Pumunta sa nilalaman

Arius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 09:45, 9 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Arius
Panahon3rd and 4th centuries AD
RehiyonNorth Africa, Egypt
IpinanganakAD 256
Libya
NamatayAD 336
Constantinople
OkupasyonTheologian, Presbyter
WikaGreek
Tradition or
movement
Arian
Mga kilalang ideyaHomoiousia, Subordinationism
Mga kilalang akdaThalia
Mga impluwensiyaOrigen of Alexandria, Antiochene Theology
NaimpluwnsiyahanMichael Servetus

Si Arius[1] (250 o 256–336) ay isang asetikong presbiterong Kristiyano sa Alexandria, Ehipto ng simbahan ng Baucalis at may pinagmulang Libyan. Ang kanyang mga katuruan tungkol sa kalikasan ng pagkadiyos na nagbibigay diin sa pagkadiyos ng Ama sa Ana at ang kanyang pagsalungat sa Kristolohiyang Trinitarianismo ay gumawa sa kanyang pangunahing paksa sa Unang Konseho ng Nicaea na tinipon ng Emperador Constantine noong 325 CE. Pagkatapos gawing legal at pormal nina Emperador Licinius at Constantine ang [Kristiyanismo]] sa Imperyo Romano, ang bagong kinikilalang Simbahang Katoliko ay naghangad na pag-isahin at liwanagin ang teolohiya nito. Ang mga Krisityano na naniniwala sa Trinitarianismo gaya ni Athanasius ay gumgamit kay Arius at Arianismo bilang mga epithet upang ilarawan ang mga hindi umaayon sa kanilang doktrinang kapwa-katumbas na Trinitarianismo na isang isang kristolohiyang kumakatawan sa Ama at Anak bilang "ng isang kalikasan"(konsubstansiyal) at kapwa-walang hanggan. Bagaman ang halos lahat ng mga positibong kasulatan tungkol sa teolohiya ni Arius ay sinupil o winasak, ang mga negatibong kasulatan ay naglalarawan sa teolohiya ni Arius bilang ang isa kung saan may isang panahon bago ang Anak ng Diyos nang ang tanging Diyos Ama lamang ang umiiral. Sa kabila ng magkakasamang pagsalungat mga ito, ang mga Arian o hindi-trinitarianong simbahang Kristiyano ay nagpatuloy sa buong Europa at Hilagang Aprika sa iba't ibang mga kahariang Gothiko at Alemaniko hanggang sa supilin ng pananakop military o boluntaryong pag-akay sa maharlika sa pagitan ng ika-5 at ika-7 siglo CE. Bagaman ang Arianismo ay nagmumungkahi na si Arius ang tagapagsimula ng katuruang nagdadala ng kanyang pangalan, ang debate tungkol sa tiyak na relasyon ng Anak at Ama ay hindi nagmula sa kanya. Ang paksang ito ay tinatalakay na sa mga dekada bago ang kanyang pagdating. Pinasidhi lamang ni Arius ang kontrobersiya at dinala ito sa mas malawak na mga tagapakinig sa Simbahan kung saan ang ibang mga Arian gaya nin Eusebius ng Nicomedia ay nagpatunay na higit na impluwensiya sa matagal na panahon.

Kontrobersiyang Arian sa Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong mga 319 CE, nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria, Ehipto, ang presbiterong si Arius ay nakipag-alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.[2] Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo. Kanya itong kinondena at nangatawirang "kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala".[3] Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.[4] Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen [5] na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.[6] Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea [7] at Eusebius ng Nicomedia,[8] ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "Ang ama ay mas dakila sa akin" at Kawikaan 8:22 "Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa". Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay..." Salungat dito ang Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa" ay naghahatid ng doktrinang Homoousian. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagktapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius. Sa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang bawat isa ay umapela sa Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Si Arius ay umapela sa Kasulatan na sumipi mula sa Juan 14:28: Ang Ama ay mas dakila sa Akin". Gayundin, ang Colosas 1:15: "Ang panganay ng lahat ng nilikha". Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno. Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hanson, R P C (2007). The Search for the Christian Doctrine of God. Grand Rapids: Baker Academic. pp. 127–128. ISBN 0-8010-3146-X.
  2. Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398
  3. Socrates. "The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.". The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus. Nakuha noong 2 Mayo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175
  5. Williams, 175
  6. Williams 154-155
  7. Arius letter to Eusebius of Nicomedia
  8. Alexander of Alexandria's Catholic Epistle