ARALIN 3
Modyul 3: Tula mula sa England, United Kingdom (Panitikang Kanluranin)
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee – Sonnet XLIII) ni Elizabeth Baret Browning (Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Ang binasa mong tula ay isang halimbawa ng Tulang Soneto. Ito ay
Kung paano kita pinakamamahal? isang uri ng tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at
Tuturan kong lahat ang mga paraan, sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Sa madaling sabi, ito ay
tula hinggil sa damdamin.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Tula ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga
kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita
ng kailangan mong kaliit-liitan, sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong
Laging nakahandang pag-utos-utusan, maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang
Maging sa liwanag, maging sa karimlan. maigting na pagmamahal sa sariling bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay
nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon
Kasinlaya ito ng mga lalaking patungo sa kasalukuyan.
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o
Kasingwagas ito ng mga bayaning Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula at Tulang Patnigan.
Marunong umingos sa mga papuri. Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o
Liriko
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Tulang Liriko – Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding
Noong ako’y isang musmos pa sa turing emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
na ang pananalig ay di masusupil. kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang
uring ito ng tula.
Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
Uri ng Tulang Liriko
1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao.
Naghahatid ng aral sa mambabasa.
Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
Ang Aking Pag-ibig
2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at
naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Mga Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
3. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Mga Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte
4. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa
papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan.
Mga Halimbawa: Tumangis si Raquel
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
5. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at
kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.
Mga Halimbawa: May isang pangarap ni Teodoro Gener
Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo
6. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin. Ito’y awiting
patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. sa kasalukuyang
kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan.
Dalitsamba: patungkol sa Diyos
Dalitbayan: pagdakila sa bayan
Halimbawa: Dalit kay Maria
Mga Elemento ng Tula
1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata.
2. Imahen – Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng
mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.
3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o
tonong nararamdaman sa indayog o ritmo.
a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo
hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang lamig
b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod
ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog
Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o
pababa.
4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o dilantad ang mga salita.
5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula – tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay
na palasak.
a. Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay
at matalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang
pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula
1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan,
detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang
kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang
pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid o bunga lamang ng kanyang makulay
na imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa
kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniwang
paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang
isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda
hindi lamang niya ito sinasabi.
Matatalinghagang Pananalita ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan
ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na
kahulugan.
Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan.
Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na
patayutay o tayutay.
Tayutay – Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang
pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at
piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga
magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y,
animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing. Hindi na ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile.
Halimbawa:
Leon sa bagsik ang ama ni David
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay,
pook o pangyayari upang bigyang kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din
itong eksaherasyon.
Halimbawa:
Nalulunod na siya sa kanyang luha.
Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.
4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi at talino ng isang tao sa mga
karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan.
Halimbawa:
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.
5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito
ay isang tao o kaya’t tao na na animo’y kaharap ang kausap.
Halimbawa
O tukso, layuan mo ako!
Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.