First Periodical Test
Araling Panlipuan 2
Pangalan ________________________________________ Score _______________
Baitang/Seksyon _________________________________ Petsa
_______________
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
1. Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkakaulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
A. mag-anak B. komunidad C. pamahalaan D. Mall
2. Ano ang dapat na nahuhubog sa isang komunidad?
A. pagkakaisa C. pagtutulungan
B. pag-uugnayan D. lahat ngnabanggit
3. Saan maaring matagpuan ang isang komunidad?
A. tabing dagat/ ilog C. kabundukan
B. kapatagan D. lahat ng nabanggit
4. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng komunidad?
A. hardin B. plasa C. barangay D. mall
5. Ano dapat ang mapapansin sa isang komunidad?
A. May mga taong laging nag-aaway
B. Magulo at maraming basura
C. Malinis, maunlad at payapa
D. Walang pagkakaisa at pakikipag-ugnayan
6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang wasto?
A. Malaki ang epekto ng komunidad sa paghubog ng ugali ng isang bata
B. Ang bata ay lalaking maayos sa magulong komunidad
C. Lalaki ng walang paggalang ang mga bata
D. Walang epekto ang komunidad sa paglaki ng bata
7. Ang malinis na komunidad ay mahalaga upang _____.
A. Malayo sa sakit ang mga taong nakatira dito
B. Maging maunlad ang pamumuhay ng mga tao
C. Maganda at maayos ang pakikipag-ugnayan
D. Lahat ng nabaggit
8. Ang namumuhay sa komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga _______.
A. Ibon B. Tao C. Halaman D. Bagay
9. Dito hinuhubog ang kaalaman ng mga kabataan / mamamayan tungo sa
pag-unlad.
A. Simbahan B. Health Center C. Paaralan D. Parke
1o.Dito nagsamasama ang mga tao upang maglaro at maglibang.
A. Health Center B. Pamilihan C. Parke/Palaruan D.
Simbahan
11 Ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad
A. Tama B. Mali C. Di tiyak. D. Di
wasto
12. Bawat komunidad ay may pagkakaiba at pagkakatulad.
A. Mali B. Tama C. Siguro D. Hindi
ko alam
13. Si Ruel ay nakatira sa Barangay Libis. Anong impormasyon ang
tinutukoy?
A. Pangalan ng komunidad C. Wika
B. Relihiyon D. Grupong Etniko
14. Tagalog ang ginagamit naming sa pakikipag-usap sa mga tao. Anong
Inpormasyon ang tumutukoy sa Tagalog?
A. Dami ng tao B. Pangkat Etniko C. Relihiyon D. Wika
15. .Ano ang ibig sabihin ng simbolong ito ?
A. tahanan B. Paaralan C. Ospital D. Kabahayan
16. Alin sa mga larawan ang sumisimbolo sa mga kabahayan?
A. B. C. D.
17. Kung nakaharap ka sa paaralan, anong direksiyon naroroon ang
barangay hall ng Sta. Arcadia?
A. siangan B. kanluran C. Hilaga D.
Timog
18. Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
A. lambak B. burol C. bundok D.
kapatagan
19. Ano ang anyong tubig na naliligiran ng lupa?
A. lawa B. Ilog C. look D.
karagatan
20. Ang pamilya ni Mang Roberto ay naliligo sa dagat. Masayang –masaya
ang mga bata sa paliligo sa ilalim ng araw. Anong uri ng panahon ang
naranasan nila?
A. Taglamig B. Tag-init C. Tag-ulan D. Tag-
tuyo
21. Maraming bata ang di makapasok sa paaralan. Baha sa kanilang lugar.
Sila ay nakaranas ng anong uri ng panahon?
A. tag-init B. tag-tuyo C. tag-ulan D.
taglamig
22. Ang mga sumusunod ay natural na kalamidad na naganap sa
komunidad, maliban sa isa.
A. bagyo, baha B. lindol, el Niño C. kulog, kidlat D. brown out,
sunog
23. Ang pagpuputol ng puno at pagmimina sa kabundukan at kagubatan ay
sanhi ng pagkakaroon ng ____.
A. ulan B. baha C. bagyo D. lindol
24. Ano ang magiging epekto ng pagsabog ng bulkan sa tao at sa mga
anyong lupa at tubig na malapit dito?
A. Mamamatay ang mga isda C. Masisira ang mga
tahanan
B. Masisira ang mga pananim D. Lahat ng nabanggit
25. Alin sa sumusunod ang mangyayari kung hindi maaayos ang linya ng
koryente sa bahay at iba pang gusali?
A. ulan B. sunog C. bagyo D. lindol
26. Tuwing tag-ulan, bumabaha sa inyong komunidad. Ano ang mungkahing
gawin
A. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at estero
B. Gawing swimming pool ang mga estero
C. Huwag lumabas ng Bahay
D. Lagyan ng harang ang mga ilog
27. Inaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-ulan . Alin
ang dapat nilang isuot?
A. maninipis na damit B. sando at shorts C. mahihigpit
D. kapote at bota
28.. Ibinabagay ng mga tao ang kanilang kasuotan kapag tag-init. Alin ang
dapat nilang isuot?
A. kasuotan B. sando at shorts C. makapal na
damit D. dyaket
29 Saan ang kinaroroonan ng komunidad na maraming matataas na gusali?
A. Kagubatan B. Sakahan C. Lungsod D.
Industriyal
30. Karaniwang mangingisda ang hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa
ganitong komunidad.
A. Kapatagan B. Tabing-dagat C. Industriyal D.
Kabundukan