0% found this document useful (0 votes)
81 views11 pages

Araling Panlipunan 4

Araling Pang FILINO 4

Uploaded by

amalia rosa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
81 views11 pages

Araling Panlipunan 4

Araling Pang FILINO 4

Uploaded by

amalia rosa
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

Division Integration Assessment of Learning Monitoring and Evaluation (DIAL ME)


Year-end Assessment
SY 2022 – 2023

ARALING PANLIPUNAN 4

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan, unawain, at piliin ang tamang sagot.

1. Karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay kumikilala sa kapangyarihan ng bawat isa.


Alin sa mga sumusunod na elemento ng estado ang tinutukoy?

A. tao C. soberanya

B. territory D. Pamahalaan

2. Ang mga sumusunod ay elemento sa pagiging isang bansa MALIBAN sa, _________

A. tao C. soberanya

B. territoryo D. kayamanan

HK HS

Timog
Dagat ng S Dagat Pasipiko
Tsina K

TK TS

Celebes Sea
3. Kung ang anyong tubig na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas ay Dagat Pasipiko,
Anong anyong tubig ang matatagpuan natin sa gawing Timog?

A. Dagat ng Timog Tsina C. Dagat ng Vietnam

B. Celebes Sea D. Tañon Strait


4. Alin sa mga sumusunod na katubigan ang matatagpuan sa pagitan ng isla ng Cebu at
isla ng Negros na idineklarang protektadong tanawing dagat noong 1998 dahil sa labing-
apat (14) na ibat-ibang uri ng balyena at dolphin naninirahan dito?

A. Kipot ng Tañon C. Kipot ng San Juanico

B. Kipot ng Luzon D. Kipot ng San Bernardino

5. Ang bansang Pilipinas ay matatagpuan sa ekwador. Dahil dito alin sa mga sumusunod
ang hanapbuhay ang pinakamainam gawin ng mamamayan ng Pilipinas?

A. Pagsasaka at Pangingisda C. Pagnenegosyo at Pag-oopisina

B. Pagtotroso at Pag-uuling D. Pagtrabaho sa mga Pabrika.

6. Ang bansang Pilipinas kumakaharap ng ibat-ibang hamong pang-kapaligiran na dulot ng


pagbabago ng klima o climate change. Alin sa mga sumusunod na dulot ng climate
change ang palaging nararanasan ng bansa na nagdudulot ng pagkasira ng mga
tahanan, taniman, kabuhayan at kumikitil ng buhay?

A. Malalakas na lindol na sumisira ng tahanan

B. Pagkasunog ng mga kabahayan at taniman

C. Super Typhoon o Malalaki at malalakas na bagyo

D. Pagbaha na kumikitil sa buhay ng mga mamamayan at sumisira sa mga taniman.

7. Ang ating bansa ay nakakaranas ng labis na tagtuyot, pagtaas ng temperatura at


mahalumigmig na hangin. Ayon sa PAG-ASA ito ay dulot ng El Niño na tatagal hangang sa
Marso 2024 ng susunod na taon. Bilang isang mag-aaral alin sa mga sumusunod nararapat
mong gawin?

A. Magdala ng tubig at pamalit na damit kapag napapawisan.

B. Magtatakbuhan at maglalaro sa ilalim ng init ng araw.

C. Liliban sa klasi at maligo sa ilog, dagat o batis.

D. Papasok sa paaralan kahit na hindi pa oras ng iskidyul ng pagpasok.

8. Tumaas ang presyo ng mga agrikultural na produkto, dahil sa kakulangan ng supply,


kagaya ng sibuyas, karne ng baboy, isda at iba pa. Ano ba ang dapat linangin ng
pamahalaan upang ang ganitong uri ng problema ay hindi mangyari pa sa hinaharap?

