0% found this document useful (0 votes)
50 views5 pages

PT Q1 Esp

ESP First Quarter Test
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
50 views5 pages

PT Q1 Esp

ESP First Quarter Test
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

35 COPIES

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat : _____________________
I. Sagutin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa katatagan ng
loob. Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang mapaunlad ang
katangi-tanging kakayahan.
___1. Ang ating mga natatanging kakayahan ay regalo mula sa sa Maykapal.
___2. Dapat na itago at ikahiya ang ating mga kakayahan.
___3. Hindi dapat ibinabahagi ang mga kakayahan ng isang tao.
___4. Hindi dapat magalit kung itinatama ang mga mali dahil ito ay
magpapaunlad sa kakayahan.
___5. Ang ating mga kakayahan ay dapat na pagyamanin at paunlarin
___6. Mahalagang ipakita sa mga kamag-aral, kaibigan o pamilya ang mga
kakayahan upang malaman kung alin pa ang dapat paunlarin.
___7. Nararapat lamang pintasan ang kakayahan ng ibang tao lalo at hindi ito maganda.
___8. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang puna ng ibang tao.
___9. Ang ating mga kakayahan ay hindi dapat ibahagi sa kapwa.
___10. Hindi mahalaga ang pagpapakita ng ating kakayahan.
II. Iguhit ang puso kung nagpapakita ng pagtitiyaga at kidlat kung
hindi.
___11. Naghintay sina Tina at Aira kay John kahit ito ay lampas na sa kanilang usapan.
___12. Tinapos ni Rossan ang kanyang pinag-aaralan kahit ito ay mahaba.
___13. May sira ang damit ni Marian, itinapon niya ito dahil walang mananahi nito.
___14. Masayang naghuhugas ng plato si Ana kahit may karamihan ito.
___15. Isa –isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam
niyang mahalaga ito at wala silang sapat na salapi para ipambili ng sobra.
___16. Nakipag-unahan si Erick na makasakay sa jeep dahil gusto niyang makauwi ng maaga.
___17. Matiyagang nag-iipon ng tubig sina Jomer dahil ito lamang ang oras na may tubig sa
kanilang bahay.
___18. Tinahi ni Maricel ang mga pahina ng kanyang kuwaderno na wala pang sulat upang
magamit niya ito.
___19. Kahit tapos na ang klase, matiyagang hinihintay ni Maya ang kanyang
ina upang sunduin siya.
___20. Inilipat ni Manuel ang channel ng telebisyon kahit nanonood ang
kanyang kapatid dahil oras na ng kanyang paboritong palabas.
III. Basahin ang bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
patlang.
____ 21. Si Jayson ay bagong lipat galing sa Mababang Paaralan ng Alfonso. Isa - isang tinawag
ng guro ang mga bagong mag-aaral para magpakilala. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. magkunwaing hindi narinig ang pagtawag ng guro sa kanyang pangalan.
b. Tatayo sa harap at ipapakilala ang sarili.
c. Sasabihin sa guro na nahihiya siya d. Lalabas ng sili- aralan.
____ 22. Anong katanngian ang ipinakita ni Jayson nang siya ay tumayo at magpakilala?
a. Katatagan ng loob b. pagkamahiyain
c. pagiging matapat d. pagkamatatakutin
____ 23. Si Paula ay may kakayahang sumayaw at nais ng kanilang guro na ipakita niya ito sa
palatuntunan sa Buwan ng Wika. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Sasabihin sa guro na hindi niya kaya.
b. Tatanggapin ang alok ng guro at ipapakita ang galing sa pagsayaw.
c. Magdadahilan sa guro para hindi isali sa palatuntunan.
d. Hindi na siya papasok sa klase.
____ 24. Ano ang nararapat mong gawin kung ang uniporme mo ay may punit?
a. Itapon dahil ayaw mong manahi. b. Tahiin upang maisuot muli.
c. Ipamigay sa kakilala d. Papabili ng bagong uniporme.
_____ 25. Oras ng rises, gutom na gutom ka na. Mahaba ang pila. Ano ang gagawin mo?
a. Maghihintay sa pila. b. Makikisingit sa pila.
c. Magpapabili sa nauna sa pila. d. Hindi ka na lang magririses.
_____ 26. Nais mong bumili ng bagong laruan ngunit kulang ang pera mo. Ano ang gagawin
mo?
a. Hihingi ng pera sa magulang. b. Manghihiram ng pera sa kaibigan.
c. Mangugupit kay nanay. d. Maghintay na makompleto ang pera.
_____ 27. Galing sa mahirap na pamilya si Dr. Noel Garcia, ngunit hindi ito naging hadlang
para
magtagumpay sa buhay. Anong katangian ang ipinamalas ni Dr. Garcia?
a. pagkamatiisin b. mapagpasensiya
c. mapagtimpi d. pagiging matiyaga
_____ 28. Isa -isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang
mahalaga
ito at wala silang sapat na pera para ipambili. Anong katangian ang ipinakita ni Nica?
a. pagkamatiisin b. mapagpasensiya
c. mapagtimpi d. pagiging matiyaga
_____ 29. Sunod- sunod ang utos ng iyong nanay. Nagkataon na naglalaro kayo
ng mga kaibigan mo? Ano ang gagawin mo?
a. Masayang susunod sa utos ng nanay b. Hindi papansinin ang utos ni nanay.
c. Sasabihin sa nanay na mamaya na lang d. Wala sa nabanggit.
_____ 30. Namamasyal kayo ng nakababata mong kapatid sa mall . Bigla
ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
a. Tatakbo palabas. b. Huminto sa paglakad at manatiling mahinahon.
c. Magtatago d. Lumakad nang mabilis.
IV. Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na balita. Tukuyin kung anong uri ng balita
ang mga ito. Isulat ang A. kung mabuting balita, B- kung mapaghamong balita,
at
C- kung mapanirang balita.
_____ 31. Namigay ng llibreng gamit sa eskwelahan ang kapitan ng barangay sa mga mag-
aaral.
_____ 32. Nabaril ng pulis ang magnanakaw ng cellphone.
_____ 33. Nanalo ang Pilipinas sa nakaraang Basketball Championship Game.
_____ 34. Mga eskwelahan nababahala dahil sa malakas na bagyo, klase naapektuhan.
_____ 35. Vice - President ng bangko, ninakaw ang pondo.
V. Basahin ang bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa
patlang.
____ 36. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?
a. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
b. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
c. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
d. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.
____ 37. Magiging mahinahon kaba kung may sunog malapit sa inyong bahay?
a. Hindi po, kasi baka abutin kami.
b. Hindi po, magsisisigaw ako sa takot.
c. Opo, kasi kapag di ako huminahon baka mag “panic” ang iba pang tao.
d. Walang pakialam kasi di naman kami ang nasusunugan.
____38. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong
kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas.
Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin
mo?
a. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
b. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
c. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
d. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang taga-linis sa araw na iyon.
____39. Kung naitulak ka habang bumibili ng pagkain, pagsasalitaan mo ba
nang masakit ang may kasalanan?
a. Opo, dahil nasaktan ako. b. Opo, dahil ito ang dapat.
c. Hindi po, dahil maling gumanti sa kapwa. d. pag-iisipan ko pa po
____ 40. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong
“loombands”.Itinago
mo ito bago pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay nagkalat ang mga ito at ang
iba
ay itinapon ng iyong nakakabatang kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Mag-iiyak ako b. Aawayin ko ang aking kapatid.
c. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid
d. Magtitimpi ako at iaayos ang natitirang “loombands”.

