PAGKAKAIBA AT
PAGKAKATULAD
NG TANKA AT
HAIKU
ANO-ANO ANG KATANGIAN NG TANKA AT 2
HAIKU. PAANO SILA NAGKAKAIBA?
NAGKAKATULAD?
Ang tanka ay may limang taludtod na tatlumpu’t
isa (31) ang kabuuang bilang ng mga pantig.
May hating 5-7-5-7-7 (ang ibang tanka ay may
hating 7-7-7 -5-5), pero puwede ring
magkapalit-palit basta’t tatlumpu’t isa (31) pa
rin ang kabuuang bilang ng pantig.
Presentation title 3
• Karaniwang katangian ng tanka ay magsaad ng
damdamin tulad ng pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Puno rin ng damdamin ang tanka.
• Nagpapahayag ng pangakong pagmamahal.
Ng forever, ika nga. Sa halip na sabihing
“masaya akong kasama ka,” papalitan ito ng
“aliw ng puso.” Sa gayon, sasakto ring limang
pantig.
Presentation title 4
• Damhin mo rin ang drama ng huling pantig – hindi ka na
luluha. Pagpapahiwatig ito na dumanas ng maraming
lungkot o hirap ang minamahal.
• Halimbawa
Katangi-tangi
Ikaw at ikaw lámang,
aliw ng puso,
iingatan ka lagi,
hindi ka na luluha
Presentation title 5
• Ang haiku ay mas maikli kaysa sa tanka. May
labimpitong (17) pantig lamang at may hati ng
taludtod na 5-7-5. Pero puwede ring
magkapalit-palit ang kabuoang pantig basta
labimpito (17) pa rin ang kabuoan.
Presentation title 6
• Gaya ng tanka, puno rin ng emosyon ang
haiku. Karaniwang paksa ng haiku ang
kalikasan at pag-ibig.
Halimbawa:
Buhos pa, ulan
ikaw ang magpatighaw
puso kong lumbay
Presentation title 7
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Kabilang sa pananalinghaga ang tayutay o figures of
speech. Pagwawangis o metapora (metaphor) ang
madalas na ginagawang kasangkapan. Halimbawa,
kapag sinabing ang isang tao ay tinik sa didbid,
nangangahulugang itinuturing ang taong yaon na
malaking problema.
Presentation title 8
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Kapag nilagyan naman ang salita ng
panuring na gaya ng parang, animo (ka)
gaya, (ka)tulad, tinatawag naman ang
talinghaga ito na pagtutulad o simile.
Halimbawa, gaya ng tinik sa dibdib, o
parang mabangong bulaklak.
Presentation title 9
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Pagsasatao o personipikasyon naman ang isang
talinghaga kapag ikinakabit ang katangian, galaw o
kilos ng tao sa isang bagay, halaman, o elemento.
Halimbawa, ang paghihip ng hangin ay ihahayag na
“nilalandi ako ng hangin,” o sa halip na pag-ulan,
ang gagamitin ay “pagluha ng langit.”
Presentation title 10
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Pagmamalabis o exaggeration o hyperbole
naman ang tawag kapag sobra ang paglalarawan
at mahirap maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa, maituturing na isang pagmamalabis
ang pagsasabi ng “walang hanggang lumbay”
dahil ang paghihirap ay hindi naman gayong
tuloy-tuloy.
Presentation title 11
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Halimbawa, pagmamalabis ang
pahayag na “mamamatay ako kapag
lumayo ka” o ang pagsasabing “taon
ang katumbas sa bawat minutong di ka
nakikita.”
Presentation title 12
PAGSULAT NG TANKA AT HAIKU
Apostrophe o panawagan naman ang
talinghalaga kapag wala ang bagay o bahagi
ng kalikasan na siyang kinakausap ng
persona o nasasalita sa tula. Halimbawa ng
apostrophe ang pagsasabing “halika, ulan,
pasayahin mo ako.”
Presentation title 13
PAG-ARALAN ANG TANKA AT HAIKU. PUNAN NG WASTONG SAGOT ANG
MGA KAHON SA IBABA. ISULAT ANG SAGOT SA IYONG SAGUTANG PAPEL.
Presentation title 14
PUNUIN ANG TALAHANAYAN. GAWIN ITO SA IYONG
SAGUTANG PAPEL.
Presentation title 15
PAGTUTULAD (SIMILE)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang
tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, kagaya atbp.
Presentation title 16
PAGWAWANGIS
Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban
sa hindi ginagamit ang mga salitang
tulad ng, katulad ng, kawangis ng,
animo, kagaya ng atbp.
Presentation title 17
PAGTATAO/ PERSONIPIKASYON
• Ito ay pagsasalin ng talion, gawi at katangian
ng tao sa bagay.
Halimbawa:
1.Ang mga damo ay sumasayaw.
2.Tumatawa ng malakas ang mga puno.
Presentation title 18
EKSAHERASYON/ PAGMAMALABIS
• Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan
at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
Halimbawa:
1.Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
2.Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
Presentation title 19
PAGTAWAG/ APOSTROPHE
• Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang
kinakausap sila.
Halimbawa:
1.O Pag ibig, nasaan ka na?
2.Galit, layuan mo ako magpakailanman!
Presentation title 20
TUKUYIN ANG TAYUTAY NA NAKAPALOOB SA MGA
PANGUNGUSAP.
1.Ang mga pangako mo ay parang hangin.
2. Ang paig –ibig mo ay parang tubig, walang lasa.
3.Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
4.Lumipad ang mga oras.
5. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking
kaibigan.
Presentation title 21
TUKUYIN ANG TAYUTAY NA NAKAPALOOB SA MGA
PANGUNGUSAP.
6. Araw, sumikat ka na!
7. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
8. Kinindatan ako ng araw.
9. Namuti ang kaniyang buhok kahihintay
sayo.
10. Nagkasakit ang kotse ko.
Presentation title 22
TUKUYIN ANG TAYUTAY NA NAKAPALOOB SA MGA
PANGUNGUSAP.
