0% found this document useful (0 votes)
35 views2 pages

A P

ap notes

Uploaded by

Marian Dalogdog
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
35 views2 pages

A P

ap notes

Uploaded by

Marian Dalogdog
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

Ang Demand 2.

1
• ang dami ng produkto o serbasyo ng gusto at kayang bilihin ng mamimili sa iba't ibang presyo sa
isang takdang panahon.
• nagsisimula ang demana sa hilig kagustuhan, at pangagailangan na dapat matugunan.
• Ang pagtugun ng ating demand ay hindi pareho, ano man ang uri at dami nito mamahalin man o
hindi; dekalidad man o hindi depende na iyon sa kanyang hilig, kagustuhan, at higit sa lahat ang
kakayahang makabili

Batas ng Demand
Nagsasaad na mayroong inverse o magakasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ng
isang produkto na kung saan, kapag tumaas ang presyo, bumaba ang quantity demanded at kapag
bumaba ang presyo, tataas ang quantity demanded. Ang Ceterus Paribus ay nangangahulugang
magkasalungat ang relasyon ng presyo at demand at ipinapalagay na ang presyo lamang ang
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.

Mga Konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat na ugnayan ang presyo at Quantity
Demand:
• Substitution Effect - kapag tumaas ang presyo hahanap ng pamalit o mura ang mamimili.
• Income Effect-mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mababa ang presyo ng mga bilihin

Mayroong tatlong paraan ng pagpapakita ng konsepto ng demand, ang demand schedule, demand
curve, at demand function.
• Demand Schedule - Ang pagpapakita sa pamamagitan ng demand schedule ay higit na mauunawaan
sa pamamagitan ng isang talaan, ipinapakita dito ang talaan ng demand sa bawat pagbabago ng
presyo na habang bumababa ang presyo tumataas ang demand.
A. Demand Schedule - ay isang talaan na nagpapakita ng dami na handa at gustong bilhin ng
mamimili sa iba't ibang presyo.
B. Demand Curve - ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami - ng
handang bilhin ng mamimili.
C. Demand Function - Isang mathematical equation na may dalawang variables, ang Qd(Quantity
demanded)and tumatayong dependent variables na nagbabago kasabay sa pagbabago ng presyo P
(Presyo) bilang independent variables, Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. And
presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili

Halimbawa:
Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60-10P

Kapag ang presyo ay:


P=1.00, Qd=?
Qd=60-10P
Qd=60-10(1)
Qd=60-10
Qd=50 piraso

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND 2.2


1. KITA-Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang
partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili
ng mas maraming produkto.Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng
produkto ay nababawasan.
• Normal goods - dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita.
• Inferior goods-mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
2. OKASYON - sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang
okasyon na dumarating. Pinahahalaghan natinang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya
bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
3.PANLASA-Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag
ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa panlasa,maaring tumaas ang demand para dito.
4. DAMI NG MAMIMILI/POPULASYON-Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal and
tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat ang iba na
bumili.
5.INAASAHAN NG MGA MAMIMILI/ EKSPEKTASYON - sa panahon ngayon na maraming kalamidad
ang mangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, may kaguluhan at digamaan sa
pagitan ng mga bansa at di pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde, ang mga
konsyumer ay nag-isip na maaaring maaapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng
presyo ay maaaring maganap.
6.PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO - magkaugnay ang mga produkto sa
pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa't isa.
• Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit.
• Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo.
7.PRESYO NG IBANG PRODUKTO - Ang paggalaw ng presyo ay isang natural na pangyayari sa
pamilihan. Ang pangyayaring ito rin ang nagpapagalaw sa dalawang mahalagang konsepto ng may
ekonomiks, ang demand at supply.
8. PRESYO

2.3 Ang pagbabago ng presyo ay nagpapakita ng pagbabago sa dami ng handang bilhin ng mamimili
Ito ay naipakita sa paggalaw sa isang kurba (movement along the curve), sapagkat ipinalagay na ang
ibang salik ay hindi nagbago. Tanging ang presyo lamang ang nakaimpluwensya sa pagbabago ng
dami ng handang bilhin ng mamimili. Mapapansin na ang bawat pagbabago ay nakapaloob sa iisang
kurba ng demand, kaya ito ay tinatawag na paggalaw sa isang kurba.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na nakaaapekto sa Demand


1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang
mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilhin.
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming
mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba't ibang pamilihan. 3. Ang anumang pagbabago
sa mga nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga mamimili. Ang matalino pagtugon ng mga
mamimili sa mga nagbabagong salik ay napakahalaga.

2.5 Price Elasticity of Demand


• Elastic - 2 o -2 mahigit pa
• inelastic - 0.99 paba
• unitary o unit elastic - -1 o 1
• perfectly elastic - Hindi matanto o mabila ng
• perfectly inelastic demand - ay 0
2.6 SUPLAY tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Supply
• nagsasaad na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied. Kapag
tumaas ang presyo tumaas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili Kapag
bumaba ang presyo, bumaba rin ang dami ng produkto a serbisyo na handa at kayang ipagbili
• Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity
supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas rin ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus). • Ayon sa Batas ng Supply, sa
tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo,
ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng
produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batoyan ng prodyuser sa paglikha. Dahil dito, higil
ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.
Tatlong Paraan sa Paglalarawan ng Ugnayan ng Presyo at Supply:
•Supply Schedule - Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng supply
schedule. Ang supply schedule ay sang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagpili ng
mga prodyuser sa iba't ibang presyo.
• Supply Curve - Ang kurba ng suplay (supply curve) ay isang konsepto sa ekonomiks na nagpapakita
ng relasyon ng presyo ng isang produkto o serbisyo at ang kantidad na naisuplay sa isang takdang
panahon.
• Supply Function-Isang matematikong pagpapakila ng ugnayan ng presyo at quantity supplied Ang Qs
o Quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang Independent
varana big sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa
domi handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser.
Halimbawa:
Supply Function mula sa Supply Schedule para sa face shield: Qs=0+10P. Kapag ang P-1 Qs-? Kapag
ang P-5 Qs=?
Qs=0+10P
Qs=0+10(1)
Qs=0+10
Qs=10 piraso

You might also like