Abenida Boni
Abenida Boni Boni Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.1 km (1.9 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Aglipay sa Población |
| |
Dulo sa silangan | N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Barangka Ilaya |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Boni (Ingles: Boni Avenue) ay isang pangunahing lansangan sa Mandaluyong, silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan mula Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Baranggay Barangka Ilaya sa silangan hanggang Kalye Aglipay sa Baranggay Poblacion (kabayanan ng Mandaluyong). Ang haba nito ay 3.1 (1.9 milya), at hinahati ito sa anim na linya (tatlo sa bawat direksyon) na may pangitnang harangan upang ihiwalay ang magkabilang daloy ng trapiko. Paglampas ng EDSA sa silangan (sa pamamagitan ng Tunel ng EDSA-Boni), tutuloy ang daan bilang Kalye Pioneer patungong Pasig.
Pinangalanan ang abenida sa palayaw ni Bonifacio Javier, isang pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na binigyan ng mga parangal at alkalde ng Mandaluyong noong itinayo ang daan.[1]
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula kanluran, nagsisimula ang abenida sa sangandaan nito sa Kalye Aglipay sa kabayanan ng Mandaluyong (poblacíon), kung saan matatagpuan ang Simbahan ng San Felipe Neri. Tutungo ito patimog-silangan sa mga baranggay ng Old Zañiga, New Zañiga, at San José, bago nito tumbukin ang isang malaking rotonda na tinatawag na Bilog ng Maysilo (o Maysilo Circle) sa Barangay Plainview. Sa roundabout na ito matatagpuan ang Munisipyo ng Lungsod ng Mandaluyong at ang Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy. Paglampas ng roundabout, liliko ito pahilagang-silangan habang lalapit ito sa distritong komersiyal sa Kalye Barangka (Barangka Drive). Paglampas ng nabanggit na kalye, magiging mas-komersiyal ang anyo ng abenida; dito matatagpuan ang Rizal Technological University. Tatapos ang abenida sa sangandaan nito sa EDSA kung saan matatagpuan ang Estasyon ng Boni ng Linyang Tren ng MRT-3.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Some Mandaluyong residents disown ex-mayor Abalos". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-31. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)