11. Si Miguel ay hulog ng langit.
12. Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
13. Ang puso mo ay gaya ng bato.
14. Ulan, ulan kami’y lubayan mo na,
15. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang
dumating si Seman.
Presentation title 23
TUKUYIN ANG TAYUTAY NA NAKAPALOOB SA MGA
PANGUNGUSAP.
16. Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.
17. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
18. Ama, huwag niyo po kami pababayaan.
19. Sumasayaw ang mga bituin sa langit.
20. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng
isang tao.
Katapusan ng Aking Paglalakbay
Ni Oshikochi Mitsune
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag- init noon
Gulo ang isip.
Presentation title 25
Anyaya
Ni Gonzalo K. Flores
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta
Presentation title 26
Tutubi
Ni Gonzales K. Flores
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
Presentation title 27
Naghihintay Ako
Ni Prinsesa Nukada
Naghintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
Presentation title 28
Huwag Balasubas
Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan,
‘Wag kalimutan.
29
TUKUYIN ANG URI NG TALINGHAGANG GINAMIT SA IBABA
(PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTUTULAD, PAGWAWANGIS,
PANAWAGAN). MAKATUTULONG ANG MGA SALITANG MAY
SALUNGGUHIT.
Presentation title 30
SUMULAT NG ISANG PAYAK NA TANKA AT HAIKU GAMIT ANG MGA
SUMUSUNOD NA SALITA. GAWIN ITO SA IYONG SAGUTANG PAPEL.
1. Pagsubok (Tanka)
___________________________________________________________
______________
___________________________________________________________
______________
2. Tagumpay (Haiku)
_____________________________________________________________
____________
_____________________________________________________________
____________
Presentation title 31
• Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa
kanilang mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa
kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay
may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang
bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin
( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at
isang oso na maging tao.
Presentation title 32
Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang
dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na
pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos
ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay
agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob
ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may
isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba.
Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap
muli si Hwanin .
Presentation title 33
• Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na
sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa
ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak
ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae.
Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si
Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito
nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop
ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Presentation title 34
• Ang pabula ay isa sa mga
sinaunang panitikan sa daigdig. Si
Aesop ang tinaguriang “Ama ng
mga Sinaunang Pabula” dahil sa
napabantog niyang aklat, ang
Aesop’s Fable.
Presentation title 35
• Isa sa mahalagang katangian ng pabula, bagamat
kathang- isip lamang, ang mag-iwan ng isang
makabuluhang pangaral sa mga mambabasa.
Presentation title 36
ANG SUTIL NA PALAKA
• Mula sa The Green Frog, isang pabulang Koreano; salin
ni Teresita F. Laxima
Presentation title 37
Noong unang panahon, may isang berdeng
palaka na naninirahan sa isang lawa kasama ang
inang palaka na isang biyuda.
May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi
niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag
may sinabi ang inang palaka, kabaligtaran ang
ginagawa ng berdeng palaka.
Presentation title 38
Kapag sinabi ng ina na sa bundok
siya maglaro, sa sapa naman siya
maglalaro. Kapag sinabi ng ina na
umakyat, bababa naman siya.
Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa
kaliwa siya pupunta.
Presentation title 39
Lubhang nababahala ang Inang Palaka
sa pagiging sutil ng berdeng palaka.
Lagi na lamang kahihiyan ang
ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.
“Bakit hindi siya tumulad sa ibang
batang palaka na magalang at
masunurin” himutok ng Inang Palaka
Presentation title 40
“Ano na ang mangyayari sa kaniya
kapag ako’y nawala na? Matanda na
ako at anomang oras ay maaari akong
mamatay. Kailangang gumawa ako ng
paraan upang maputol na ang pagiging
sutil niya,” sunod-sunod na nausal ng
ina sa sarili.
Presentation title 41
Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang
Palaka ang berdeng palaka tungkol sa
kabutihang-asal subalit patuloy na
binabale-wala ng berdeng palaka ang
pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa
rin ang berdeng palaka sa pagiging sutil.
Presentation title 42
Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman
ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag
niya sa kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap
ito nang masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na
mailibing siya nang maayos sa bundok. At dahil sa
alam niya ang ugali ng berdeng palaka na
kabaligtaran ng kaniyang bilin ang gagawin nito,
pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin
niya sa pagkausap dito.
Presentation title 43
Hindi niya sinabi sa berdeng palaka ang
totoong nais niyang mangyari. Sa halip,
iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.
“Kapag namatay na ako, ilibing mo ako sa
sapa, huwag mo akong ililibing sa bundok,”
sunod-sunod na bilin ng ina sa berdeng
palaka.
Presentation title 44
Nakikinig nang buong kapanglawan ang
berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.
“Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin
mo.” paniniyak ng berdeng palaka sa ina.
Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang
Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng
berdeng palaka. Alam niya na siya ang dahilan
ng maagang kamatayan ng ina.
Presentation title 45
“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging
suwail ko, lagi ka na lamang nagdaramdam
sa akin kaya ka nagkasakit at maagang
namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa
sarili. “Susundin ko ina ang bilin mo sa akin
na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng
berdeng palaka.
Presentation title 46
At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na
ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at
malakas ang alon, baka maanod ang libingan ng ina
at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang
ang namatay na ina. Kapag malakas ang ulan,
binabantayan niya ang libingan ng ina. Nagdarasal
siya ng taimtim na nawa’y huwag lumaki ang alon
baka matangay nito ang libingan ng ina.
Presentation title 47
Subalit, tulad nang dapat
asahan, dumating ang ulang
habagat at tumaas at lumaki ang
alon, naanod ang libingan ng
Inang Palaka.
Presentation title 48
Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng
palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na
ulan at doon nagpatuloy sa walang humpay
na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng
ina. Ito ang dahilan, ayon sa marami kung
bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng
palaka
Presentation title 49
SURIIN ANG MGA PAHAYAG NA HINANGO SA PABULANG BINASA. PILIIN
ANG SALITANG TUTUKOY SA DAMDAMIN NG NAGSASALITA. ISULAT ANG
SAGOT SA IYONG SAGUTANG PAPEL.
