Pumunta sa nilalaman

Kerberos (buwan)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
S/2011 (134340) 1
Larawan ng pagkakatuklas ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble sa S/2011 P 1.
Pagkatuklas[1]
Natuklasan niShowalter, M. R. et al.
Natuklasan noongHunyo 28, 2011
(itinama noong Hulyo 20, 2011)
Orbital characteristics[1]
Mean orbit radius(59 ± 2)×103 km
Eccentricity≈ 0
Orbital period32.1 ± 0.3 araw
Inclination≈ 0
Satellite ofPluto
Pisikal na katangian
Apparent magnitude26.1 ± 0.3[1]
Landas-tahakin ng apat na Buwan ng Pluto

Ang S/2011 (134340) 1 (kilala rin bilang S/2011 P 1[note 1] o P4) ay isang maliit na likas na satelayt ng Pluto na ang pagkakatuklas ay inanunsyo noong Hulyo 20, 2011.[1] Kinilala ito bilang ika-apat na satelayt ng Pluto, kaalinsunod sa pagkakatuklas sa Charon noong 1978 at Nix at Hydra noong 2005.

Pagkakatuklas

Natuklasan ang S/2011 P 1 ng pangkat ng mga tagahalughog sa kompanyon ng Pluto gamit ang Teleskopyong Pangkalawakang Hubble noong Hulyo 28, 2011, gamit ang Wide Field Camera 3, habang nagkakaroon ng hula na may kahit anong singsing na maaaring taglayin ng Pluto.[note 2][4] Isinagawa ang iba pang pagoobserba sa bagong natuklasan noong Hulyo 3 at Hulyo 18, 2011 at inanunsyo ito bilang bagong buwan ng planeta noong Hulyo 20, 2011.[1][5] Nakita ito sa sinupian ng mga larawan ng Hubble mula Perbrero 15, 2006 hanggang Hunyo 25, 2010.[1] Ang ningning ng S/2011 P 1 ay humigit-kumulang 10% ng ningning ng Nix. Nakita ang buwan na ito dahil ang grupong nakadiskubre dito ay kumuhan ng mga 8-minuto na exposure; ang mga naunang pagtutuklas ay gumamit ng mga mas maikling exposure.[6]

Pisikal na kaanyuan

Batay sa kanyang tinantsang dayametro na 13–34 km (8–21 mi), itinuturing na pinakamaliit na buwan ng Pluto ang S/2011 P 1.[7][8] Nagmula ang ranggong dayametro mula sa posibleng ranggong heyometrikong albedo na 0.06 hanggang 0.35.[1][6]

Kaanyuan ng Landas-tahakin

Sinusuwestiyon sa mga kasalukuyang obserbasyon na ang buwang ito ay pabilog, ekwatoryal na landas-tahakin na may radyus na 59,000 km (may 37,000 milya).[1][6] Tumatahak ito sa rehiyon sa pagitan ng Nix at Hydra at nalilibot nito ang buong Pluto tuwing 32.1 araw ng mundo.[1][6] Malapit ang tinatahak nito sa 1:5 resonatong orbital ni Charon, kasama ang pagkakamali sa oras na may kukulangin 0.6%. Batay sa pagkalapit nit sa resonato sa pagitan ng Nix o Hydra at Charon (1:4 at 1:6),malalaman kung gaano kalapit ang relasyon sa totoong resonato na maaaring magamit sa tamang kaalaman sa landas-tahakan ng S/2011 P 1, partikular na sa sinusundan nito.

Pinagmulan

Tulad ng ibang buwan ng Pluto,[9] hinihilanang nagmula ang S/2011 P 1 mula sa kalat ng malaking banggaan sa pagitan ng Pluto at iba pang Bagay sa Sinturong Kuiper belt, tulad ng "big whack" na naniniwala na nabuo rin ang Buwan mula rito.[4]

Pagpapangalan

Isang pormal na pangalan para sa S/2011 P 1 ang maaaring ilapit sa Pandaigdigang Unyong Pang-astronomiko ng pangkat na nakatuklas nito ilang linggo lamang pagkatapos matuklasan ito. Ayon sa pinuno ng pangkat na si Mark Showalter, isang pangalang malapit kay Hades at ilalim na munod ang pipiliin mula sa mitolohiyang Griyego.[10]

Tignan Din

Tandaan

  1. Ang 134340 ay isang bilang ng Sentro ng Planetang Menor, na itinalaga kasunod ng paganunsyo mula sa kabuuang kalagayang planetarya noong 2006. Ang S/2011 P 1 ay isang anyo na ginagamit para sa mga buwan ng isang planeta.
  2. Ang paghahanap sa mga singsing ng Pluto ay sa kadahilanang pinipigilang magkaroon ng sira ang New Horizons na dadaan sa planeta sa darating na Hulyo 2015.[2][3]

Talababa

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Showalter, M. R. (2011-07-20). "Bagong satelayt ng (134340) Pluto: S/2011 (134340) 1". Sentrong Kawanihan para sa Telegramang Pangastronomiko. Pandaigdigang Unyong Pangastronomiko. Nakuha noong 2011-07-20. {{cite web}}: Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wall, M. (2011-07-20). "New Pluto Moon Foreshadows More Surprises for NASA Probe En Route". Space.Com web site. TechMediaNetwork. Nakuha noong 2011-07-21. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. McKee, M. (2006-02-22). "Rings of ice and dust may encircle Pluto". New Scientist web site. New Scientist. Nakuha noong 2011-07-21. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Boyle, A. (2011-07-20). "Scientists spot Pluto's fourth moon". Cosmic Log on msnbc.com. msnbc.com. Nakuha noong 2011-07-20. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pluto Has Another Moon, Hubble Photos Reveal | Dwarf Planet Pluto | Pluto's Moons | Space.com
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Lakdawalla, E. (2011-07-20). "A fourth moon for Pluto". Planetary Society weblog. The Planetary Society. Nakuha noong 2011-07-20. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "NASA's Hubble Discovers Another Moon Around Pluto". Nakuha noong 2011-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Tiny fourth moon discovered in Pluto's orbit". CNN. Nakuha noong 2011-07-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Stern, S. A. (2006-02-23). "A giant impact origin for Pluto's small moons and satellite multiplicity in the Kuiper belt" (PDF). Nature. 439: 946–948. doi:10.1038/nature04548. Nakuha noong 2011-07-20. {{cite journal}}: Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong); line feed character in |coauthors= at position 90 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Shiga, D. (2011-07-20). "What should Pluto's new moon be named?". New Scientist web site. New Scientist. Nakuha noong 2011-07-21. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)