0% found this document useful (0 votes)
18 views32 pages

DSWD SHIELD Primer Min

hello

Uploaded by

craigydelacruz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
18 views32 pages

DSWD SHIELD Primer Min

hello

Uploaded by

craigydelacruz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 32

Editors

ASec. Aleli B. Bawagan


Dir. Cezario Joel C. Espejo
OIC-Dir. Helen Y. Suzara
Ina Alleco R. Silverio
Rebecca B. Ballesteros

Design and Lay-out


Graphic Editor
Ivan P. Layag

Illustration
Edward D. Gonzales
Kristine Z. Solloso

Produced by
Social Technology Bureau
Social Marketing Service
Alamin, Kumilos,
Tumulong Para sa
#1MBatangMalaya
Acknowledgements
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) would like to extend its most
sincere gratitude and appreciation to our DSWD Regional Offices IV-A, V, VIII and our
SHIELD partners for participating in the IEC Development Writeshop and developing this
primer:

• Department of Labor and Employment (DOLE)


• International Labor Organizations (ILO)
• Ban Toxics
• Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER)
• Philippine Information Agency (PIA)
• Exodus from Child Labor to Integration, Play, Socialization and Education
(ECLIPSE)
• Federation of Free Workers (FFW)

Acknowledgement is also given to the following personnel who conducted and assisted in
the conduct of the pre-testing of the materials in the communities:

• Patricia M Medina, DSWD- Social Marketing Service


• Richard S. Caparoso, DSWD- Social Marketing Service
• Camille Rose A. Ignacio, DSWD- Social Marketing Service
• Amy Colorico, DSWD Field Office IV-A
• Maria Cristina So-Samson, DSWD Field Office V
• Marichu E. Bustillos, DSWD Field Office VIII
• Edizon R. Cinco, DSWD Field Office VIII

We likewise acknowledge our local partners, the Local Government Units of Kananga,
Leyte and Catanauan, Quezon, for facilitating and participating in the pre-testing of the
primer.

We are also grateful to Assistant Secretary Aleli B. Bawagan, Director Cezario Joel C.
Espejo, OIC Director Helen Y. Suzara, Ina Alleco Silverio, and Edward D. Gonzales for
providing substantial inputs and guidance in the development and finalizing this primer.

Most importantly, to all the child laborers, who served as the inspiration for the development
of this material.
Message from the OIC - Secretary
According to a 2011 Survey on Children by the Philippine Statistics Authority (PSA), there were 2.1 million child- laborers
in the country at the time of the survey. In the 2015 study of the Ecumenical Institute for Labor Education Research
(EILER), 22.5 percent of households have child workers. The Trade Union Congress of the Philippines earlier in 2017
mentioned that the country employs 5.5 million child- laborers. Children work in farms and plantations, in dangerous mines,
in the pyrotechnics industry, on the streets, in factories, and in private homes as child domestic workers. Agriculture also
remains to be the sector where most child laborers can be found at 58%. We have confirmed this data in our own National
Household Targeting System (NHTS) database which shows that there are 85,570 child laborers documented to work in
farming/ agriculture, in construction, manufacturing, deep-sea fishing, domestic work and mining.

These numbers show that child labor is prevalent in our country. The Philippines has long been trying to address child
labor, a social malaise that stems from the vicious cycle of poverty. It is a complex social concern which necessitates a
comprehensive and sustainable response from the government, non-government organizations, academe, civil society
organizations, and the general public as well. The numbers prove that more should still be done in the campaign against
child labor. We, therefore, should have a better response than what we had before.

There is no time to lose when it comes to our collective efforts to combat the widespread problem of child labor in the
Philippines.

There are already ongoing efforts to help parents to secure gainful and sustainable employment, and these efforts should
be complemented with programs to help their children. Because of widespread and deep-seated poverty in the Philippines,
so many children are forced to forego their childhood and become workers in factories, mines, plantations so they can earn
pittance wages they can give to their parents. We should all work together to bring an end to child labor and help children
recover their childhood.

We must unite with the national government and other concerned agencies in their efforts to respond directly to poverty,
too, must provide an appropriate intervention to put a stop to this social ill of making children work for the family’s needs.

We must immediately and urgently rally to respond to this concern because as the problem is unabated, children continue
to be violated a thousand fold, especially those child laborers engaged in backbreaking and hazardous work.