Presentation title 50
1.“Huwag kang lalayo ngayon, narinig ko sa
usapang may parating na ahas. Baka
mapahamak ka.”
2. “Sa gilid ng batis mo ako ilibing.”
3. “Gusto ninyo bang mamasyal at magsaya?
Tayo na at manghuli ng ahas”
Presentation title 51
4.“Inay, huwag po kayong magsalita ng ganiyan.
Inay, huwag ninyo po akong iwan.”
5.“Wala na si Inay, kung naging masunurin lamang
ako ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.”
Presentation title 52
1.Ano ang problemang pinalutang sa kuwento na tunay na
nararanasan ng tao?
2. Batay sa binasa, ano ang mga katangian ng mga tauhan
sa pabula.
3. Sa palagay mo, mabisa ba ang paggamit ng hayop na tila
nagsasalita at kumikilos na kagaya ng tao upang maipaabot
ang mensahe? Ipaliwanag.
Presentation title 53
Maraming koponan o team sa palakasan o isport ang
ipinapangalan sa mga hayop. Kung bibigyan ka ng
pagkakataon na magtayo ng isang team sa isang
partikular na isports, sa aling hayop mo ito ipapangalan?
Magbigay ng dalawang halimbawa. Gawin sa iyong
sagutang papel
Presentation title 54
Presentation title 55
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1.Tama ba ang naging hatol ng kuneho
sa suliranin ng tigre at ng lalaki?
Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon
gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Ipaliwanag.
Presentation title 56
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring
mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang
muli ang mga nilalang sa kalikasan natin
ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa
ating mga tao? Bakit?
Presentation title 57
MODALS (MALAPANDIWA)
Ang mga ito ay ginagamit bilang
panuring na may kahulugang tulad
ng pandiwa. Ang mga modal ay mga
pandiwang hindi nagbabago,
limitado kapag binanghay o walang
aspekto.
Presentation title 58
1. Nagsasaad ng pagnanasa,
paghahangad at pagkagusto
Mga Halimbawa:
Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap
sa buhay.
Presentation title 59
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa:
Dapat sundin ang sampung utos ng
Panginoon.
Presentation title 60
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa:
Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-
aaral.
Presentation title 61
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa:
Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.
Presentation title 62
_____1. Dapat nating alagaan ang
kalikasan.
_____2. Ibig kong umahon sa kahirapan.
_____3. Kailangan natin ng pagbabago.
_____4. Gusto kong marating ang
magagandang tanawin sa ating bansa.
_____5. Maaari pa kaya ito?
Presentation title 63
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit
sa pangungusap. Letra lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad
b - Nagsasaad ng pagnanasa
c – Hinihinging mangyari
d – Sapilitang mangyari
Presentation title 64
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso
sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at
magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka
ngayon.
Presentation title 65
___4. Maaari pa bang masagip ang ating
kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon
siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking
pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa
ng mga taga-Korea.
Presentation title 66
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula
upang matuto ka ng mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula
ng Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng
pabula tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga
pagsubok sa buhay.
Presentation title 67
TEKSTONG ARGUMENTATIB - (PANGANGATUWIRAN)
• Ito ay teksto kung saan ipinagtatanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang paksa o usapin
gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Presentation title 68
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
a.Mahalaga at napapanahong paksa
b. Maikli ngunit malaman at malinaw
c. Malinaw at lohikal na transisyon
d. Maayos na pagkakasunod - sunod ng mga
talata
e. Matibay na ebidensiya para sa argumento
Presentation title 69
ELEMENTO
• a. proposisyon
- pinagtatalunan
- pahayag na inilalaan upang pagtuonan
Presentation title 70
ELEMENTO
• b. argumento
- ebidensiya o dahilan
- paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya
upang maging makatuwiran ang isang
panig.
Presentation title 71
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA
KABATAAN
“Hindi iyan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga
kandidatong guwapo’t magaganda!” narinig kong komento ng aking
ama sa isang kandidato habang nanonood ng telebisyon. Sa katunayan,
hindi ko rin gusto ang kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng
aking ama. Ang nakapukaw sa akin ng pansin at agad naman
nagpakulo ng aking dugo ay sa mismong komento nito sa mga
kabataan. “‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong
makipagtalo, ngunit dahil sa respeto, huwag na lamang!
Presentation title 72
Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, pati na rin Blogger.
Ito lamang ang iilan sa mga social media sites na
tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kanila. Adik ako
sa internet, pero di sa paraang masama. Gusto ko sanang
idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang
mga kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon ninyo lamang
iyon, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana
akong respeto’t di-makapagtimpi ay ganitong-ganito ang
aking isasagot.
Presentation title 73
Iba na nga ang mga kabataan ngayon. Pihikan
na sila sa pagpili at proud akong kabilang ako sa
henerasyong ito. Marami akong nila-like sa
Facebook at pina-follow sa Twitter. Sa mga
nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga
kabataan sa tulong ng social media at internet
sites. Isang magandang balita para sa ating
bayan.
Presentation title 74
Napansin ko rin na hindi lamang sila basta pumipili
ng kandidatong popular dahil sa endorser at
commercials. Pati mga independent candidates ay
sinusuri na rin nila. May pakialam na ang kabataan
ngayon. Sa pamamagitan ng kamera ay iniispatan na
nila ang mga loko-lokong kandidato at ipinadadala sa
midya. Marami rin akong nababásang mga artikulo
gáling sa blog sites ng mga kabataan at natutuwa
naman akong basahin ang mga ito.
Presentation title 75
Isa pang ikinaka-proud ko ay ang liberal na isip
ng kasalukuyang kabataan. Sariwa ang kanilang
ideya hindi tulad ng mga nakatatandang
tradisyonal na kung magisip. Dahil sa
teknolohiya, napalalawak ang mga ito. Ilan dito
ay paggawa ng short videos ukol sa eleksiyon o
panghihikayat sa kapwa kabataan na maging
matalino sa pagpili.
Presentation title 76
Karamihan ng mga botante ay may edad na labingwalo
hanggang dalawampu at limang (18–25) mga kabataan.