A. Kamalayan sa yamang dulot ng agrikultura at ang kahalagahan nito

B. Kahalagahan ng lakas paggawa sa alin mang aspito ng buhay ng tao

C. Ang serbisyong mahusay ay nagdudulot nga kaginhawaan sa ecotorismo

D. Ang paglinang sa mga hilaw na material ay mainam para sa kaunlaran ng bansa.


9. Ang bansang Pilipinas ay dinadaanan ng halos dalawampong (20) bagyo bawat taon
ayon sa PAG-ASA, ang iba dito ay mga supertyphoons na nagdudulot ng pagkasawi ng
mga tao at pagkawasak ng mga tahanan, negosyo at mga pananim. Bilang isang mag-
aaral ano ang nararapat mong gawin kapag mayroong paparating na malaking bagyo na
dadaan sa tinitirhan mo?

A. Manatili sa bahay upang maging ligtas

B. Mamili ng maraming pagkain upang hindi magutom

C. Manood at makikinig ng balita magbabakasakaling ito ay lumihis.

D. Makinig sa anunsyo ng pamahalaan at sumunod sa ano mang mungkahi.

10.Nakikita mo sa paligid ng inyong tahanan ang samotsaring mga basura, mula sa plastik
na lalagyan ng mga junkfoods, mga bote ng alak at lata. Natutunan mo sa inyong
talakayan sa asignaturang science ang mga maaring maging dulot ng plastic sa
kapaligiran at kung paano ito nakakasira ng saribuhay (biodiversity) ng kalikasan, natutunan
mo naman sa inyong asignatura sa EPP ang panganib na dulot ng mga bote kapag ito ay
nabasag. Kung kaya alin sa mga sumusunod na hakbang ang iyong gagawin upang
maiwasan ang mga panganib na posibling dulot ng basurang nakapaligid sa inyong
tahanan?

A. Maglilinis ka at ilalagay mo lahat ng basura sa loob ng sako at ito ay ilagsa sa sulok.

B. Maglilinis ka at susunogin mo ang lahat ng plastic at ang mga bote at lata ay iyong
ibabaon sa lupa.

C. Maglilinis ka at paghihiwa-hiwalayin mo ang mga basura ayon sa uri nito, at ang mga
mapapakinabangan ay ilalagay sa loob ng sako at itatabi mo

D. Maglilinis ka at gagawin mong isang magandang likhang sining ang mga basurang iyong
napulot matapos ito paghihiwalayin at malinisan.

11. Ang bansang Pilipinas ay isang arkepilago, o bansang binubuo ng mga isla. Ito ay
napapalibotan ng tubig dagat at ang mga isla nito ay mayroong magagandang
dalampasigan na bumibighani sa mga bumubisita at dumadaung dito. Sa iyong palagay
ano kaya ang maaaring gawin sa mga likas na tanawin na biyaya ng kalikasan sa atin?

A. Ito ay dapat na itago sa publiko at mga banyaga sapagkat ito ay masisira lang.

B. Ito ay dapat linangin at pagandahin upang mapagkikitaan ng mga taong naninirahan


sa paligid.

C. Ito dapat gawan ng batas na magpreserba at magbibigay proteksyon upang kahit na


ito ay dinadarayu ng mga turista ito ay mananatiling maganda at kaayaaya.

D. Ito ay dapat na gawan ng mga hotel sa paligid, mga kainan at pasyalan upang ito ay
mapakinabangan ng mga naninirahan malapit dito at ng bansa.
12. Ang mga sumusunod na mga pangungusap ay nagpapahayag ng katutuhunan
tungkol sa magandang epekto ng pagkakaroon natin ng malawak na katubigan MALIBAN
sa isa?

A. Ito is maaring maging daanan ng mga kalakal

B. Ito ay mainam para sa pagbabangka o pabibiyahe

C. Ito ay maaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pangingisda

D. Ito ay maaring pagkotaan ng mga nga pirata upang hadlangan ang daloy ng kalakalan

13. Si Judy ay naninirahan sa isang liblib na bundok. Ang kanilang kabuhayan ay


pangunguha ng Carbon. Palagi siyang pumapasok sa loob ng butas sa lupa na may dala-
dalang piko at sako. Ang Carbon ay isang mineral na ginagamit sa paggawa ng mga
pintura, plastic at mga pantunaw. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang
ikinabubuhay ni Judy?