It is a very positive development that the DSWD’s Social Technology Bureau (STB) has begun to implement the project
“Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions”, or SHIELD. This is
the first comprehensive project of DSWD on child labor. Through SHIELD, we envision the efforts against child labor to
strengthen all the way down to the community level.

Moreover, the Department has also developed the Module on Child Labor for the Family Development Sessions of the
Pantawid Pamilyang Pilipino Program. We will focus on educating poor families about the long term effects of allowing
their children to work at an early age.

While we have these initiatives, the very essence of this activity is CONVERGENCE. There is a serious need for us to
converge our actions, systems, and processes if we want a holistic response that will stand the test of time.

Finally, it has to be stated that the laws that criminalize child labor should be enforced more stringently. We need to rescue
children who have become child laborers and help them and their parents build more stable, not to mention safer lives. The
children belong in school – we must help them be children and enjoy the rights that all children should enjoy in a just and
compassionate society.

Congratulations to everyone behind SHIELD which is a noble effort to extend the much needed “Maagap, Mapagkalinga,
Kumpleto at Pangmatagalang Serbisyo para sa ating mga kabataan.” Let us fight child labor and help our people battle
poverty on all levels so they themselves can help their own children. Let’s unite for a more humane and compassionate
society for our children.

EMMANUEL A. LEYCO
Officer-in-Charge
DSWD
1
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
Gusto ko lahat ng bata
ay masaya tulad ko. Kaya
lang, pwede ba?
Ako si Pot-pot, 10-taong gulang at ipinanganak sa isang
masayang pamilya. Sina Tatay at Nanay ay may maayos
na trabaho kaya napag-aaral nila ako. Kasama ng aking
mga kapatid, nakatira kami sa isang maayos na tahanan
at kabilang sa isang payapa at tahimik na pamayanan.

Sa aking edad, malusog ako at may aktibong katawan.


Masaya akong nakakapaglaro at nakakapaglibang
pagkatapos ko pumasok sa paaralan.

Sabi ng guro ko, pinapangalagaan daw ng pamahalaan


ang mga batang tulad ko mula sa panganib at pang-
aabuso. Ako rin daw ay malayang makakapag-pahayag
ng aking mga pananaw.

Nararamdaman ko na mahal ako ng mga magulang ko.


Si Nanay, tinuruan akong mangarap. Si Tatay naman,
tinuruan akong maging mabuti sa kapwa at tumulong sa
komunidad.

2
3
4
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”

Ayon sa datos, mayroong 2.1 milyong bata na sa edad lima


hanggang 17 pa lamang ay nagtatrabaho sa mga mapanganib
na industriya (PSA, 2011). Kabilang sa mga mapanganib na
industriyang ito ay ang mga plantasyon, minahan, pagawaan ng
paputok at mga pabrika. Makikita din ang mga batang manggagawa
sa kalsada at sa mga pribadong pamamahay kung saan
naninilbihan ang mga bata bilang kasambahay.

Naitala naman ng National Household Targeting System o


Listahanan noong 2016 na mula sa 85, 570 bilang ng mga batang
nagtatrabaho sa mapanganib na industriya, ang pinakamalaking
porsyento ng mga bata ay nagtatrabaho sa industriya ng pagsasaka
o sektor ng agrikultura.

5
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
Sana lahat ng bata katulad ko,
napapangalagaan ang karapatan,
sinusuportahan, at minamahal.

Sabi nga ng ating pambansang bayani na


si Dr. Jose Rizal, ‘Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan’. Pero paano magiging pag-
asa ng bayan ang kabataan kung ang
karapatan ng marami sa amin ay hindi
kinikilala o ginagalang?

6
Kawawa naman silang
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”

mga kapwa ko bata


na sa murang edad ay
nagtatrabaho na sa
mga mapanganib na
industriya. Buti na lang
at mayroong batas na
nagpoprotekta sa amin
mula sa pagtatrabaho
sa mga industriyang ito.
Tara, sabay-sabay nating
alamin ang mga nilalaman
ng batas na ito!