Kaya naman, kampante ako sa resulta ng botohan (kung
walang mangyayaring pandadaya). Maituturing ko na
magiging progresibo at matagumpay ang eleksiyon na ito
sa túlong ng matalino at mapanuring pag-iisip ng mga
kabataan. Totoo nga ang sinabi ng ating bayani, at sana
naman ay mapagtanto ng mga kabataan at ng susunod na
henerasyon na: Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.
Presentation title 77
1.Tungkol saan ang akda?
2. Anong napapanahong isyu ang tinalakay sa akda?
3. Anong mensahe ang nais iparating ng akda?
4. Para kanino ang mensaheng ito?
5. Magkatulad ba kayo ng paniniwala ng may-akda?
Bakit?
Presentation title 78
SURIIN ANG PROPOSISYON NA NASA IBABA. PILIIN
ANG LETRA NG MAS WASTO O MAS AKMANG
ARGUMENTO PARA RITO.
1. Dapat ipasa ang Divorce Bill upang
mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
Presentation title 79
A.Naniniwala ako rito dahil kung maipatutupad ito
ay mas madali nang makalalaya ang isang babae
laban sa pagmamalupit ng kaniyang asawa.
B. Di ako naniniwala rito dahil hindi divorce ang
daan upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan kundi tamang edukasyon at pagkatuto sa
tamang pagtrato sa mga babae.
2. DAPAT IPATUPAD ANG RH BILL UPANG 80
MAKONTROL ANG POPULASYON AT
KAHIRAPAN.
A.Tama, sapagkat isa sa mga sanhi ng kahirapan
ay ang paglobo ng populasyon.
B. Mali, sapagkat kawalan ng oportunidad sa
edukasyon at trabaho ang mas dapat na
pagtuunan ng pansin para makontrol ang
populasyon.
3. NAKASASAMA SA PAMILYA ANG PAG- 81
ALIS NG ISANG MIYEMBRO NITO UPANG
MAGTRABAHO SA IBANG BANSA.
A.Totoo ito sapagkat nagrerebelde ang mga
anak at napaririwara ang mga ito dahil sa
kakulangan ng gabay ng magulang.
B. Hindi totoo sapagkat mas napagagaan ang
buhay nila dahil may suportang pinansiyal.
4. ANG PAGPAPATUPAD NG DEATH PENALTY 82
AY MAKATUTULONG PARA MABAWASAN ANG
KRIMINALIDAD SA BANSA.
A. Makatuwiran ito dahil mas maraming
tao ang matatakot na gumawa ng krimen
kung ipapasa ang batas na ito.
B. Hindi makatuwiran dahil ang Diyos
lamang ang maaaring bumawi ng ating
buhay.
5. ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN NG BANSANG 83
PILIPINAS SA BANSANG TSINA AY NAKATUTULONG
SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG BANSA.
A.Sang-ayon ako sapagkat mayamang bansa
ang Tsina at maaari tayong matulungan.
B. Hindi ako sang-ayon sapagkat
nangangahulugan lamang ito ng pagbibigay-
kapangyarihan sa bansang Tsina upang
makialam sa desisyon.
Presentation title 84
Buoin ang diyalogo/usapan. Ilahad ang
iyong panig o pangangatuwiran ayon sa
hinihingi ng sitwasyon. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
Presentation title 85
• Sitwasyon: Nalalapit na ang pasukan at
nagdesisyon ang iyong ina na huwag ka
munang mag-enrol ngayong taon, ngunit
hindi ka sang-ayon dito. Alam mong
maraming paraan para makapagpatuloy ka
sa pag-aaral. Ano ang ikakatuwiran mo sa
kaniya?
Presentation title 86
DALAGANG PILIPINA 87
NI JOSE CORAZON DE JESUS
Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob
Presentation title 88
Bulaklak na tanging marilag,
ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak,
hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.
Presentation title 89
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan ang dalagang Pilipina.
2. Paano mo bibigyan ang dalagang
Pilipina ng isang tunay na pagtangi.
Presentation title 90
Ang Kababaihan ng Taiwan,
Ngayon at Noong Nakaraang
50 Taon
isinalin sa Filipino
ni Sheila C. Molina
Presentation title 91
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2%
na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang
kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan
gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo
ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa
kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-
unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang
karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Presentation title 92
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50
taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper. Ang tanging
tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos
ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang
karapatang magdesisyon dahil sa kanilang
mababang kalagayan sa tahanan.
Presentation title 93
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae
at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng
mga Taiwanese, sila pa rin ang may
pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa
larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila
kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa
madaling salita, dalawang mabibigat na
tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng 94
kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na
nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay
nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga
kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan
at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na
umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may
mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa
mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika
mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-
aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang
50 taon.
Presentation title 95
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga
batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita
na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa
nangungunang networking hardware manufacturer sa
Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave
sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng
Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng
pantay na karapatan upang higit nilang
mapangalagaan ang kababaihan.
Presentation title 96
MGA TANONG:
1.Ano ang paksa ng sanaysay?
2.Ano ang layunin ng may-akda sa
pagsulat nito?
Presentation title 97
Ang sanaysay ay isang matalinong
pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang
paksa? Ito ay isang genre o sangay ng
panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na
maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran maging tao, hayop, pook,
pangyayari, bagay, at guniguni
Presentation title 98
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay
pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang
susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o
nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang
napiling isulat. Nararapat na magpokus sa isang
paksa lamang at maghanda ng balangkas upang
magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
Presentation title 99
Tinatawag na mananaysay ang manunulat ng
sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-
aaral at kasanayan ng sinumang susulat nito.
Katunayan, kabilang sa matatawag na sanaysay
ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis,
disertasyon, pamanahong papel at panunuri, at
ang mga sulating pampamahayagan gaya ng
tanging lathalain.