A. Pagsasaka

B. Pangingisda

C. Pagnenegosyo

D. Pagmimina

14. Ang isla ng Boracay ay isang destinasyon ng mga turista sa ating bansa Ang islang ito
ay ipinasara sa huling bahagi ng panunungkulan ng dating Presidenti Rondrigo Duterte
upang ito ay papanumbalikin sa dati nitong ganda na nawala dahil sa dumi na dulot ng
pagdami ng turista at pagtatayo ng maraming establisyemento na lumagpas na sa
dalampasigan. Pagakatapos ng anim na buwan ito ay muling binuksan at nakkita ng
buong mundo ang panunumbalik ng ganda nga isla. Kung kaya tumaas ng 432.21%
porsyento o 32,200,533,600 pesos, kita nito sa turismo. Gaano ba kahalaga ang
pangangasiwa at pangangalaga sa likas na yaman ng isang bansa?

A. Mahalaga ito dahil dadami ang pera ng bansa.

B. Mahalaga ito dahil dadami ang turista sa bansa

C. Mahalaga ito dahil dadami ang kita ng bansa mula sa mga turista.

D. Mahalaga ito dahil uundam ang turismo ng bansa at napapanatili ang ganda ng lugar
na mananatili hangang sa susunod na henerasyon
15. Iyong natutunan sa asignatura sa Science ang panganib na dulot nga mga basura na
itinatapon na nakakarating sa dagat at ang masamang epekto ito sa mga sa yamang
dagat na pinagkukunan natin ng pagkain. Marami kang kaibigan na naninirahan malapit
sa ilog o malapit sa katubigan. Minsan ikaw ay napasyal sa kanilang lugar at iyong napansin
na itinatapon nila ang kanilang mga basura dito. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga
kaibigan tungkol dito?

A. Pagsasabihan ko sila na magpatuloy dahil ito ay nakakatulong sa kalikasan at


nakakabusog sa mga isda.

B. Hahayaan ko silang magtapon kasi hindi ko naman problima ang mga nangyayari dahil
ito ay gawain ng pamahalaan

C. Pagsabihan ang kaibigan na sasama ka rin sa kanilang pagtatapon ng basura.

D. Pagsabihan nang maayos na iwasan nila ang patatapon ng mga basura sa estero o
mga kanal dahil ito ay nakakapagpigil sa daloy ng tubig, nakakadulot ng polusyon sa
dagat at nakakamatay sa mga lamang dagat

16. Kung ikaw ay aatasang bumuo ng konklusiyon tungkol sa kaugnayan ng kaunlaran ng


bansa at ng katangiang pisikal ng Pilipinas bilang isang kapuluan, ano ang maaari mong
mabuo?

A. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa likas na kapaligiran.

B. Likas na kagandahan ng Pilipinas ang pagiging kapuluan.

C. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay nagdudulot ng kaunlaran.

D. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas dulot ay magandang kalakalan.

17. Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga batas na siyang mangangalaga sa Likas na


Yaman ng bansa, ito ay ang gawain ng DENR. Ikaw bilang isang mag-aaral, paano ka
makakalahok sa gawaing lumilinang at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga
likas na yaman ng bansa?
A. Sasali ako sa tree planting na programa ng paaralan.
B. Susunugin ko ang aming basura para maging malinis ang paligid.
C. Hahayaan kong tumulo ang tubig sa gripo kahit walang gumagamit.
D. Hindi ako makikinig sa aking guro kapag tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.
18. Ang tatlong bituin ng watawat ng Pilipinas ai kumakatawan sa tatlong isla ng bansa,
ang Luzon na nagmula sa katagang “Lusong”, ang Minadanao “danaw” o lawa at ang
Visayas na mula sa katagang “masaya”. Para sa iyo bilang isang mag-aaral mahalaga ba
na malaman ang mga sagisag na ito?

