kalat at dumi sa paligid

_____________22. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng


pangangalaga sa kapaligiran?
a. Pagtatapon ng basura sa mga kanal
b.Pagsunog ng basura saan mang lugar
c. Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan

_____________23. Uri ng sasakyan na may tatlong gulong.


a. dyip b. motorsiklo c. traysikel

_____________24. Alin sa mga sumusunod ang paaralang nais mong


pasukan?
a. Isang tahimik at malinis na paaralan c. magulo at maruming
paaralan
b. Maingay at masayang paaralan

_____________25. Bakit kailangang panatilihing malinis ang ating


kapaligiran?
a. upang lagging manalo sa paligsahan ng palinisan
b. upang manatiling malusog ang mga tao
c. upang yumaman ang mga tao

III – Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang karapat-dapat na gawain at ekis


(x) kung hindi nararapat.

_____________26. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

_____________27. Sunugin ang lahat ng basura sa paligid.

_____________28. Tumulong sa pagtatanim sa paligid sa paaralan.

_____________29. Magsulat sa mga dingding ng mga gusali sa


paaralan.
_____________30. Tumulong sa paglilinis ng mga kanal sa paaralan.

4th PERIODICAL TEST


ARALING PANLIPUNAN 1
TABLE OF SPECIFICATIONS

Antas ng Pagtatasa
Pag PA PA PA PA
bab GL GA G GLI
PA
Bilang Bilang alik AL NA AT KH
G
Pamantayan sa - AP LIS AT A
CODE ng % ng UN
Pagkatuto tana AT/ A AY
Araw Aytem A
wo PA A
W
Kaisi GG
A
pan AM
IT
AP1KAPIVa-1 Nakikilala ang konsepto ng 3
distansya at mga gamit nito
sa pagsukat ng lokasyon. 6% 2 1 2

AP1KAPIVa-2 Nagagamit ang iba’t ibang 2


katawagan sa pagsukat ng
lokasyon at distansya sa
pagtukoy ng mga gamit at
4% 1 3
lugar sa bahay (kanan,
kaliwa, itaas, ibaba, harapan
at likuran)

AP1KAPIVb-3 Nailalarawan ang kabuuan 3


at mga bahagi ng sariling
tahanan at ang mga 6% 2 4 5
lokasyon nito

AP1KAPIVb-4 Nakagagawa ng payak na 2


mapa ng loob at labas ng
tahanan 4% 1 6

AP1KAPIVc-5 Naiisa-isa ang mga bagay at 3


istruktura na makikita sa
nadadaanan mula sa
6% 2 7 8
tahanan patungo sa
paaralan

AP1KAPIVc-6 Naiuugnay ang konsepto ng 2


lugar, lokasyon at distansya
sa pang-araw-araw na
buhay sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng 4% 1 9
transportasyon mula sa
tahanan patungo sa
paaralan

AP1KAPIVd-7 Nailalarawan ang 3


pagbabago sa mga
istruktura at bagay mula sa
tahanan patungo sa 10,
6% 2
paaralan at natutukoy ang 11
mga mahalagang istruktura
sa mga lugar na ito.

AP1KAPIVd-8 Nakagagawa ng payak na 2


mapa mula sa tahanan
patungo sa paaralan 4% 1 12
AP1KAPIVe-9 Natutukoy ang bahagi at 5
gamit sa loob ng silid- 13,
10
aralan/ paaralan at 3 14,
% 15
lokasyon ng mga ito

AP1KAPIVf-10 Nakagagawa ng payak na 5


mapa ng 16,1
10
silidaralan/paaralan 3 7,
% 18

AP1KAPIVg-11 Naipaliliwanag ang 5


konsepto ng distansya sa 19,2
pamamagitan ng nabuong 10
3 0, 29
mapa ng silid-aralan at % 21
paaralan

AP1KAPIVh-12 Nakapagbigay halimbawa 5


ng mga gawi at ugali na
makatutulong at 22,2
10
nakasasama sa sariling 3 3,
% 24
kapaligiran: tahanan at
paaralan

AP1KAPIVh- Naipakikita ang iba’t ibang 5 25,26,


pamamaraan ng
12 27
pangangalaga ng 10
kapaligirang ginagalawan sa 3
%
tahanan, sa paaralan at sa
komunidad.

AP1KAPIVj- Naipakikita ang 5


pagpapahalaga sa
14
kapaligirang ginagalawan sa 10
3 28 29 30
iba’t ibang pamamaraan at %
likhang sining.

100
TOTAL 50
%
30 4 7 3 8 1 7

Porsyento 23
100% 13% 10% 27% 3% 23%
%
Answer Key

ARALING PANLIPUNAN

1. T 21. b
2. T 22. c
3. T 23. c
4. M 24. a
5. T 25. b
6. T 26. ✔
7. T 27. x
8. T 28. ✔
9. M 29. x
10. T 30. ✔
11. c
12. a
13. c
14.b
15. b
16. a
17. c
18. c
19. c
20. b

You might also like