0% found this document useful (0 votes)
87 views6 pages

Diagnostic Test

Sample of Diagnostic Test in EsP 9
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
87 views6 pages

Diagnostic Test

Sample of Diagnostic Test in EsP 9
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI - Western Visayas
Division of Antique
District of Patnongon II
LIRIO M. ESCAÑO NATIONAL HIGH SCHOOL
Carit-an, Patnongon, Antique

DIAGNOSTIK NA PAGSUSULIT SA EsP9


S.Y 2024-2025
PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tunay na laayunin ng Lipunan?
A. Kabutihang Panlahat C. Katiwasayan
B. Kapayapaan D. Kasaganaan

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga element ng kabutihang panlahat?
A. Kapayapaan C. Paggalang sa indibidwal na tao
B. Katiwasayan D. Tawag ng kaarunugan at kapakanang panlipunan ng lahat

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?


A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito.

4. Alin sa mga sumusunod na element ng kabutihang panlahat ang nangangahulugan ng pagkakaroon ng


katahimikan, kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay?
A. Kapayapaan B. Paggalang C. Kabutihang Panlahat D. Katarungan

5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa Lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil sa lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

6. Ano ang dapat na maging isang instrument upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao?
A. Kabutihang Panlahat B. Karapatang Pantao C. Lipunan D. Kalayaan

7. Sino ang nagsasabing “ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi
para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan”?
A. John Rawls B. Santo Tomas de Aquino C. Dr. Manuel Dy D. Andres Bonifacio

8. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao
ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga
tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kanilang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-
aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang lipunan ang na nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat
ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa Lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang
pagkatao.
9. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao.
A. Kapayapaan B. Kalayaan C. Pag-unlad D. Kabutihang Panlahat

10. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang
mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang dito.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin, at pagpapahalaga samatalang
sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?


A. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.
B. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
C. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang.
D. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.

12. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
A. Batas B. Kabataan C. mamamayan D. mamamayan at pinuno

13. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibiduwal?
A. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan C. Pagkapanalo sa halalan
B. Angking talino at kakayahan sa pamumuno D. Kakayahang gumawa ng batas

14. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
A. mamamayan/ kabutihang panlahat C. mga lider sa gobyerno
B. pangulo sa bansa D. mamamayan

15. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito?
A. lipunang politikal B. pamayanan C. kamunidad D. pamilya

16. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng inumin ng pamilya nina Suzanne. Mabenta
ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan.
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan.
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

17. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng “softdrinks in can” ang proyektong “Ang latang naitabi mo, tulong
sa kapwa mo”. Ang mga nalikom na lata ng softdrinks ay iri-recycle sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong
produkto na maaaring ipagbili upang makalikom ng pera na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang
programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng
isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha
ng produkto, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao.
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao.
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos.
18. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero
hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya
sa paggawa?
A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.
B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho.
C. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap.
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.

19. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa
pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala
bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ng
benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?
A. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
B. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro
bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa.
C. Oo, sapagkat ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang nararapat bigyan
o gawaran nito.
D. Hindi, ibinigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.

20. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay
dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang
gusto at hilig. Ano ang katangian mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte at matalino.
B. May pananampalataya, malikhain, at may disiplina sa sarili.
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa.
D. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.

21. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti o dekorasyong siguradong mabenta. Ano
ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
A. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
B. personal na kaligayahan na makukuha mula dito
C. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
D. kaloob at kagustuhan ng Diyos

22. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?


A. Mapabibilis ang paggawa.
B. Magkakaroon ng sense of achievement.
C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

23. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?


A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.
B. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.
C. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
D. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginawa.

24. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspeto?
A. Pamamahala ng oras
B. Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay
C. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
D. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura
25. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi
upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuoan. Alin ang maaaring maging instrumento upang
maisabuhay ito?
A. Gumawa ng produkto o gawain para sa tao at sa Diyos.
B. Gumawa ng produkto o gawain na pagkakakitaan.
C. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa.
D. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan.

26. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
A. Iba iba ang ating mga kakayahan
B. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
C. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
D. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nang mag-isa

27. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:


A. Ang lahat ay magiging masunurin
B. Walang magmamalabis sa lipunan
C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
D. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan

28. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


A. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa
B. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon

29. Ano ang pangunahing layunin ng Lipunang Sibil?


A. Pagtalakay ng mga suliranin ng karamihan
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
C. Pagpaparating ng mga daing sa pamahalaan
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

30. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng mass media?


A. Impormasyong hawak ng nakararami
B. Paghahatid ng maraming impormasyon
C. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
D. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.

Inihanda ni:
Gng. Nelissa Pearl C. Untal
Guro sa EsP
1. Pinalitan mo ang Pangulo ng Student Government sa inyong paaralan dahil lumipat siya sa malayong lugar.
Maraming nagsasabi na hindi mo kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating nya. Alin sa
sumusunod ang dapat mong linangin upang mapatunayan na ikaw ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa
iyo? A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating pangulo ng Student
Government B. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan C. Maging masipag, masigasig at
malikhain sa pagsasabuhay ng iyong trabaho/responsibilidad D.Sundin ang payo ng mga nakakatandang
kasamahan upang maging maganda ang iyong relasyon sa mga ito.

2. Bata ka pa lamang ay pinangarap mo ng maging isang guro tulad ng iyong mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang dapat mong isaalang-alang upang maging madali sa iyong abutin ang iyong pangarap at sa
huli’y magkaroon ka ng kagalingan sa paggawa A. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina
sa sarili B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos C. Maging
matalino, marunong magdala ng damit at magaling makipag-usap D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin
ang sarili sa lahat ng pagkakataon

3. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok,
napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tiningnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito
nagtagumpay? A. Itinuring niya itong hamon na kailangang lampasan B. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-
isipan ang gagawing hakbang C. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya D. Ang pagkadapa ay hindi
senyales upang tuluyang malugmo

4. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama? A. Laging
nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke. B.
Gumugugol ng maraming oras si Leonardo da Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng
bulaklak at dahon. C. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng
palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem. D. Bumubuo ng
refleksyon ayon sa konklusyon na nabuo ng mga Scientist habang inoobserbahan ang kanilang specimen.

5. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito. A. Masuwerte ang tao
dahil binigyan siya ng oras. B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang
gawin. C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kanya. D. Tungkulin
ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.

6. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang
nagpapakita nito? A. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay. B. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay
na siya sa gawaing ito. C. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay. D.
Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.

7. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas? A. Tutok sa prayoridad B. May nabuo na
tunguhin ng gawain C. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan D. Nagkakaroon ng oras ng
pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa.

8. Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain
o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa
pagkakataong ito? A. Magtakda ng tunguhin B. Gumawa ng prayoritisasyon C. Bumuo ng iskedyul D.
Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
9. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa
iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap
na ito? A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa. B. Alamin kung ano ang agarang
pangangailangan ng bansa. C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.

10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain? A. May tunguhin,
prayoridad, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa. B. May tunguhin, oras sa prayoridad,
pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa. C. May tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsyon,
pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa. D. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga,
paglilibang, pagkakawanggawa at master iskedyul.

Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan, maliban sa:


A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng may kasiyahan at positibo sa isang gawain.
C. Ito ay nakatutulong sa tao sa kaniyang pakikipag relasyon sa kaniyang gawain, kapwa, at lipunan.
D. Ito ay paglalaan ng sapat na panahon upang maisakatupan ang isang gawain.

27. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging
maayos ang kalalabasan nito. Ano kaya ang palatandaan ng kasipagan ang taglay ni Rony?
A. Hindi umiiwas sa anomang gawain.
B. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
D. Hindi nagrereklamo sa paggawa.

28. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makamit ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi

29. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao upang higit na makapagbigay sa iba.
A. Pag-iimpok A. Pagtitipid C. Pagtulong D. Pagkakawanggawa

30. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?


A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung anong mayroon.
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong sa kapuwa.
C. Maging maingat sa paggastos at maging simple sa pamumuhay.
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga sa mga gawain.

You might also like