100
GROUP I – DULA
GROUP II – TULA
GROUP III – AWIT
GROUP IV – TALK SHOW
101
IBA’T IBANG
ESTILO NG
PAGSISIMULA
AT
PAGWAWAKAS
NG MAIKLING
KUWENTO
Presentation title 103
1.Paglalarawan ng Tauhan
Halimbawa:
Si Berto ay bugtong na anak ng
mag-asawang G. at Gng. Reyes
Presentation title 104
2. Pagsasalaysay
Halimbawa:
Ibinalabal niya ang makapal na
kumot sa kaniyang katawan upang
mabawasan ang lamig na
nararamdaman.
Presentation title 105
3.Paglalarawan sa Tagpuan
Halimbawa:
Takipsilim na nang dumating si
Kiko sa isang makipot na daanang
kanilang pinag-usapan.
Presentation title 106
4. Usapan o dayalog
Halimbawa:
“Pakiusap, huwag mong hayaang
mawala ang pagtatangi ko sa iyo at
tuluyan kitang kalimutan.”
Presentation title 107
5. Mahalagang Kaisipan
Halimbawa:
Malaki ang paniniwala kong ang
tao bago pa ipanganak ay may
kapalaran ng nakalaan.
Presentation title 108
6. Kagulat-gulat
Halimbawa:
Sa pagbukas ng pintuan makikita ang
isang matandang babaeng may
mahabang buhok na nakalugay at
mabalasik ang tingin.
Presentation title 109
Ang dagkatha (dagling
katha o flash fiction) ay
limang beses o higit pa na
mas maigsi kaysa maikling
kuwento.
Presentation title 110
Form 137
Arn Ordonez Estareja
Presentation title 111
Walang nadaramang saya at
kasabikan si Meynard hanggang
makapasok sa paaralan.
“Bakit pa kasi ako ipatatawag ni
Mam,” maktol niya, “at kung kelan
pa naman bertdey ko
Presentation title 112
Tanggap na niyang hindi siya makapagtatapos
sa Ikaanim na Baitang. Mula nang tumuntong
siya sa Ikatlong Baitang hanggang noong
natapos niya ang Ikalimang Baitang, hindi siya
pinaaakyat ng entablado para kunin ang
medalya na Academic Excellence with High
Honors. Hindi rin nakalagay sa programa ng
Araw ng Pagkilala ang kaniyang pangalan.
Presentation title 113
Baka masampahan ng kaso ng dati
niyang iskul ang kasalukuyan
niyang paaralan. Mahirap na. Buti
nga raw at tinanggap ako, at di
pinapatigil sa pagpasok.
Presentation title 114
Di pa rin nababayaran ng kaniyang
magulang ang dalawampung libong
pisong pagkakautang nila sa dating
pribadong eskuwelahan. Kaya
hanggang ngayon, hindi pa nito inire-
release ang kaniyang Form 137, ang
kaniyang official transcripts of record.
Presentation title 115
Talaga namang maglilimang taon nang
hirap na hirap ang pamilya nila sa pera.
Malabo talaga siyang makagradweyt.
“Bakit pa kasi…,” patuloy ang
kaniyang maktol hanggang sa nasa
pintuan na siya ng kanilang homeroom.
Presentation title 116
Pagpasok niya, halos magkasabay ang
pag-akbay sa kaniya ng kaniyang
tagapayo at ang masayang pagkanta ng
“Hapi bertdey, Meynard…”
“Hindi naman ako happy. At paano
kaya magiging happy,” nasabi niya sa
sarili. Nanatili siyang walang kibo.
Presentation title 117
Sinundan ang pag-awit ng
masigabong “Sabay-sabay tayong
gagradweyt bukas, Meynard!”
kasabay nito ang paglaladlad nila
ng tarpapel na may halos ganoon
ding mensahe
Presentation title 118
Tapos na ang problema mo. Natin.”
Ipinaliwanag ni Mam na gumawa ng paraan ang
aking mga kamag-aral, ang SSG, ang PTA, ang
Principal at maraming guro para makalikom ng
perang kailangan. Pati ang mga organisasyon sa
barangay gayundin ang kapitan at mga kagawad
ay malaki ang naitulong.
Presentation title 119
Hindi pa rin siya umiimik. Nanlalambot siya
na parang nahihilaman lalo na nang yakapin
ng mga kaklase. Ewan niya bakit may sipon
siyang napapahid. Sa halohalong emosyong
nadarama ni Meynard, nagsimulang
lumutang ang galak.
Presentation title 120
1. Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ko
at sa silid ng aking ama. Ilang hakbang lamang at
maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyon
upang makita ang nasa loob. Subalit ang mga
hakbang ko ay karaniwang mabibigat, napipigilan, na
tila naaatasan ng isang damdaming dayuhan ‘pagkat
di inaasahan. (Dayuhan ni Buenaventura Medina Jr.)
Presentation title 121
2. “Rading, Paquito,
Nelson… pakinggan
ninyo ang kuwentong ito”.
Presentation title 122
3. “May isang lalaki, walong
taong gulang. Humiling siya sa
kaniyang ama ng isang guryon”.
(Saranggola ni Efren Abueg)
Presentation title 123
4. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali,
lumagom sa malaki’t maliit na karanasan, dumantay
sa mukha ng mga taong sa araw-araw ay may bagong
lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring
maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak
mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng
mga gusali. (Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes
Abueg)
Presentation title 124
5. Mataas na ang araw nang lumabas si
Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit
na barong-barong. Maaliwalas ang kaniyang
mukha: sa kaniyang lubog na mga mata na
bahagyang pinagpadilim ng kaniyang
malalagong kilay ay nakakintal ang
kagandahan ng kaaya-ayang umaga. (Ang
Kalupi ni Benjamin Pascual)
Presentation title 125
Presentation title 126
127
Ano ang Imahe at
Simbolo?
Imahe 128
representasyon ng isang bagay tao o
ideya;
larawan na binubuo ng isang akdang
pampanitikan;
larawang ginagamit para maging sentral
na representasyon ng isang akdang
pampanitikan
Simbolo 129
mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa pero dapat
na di-nalalayo ang kaniyang interpretasyon sa
nais ipaabot ng may-akda
bagay na kumakatawan, tumatayo o
nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan,
paniniwala o aksiyon
Halimbawa: 130
sinasagisag o ipinapahiwatig ng imahe ng puti
o kaputian ang kalinisan o kadalisayan;
katapangan naman ang ipinahihiwatig ng pula
Presentation title 131
Piliin ang salitang sumisimbolo sa
loob ng panaklong.