A. Oo, dahil ito ay nagbibigay katuturan at ugnayan ng mga tao at pulo-pulong isla ng
Pilipinas.

B. Hindi, dahil ito nagdudulot lamang ng kalitohan sa mga tao sa kung ano ang
paniniwalaan.

C. Oo, dahil ito dahil maari nating ipagmalaki na mas na una ang Luzon sa kalingnagna ng
kamalayan sa Kalayaan.

D. Hindi, dahil ito ai ito ay dagdag lamang sa balakid ng ating pagkatoto.

19. Ang pamahalaan ay isang Samahan o organisasyong politikal na itinataguyid ng mga


grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ng isang
sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang pamahalaan,
ay isang uri o sistemang presidensiyal at demokratiko. Pinamumunuan at pinamamahalaan
ito ng isang pangulo na siyang pinuno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
Para sa iyo basi sa iyong nabasa mahalaga ba ang pamahalaan para sa isang bansa?

A. Oo, dahil dito nagkakaroon ng isang sistemang mapayapa na kung saan napag-
uusapan ang mga isyu na dapat bigyan ng pansin at unahin.

B. Oo, dahil ito ang nagbibigay ng mabuting gabay para yumaman ang mga negosyanti.

C. Oo, dahil ang pamahalaan ay mabuti para sa mga mayayaman.

D. Oo, ang pamahalaan ay nagdudulot ng sigalot.

20.Ang Sanga Lehislatibo ang gumagawa ng batas ng bansa, ang Sangay Ehikutibo naman
ang nagpapatupad ng batas nga ginawa at ang sangay na tagapaghukom naman ang
nagbiibay intrepretasyon sa batas na ginawa ng lehislatibo at ipinapatupad nga ehikutibo.
Bakit kaya ang bawat sangay ng pamahalaan ay mayroong ibat-ibang tungkulin ngunit
magkaugnay na gawain?

A. Sapagkat sila ay dapat na may iisang paraan ng pagtupad sa kanilang tungkulin bilang
iisang institusyon upang magkaroon isang malinaw na pagpapatakbo ng pamahalaan.

B. Sapagkat ang tama ng isang isntitusyon ay hindi pweding maging tama sa isa, dapat
ang gumawa ng mali ay bigyan ng bunos.

C. Sapagktan sila ay iisang institusyon lamang na mayroong magkaparihong gawain na


payamanin ang mga mamamayan.

D. Sapagkat sila ay dapat na gumalawgalaw upang magkaroon ng katuturan ang kanilang


sangay.
21. Ang pamilya ni Amalya ay nakatira malapit sa ilog. Tuwing may papalapit na bagyo,
inaabisuhan sila ng kanilang Punong Barangay na lumikas sa mataas na lugar. Kalimitan sa
malapit na paaralang pampubliko sila dinadala upang pansamantalang palipasin ang
bagyo. Kung ikaw si Amalya paano mo pahahalagahan ang ginawang pag-aabiso at
paglilikas sa inyo ng lokal na pamahalaan?
A. Lilipat sa pampublikong paaralan kung mataas na ang tubig sa ilog at kung malakas na
ang ulan.
B. Susundin ang abiso ng Punong Barangay at magdadala ng mahahalagang gamit gaya
ng damit, pagkain at iba pa.
C. Susundin ang abiso ng Punong Barangay ngunit hindi na magdadala ng mahahalagang
gamit dahil bahala na ang pamahalaan sa mga ito.
D. Mananatili na lamang sa bahay, dahil mainit at walang magandang higaan sa mga
pampublikong paaralan na paglilipatan

22. Sa nagdaang bagyo tulad ng Yolanda at Odette maraming bahay at kabuhayan ang
naapektuhan ng mga nito. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa
mga nasalanta ng kalamidad?
A. Pagbibigay ng relief goods, gamot at pangkabuhayang maaring pagsimulan ng mga
biktima ng kalamidad.

B. Pagpapautang ng puhunan para sa maitayong muli ang kanilang bahay.

C. Putulin ang mga natitirang puno upang ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo.

D. Hayaan na lamang ang mga nasalanta ng bagyo na magsumikap sa sariling paraan.

23.Si Julius ay inakusahang sa pagkakasalang pagnanakaw ng kanyang kabitbahay. Ano


kaya ang maaaring gawin niya para maipagtanggol ang sarili?

