Video Campaign Script:
SCENE 1
(The family is eating together at the dinner table. The atmosphere is quiet but tense.)
Nanay: "Mahal, hindi ko alam kung paano natin pagkakasyahin ang pera ngayong buwan."
Tatay: "Oo nga. Kulang na kulang ang sweldo ko, pero hayaan mo, gagawa ako ng paraan."
(MC hears the conversation and stops eating. She looks down, deep in thought. The clinking of utensils
against plates seems louder in the silence.)
MC’s Thoughts (Voiceover 1):
"Lagi na lang ganito… Paano kung hindi na namin kayanin? Paano ako makakatulong??"
Scene 2
Scene 2: Ang Napulot na Pitaka
(MC walks alone on the street, still thinking about her parents' conversation. Her face is full of worry
as she clutches her school bag tightly.)
MC’s Thoughts (Voiceover 2):
"Dapat ba akong huminto sa pag-aaral? Maghanap na lang ng trabaho? Pero… pangarap ko ‘to. Paano
sina Nanay at Tatay? Kailangan nila ng tulong… Pero paano kung hindi sapat ang ginagawa ko?"
(She sighs heavily and stops in front of a small bench. She sits down and buries her face in her hands,
frustration evident in her posture.)
(In the background, two students are chatting happily, their laughter contrasting with MC’s troubled
thoughts.)
Kaibigan 1: "Sige, kita na lang tayo mamaya!"
Kaibigan 2: "Oo, ingat ka!"
(The two students walk away, unaware that one of them has dropped a wallet near the bench.)
(MC picks up the wallet and looks around hesitantly.)
MC’s Thoughts (Voiceover 3):
"Isang pitaka… Maraming laman kaya ito? Paano kung gamitin ko para sa pamilya namin? Kung ibibili ko
ng bigas, ng gamot para kay Tatay…"
(She hesitates, swallowing hard. Her hands tremble slightly as she turns the wallet over. Suddenly, two
imagined scenarios start playing in her mind.)
Part 1: Itago ang Pitaka at Gamitin ang Pera
(Quick scenes flash in her mind as she imagines the possibilities.)
(She sees herself handing money to her mom, who looks relieved.)
Nanay: "Anak, saan mo nakuha ito?"
MC (hesitant but forces a smile): "Huwag niyo na pong alalahanin, Nay. Importante, may panggastos na
tayo."
MC’s Thoughts (Voiceover 4): “Kung kunin ko ito… makakatulong sa pamilya ko. Pero tama ba ito?”
Part 2: Ibalik ang Pitaka (Another quick scene flashes in her mind.)
(She sees herself running toward the girl, calling her attention.)
MC: "Miss! Nahulog mo ang pitaka mo."
(The owner looks back, shocked, then checks her bag.)
Owner: "Oh my gosh, salamat! Ang pera na 'to ay pang-tuition ko!"
(The girl smiles with gratitude, and MC feels a sense of fulfillment.)
MC’s Thoughts (Voiceover 5): “Pero… hindi ito sa akin. Hindi ito ang tamang paraan para matulungan
ang pamilya ko.”
(Suddenly, two figures appear beside her—the Good Conscience and the Evil Conscience, both
representing her inner thoughts.)
Evil Conscience (Smirking, persuasive tone):
"Kunin mo na ‘yan! Wala namang makakaalam. Isipin mo, may pangkain na kayo, may pambayad ka pa
ng tuition!"
Good Conscience (Calm, reassuring tone):
"Pero hindi iyo ‘yan. Ang perang ‘yan ay pinaghirapan ng iba. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw
ang nawalan?"
Evil Conscience (Laughs, dismissive):
"Minsan lang ‘to! Mas kailangan mo ‘yan kaysa sa kanila!"
Good Conscience (Firm but gentle):
"Pero mas mahalaga ang katapatan kaysa sa pera. Ano nalang ang sasabihin ng nanay mo kung pipiliin
mong mandaya?"
(MC closes her eyes, hands trembling, torn between the two choices. Then, suddenly, a memory
flashes—a childhood moment with her mother.)
Flashback Scene: A Lesson on Honesty
Nanay: (Soft, kind voice)
"Anak, lagi mo itatak sa isip mo, ang pagiging matapat ay mas mahalaga kaysa sa kahit anong bagay.
Tandaan mo, ang tiwala ay mahirap makuha pero madaling mawala."
(Back to reality. MC takes a deep breath and makes a firm decision. She runs toward the owner.)
MC: "Miss! Nahulog mo ang pitaka mo."
(The girl turns around, surprised, and checks her bag.)
Owner: "Oh my gosh! Salamat! Hindi ko alam ang gagawin ko kung nawala ito!"
(The owner smiles at MC, grateful. MC smiles back, feeling proud of her decision.)
(Back to reality. MC takes a deep breath and makes a firm decision. She runs toward the owner.)
MC: "Miss! Nahulog mo ang pitaka mo."
(The girl turns around, surprised and checks her bag.)
Owner: "Oh my gosh! Salamat! Hindi ko alam ang gagawin ko kung nawala ito!"
(The owner smiles at MC, grateful. MC smiles back, feeling proud of her decision.)
(MC shares the story with her parents.)
Nanay: "Napakabuti mong anak. Ang kabutihan ay may gantimpala sa tamang panahon."
Tatay: "Tama, anak. Hindi natin kailangang makuha ang hindi atin para makaraos."
(MC smiles, feeling lighter. Though their struggles remain, she knows she made the right choice.)
SCENE 3 (Interview)
In your experience, what do you think helps a person develop strong moral character?
• Honesty– Returning lost money.
• Respect – Following school rules, respecting elders.
• Kindness – Helping a classmate in need.
• Responsibility – Doing homework, keeping promises.
SCENE 4 (Closing remarks)
(Montage of interviewees sharing their experiences, then cut to the host or narrator looking at the
camera.)
Narrator:
"Araw-araw, humaharap tayo sa mga desisyong humuhubog sa ating pagkatao. Katapatan, respeto,
kabaitan, at responsibilidad—ito ang mga halagang hindi lang nagpapakita ng ating ugali, kundi ng
tunay nating pagkatao."
"Ang mga kwentong narinig natin ngayon ay nagpapaalala sa atin na hindi laging madali ang paggawa
ng tama, pero ito ang laging nararapat."
"Sa huli, ang tunay na pagkatao ay nasusukat hindi sa harap ng iba, kundi sa mga sandaling walang
nakakakita. Kaya ang tanong… sino ka kapag walang nakatingin?"
(Dahan-dahang magfa-fade to black ang screen na may text: "Piliin ang katapatan. Piliin ang
kabutihan. Piliin ang integridad.