YAMAN = ( alahas, pera, anak)
KALINISAN = ( puti, itim, asul)
ITIM = ( maganda, masama,
malinis)
Presentation title 132
Piliin ang salitang sumisimbolo sa
loob ng panaklong.
MABANGO = ( rosas, dalaga,
damit)
PAGLUBOG NG ARAW =
(sanggol, matanda, dapit-hapon)
Presentation title 133
IBIGAY ANG KAHULUGAN NG SALITANG MAY
SALUNGGUHIT.
1.Ang magkakapatid na parang tigre kung
magbangayan sa huli ay nag tutulungan.
2. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa
ibabaw minsan nasa ilalim.
Presentation title 134
IBIGAY ANG KAHULUGAN NG SALITANG MAY
SALUNGGUHIT.
3. Ito ang iyong tatandaan na huwag mong
dudungisan ang iyong mga kamay. 4. Sa
kilos at gawi ay tila isa kang Maria Clara.
5. Si Huiquan ay maamong tupa na
humarap kay Tiya Li.
TRADISYON AT KULTURA NG
Presentation title 135
MGA TAGA TSINO
• Spring Festival (Chinese New Year) ang itinuturing na
pinakamahalagang pista ng mga tsino.
• Lantern Festival – ito ay isang magarbo at makulay na
selebrasyon na ginaganap sa gabi. Ang araw na ito ay
tradisyunal na panahon ng pagsasalo –salo o pagsasama
sama ng isang pamilya.
TRADISYON AT KULTURA NG
Presentation title 136
MGA TAGA TSINO
• Kasuotan – Ang kasuotan para sa mga babae
ay tinatawag na Chenogsam at Zhongshan
suit para sa mga kalalakihan.
• Pagkain – Chinese dumplings ay isang
tradisyunal na pagkain na sikat sa Hilagang
Tsina.
137
Lura ng Demonyo
Hiroshi Naito
Salin ni Lualhati Bautista
Presentation title 138
Noong unang panahon, sa Kyoto ay
may isang relihiyosong lalaki. Madalas
siyang bumisita sa Rokkaku-do
(Dambanang Heksagonal) para mag-
alay ng taimtim na panalangin kay
Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na
nakadambana roon.
Presentation title 139
Minsa'y bisperas ng Bagong Taon, dumalaw siya sa
bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis
siya rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang
Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng
maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga
naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo
ng isang pinuno kasama ng kaniyang mga ayudante.
Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito at nagtago
sa ilalim ng tulay.
Presentation title 140
Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang
mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang
pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng
tulay at tumingala. Naku! Hindi pala sila mga tao.
Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang
pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang
mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay,
at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na
gulat ang lalaki sa nakita niya.
Presentation title 141
"Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng
isa sa mga oni.
"Hulihin natin!" sabi naman ng isa.
Presentation title 142
Sa isang iglap, ang lalaki'y naging bilanggo ng mga
demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka kainin siya
ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang
gagawin. Pero walang ipinahiwatig na kahit anong
kalupitan ang mga oni. Sabi ng isa, hindi raw bagay
kainin ang lalaki at itinulak siya nito. Pagkaraan ay
pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila
nag-alisan.
Presentation title 143
Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa
pagkakaligtas ng kaniyang buhay. Dali-dali na
siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay,
ayaw siyang kausapin ng kaniyang pamilya
bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga
iyon.
Presentation title 144
"Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi
siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung
anong nangyayari sa kanila. Pagkaraan ng ilang
sandali, biglang pumasok sa isip niya na baka hindi
na siya nakikita dahil sa dura ng mga oni. Nakikita
niya ang kaniyang pamilya at naririnig niya ang
sinasabi ng mga ito, pero mukhang hindi siya
nakikita at naririnig ng mga iyon. Litong-lito siya sa
pangyayaring nagaganap.
Presentation title 145
Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayumpaman,
malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa
piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang
kaniyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga
ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa
niya sa ulo ang kaniyang mga anak, tila hindi
nararamdaman ng mga ito ang kaniyang kamay. Sa
pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama,
sa pag-aakalang nawala na nga ito.
Presentation title 146
Samakatuwid ang Bagong Taon ay
naging araw ng trahedya para sa kanila
at nagdaan pa ang maraming
malungkot na araw. Naisip ng lalaki na
wala nang natitirang paraan sa kaniya
kundi humingi ng tulong sa Diyos ng
Awa.
147
Sa gayon, kaagad niyang binisita ang
Dambana ng Rokkaku-do. "O,
maawaing Kannon-sama, ipakita mo
ako sa aking pamilya. Maawa po kayo
sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-
pusong panalangin sa Diyos sa loob ng
buong dalawang linggo.
Presentation title 148
Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya,
hindi sinasadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip,
nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na
lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim
na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod!
Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong
sasabihin sa'yo ng unang taong masasalubong mo sa daan
pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"
Nagpatira pa siya sa harap ng pari.
Presentation title 149
Nang magising siya, maliwanag na.
Nilisan niya ang dambana at di pa
nakalalayo ay may nasalubong na
siyang isang pastol. Naisip niya na ito
ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa
kaniyang panaginip.
Presentation title 150
Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong
kaibigan, sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki
na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod
sa pastol. Naglakad sila nang kaunti at nakarating sa tarangkahan
ng isang malaking palasyo. Itinali ng pastol ang kanyang baka sa
isang kalapit na puno saka lamang nito binuksan nang bahagya
ang bakod at sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi
ng lalaking di-makita na imposible niyang magawa iyon dahil
napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y
nananaginip pa rin siya.