FIRST QUARTER ASSESSMENT IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)


GRADE4

TABLE OF SPECIFICATIONS
No. Most Essential No. Blooms’ Taxonomy (Cognitive Level)
Learning of
Competencies Item
EASY AVERAGE DIFFICULT
s
(30%) (60%) (10%)

Un
Rem de An
Ap Eval Cr
emb rst aly
ply uati eat
erin an zin
ing ng ing
g din g
g

1 Nakapagsasabi ng
katotohanan 20
anuman ang 10 10
maging bunga nito.
(Perseverance and
Fortitude)

2 Nakapagsusuri ng
katotohanan bago 6
gumawa ng 6
anumang
hakbangin o
pagsangguni sa
taong kinauukulan.
( Patience)

3 Nakapagnilay -nilay
ng katotohanan 5
5
mula sa mga
balitang
napakinggan at
patalastas na
nabasa o narinig.

4 Nakapagsasagawa
nang mapanuring 9
pag-iisip ng tamang 4 5
pamamaraan/
pamantayan sa
pagtuklas sa
katotohanan.
( Calmness)

TOTAL 40 16 15 4 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

SUSI SA PAGWAWASTO
I.
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10. MALI

II.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.

III.

21. B
22. A
23. B
24. B
25. A
26. D
27. D
28. A
29. A
30. B

IV.
31. A
32. B
33. A
34. B
35. C
V.
36. C
37. C
38. B
39.C
40.D

Inihanda ni/nina:

ALMA B. FLORES
MT – I
Concepcion West District

You might also like