0% found this document useful (0 votes)
104 views3 pages

Epp 5 Q1. Week 6

UNIFIED LAS
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
104 views3 pages

Epp 5 Q1. Week 6

UNIFIED LAS
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
Schools Division of Zamboanga del Norte
Sibuco-II District

SIBUCO II DISTRICT UNIFIED LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


Pangalan at Baitang:___________________________________ Iskor:______________

GAWAING PAGKATUTO SA EPP5 Q1-W6


ICT and Entrepreneurship – Angkop na Search Engine, Go
na!
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Natutukoy ang mga angkop na search engine sa pangangalap ng mga impormasyon.
(EPP5IE-0d-11)
Napahahalagahan ang mga mabuting naidudulot ng paggamit ng ICT.
Nakagagamit ng computer at internet sa pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon.

II. Panimula
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng internet o ang paggamit ng makabagong
teknolohiya sa pang araw-araw na gawain ng isang tao. Ang mga bagay na nais matutunan ay
mabilis na nahahanap at ang lahat ng mga katanungan ay agad na nasasagot gamit lamang
ang kompyuter na konektado sa internet. Isa sa mga mahahalagang ginagampanan ng
teknolohiyang ito ay ang paggamit ng search engine na kung saan ditto makukuha ang lahat
ng mga mahahalagang bagay o impormasyon na nais matutunan.

Suriin:
Ang search engine ay isang software system o isang kagamitan mula sa internet na kung saan ginagamit upang
mapabilis ang paghahanap ng mga impormasyon. Sa katunayan, napapadali ng mga ito ang pagkuha ng tekstwal at
audio-biswal na mga impormasyon sa malawak na mundo ng internet.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng search engine na madalas na ginagamit ng mga internet user at kabilang sa mga
nangungunang ginagamit ng mga tao sa buong mundo.

GOOGLE – ito ang pinakasikat na search engine sa ngayon at madalas na ginagamit ng mga tao sa buong mundo.
Maliban sa search engine, marami pa itong mga serbisyo gaya ng mail, drive at marami pang iba. Ang search engine
na ito ay itinatag ni Larry Page at Sergey Brin. Malaki ang naitutulong nito upang mapadali ang pagsasaliksik ng mga
datos at impormasyon na kinakailangan ng mga tao.
YAHOO - ito ang ikalawang pinakasikat na search engine sa buong mundo na umaabot ng halos 15% ang mga
gumagamit nito. Ito ay itinatag noong 1994 ng dalawang mag-aaral sa Stanford University na hinihimok pa ng
Microsoft Bing.
BING – ito ay isang search engine ng Microsoft na kumakatawan sa 10% ng mga paghahanap sa internet. Ito ay
gumagamit ng crawls o web spider o automatic na pag-scan ng index internet para sa kung ano ang hinahanap na
mga impormasyon o datos. Gumagamit din ito ng algorithm na kung saan iniiscan nila ang index ng mga pictures,
video, music, websites at marami pang iba na maaaring mahanap sa internet.
ASK.com - ito ang ika-apat na pinakasikat na search engine sa buong mundo na mayroong 2% ng mga paghahanap
sa internet. Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay kilala bilang Ask Jeeves. Ang pangalan ay pinaikli noong
2005.
AOL Search – ito ay tinatayang may 1% ng mga paghahanap sa internet sa buong mundo. Inilunsad sa America
Online ang search engine na ito noong 1999. Sa kabila ng ilang muling paglulunsad at pagbabago, pinanatili nito ang
parehong pangalan. Ang lahat ng mga nabanggit ay ilan lamang sa mga mahuhusay na halimbawa ng search engine
at ang ilan pa ay ang Baidu, Wolframalpha, DuckDuckGo, Internet Archive at Yandex.Ru.

Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat tandaan at maaaring gawin kapag gagamitin ang search engine:
1. Piliin ang tamang wika na nais hanapin sa napiling search engine.
2. Isaalang-alang ang partikular na rehiyon o lokasyon ng pinagmulan ng impormasyon.
3. Siguraduhing updated ang mga datos o impormasyong gagamitin.
4. Maaaring maglagay ng domain o site kung saan gustong hanapin ang iyong hinahanap.
5. Siguraduhing tama at angkop ang mga terminong lumilitaw upang maiwasan ang pagkalap ng mga maling
impormasyong.

