Argonota
Ang mga Argonota (Ingles: mga Argonaut, Sinaunang Griyego: Ἀργοναῦται, Argonautai) ay isang pangkat ng mga bayani sa mitolohiyang Griyego, na noong mga taon bago ang pagsapit ng Digmaang Troyano ay naging kasa-kasama ni Jason sa Colchis sa kaniyang paglalakbay upang mahanap ang Ginintuang Balahibo ng Tupa. Ang pangalan ng pangkat ay hinango magmula sa pangalan ng kanilang sasakyang barkong tinawag na Argo, na hinango naman ang pangalan magmula sa tagapagbuo nito na si Argus. Ang "argonota" ay literal na may kahulugang "mandaragat ng Argo". Kung minsan, sila ay tinatawag na mga Minyano, na hinango mula sa isang tribong prehistoriko na nasa pook nila.
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.