To our supportive guest of Calbayog City Division, Dr. Avelina P.
Tupa, EPS in Araling Panlipunan, To our gorgeous
PSDS of Calbayog 5 district, Mr. Elbert G. Ongcal, To the young and energetic administrators of Calbayog 5 district, to
our dear school Head Mr. Rafael M. Mente, to our Enthusiast Guest Patrolwoman JENNY DELA PENYA BAXIMEN of
Philippine National Police from the first Samar Provincial Mobile Force Campany, to the Brgy. Officials Headed by
Brgy. Captain Jovito M. Antivo, teachers, dear parents, ladies and gentle, and fellow graduates, GOOD MORNING.
First of all, I would like to thank our almighty FATHER, for this especial day happened in our lives, at ako po ay
lubos na nalulugod, at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalitasa harapan po ninyong lahat. Hindi po
lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay mahirap, ngunit kung ano ang hirap ng estudyante upang
mag-aral ay siya ring hirap ng mga guro sa pagtuturo lalo na sa mga estudyanteng laging late o absent. Madalas
sa ating mga estudyante ay kina-iinisan natin ang mga gurong laging pumupuna ng ating mga marka
at pag-uugali, ngunit ito ay ilan lamang sa mga patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa
propesyon, kundi guro na nagmamahal ng kanyang mga estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming maraming
salamat po sa walang sawang pagga-gabay sa amin sa tamang daan.
Sa aking mga magulang at pamilya, nais ko pong magpasalamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ibinigay
niyo sa akin. Ang mabigyan ng pagkakataon upang mag- aral ay isa sa mga pinakananais ng bawat PILIPINO, at ako
ay nabigyan ng pagkakataon upang matupad ko ang aking mga pangarap. Alam kong responsibilidad ng isang
magulang ang mapag-aral ang kanyang mga anak, ngunit naniniwala akong ito ay mas higit pa sa responsibilidad,
ito ay pagmamahal nila sa atin. “Pagmamahal na higit pa sa ating inaasahan. Sanglit papa ngan akon mga
kabugtuan bisan harayo si mama WENA sa aton, amon ipapakita sa iyo nga kami magtutuhay ngan maniguro san
amon pag-aram na maging proud kamo sa amon pag-abot san panahon, kay maaram kami san iyo kakuri nga gin
aagian magka may-ada la kami san maupay nga kabubuwason.
At sa aking mga kaklase na nakakasama ko ng walong oras at limang beses sa isang linggo. Maraming
Salamat sa lahat ng experience at bonding sa 6 na taon. Isa kayo sa mga tumulong sa akin upang
mahubog ang aking personalidad. Sa pagtungtong natin sa JHS mas marami pa tayong landas na tatahakin at
inaasahan kung ako parin ang mangunguna sa klase (joke la) at alam kong marami pa tayong masasayang ala-ala
na magagawa sa pagtongtong natin sa susunod na baitang ng ating pag-aaral. Naway magtagumpay tayo sa
anumang landas na ating tatahakin. K a y a s a m g a e s t u d y a n t e n g katulad ko, wag po natin ipa-sa walang
bahala ang pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang.
At sa akin, sa ating pagtatapos, naway wag nating kalimutan ang lahat ng ating natutunan. Sa
pagtatapos nating ito, isang pinto na naman ang magbubukas para sa ating hinaharap ngunit hindi ibig
sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa ating buhay. Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi
importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit
ang mga ito. Muli maraming maraming salamat po at Mabuhay tayong lahat.