Gawain 1
Panuto: Piliin ang hinihinging kasagutan sa mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon.

a. ASK.com b. GOOGLE c. Search Engine d. YAHOO e. AOL


Search

_____ 1. Ito ay ginagamit sa pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang


internet.
_____ 2. Ikalawang pinakasikat na search engine, ang mga gumagamit ay nagsasagawa ng
halos 15% ng lahat ng mga paghahanap sa internet.
_____ 3. Pinakasikat nasearch engine ngayon sa buong mundo at ito ay itinatag ni Larry page
at Sergey Brin. Nakatutulong ito upang maging madali ang pagsasaliksik ng mga datos at
impormasyon.
_____ 4. Tinatayang 1% lang ang gumagamit nito sa paghahanap ng mga imormasyon sa
internet. Inilunsad ito sa America Online noong 1999.
_____ 5. Ito ang ikaapat na pinaksikat na search engine na mayroong 2% ng mga paghahanap
sa internet. Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay kilala bilang Ask Jeeves. Ang
pangalan ay pinaikli noong 2005.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ng Tama kung ang pahayag ay nagsasasaad ng wasto at Mali kung hindi.
Gawin ito sa kwaderno.
___________ 1. Ang paggamit ng domain o site ay maaaring makatulong para mahanap ang
mga de-kalidad at mapagkakatiwalaang impormasyon.
___________ 2. May kakayahan ang search engine na maghanap ng mga mahahalagang
impormasyon at datos na maaaring gamitin sa kahit na anong bagay.
___________ 3. Siguraduhing hindi updated ang mga datos o impormasyong gagamitin.
___________ 4. Ang Google ang pinakasikat na search engine sa ngayon at madalas na
ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Maliban sa search engine, marami pa itong mga
serbisyo gaya ng mail, drive at marami pang iba.
___________ 5. Ang Yahoo ang ikatlong pinakasikat na search engine sa buong mundo na
umaabot ng halos 25% ang mga gumagamit nito.

Tayahin
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy ng pangungusap. Buuin ang “Jumbled words” para sa iyong
sagot. Isulat ang tamang sagot.

___________1. Ito ang ikalawang pinakasikat na search engine, ang mga gumagamit ay
nagsasagawa ng halos 15% ng lahat ng mga paghahanap sa internet sa pamamagitan ng site
na iyon.
OYOHA
_____________2. Tinatayang 1% ng mga paghahanap sa internet ang ginawa sa pamamagitan
ng search engine na ito. Inilunsad sa America Online ang search engine na ito noong 1999.
OLA
_____________3. Ito ang search engine ng Microsoft na kumakatawan sa 10%. gumagamit ng
crawls o web spider o automatic na pag scan ng index internet kung anu ang hinahanap
natin.
GBNI

_____________4. Ito ang pinakasikat na search engine ngayon sa mundo ng internet. Maliban sa
search engine, marami pa itong mga serbisyo na gaya ng mail, drive at marami pang iba.
OEGLOG
_____________5. Ito ang ikaapat na pinakasikat na search engine na mayroong 2% ng mga
paghahanap sa internet. Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay kilala bilang Ask
Jeeves.
SKA

Inihanda ni: BENHAVER M.KASIM T-1


JENELYN A.MAGSAYO T-1
JUSTINE E. PUNAY T-1 ___________________
Lagda ng magulang

SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN 1 GAWAIN 2 TAYAHIN
1.Tama 1.C 1.YAHOO
2.Tama 2. D 2.AOL
3.Tama 3.B 3.BING
4.Mali 4. E 4.GOOGLE
5.Tama 5. A 5.ASK
6. Tama
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Sanggunian
Curriculum Guide, K to 12 EPP5IE-0d-11 p. 18 https://tl.m.wikipedia.org
https://www.reliablesoft.net
https://www.google.com/search?q=search+engines Peralta, Gloria A. Ed.D, et.al, Batayang Aklat 5, Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran

You might also like