A. Tumakas at balikan ang nag-aakusa upang takutin na huwag na siyang kasuhan.

B. Ipost sa social media para makahingi ng tulong sa mga tao.

C. Hayaan na lamang na makulong sa salang hindi naman ginawa.

D. Humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office para mabigyan ng abogado na


magtatanggol

24. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Siya ngayon ay namamasukan sa pagawaan ng
kandila sa Mandaue. Katuwang na siya ngayon sa paghahanap buhay ng inyong
magulan. Natutuhan mo sa paaralan na may programa sa Edukasyon para sa mga nahinto
ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya.

B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na sya

C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya

D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.


25. Ang pamahalaan ay mayroong maraming gampanin para sa kaniyang mga
mamamayan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga gampanin o gawain ng
pamahalaan. Alin dito ang gawain o serbisyong ang naglalalyon ng kapayaan?
A. Pagbibgay ng lupang pansakahan sa mga magsasaka.

B. Pagbibigay ng mga puhunan sa mga tao.

C. Pagbibigay ng tamang sahod at benipisyo ng mga manggagawa.

D. Pagbabantay ng mga hukbong pandagat sa mga baybaying dagat ng bansa.

26. Ang mga bansang mauunlad ay mayroong malalaking pabrika at mga gusali sa
kanilang mga sentro ng kalakalan. Piliin ang maaaring kaugnayan ng maayos na
imprastruktura sa pag-unlad ng isang bansa.
A. Nakapagbibigay ito ng solusyon sa mga problema ng bansa
B. Nakatutulong sa pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino
C. Paraan ito upang maging malaya ang bansa na makipag-ugnayan
D. Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng populasyon at kita ng isang bansa

27.Upang maging tiyak at maayos ang ekonomiya, masusing isinaad sa Saligang Batas ang
tatlong layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya. Ang mga ito ay ang
sumusunod MALIBAN sa isa:
A. Makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at kayamanan

B. Patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at paglilingkod para sa taong bayan

C. Lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng tao lalo na


ang mga kapus-palad.

D. Patuloy na pakikipagsapalaran magkapagtayo ng mga industriya

28. Ang pagkamamamayan ng isang tao sa isang bansa ay mayroong kaakibat na tuntunin
at mga gabay ng pagkakakilanlan. Sa mga sumusunod na pahayag sino kaya sa kanila
ang maituturing na isang mamamayang Pilipino?

A. Si Ana na isinilang sa Amerika.

B. Si Maria na ang ama at ina ay kapwa mga Pilipino.


C. Si Carlos na anak ng mag-asawang Hapones na matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
D. Si Donna na ang ama ay Chinese at ang ina ay Vietnamese na may malaking negosyo
sa Pilipinas.

29. Si Susan Boyle na galing sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya


sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang
pagkamamamayan ni Susan Boyle?
A. Siya ay isang Pilipino. C. Siya ay isang katutubong Pilipino.
B. Siya ay isang Amerikano. D. Siya ay naturalisadong Pilipino.
30.Ang pagiging mamamayan ng isang bansa ay isang prebilihiyo at mayroong kaakibat
na tuntunin na dapat sundin nga mga mamamayan. Ayon sa ating batas, maaaring
mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Nakamit lamang niya ang kanyang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.

B. Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.

C. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit ng 21 taong


gulang.

D. Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.

31.May dalawang uri ng ang pagkamamamayan: ang likas o katutubo at naturalisado. Alin
sa mga sumusunod ang maitututring nating halimbawa ng likas o katutubong
pagkamamamayan?
A. Si Mario ay anak ni Aling Betty na ipinanganak sa Samboan at Mang Boy na ipinanganak
sa Zamboanga.

B. Si CJ na ang ama ay si Zakai na Hapon at ang inang si Maria na mula sa Catmon

C. Si Carmen na anak sa labas ni Aling Maritess.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

32. Si Daniel ay isang nurse, isa siya sa mga frontliners sa nakaraang pandemic na COVID 19.
Anong tungkulin ang ipinakikita ni Daniel?

A. Tungkulin sa bansa C. Tungkulin sa Diyos

B. Tungkulin sa sarili D. Tungkulin sa watawat ng Pilipinas

33.Si Jid ay naglalakad nang marinig niya ang pagtugtog ng Lupang Hinirang sa labas ng
gate sa harapan ng kanilang paaralan, . Ano ang nararapat niyang gawin?

