Adams Prize
Ang Adams Prize (sa Tagalog: Gantimpalang Adams) ay isa sa mga pinakaprestihiyosong parangal na iginagawad ng Unibersidad ng Cambridge. Ito ay iginagawad kada taon ng mga guro ng matematika sa Unibersidad ng Cambridge at Kolehiyo ng St. John sa mga matematiko na nakabase sa UK para sa kanilang pambihirang pananaliksik sa Mathematical Sciences.
Ang parangal na ito ay ipinangalan sa matematikong si John Couch Adams. Ito ay ipinagkaloob ng mga miyembro ng Kolehiyo ng St. John at naaprubahan ng senado ng pamantasan noong 1848 upang kilalanin ang ang pagiging bahagi ni Adams sa pagkakatuklas sa planetang Neptuno. Orihinal na para lamang sa mga nagsipagtapos sa Cambridge, ang kasalukuyang kasunduan ay ang matematiko ay dapat nakatira sa UK na may gulang na mas mababa sa 40. Taun-taon ay may mga aplikasyon na tinatanggap mula sa mga matematikong nagpakadalubhasa sa isang larangan ng matematika. Sa pagsapit ng 2012, ang gantimpala ng Adams ay nagkakahalaga ng halos £ 14,000. Ang premyo ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang unang sangkatlo ay ibinibigay mismo sa kandidato; ang kasunod na sangkatlo ay ibinabayad sa institusyon ng kandidato upang pondohan ang mga gastusin sa pananaliksik; at ang huling sangkatlo ay ibinabayad sa publikasyon ng survey paper sa larangan ng nanalo sa major mathematics journal.
Ang parangal na ito ay naibigay na sa mga kilalang matematiko kagaya nina James Clerk Maxwell at Sir William Hodge. Kauna-unahan itong iginawad sa babaeng matematiko noong 2002 nang ibigay ito kay Susan Howson, isang propesor sa Unibersidad ng Nottingham, para sa kanyang gawa sa teoriya ng bilang at elliptic curves.
Tala ng mga nanalo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1850 Robert Peirson
- 1857 James Clerk Maxwell
- 1865 Edward Walker
- 1882 J. J. Thomson
- 1871 Isaac Todhunter
- 1877 Edward Routh
- 1893 John Henry Poynting
- 1899 Joseph Larmor at Gilbert Walker
- 1901 Hector Munro MacDonald
- 1907 Ernest William Brown
- 1909 George Adolphus Schott
- 1911 A. E. H. Love
- 1913 Samuel McLaren at John William Nicholson
- 1915 Geoffrey Ingram Taylor
- 1917 James Hopwood Jeans
- 1919 John William Nicholson
- 1920 William Mitchinson Hicks
- 1922 Joseph Proudman
- 1924 Ralph H. Fowler
- 1926 Harold Jeffreys
- 1928 Sydney Chapman
- 1930 Abram Samoilovitch Besicovitch
- 1932 Alan Herries Wilson
- 1934 Sydney Goldstein
- 1936 W. V. D. Hodge
- 1940 Harold Davenport
- 1942 Homi J. Bhabha
- 1947 Desmond B. Sawyer[1]
- 1948 John Charles Burkill, Subrahmanyan Chandresekhar, Walter Hayman at John MacNaughton Whittake
- 1950 George Batchelor, William Reginald Dean at Leslie Howarth
- 1952 Bernhard Neumann
- 1955 Harold Gordon Eggleston
- 1958 Paul Taunton Matthews, Abdus Salam at John G. Taylor
- 1960 V. S. Huzurbazar at Walter L. Smith
- 1962 John Robert Ringrose
- 1964 James G. Oldroyd at Owen Martin Phillips[2]
- 1966 Stephen Hawking at Roger Penrose[3]
- 1967 Jayant Narlikar[4]
- 1970 Robert Burridge, Leslie John Walpole at John Raymond Willis
- 1972 Alan Baker, Christopher Hooley, Hugh Lowell Montgomery
- 1974 John Fitch at David Barton
- 1976 Tim Pedley
- 1978 AI Mees
- 1980 Michael E. McIntyre at Brian Leslie Norman Kennett[5]
- 1982 Dan Segal, Martin J. Taylor, Gordon James, Steve Donkin at Aidan Schofield
- 1984 BJ Carr
- 1986 Brian D. Ripley
- 1992 Paul Glendinning
- 2001 Sandu Popescu[6]
- 2002 Susan Howson[7]
- 2003 David Hobson[8]
- 2004 Dominic Joyce[9]
- 2005 Mihalis Dafermos at David Stuart
- 2006 Jonathan Sherratt[10]
- 2007 Paul Fearnhead
- 2008 Tom Bridgeland at David Tong[11]
- 2009 Raphaël Rouquier for contributions to representation theory[12]
- 2010 Jacques Vanneste[13]
- 2011 Harald Helfgott at Tom Sanders[14]
- 2012 Sheehan Olver at Françoise Tisseur for contributions to computational mathematics[15]
- 2013 Ivan Smith
- 2014 Walang pinagkaloob na gantimpala
- 2015 Arend Bayer at Thomas Coates
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Permanent Academic Staff 1870 to the present". The Mathematics Department at the University of Otago. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-21. Nakuha noong 2009-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turner, S. (2011). "Professor Owen Martin Phillips. 30 December 1930–12 October 2010". Journal of Fluid Mechanics. 669: 1–2. doi:10.1017/S0022112010006415.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Larsen, Kristine (2005). Stephen Hawking: a biography. Greenwood Publishing Group. pp. xiv. ISBN 0-313-32392-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mead, Margaret (1980). Jawaharlal Nehru memorial lectures, 1973-1979. Bharatiya Vidya Bhavan. p. 157.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "B. L. N. Kennett's CV". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-18. Nakuha noong 2009-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sandu Popescu wins Adams Prize 2001". Quiprocone. 2001. Nakuha noong 2009-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dr Susan Howson on Woman's Hour". BBC Radio 4. 2002-03-08. Nakuha noong 2009-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Professor David Hobson". Warwick Department of Statistics. Nakuha noong 2009-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dominic Joyce awarded Adams Prize". Mathematical Institute, University of Oxford. 2009-07-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-09. Nakuha noong 2015-09-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Awards Cambridge University Reporter 26 Abril 2006
- ↑ Awards Cambridge University Reporter 23 Abril 2008
- ↑ "'Representation Theory' work wins 2009 Adams Prize". 2009-03-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-01. Nakuha noong 2009-03-31.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Fluid Mechanics' work wins 2010 Adams Prize". 2010-02-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-05. Nakuha noong 2010-02-26.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (nailimbag muli sa isang pahayag ng Pamantasan ng Cambridge). "Helfgott and Sanders Awarded Adams Prize" (PDF). Notices of the American Mathematical Society. AMS. 58 (7): 966.
- ↑ "Adams Prize winners 2011-12 announced". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-20. Nakuha noong 2012-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)().