Republic Act 9231:


AN ACT PROVIDING FOR THE ELIMINATION OF THE
WORST FORMS OF CHILD LABOR AND AFFORDING
STRONGER PROTECTION FOR THE WORKING CHILD,
AMENDING FOR THIS PURPOSE REPUBLIC ACT NO.
7610, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE
“SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST CHILD
ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT”

Ang batas na ito ay naipasa noong 2003 sa ilalim ng panunungkulan


ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
7
Ito ang mga nilalaman ng batas:

Anong edad ang saklaw ng pagiging bata?

RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
Sila ang mga may edad 17 taong gulang paibaba.

Ano ang child labor?

Anumang uri ng trabaho ng isang bata na maaaring mapanganib o


makasasama sa kanyang kalusugan at kaligtasan o makakaapekto
sa kanyang kaisipan at pisikal na paglaki. Ang mga batang biktima
ng child labor ay tinatawag na child laborers.

Ano ang worst form of child labor o


pinakamalalang uri ng child labor?

Ang mga batang wala pang 18 taong gulang ay hindi pinapayagang


magtrabaho sa ano mang pinakamalalang uri ng child labor. Hindi din
sila maaring gawing endorser ng mga produktong may kinalaman sa
alak, sigarilyo, pagsusugal, karahasan, at pornograpiya.

Kabilang dito sa mga mapanganib na trabaho para sa mga


bata ang pagtatrabaho sa minahan, agrikultura, pagawaan ng
paputok, deep-sea fishing at iba pa.

Kabilang din ang iligal na pagrekrut o pagkuha ng mga


bata, pagtulak sa kanila na mapasok sa prostitusyon
at pornograpiya, paggamit ng bata sa armadong
tunggalian, at iba pang iligal na gawain.

8
Ano ang child work?

Tumutukoy ito sa trabahong pinapayagang gawin ng mga bata sa


RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”

ilalim ng ilang mga kondisyon. Ang mga batang nagsasagawa ng


mga trabahong ito ay tinatawag na working children.

Ang mga batang nasa 15 hanggang 17 taon ay maaari lang


magtrabaho kung ang uri ng trabaho ay hindi mapanganib o
makasasama sa kanilang kalusugan at kaligtasan o makakaapekto
sa kanilang kaisipan at pisikal na paglaki.

Ang mga batang wala pang 15 taong gulang ay maaaring


magtrabaho kung sila ay nasa ilalim ng pangangalaga ng kanilang
mga magulang at pawang mga miyembro ng pamilya lang ang
mga kasama. Ang uri ng trabaho ay dapat hindi mapanganib o
makasasama sa kanilang kalusugan at kaligtasan o makakaapekto
sa kanilang kaisipan at pisikal na paglaki. Sila ay dapat mayroong
work permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga batang wala pang 15 taong gulang ay maaring magtrabaho


para maging artista at endorser ng mga produkto sa iba’t ibang
uri ng midya tulad ng telebisyon, radyo, pelikula, teatro, dyaryo,
magazine at Internet. Sila ay dapat mayroong work permit mula sa
DOLE.

9
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
Ahhh..iyon pala ang
ibig sabihin ng child
work at child labor.
Para mas lalo pa
natin matandaan ang
pagkakaiba ng mga
katagang ito, narito
ang karagdagang
impormasyon:

CHILD WORK CHILD LABOR

Trabaho na naaayon sa edad at Trabaho na mabigat para sa


kakayanan ng bata edad at kakayanan ng bata

Trabaho na ginagawa sa Trabaho na ginagawa ng


limitadong bilang ng oras at hindi mahabang oras na umuubos
nakaka-sagabal sa pag-aaral, sa panahong dapat ilaan
paglalaro, at pagpapahinga ng sa pag-aaral, paglalaro, at
bata pagpapahinga

Trabaho na nagpapa-ibayo pa Trabaho na nagdudulot ng


sa pangkalahatang pag-unlad ng kapagalan at pang-aabuso sa
bata sa kanyang pisikal, mental, kalagayang pisikal, mental, at
at emosyonal na kalagayan emosyonal ng bata

Mula sa Modyul Ukol sa Child Labor ng DSWD

10
Ilang oras maaaring magtrabaho ang
isang bata?
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”

Ang mga batang wala pang 15 taong gulang ay maaaring


magtrabaho ng hindi hihigit sa apat (4) na oras sa isang araw, o 20
oras sa loob ng isang linggo. Hindi sila maaring magtrabaho mula
8:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Ang mga batang nasa 15 hanggang 17 taong ay maaring


magtrabaho nang hindi hihigit sa walong (8) oras sa isang araw, o 40
oras sa isang linggo. Hindi sila maaring magtrabaho mula 10:00 ng
gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Paano mapangangalagaan ang akses sa


edukasyon at pagsasanay ng mga working
children?

