Katy Perry
Katy Perry | |
---|---|
Kapanganakan | Katheryn Elizabeth Hudson 25 Oktubre 1984 |
Ibang pangalan |
|
Trabaho |
|
Aktibong taon | 2001–kasalukuyan |
Asawa | Russell Brand (k. 2010–12) |
Kinakasama | Orlando Bloom (2016–kasalukuyan; may kasunduang pakasal) |
Anak | 1 |
Kamag-anak | Frank Perry (tiyuhin) |
Karera sa musika | |
Genre | |
Instrumento |
|
Label |
|
Website | katyperry.com |
Si Katy Perry (ipinanganak Katheryn Elizabeth Hudson; 25 Oktubre 1984) ay isang Amerikanang mang-aawit at manunulat ng kanta, at aktres. Siya ay ipinanganak sa Santa Barbara, California, at pinalaki ng kanyang mga magulang na mga Kristyanong pastor. Si Perry ay lumaki na ang tanging pinakikinggan ay mga awiting pangsimbahan. Sa kanyang kabataan, siya ay kumakanta rin sa kaniyang lokal na simbahan. Matapos magtamo ng GED sa kanyang pagtungtong sa unang taon ng mataas na paaralan, sinimulan na niya ang pagpasok sa larangan ng musika. Bilang Katy Hudson, inilabas ang sariling-titulong album na gospel (pang-ebanghelyo) noong 2001. Ngunit hindi ito naging matagumpay. Hindi naglaon ay kanya namang ni-rekord ang isang album kasama ang produksiyon na The Matrix at kinumpleto ang karamihan ng kanta ng isang solong album mula taong 2004 hanggang taong 2005, wala ni isa man dito ang nailabas merkado.
Noong Hunyo 1, 2008 sinimulan niyang i-publish ang kanyang musika sa YouTube, at sa taong 2023, umabot sa 44.2 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 25.3 bilyong panonood ng video.[1]
Pampublikong imahen
Inihanay ng Rolling Stone si Perry bilang ika-7 sa kanilang pandaigdigang botohan ng Reyna ng Pop noong Hulyo 2011.[3] Tinagurian siyang "sexiest woman of 2013" (pinakaseksing babae ng 2013) ng magasin na Men's Health.[4] Siya ay isang simbolong seksuwal[5] at kilala sa kanyang kakaibang pananamit.[6] Kadalasang itong nakakatawa, makulay, at nagpapakita ng iba't ibang panahon at kadalasang kinabibilangan ng mga temang may kinalaman sa pagkain,[7] gaya ng kanyang trademark o tatak-pangkalakal na peppermint swirl na bra.[2] Inilalarawan niya ang kanyang istilo ng pananamit bilang "piraso ng samu't sari ng iba't ibang bagay.[6] Ang kanyang istilo ay pumukaw ng atensiyon ng mga fasion designer o tagadisenyo ng moda.[8]
Noong unang bahagi ng Nobyembre 2013, nalagpasan ni Perry si Justin Bieber bilang artistang pangmusika na may pinakamaraming tagasunod o follower sa Twitter, na lagpas sa 47 milyon mga tagasunod.[9]
Personal na buhay
Mga naging karelasyon
Dating katipan ni Perry ang musikerong si Justin York,[10] mang-aawit na si Matt Thiessen, aktor na si Johnny Lewis,[11] at rapper na si Travie McCoy.
Diskograpiya
- Katy Hudson (2001)
- One of the Boys (2008)
- Teenage Dream (2010)
- Prism (2013)
Mga paglilibot
Pangunahin
Kasama ng panguhahin
|
Pambungad na pagtatanghal
|
Pilmograpiya
Telebisyon
Taon | Pamagat | Ginampanang Papel | Notes |
---|---|---|---|
2008 | The Young and the Restless | Kabanata 8914 | |
Wildfire | Kanyang sarili | "Life's Too Short" (Season 4, episodyo 8) | |
2010 | American Idol | Panauhing tagahatol | "Season 9, episodyo 5" |
The X Factor | Panauhing tagahatol | "Series 7, episodyo 2" | |
Sesame Street | Kanyang sarili | Online na espesyal (binura mula sa nakatelebisyong kabanata dahil sa kontrobersiya ng manonood) | |
The Simpsons | Kanyang sarili | 1 episodyo, "The Fight Before Christmas" | |
2011 | How I Met Your Mother | Honey | Kabanata 1, "Oh Honey" |
Mga pelikula
Taon | Pamagat | Ginampanang Tungkulin | Notes |
---|---|---|---|
2010 | Get Him to the Greek | Kanyang sarili | Binurang eksena, di nakredito |
Out in the Desert | Kanyang sarili | ||
2011 | The Smurfs | Smurfette (tinig) |
Galeriya
-
Si Perry sa American Idol noong 2021
-
Si Perry sa premiere sa Awstralya
-
Si Perry sa Met noong 2018
Mga sanggunian
- ↑ "Katy Perry YouTube stats and analytics". ThoughtLeaders (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Menyes, Carolyn (12 Hulyo 2012). "Katy Perry Asked to Ditch Hazardous Peppermint Bra". Billboard (sa wikang Ingles). Prometheus Global Media. Nakuha noong 19 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Readers Poll: The Queen of Pop" Naka-arkibo 2012-01-11 sa Wayback Machine. (sa Ingles) Queen of Pop pole, Rolling Stone
- ↑ "The Hottest Women of 2013 | Men's Health" (sa wikang Ingles). Menshealth.com. Nakuha noong 6 Hulyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Katy Perry on her sex appeal" (sa wikang Ingles). YouTube.
- ↑ 6.0 6.1 "Find Out What Influences Katy Perry's Cute Style!". Seventeen (sa wikang Ingles). 5 Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2009. Nakuha noong 29 Abril 2014.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Larson, John (14 Setyembre 2012). "Katy Perry // "Teenage Dream"". Tacoma Weekly (sa wikang Ingles). Pierce County Community Newspaper Group. Nakuha noong 19 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Graff, Gary (21 Pebrero 2009). "Interview: Katy Perry – Hot N Bold". The Scotsman (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2009. Nakuha noong Pebrero 28, 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Katy Perry dethrones Justin Bieber on Twitter - CNN.com". CNN (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Never seen before Paramore Q&A Pt. 3! (fixed)" (sa wikang Ingles). YouTube.
- ↑ Staff, TMZ (27 Setyembre 2012). "'Sons of Anarchy' Actor Suspect in BIZARRE L.A. Double Death". TMZ (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Setyembre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
Sinundan: Snoop Dogg |
MTV Europe Music Awards host 2008–09 |
Susunod: Eva Longoria |