Pumunta sa nilalaman

Mata Hari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 23:15, 30 Oktubre 2024 ni Maskbot (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Mata Hari
Kapanganakan
Margaretha Geertruida Zelle

7 Agosto 1876(1876-08-07)
Kamatayan15 Oktobre 1917(1917-10-15) (edad 41)
DahilanKamatayan sa pagbaril ng tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya.
NasyonalidadOlandes
Ibang pangalanMata Hari
AsawaRudolf John MacLeod (1895–1903)
AnakNorman-John MacLeod
Jeanne-Louise MacLeod

Ang Mata Hari ay ang pangalang pang-entablado ni Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle o Gertrud Margarete Zelle (ipinanganak noong 7 Agosto 1876, sa Leeuwarden, Olanda o sa Haba, Indonesya[1] – namatay noong 15 Oktubre 1917, sa Vincennes, Paris, Pransiya), na isang Prisyanang (Olandesa) eksotikang mananayaw at kortesana o sosyal ("mataas ang uri") na patutot na nahatulan at pinaslang bilang parusa sa pamamagitan ng eskuwadra o tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya. Pinarusahan siya ng ganito dahil sa pagiging espiya o paniniktik para sa Alemanya noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, pagkaraan ng paglilitis ng mga kinatawang ahente ng Pransiya.[1][2]

Bilang isang eksotikang mananayaw, nakakuha siya ng mga lihim na pangmilitar dahil sa pang-aakit at pagbibigay-aliw sa Pranses na mga opisyal.[1]

Pinagmulan ng pangalang pangtanghalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinaniniwalaang isang pariralang Malay ang "Mata Hari" na may kahulugang "araw", at literal na may ibig sabihing "mata ng araw (na ito)."[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Mata Hari". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 580.
  2. 2.0 2.1 "Mata Hari". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2007-08-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayOlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Netherlands ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.