Ang bawat bata ay dapat may akses sa pormal at impormal na


edukasyon o Alternative Learning System (ALS). Sa lahat ng uri
ng child work na nabanggit, ang employer ay dapat magbigay
sa working children ng akses sa pangunahin at/o sekondaryang
edukasyon. Hindi rin maaaring pagtrabahuhin ng employer ang
mga bata tuwing oras ng pagpasok sa paaralan o tuwing araw ng
pasukan.

Ang programa para sa patuloy na edukasyon at pagsasanay ng


mga working children ay dapat iyong mga binuo at ipinapatupad
ng Department of Education (DepEd) para sa pormal, impormal,
at alternative learning sytem na edukasyon, o iyong mga binuo
at ipinapatupad ng Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA), alinman sa mga ito ang naangkop sa bata.

11
Ano ang maaaring parusa sa mga
lalabag sa batas?

RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”
MGA LALABAG MGA PAGLABAG PARUSA

Employer Kapag nagpatrabaho Pagkakulong ng


ng mga batang wala anim (6) na buwan
pa sa tamang edad at isang (1) araw
ng paggawa, lumabag hanggang anim (6)
sa tamang oras ng na taon o multa ng
paggawa ng mga bata, hindi bababa sa
at ginawang endorser P50,000 at hindi hi-
ang mga bata sa mga higit sa P300,000.
produkto tulad ng alak, Maaring pare-
sigarilyo, pagsusugal, hong makulong at
karahasan at por- magmulta ayon sa
nograpiya. desisyon ng korte.
Sinuman sa Kapag nagpatrabaho Magmumulta
komunidad ng mga bata sa worst ng P100,000
forms of child labor o at hindi hihigit
pinakamalalang uri ng sa P1,000,000
child labor. o di kaya ay
pagkakulong ng
hindi bababa sa
12 na taon at
isang (1) araw
hanggang 20 taon.
Maaring parehong
makulong at
magmulta ayon sa
desisyon ng korte.
Sinuman sa Kapag nagsagawa Mapaparusahan
komunidad ng iligal na pagrekrut base sa mga
o paggamit ng mga nakasaad sa
bata sa prostitusyon RA 9208 o Anti-
at pornograpiya, Trafficking Persons
armadong tunggalian Act of 2003.
at iba pang iligal na
gawain.

12
Sinuman sa Kapag gumamit ng Mapaparusahan
komunidad mga bata para sa mga base sa mga
gawaing may kinala- nakasaad sa
man sa iligal na droga. Comprehensive
RA 9231: “An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child.”

Dangerous Drugs
Act of 2002.
Korporasyon kabilang Kapag lumabag sa Mapaparusahan
ang mga opisyal nito mga nakasaad sa RA base sa mga
9231. nakasaad sa RA
9231
Magulang o Kapag lumabag sa Magmumulta nang
tagapangalaga ng mga probisyon ng hindi bababa sa
bata batas kaugnay sa P10,000 at hindi
tamang edad at oras hihigit sa P100,000
ng pagtratrabaho ng o maaring
bata. magsagawa ng
community service
ng hindi bababa
sa 30 araw at hindi
hihigit sa isang
(1) taon. Maaring
parehong mag-
community service
at magmulta ayon
sa desisyon ng
korte.

Salamat sa RA 9231 at
napoprotektahan kaming mga
bata mula sa child labor. Sana,
sundin ng lahat sa komunidad
ang batas na ito. Nalaman ko
din na mayroon palang mga
programa ang gobyerno at mga
pribadong grupo para labanan
ang child labor at maibalik
ang mga kapwa ko bata sa
eskwelahan.

13
Anu-ano ang mga programa at serbisyo ng
gobyerno upang labanan ang child labor?

Ang mga ahensya ng gobyerno at grupong bumubuo ng


National Child Labor Committee sa pangunguna ng DOLE ay
bumuo ng Philippine Program Against Child Labor Strategic
Framework (PPACL) 2017 – 2022 na ang pangunahing misyon
ay ibahin ang anyo ng pamumuhay ng mga child laborers,
kanilang pamilya, at ng komunidad tungo sa isang Child Labor-
Free Philippines.

