Pumunta sa nilalaman

Claudine Barretto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Claudine Barretto
Kapanganakan
Claudine Margaret Castelo Barretto

(1979-07-20) 20 Hulyo 1979 (edad 45)
MamamayanPilipinas
TrabahoArtista
AsawaRaymart Santiago (k. 2006–13)
KinakasamaRico Yan
PamilyaGretchen Barretto

Si Claudine Margaret Castelo Barretto (born July 20, 1979) ay isang artista at negosyante mula sa Pilipinas.

Unang lumabas si Barretto noong 1992 sa ABS-CBN para sa palabas pang-kabataan na Ang TV. Pagkatapos nito, lumabas siya sa sitcom na Home Along Da Riles noong kaparehong taon na nagkaroon ng adaptasyon sa pelikula na kanyang unang paglabas sa pelikula noong 1993. Ang kanyang unang pangunahing pagganap ay sa telebisyong drama noong 1997 na Mula sa Puso na tumakbo ng tatlong taon at naitatag siya bilang isang pangalan sa Libangang Pilipino.

Nakilala siya bilang The Optimum Star pagkatapos natamo ang mga parangal sa kanyang pagganap sa mga dramang serye tulad ng Mula sa Puso (1997–1999), Saan Ka Man Naroroon (1999–2001), Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001–2003), Marina (2004), at Iisa Pa Lamang (2006) at mga pumatok sa takilyang pelikula na tulad ng Dahil Mahal na Mahal Kita (1998), Anak (2000), Got 2 Believe (2002), Kailangan Kita (2002), Milan (2004), Nasaan Ka Man (2005), Sukob (2006), at Etiquette for Mistresses (2015).

Tinanghal siya bilang isa sa Pinakamataas na 20 bituin na namayani noong dekada (2000–2009) ng YES! Magazine,[1] na nakaranggo sa ikaanim kasama ang iba pang tanyag na personalidad tulad nina Kris Aquino, Judy Ann Santos, Vic Sotto at Sharon Cuneta.

Nagsimula siya sa ABS-CBN ngunit noong 2012, lumipat siya sa GMA Network.[2]

Taon Pamagat Ginampanan Mga pananda Himpilan
1992 Ang TV Kanyang sarili 1992—1996 ABS-CBN
1992 Home Along Da Riles Bing Kosme Paulit-ulit na pagganap (1992—2003) ABS-CBN
1993 Oki Doki Doc Tony Paulit-ulit na pagganap (1993—2000) ABS-CBN
1996 Gimik Danielle Marquez Paulit-ulit na pagganap (1996—1999) ABS-CBN
1996 Star Drama Presents Episodyo "Kasunduan" ABS-CBN
1997 Mula Sa Puso Olivia "Via" Pereira / Ella Peralta Pangunahing pagganap (1997—1999) ABS-CBN
1999 Saan Ka Man Naroroon Rosario, Rosenda, Rosemarie Pangunahing pagganap (1999—2001) ABS-CBN
2001 Sa Dulo Ng Walang Hanggan Angeline Montenegro-Crisostomo / Angelina Pangunahing pagganap (2001—2003) ABS-CBN
2003 ASAP Herself Punong-abala ABS-CBN
2003 Buttercup Meg Pangunahing pagganap (2003—2004) ABS-CBN
2003 Dolphy: A Diamond Life Kanyang sarili Dokumentaryo ABS-CBN
2004 Marina Marina Aguas / Cristina Sto. Domingo Pangunahing pagganap ABS-CBN
2005 Ikaw ang Lahat sa Akin Nea Fontanilla Pangunahing pagganap ABS-CBN
2006 Komiks Herself Episodyo "Bampy" ABS-CBN
2006 Star Magic Presents Gwen Episodyo "Family Pictures" ABS-CBN
2006 Your Song Episodyo "God Bless Ye Merry Gentlemen" ABS-CBN
2007 Walang Kapalit Melanie Santillian/Borromeo Pangunahing pagganap ABS-CBN
2008 Sineserye Presents: Maligno Angela Cortez Pangunahing pagganap ABS-CBN
2008 Iisa Pa Lamang Catherine Ramirez / Cate Dela Rhea Pangunahing pagganap ABS-CBN
2009 May Bukas Pa Julia Kabanata apat "Memories" ABS-CBN
2009 Vilma: A Woman For All Seasons Kanyang sarili Dokumentaryo (Punong-abala) ABS-CBN
2010 Claudine (iba't iba) Pangunahing pagganap
GMA Network
2010 Showbiz Central Kanyang sarili Bisitang Punong-abala
2010 Bantatay Sheila Bisitang pagganap
2010 Jillian: Namamasko Po Lynette Rivera Pangunahing pagganap
2011 Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui Mila Pangunahing pagganap
2011 Spooky Nights Presents: Manananggala: Battle Of The Half Sisters Emily Bisitang Punong-abala
2011 Showbiz Central Kanyang sarili Bisitang Punong-abala
2011 Iglot Mariella Dacera-Rivera Bisitang Punong-abala
2011 Spooky Nights: Kalaro Lara Bisitang Punong-abala
2011 Spooky Nights: Perya Jackie Bisitang Punong-abala
2012 Reel Love Presents: Tween Hearts Clarisse Benitez Natatanging bisita
2012 Biritera Carmela Abesamis Natatanging partipasyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The YES! List ranks the top 20 stars who ruled the decade (2000–2009); (digital version is now available)". Philippine Entertainment Portal. 17 Abril 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-13. Nakuha noong 2015-10-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-12. Nakuha noong Nobyembre 25, 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)