Dinala siya ng pastol sa kaloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay
Presentation title 151
nakarating sila sa isang kwarto sa bandang likuran. Nakaratay sa
higaan ang isang matanda ngunit may sakit na prinsesa ng
mansyon. Binabantayan ito ng kanyang mga magulang-ang senyor
at senyora-at lahat ng katulong ay pawang nababahala sa kanyang
karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-
nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang
pastol ay di rin nakikita ng karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki
na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang
nawalan ng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng
kahoy na martilyo ang ulo ng may sakit na prinsesa
Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya
152
ang prinsesa, namimilipit ito sa sakit. Sa ganito,
inakala ng senyor at senyora sa namamatay na
ang kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag
ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang
masamang espiritu na gumagambala sa anak
nilang maysakit.
Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng153
mga dasal upang palayasin ang masamang espiritu. Umawit ito ng
panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-
nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba
pang panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-nakikitang
pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang
kimono. "Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-
gulong sa lapag. Sa sumunod na sandali, lumitaw ang kanyang
kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila:
"Saan siya nanggaling?"
Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal
154
na inusisa siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang
paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang
kakaibang abentura. Sabi ng pari: " Isang milagro 'yan.
Marahil ay ginusto ni Kannon-sama ng Dambana ng
Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito
gayundin na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na
nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling
din ang prinsesa.
Masayang umuwi ang lalaki. Di na
155
kailangang sabihin pa na tuwang-tuwa ang
pamilya niya nang makita siyang muli.
Ang identitad na pastol ay nanatiling
misteryoso hanggang ngayon pero
pinaniniwalaan ng maraming tao na siya'y
isa pang kaluluwa.
156
1.Ano ang pangunahing problemang
kinaharap ng pangunahing tauhan sa
kuwento? Paano ito nalutas?
2. Sa palagay mo, bakit nagsimula ang
kuwento nang malapit nang gumabi at
nagtapos naman ng umaga? Anong diwa ang
maikakabit natin sa gabi at sa araw?
3. Ano ang kinakatawan ng Bagong Taon, at 157
ang okasyon na ito ang napili ng may-akda
ng kuwento?
4. Ano ang marugas sa paglura sa mukha?
Kung walang balak patayin ng mga
demonyo ang lalaki, bakit siya nila niluraan
sa halip na saktan, tadyakan, pasuhin ng
apoy o saksakin?
PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO 158
“LURA NG DEMONYO”
I. TAUHAN
II. TAGPUAN
III. TEMA (PAKSA)
IV. BANGHAY
V. ARAL
Presentation title 159
ANTAS O TINDI
NG
PAGPAPAHAYAG
Presentation title 161
May iba’t ibang antas ng kasidhian sa
pagpapahayag.
1. Karaniwan. Sa ganitong pangungusap
ginagamit ang anyong payak o maylapi
ng salita gaya ng mataas, mayaman,
malalim, itim at katutubo.
Presentation title 162
2. Katamtamang antas. Sa ganitong
pagpapahayag ginagamit ang mga
salitang di-gaano, bahagya, kaunti, o sa
pamamagitaan ng pag-uulit ng salitang-
ugat na ginagamitan ng mga pang-
angkop na na o -ng gaya ng mayaman-
yaman o malalim-lalim.
Presentation title 163
3. Pinasidhi. Ipinakikita ito sa
pamamagitan ng:
paggamit ng mga panlaping napaka-,
ka-/-an o -han at pagka-
Hal. napakayaman, kalalim-laliman,
pagkagalak-galak
Presentation title 164
Iantas ang mga salitang may salungguhit
batay sa tindi ng emosyon o damdaming
ipinahahayag. Lagyan ng bilang na 1 para
sa pinakamababaw na damdamin at 3
para sa pinakamasidhing emosyon.
Presentation title 165
1. ( ) Hindi pinansin ng batang kalabaw
ang ginawa ng kaniyang ina.
( ) Hindi nagustuhan ng batang kalabaw
ang pag-uutos ng kaniyang ina. ( ) Ayaw
na ayaw ng batang kalabaw na
sinasabihan siya ng ina.
Presentation title 166
2. ( ) Sumama ang loob ng ina dahil
matigas ang ulo ng kaniyang anak.
( ) Ang pagiging suwail ng batang
kalabaw ang dahilan ng pagkamatay ng
ina.
( ) Napansin ng ina na hindi sumusunod
ang kaniyang anak.
Presentation title 167
3. ( ) Nagpahirap sa kalooban ng ina ang
paulit-ulit na pagiging suwail ng anak.
( ) Nagpasama sa loob ng ina ang madalas na
pagbibingi-bingihan ng anak.
( ) Nagdulot ng pagtatampo ng ina ang
minsang hindi pagsunod ng anak sa kaniya.
Presentation title 168
4. ( ) Labis ang hinagpis ng anak ng yumao
ang kaniyang mga magulang.
( ) Dama ng batang kalabaw ang pagkalungkot
ng umalis ang kaniyang kaibigan.
( ) Nakadama ng pagsama ng loob ang ina sa
pagiging suwail ng anak.
Presentation title 169
5. ( ) Humihikbi ang batang kalabaw ng
pagsabihan siya ng kaniyang ina.
( ) Nagpalahaw ang batang kalabaw nang
mamatay ang ina dahil sa kaniya.
( ) Lumuluha ang batang kalabaw tuwing
naalala niya ang yumaong ina.
Presentation title 170
1.inis, poot, asar, galit
2.Iyak, hikbi, hagulhol
3.Pagkasaid, pagkawala, pagkaubos
4.Lumbay, dalamhati, lungkot
5.Masukal, masikip, makitid
6.Nagandahan, naakit, nabighani
Presentation title 171
1.masangsang, maalingasaw, mabaho
2. Namayani, naghari, namayagpag
3.Sakim, madamot, gahaman
4. Paghanga, pagmamahal,pagliyag,
pagsinta
Presentation title 172
5. masaya, nasisiyahan,
natutuwa
6. sigaw, hiyaw, bulong
7. takot, kaba, pangamba
Presentation title 173
• Ang cohesive device o kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda
upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa:
ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)
Presentation title 174
•Nahahati ang kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol
sa dalawa, ang anapora at
katapora.