Ang PPACL ay naglalayong labanan ang insidente ng child


labor sa pamamagitan ng pagbibigay ng panlipunang-
proteksyon at pagbawi at pagbalik sa mga child laborers sa
kanilang pamilya at komunidad.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

• Pagpapatupad ng RA 9231 sa pamamagitan


ng pagsasagawa ng assessment sa mga
establisyemento
• Sagip Batang Manggagawa (SBM)
• DOLE Integrated Livelihood and Emergency
Employment Program (DILEEP)
• Employment Facilitation Program
• Special Program for Employment of Students
Programs Addressing Child Labor

(SPES)
• Project Angel Tree
• Legal Assistance

14
DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

• Protective Services (rescue and


reintegration, pansamantalang tirahan sa
mga centers at institution ng DSWD)
• Crisis Intervention (medical assistance,
tulong pampaaral)
• Sustainable Livelihood Program (skills
training, micro-enterprise development,
employment facilitation)

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

• Surveillance at pag-rescue sa mga child


laborers
• Imbestigasyon at paghahain ng mga kaso ng
child labor

PHILIPPINE NATIONAL POLICE


Programs Addressing Child Labor

• Surveillance at pag-rescue sa mga child


laborers
• Imbestigasyon at paghahain ng mga kaso ng
child labor

15
DEPARTMENT OF EDUCATION

• Non-Formal Education
• Alternative Learning System (ALS)
• Formal School
- Vocational
- Modular
- Distance Education

TECHNICAL EDUCATION & SKILLS


DEVELOPMENT AUTHORITY

• Skills training para sa mga child laborers at


kanilang mga magulang
• Vocational education

DEPARTMENT OF INTERIOR & LOCAL GOVERNMENT

• Functionality ng mga local councils para


protektahan ang mga bata mula sa child
Programs Addressing Child Labor

labor

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

• Tulong pangkabuhayan para sa mga


magulang ng child laborers

16
Ano naman ang mga non-government
organizations (NGOs) na may mga
programa at serbisyo para labanan ang
child labor?

EXODUS FROM CHILD LABOR TO INTEGRATION, PLAY,


SOCIALIZATION AND EDUCATION (ECLIPSE)

• Pagbibigay ng suportang pang-edukasyon para sa mga


child laborers
• Pagmumulat at pagpapataas ng kamalayan ng mga child
laborers at ng kanilang komunidad sa usapin ng child labor
at mga karapatang pambata
• Pag-oorganisa sa mga child laborers bilang isang sektor
na bahagi ng mga barangay children’s associations (BCA),
at pag-oorganisa ng mga BCA bilang pederasyon ng mga
batang kasali sa pagdedesisyon at representasyon sa lokal
na pamamahala
• Pagsusulong ng adbokasiya laban sa child labor at iba
pang isyung pambata sa barangay, munisipyo o lungsod at
probinsya sa pamamagitan ng paggawa ng mga polisiya at
batas
• Pagtulong at pagbibigay ng suportang teknikal sa lokal na
pamahalaan na umayon sa pamantayan ng Child-Friendly
Local Governance Audit at maitayo ang mga gumaganang
mekanismong magpoprotekta sa mga bata
• Pag-oorganisa ng mga self-help groups na kinabibilangan
Programs Addressing Child Labor

ng mga magulang ng mga child laborers upang mag-


impok, mangasiwa ng pinansyal, at magtayo ng mga maliliit
na negosyong tutugon sa kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan
• Pakikipag-ugnayan sa mga sibil na organisasyon at
pribadong sektor upang hikayatin na tutulan ang child labor
at lumikha ng mga regulasyon at alituntuning maka-bata
at mga kampanyang nagsasagawa ng mga aktibidad para
isulong ang mga karapatan ng mga bata

17
ECUMENICAL INSTITUTE FOR LABOR EDUCATION AND
RESEARCH (EILER)

• Pananaliksik at paglilimbag ng mga


publikasyong may kinalaman sa child labor
• Pagbubuo ng kurikulum para sa Bata Balik-
Eskwela Program, ang programang naglalayon
mapabalik ang mga child laborers sa pag-aaral
sa pamamagitan ng di-pormal na edukasyon o
Alternative Learning System
• Paglulunsad ng mga konsultasyon hinggil sa
disenyo ng proyekto