A. Manatiling naglalakad

B. Huwag lamang itong pansinin

C. Magtago sa isang sulok at hintayin na matapos ito

D. Tumayo nang tuwid at tumingin sa watawat habang inaawit ang “Lupang Hinirang”.
34. Bilang bata at mag-aaral ay kailangan mong makipagtulungan sa mga programa at
proyekto ng pamahalaan upang makamit ang pag-unlad nito. Magagawa natin ito sa
pamamagitan ng pakikilahok sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan gaya ng
pangangalaga sa mga likas na yaman, kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot at
iba pa. Anong tungkulin ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?

A. Paggalang sa watawat

B. Pagtatanggol sa bansa

C. Paggalang sa karapatan ng iba

D. Pagsunod sa batas at paggalang sa maykapangyarihan

35. Nagmamadali ka patungong paaralan dahil mahuhuli ka na. Para makatawid sa


kalsada, kailangan mo munang maghintay sa hudyat na maaari na kayong tumawid. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Sasabayan ko ang ibang taong tumatawid kahit wala pang hudyat sa tamang
pagtawid.

B. Tatawid na ako dahil wala namang nakakakitang pulis.

C. Hihintayin ko ang hudyat sa tamang pagtawid.

D. Tatawid na ako kahit wala pang hudyat sa tamang pagtawid dahil mahuhuli na ako.

36. Si Juan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan
sa kanilang barangay. Ano ang dapat gawin ni Juan?

A. Pagpapaluin ang mga nanggugulo.

B. Habulin ang lahat ng mga nanggulo sa lugar.

C. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis.

D. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.

37. Ang magkakaibigang Joseph, Anthony at John Paul ay nais tumulong sa mga kabataan
upang malinang ang kanilang talento sa pag-awit. Anong karapatan ang maaari nilang
magamit upang maisakatuparan ang kanilang ninanais?

A. Bumoto ng mga manunungkulan sa pamahalaan

B. Magpetisyon ng mga kaanak sa ibang bansa

C. Kilalanin bilang isang mamamayang Pilipino


D. Magtatag ng samahan ng mga kabataang mang-aawit

38. Si Lola Donie na 88 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa kanyang bahay. Nasa
malalayong lugar ang kanyang mga kaanak. Napansin mong lagi siyang malungkot at
nakatingin sa malayo. Ano ang maaari mong gawin?

A. Layuan si Lola Anding at baka nababaliw na ito.

B. Hayaan ang mga kamag-anak ni Lola Anding na maalala siya.

C. Puntahan si Lola Anding tuwing may pagkakataon at kumustahin ito.

D. Tingnan na lang si Lola Anding at ipagpatuloy ang ginagawa

39. Si Mark ay wala nang mga magulang namatay ang mga ito noong bata pa siya.
Naninirahan si Mark kasama ang knayang Lola, siya nagtatrabaho sa mga bahay-bahay
malapit sa kanila bilang taga-igib ng tubig, ang perang kanyang natatangap kapalit ng
kanyang pag-iigib ay kanyang iniipon upang siya ay may baon kapag pasukan na. Alin ba
sa mga sumusunod ang ipinapakitang katangian ni Mark?

A. Si Mark ay produktibo at mabilidad sa buhay.

B. Siya ay isang batang nawalan ng gana sa buhay

C. Si Mark ay mabuting magulang

D. Siya ay isang mabuting lolo

40.Ang paggamit ng kakayahan nang kusang loob, pinagbubutihan ang gawain,


maronong makisama ng mabuti sa kapwa, pumapasok sa trabaho sa tamang oras at
nagpapapahayag nang buong sigla sa pagpuri sa kapwa. Sino sa kanila ang may tamang
saloobin sa paggawa?

A. Si Jose na madalas na hindi tinatapos ang gawain

B. Si Manuel na maagang pumapasok ngunit maaga ring umuwi

C. Si Pedro na gumagawa lamang kapag nariyan ang manedyer

D. Si Celia na pinag-aaralang mabuti ang gawain upang mapagbuti ito

You might also like