1. Anapora- ito ay
175
panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa
unahan.
Presentation title 176
Mga Halimbawa:
a)Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo
lamang na ibig ko siyang makausap.
b) Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang-bayan,
diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa
kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang 177
panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa
hulihan.
Presentation title 178
Mga Halimbawa:
a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng
aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya!
b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man
nila ako, pulaan man ako ng mga tao?
Presentation title 179
Panuto: Suriin ang mga pahayag.
Bilugan ang kohesiyong gramatikal
na ginamit at isulat patlang bago ang
bilang kung ito ay Anapora o
Katapora.
Presentation title 180
1. Nakiusap ang pangulo sa kanila,
pumayag naman ang mga pulis at
sundalo.
2. Dito naganap ang isang himala,
tunay na natatangi ang Simbahan ng
Lourdes
Presentation title 181
3. Ang mga kababaihan ngayon ay
hindi pahuhuli sa pagsabay sa
pagbabagong bunsod ng
modernisasyon, sila’y
namamayagpag sa iba’t ibang karera
katulad ng mga kalalakihan.
Presentation title 182
4. Iyan ang mga kinasangkapan niya
sa pag-angat sa buhay, sipag At
tiyaga talaga ang karaniwang susi sa
pagtatagumpay.
Presentation title 183
5. Mamamayan ang buhay ng isang
bansa kayat tayo’y nagsisipag sa
paghahanap-buhay.
1. Sina Jose Rizal at Andres
184
Bonifacio ay mga bayaning
Pilipino. Sila ay mga dakilang
Pilipino.
2. Umiiyak ang baby niya kanina
kaya pinakain ito ni Aling Rosa.
3. Sumali si Via sa paligsahan
185
at nanalo siya.
4. Patuloy nilang dinarayo ang
Boracay sa Caticlan dahil
sila’y totoong nagagandahan
dito.
5. Siya ay isa sa mga dayuhang
186
turista na patuloy na pumupunta
sa Boracay dahil ayon kay Chloed
Gray paborito niya itong
puntahan.
Tukuyin ang panghalip, ang
187
salitang tinutukoy ng panhalip
at sabihin kung ito ba ay
anaphora o katapora.
1. Sina Jared at Jake ang mga batang 188
nangunguna sa klase. Sila ay mahilig
magbasa ng libro.
2. Si Lea Salonga ay sikat at kilala sa
buong mundo sa larangan ng
pagkanta. Hinahangaan siya ng lahat.
3. Ito ang nagbibigay ng Liwanag sa
189
kadiliman ng gabi, ang bilog ng
buwan.
4. Sila ay sopistikado kung manumit.
Ang mga Taga –France ay masayahin
at mahilig dumalo sa mga kasayahan.
5. Ito ay isang dakilan lungsod. Ang
190
Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
6. Nagkasakit siya kahapon pero
pumasok na sa klase si Jake kanina.
7. Nakapili na ng damit na bibilhin si
191
Trixie ngunit Nakita Nyang kulang
ang perang dala niya.
8. Siya ang dahilan kung bakit
nabasag ang salamin. Tumatakbo si
Marc sa loob ng silid kanina.
Ano ang dula? 192
Tinatawag na dula ang paglalarawan ng buhay na
ginaganap sa isang tanghalan o entablado. Taglay
ng dula ang lahat ng kathaing umiiral sa buhay ng
tao gaya ng pagkakaroon ng suliranin o mga
pagsubok na kaniyang pinagtagumpayan o
kinasawian. Katulad ng ibang katha, ang dula ay
lumilibang, nagbibigay aral, pumupukaw ng
damdamin at humihingi ng pagbabago.
Mga Bahagi: 193
1. Yugto. Kung paano hinahati ang dula.
Katumbas nito ang kabanata sa isang nobela.
Puwedeng isang buong yugto ang isang dula
(kaya tinatawag na iisahing yugtong dula),
puwedeng dalawa (dadalawahing yugtong
dula) o tatlo (tatatluhing yugtong dula).
2. Tagpo. Bahaging nagpapakita ng
194
panahon at lugar na pinagganapan ng
mga pangyayari sa dula.
3. Eksena. Paglabas-pasok ng mga
tauhang gumaganap sa tanghalan.
Mga Elemento:
195
1. Iskrip. Pinaka-kaluluwa ng isang
dula; walang dula kapag walang
iskrip.
2. Gumaganap o Aktor.
Nagsasabuhay sa mga tauhang nasa
iskrip.
3. Tanghalan. Pook na pinagdarausan ng
196
isang dula; entablado.
4. Direktor. Namamahala at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng
dula.
5. Manonood. Sumasaksi sa pagtatanghal
ng dula.
Mga Sangkap:
197
1. Tagpuan. Panahon at pook kung
saan at kailan naganap ang mga
pangyayari sa dula.
2. Tauhan. Ang mga kumikilos at
198
nagbibigay-buhay sa dula.
3. Sulyap sa suliranin. Bungad o
tikim na pagpapakita sa tunggalian sa
pinakakuwento ng dula.
4. Tunggalian. Ang
199
pagtatagisan ng pangunahing
tauhan sa kaniyang sarili, sa
ibang tao, sa kalikasan o
lipunan.
5. Kasukdulan. Pinakamatindi o 200
pinakamabugsong parte dahil pinanabikan
kung ano ang mangyayari sa pangunahing
tauhan o kung paano tuluyang lulutasin ang
tunggalian.
6. Kakalasan/ Kalutasan. Marahang
pagtukoy sa naging lunas sa tunggalian sa dula.
Munting Pagsinta
201
Mula sa film na Mongol: The Rise
of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov. Hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
202
Temüjin - anak ni Yesügei na
mula sa Tribong Borjigin
Yesügei - ama ni Temüjin
Borte - isang dalaginding na taga
- ibang tribo
203
204
205
206
207
208
GAWAIN:
209
Sumulat ng isang maikling eksena
tungkol sa nagaganap sa loob ng iyong
tahanan. Gamitan ang mga pahayag ng
may kohesiyong gramatikal na
Anapora at Katapora.