BAN TOXICS

• Pagpapalaganap ng impormasyon at kaalaman


na nakabase sa karapatang pantao kaugnay sa
pagtatrabaho sa mga industriyang gumagamit
ng kemikal

• Pagpapaunlad ng komunidad, partikular ang


mga lugar na may presensya ng Artisanal
at Small-Scale Gold Mining (ASGM) at pag-
Programs Addressing Child Labor

oorganisa sa kanila bilang isang sektor


• Paglulunsad ng mga kampanya hinggil sa
pangangasiwa ng mga kemikal na magbibigay
kamalayan, boses, at kapangyarihan sa mga
gumagamit at kumukonsumo ng mga ito
upang maitaguyod ang ligtas na paggamit ng
mga kemikal at maitaguyod ang katarungang
pangkalikasan

18
Upang lalo pang maprotektahan kaming
mga bata mula sa child labor, ang
DSWD, kasama ang ibang ahensya ng
gobyerno, mga pribadong organisasyon,
at ilang lokal na pamahalaan ay
naglunsad ng proyektong tinatawag na
SHIELD. Ano kaya ang proyektong ito?
SHIELD AGAINST CHILD LABOR

19
Ano ang Strategic
Helpdesks for Intervention,
Education, Livelihood and
other Developmental
Interventions o SHIELD?
Ang SHIELD ay isang proyekto ng DSWD
sa pakikipagtulungan sa ibang ahensya
na naglalayong tumulong na labanan
ang child labor, partikular na ang mga
pinakamalalang uri nito na isinasagawa
ng mga batang nagtatrabaho sa mga
sumusunod:

• bukid o plantasyon
• minahan
• pagawaan ng paputok
• mga pabrika
• kalsada
• mga pribadong pamamahay kung
saan naninilbihan ang mga bata
bilang kasambahay
SHIELD AGAINST CHILD LABOR

20
Bakit binuo ang proyektong SHIELD?

Ang DSWD, sa pamamagitan ng Social Technology Bureau (STB),


ay nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa pinaka-delikadong uri
ng pagtatrabaho ng mga bata. Mula sa pag-aaral, nakalap ang mga
sumusunod na impormasyon:

• Kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit pinapayagang


magtrabaho ang mga bata sa mapanganib na mga industriya,
• Tulong pampa-aral ang pangunahing pangangailangan ng mga
child laborers, at
• Kailangang magsagawa ng proyekto na data banking at
maisaayos ang impormasyon patungkol sa mga child laborers sa
buong bansa.

Batay sa mga impormasyon na ito, ang SHIELD ay tutugon upang:

1. Makapagtatag ng Child Labor Local Registry System (CLLR) o


pagtatala ng mga child laborers sa komunidad upang alamin ang
kasalukuyang bilang at sitwasyon ng mga batang ito;
2. Mapagtibay ang lokal na mga sistema at mekanismo upang
mapagsama-sama ang mga serbisyo ng gobyerno at mga
pribadong organisasyon para tulungan ang mga child laborers at
kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagtatatag ng Barangay
Help Desk; at
3. Mapataas ang kamalayan at kapasidad ng mga child laborers,
kanilang pamilya, at iba pang may mga tungkulin upang labanan
ang child labor.

Sinu-sino ang target ng SHIELD?


SHIELD AGAINST CHILD LABOR

• Child laborers na nasa pinakamalalang uri ng pagtatrabaho;


• Pamilya ng child laborers;
• Komunidad sa napiling pilot areas;
• Mga lokal na pamahalaan at mga ahensya at NGOs na
katuwang sa pagbibigay serbisyo sa child laborers at
kanilang pamilya; at,
• Mga nagpapatrabaho ng child laborers tulad ng mga
haciendero, kontratista, at namumuhunan.

21
Saan ang pilot areas ng proyekto?

Tatlong rehiyon sa Pilipinas ang napili para paglunsaran


ng proyekto. Ang mga rehiyong ito ay kabilang sa may
pinakamataas na bilang ng mga child laborers ayon sa datos
mula sa Survey on Children ng Philippine Statistics Authority

Rehiyon Bilang ng child laborers


IV – A (Catanauan, Quezon) 218,400 (10.4%)
V (Labo, Jose Panganiban at 174,300 (8.3%)
Paracale, Camarines Norte)
VIII (Kananga at Ormoc, 147,000 (7%)
Leyte)

Kabuuan 539,700 (25.7%)

Paano isasagawa ang SHIELD?

