*Entrance* (Expression, Eye contact, and On character)
*MAGPAPAKILALA*
Lakandiwa/Tagapamagitan
Sa dakilang araw na ito, tayo'y nagtitipon,
Upang talakayin ang isyung napapanahon.
Sa wikang katutubo ba tayo'y aasa?
O sa banyagang wika, may pag-asa nga ba?
Tayo'y magbabalagtas sa isyung masigla,
Dalawang panig ang magpapakilala ng totoo at tama.
Unang magsasalita ay ang Filipino, Pangalawa’y Ingles.
Ngayon, ang unag tagapagsalita ay maghahayag na.
A. (Panig ng Wikang Filipino)
Sa salitang Filipino, nariyan ang pag-asa,
Sa bawat mag-aaral, siya'y magsisilbing gabay na wagas.
Puso't diwa ng bayan, taglay ng ating wika,
Kaluluwa ng edukasyon, ito'y kayamanang likas.
Di ba't sa sariling wika, mas madali ang pagkatuto?
Malinaw ang ideya, diwa’y mabilis na bumubuo.
Bakit pipilitin ang banyagang wika,
Kung sa atin, kayang makuha ang ating mithiin, sa adhika?
Sa wika ng bayan, talino’y sumisibol,
Pag-unawa’y lalim, damdamin ay bumubukal.
Mga aklat at aralin, sa sariling kultura,
Nagiging makabuluhan, tunay at masaya.
Lakandiwa/Tagapamagitan:
Sa salitang matuwid at may lalim ang pag-asa,
Ngayo'y pakikinggan ang sumasalungat na kataga.
Narito ang tagapagsalita mula sa panig ng banyaga.
B. (Panig ng Wikang Banyaga/ Ingles)
Ang Ingles ay wikang pandaigdigan,
Ito'y susi sa tagumpay, sa bawat sulok ng daigdig.
Globalisasyon ang hatid ng banyagang salita,
Tulay patungo sa kaunlaran, hindi dapat isantabi basta.
Ang edukasyong pambansa, dapat may pandaigdigang pananaw,
Kaya't Ingles ang susi sa bawat adhikain at pangarap na silaw.
Sa wikang ito, mas malawak ang oportunidad,
Mga mag-aaral, handa na sa hamon ng malawak na dagat.
Di ba’t sa wikang Ingles, nagiging globally competitive?
Trabaho’t karera, tiyak na positive.
Kung ang pag-unlad ng bayan ang tunay na layunin,
Ingles ang daan patungo sa karangyaan at ginhawa ng atin.
Lakandiwa/Tagapamagitan:
Malinaw ang salaysay ng dalawang panig,
Ngayon ay pakinggan ang kanilang saliksik.
Paglilinaw at pagpapalawig, sagutan ay hatid,
Upang mas mapalalim ang ating pag-unawa sa layunin.
A. (Panig ng Wikang Filipino)
Sa aking kapwa mambabalagtas, nais kong bigyang-diin,
Globalisasyon man ang layunin, dapat nating isipin.
Ang sariling wika ang tunay na landas,
Sa mas malalim na pagkaunawa at tamang kaisipan, walang pasubali't wagas.
Sabi mo’y Ingles ang susi sa tagumpay,
Ngunit bakit maraming bansa ang sariling wika ang sandigan?
Tingnan ang Hapon, Korea, at Tsina,
Sa kanilang wika, umunlad nang hindi sa Ingles nakatala.
Sa pag-aaral, napatunayang maliwanag,
Na ang pagkatuto sa unang wika ay higit na mainam at mas matagumpay.
Manunula B (Panig ng Wikang Banyaga/ Ingles)
Sa iyong mga tinuran, tila may katotohanan,
Ngunit huwag kalimutan ang layon ng karangalan.
Sa Ingles, may malawak na oportunidad.
Huwag magpaalipin sa makitid na pananaw,
Global ang hamon, ito ang ating tanaw.
Ingles ang wika ng agham at kalakalan,
Sa wikang ito’y tagumpa’y makakamtan.
Lakandiwa/Tagapamagitan:
Mga kapwa Balagtas, napakingan na nag dalawang panig,.
Ngayon ay inyong hatulan, aling wika nga ba?
Ngunit bago tayo magwakas at magbigay pasya,
Ang dalawang mambabalagtas aymagbibigay ng panghuling salita,
Upang tuluyang maisara ang usaping mahalaga.
Manunula A (Panig ng Wikang Filipino)
Sa aking huling tinig, nais kong ipabatid,
Ang wika ng bayan ay dapat nating ipaglaban, mahigpit.
Sa Filipino, tayo’y nagiging tunay na Pilipino,
Sa edukasyong may damdamin, tayo’y uunlad ng wasto.
Huwag nating hayaang tayo’y makalimot,
Sa sariling wika, tayo'y dapat magmalasakit.
Sa Filipino, tagumpay ay hindi malabo,
Sa puso’t diwa, bayani ng lahi, tayong totoo.
B. (Panig ng Wikang Banyaga/ Ingles)
Sa huling tugon, nais kong idiin,
Na ang Ingles ang susi sa ating pag-angat at panindigan.
Sa daigdig na global, tayo’y aangat,
Sa Ingles, ang landas ay tagumpay tiyak at maliwanag.
Ang Filipino ay mahalaga, hindi ko tinatanggihan,
Ngunit Ingles ang magdadala sa atin sa hinaharap na kaalaman.
Kaya’t huwag nating limitahan ang ating pangarap,
Sa Ingles, tayo’y mayroong mas malaking hinaharap.
Lakandiwa/Tagapamagitan:
Mga kapwa Balagtas, narinig n’yo na,
Ang dalawang panig na may magkaibang dila.
Ngayon ay inyong hatulan, timbangin at, isiping mabuti,
aling wika nga ang dapat mangibabaw,
Upang sa edukasyong pambansa, tayo'y magkaroon ng tamang ilaw?
Wikang Filipino o Wikang Ingles? Nasa inyo ang huling sagot na wagas.
Maraming Salamat.. Then exit