Ang SHIELD ay may tatlong bahagi na ipapatupad sa tulong ng


mga lokal na pamahalaan, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, at
mga NGOs.

Unang Bahagi:

Child Labor Local Registry (CLLR) o pagtatala ng mga child


SHIELD AGAINST CHILD LABOR

laborers sa komunidad – ito ay naglalayong kilalanin at alamin


ang kasalukuyang sitwasyon ng mga child laborers. Ang
impormasyon na makakalap ay gagamitin upang masusing
masundan ang kalagayan ng mga bata at magiging batayan sa
pagpaplano para sa pagbibigay ng tama at naayong serbisyo sa
kanila.

22
Pangalawang Bahagi:

Barangay helpdesk para sa child laborers – ito ay matatagpuan sa


Barangay Hall kung saan maaaring dumulog ang mga child laborer at
kanilang pamilya para makakuha ng pinagsama-samang serbisyo na
angkop sa kanilang pangangailangan. Kaakibat nito ang agarang pag-
refer sa kanila sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang malapatan ng
tamang askyon.

Pangatlong Bahagi:

Pag-organisa, pagbibigay kaalaman, at pag-aangat sa antas ng


kakayahan ng mamamayan – Ang bahaging ito ay tumutugon sa
kakulangan ng kaalaman ng mga child laborers, kanilang mga
magulang, at ng komunidad sa usapin ng child labor. Kasama dito ang
pagbibigay impormasyon tungkol sa mga posibleng kapamahakan
na maidudulot ng child labor sa mga bata at ang iba’t-ibang batas na
nagbabawal dito.

Sa ilalim nito, magsasagawa ng iba’t-ibang adbokasiya at pagsasanay


na kabibilangan ng mga child laborers, kanilang pamilya, lokal na
pamahalaan, at mga ahensya ng gobyerno at pribadong grupo na
maaring magbigay ng serbisyo.
SHIELD AGAINST CHILD LABOR

23
Sana po ay matulungan ninyong
protektahan ang mga kapwa ko
bata laban sa child labor. Sana
po lahat ng mga batang katulad
ko ay nag-aaral at malayang
nakakapaglaro.

SHIELD AGAINST CHILD LABOR

24
Ang laban kontra sa child labor ay
hindi lamang responsibilidad ng
pamahalaan at ng mga pribadong
organisasyon. Ang child labor ay
dapat sama-samang labanan ng
komunidad.

Alamin, kumilos, at tumulong.


Labanan natin ang child labor at
suportahan ang SHIELD project
upang makamit ang layuning
#1MilyongBatangMalaya!
Ang aklat na ito ay binuo ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) Social Marketing Service (SMS), Social Technology Bureau (STB),
at SHIELD National Technical Working Group para sa mga implementer
ng SHIELD against Child Labor Project, mga nagpapatrabaho ng child
laborers at mga partner ng proyektong ito.

Ang SHIELD ay isang proyekto ng DSWD sa pakikipagtulungan sa iba’t


ibang ahensya na naglalayong tumulong na labanan ang child labor,
partikular na ang mga pinakamalalang uri nito na isinisagawa ng mga
batang nagtatrabaho sa mga bukid o plantasyon, minahan, pagawaan ng
paputok, kalsada, mga pabrika, at mga pribadong pamamahay.

Layunin ng praymer na ito na ipaalam sa nakatakdang mambabasa ang mga


karapatan ng mga bata, mga alituntunin na nakapaloob sa RA 9231 na dapat
sundin ng mga employer, at ang mga programa at serbisyo ng DSWD at ng
iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government organizations upang
matugunan ang problemang ito.

Layon din ng aklat na ito na hikayatin ang publiko na ALAMIN. KUMILOS.


TUMULONG. upang mawakasan ang child labor. Dahil ang problemang
ito ay hindi lamang tungkulin ng iilan bagkus ng bawat isa. Kaya’t magsama-
sama tayong KUMILOS upang makamit ang #1MBatangMalaya!
Developed by
SHIELD NATIONAL TECHNICAL WORKING GROUP

You might also like