Pumunta sa nilalaman

Asyenda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Asyenda Lealtad ay isang gumaganang asyendang kape na gumamit ng paggawang alipin noong ika-19 na dantaon, na matatagpuan sa Lares, Puerto Rico.[1]

Ang asyenda (Kastila: ha·cien·da) ay isang pinagkaloob na lupain sa mga dating-kolonya ng Espanya. Ang may-ari ay tinatawag na asendero, asendado (Kastila: ha·cen·da·do), o patron. Katulad ito ng Romanong latifundium. Kasama ang pinagmulan sa Andalusia, ang mga asyenda ay iba't ibang plantasyon (marahil na kabilang ang mga hayop o halamanan), mga minahan o paggawaan, na may maraming asyenda na pinagsasama ang mga aktibidad. Hinango ang salitang asyenda mula sa Kastilang hacer (gumawa, mula sa Latin na facere) at haciendo (gumagawa), na tumutukoy sa mga produktibong negosyo.

Hindi tumpak ang katawagang asyenda, subalit kadalasang tumutukoy ito sa mga ari-ariang may lupain ng mahalagang laki, habang ang mga mas maliit na pag-aari ay tinatawag mga "estansya" o "rantso". Lahat ng mga kolonyal na asyenda ay halos ekslusibong pagmamay-ari ng mga Kastila at kriyolos, o bihira sa mga indibiduwal halo ang lahi.[2] Sa Arhentina, ang katawagang "estansya" ay ginagamit para sa malaking lupain na tinatawag na "asyenda" sa Mehiko.

Ang sistemang asyenda ng Arhentina, Bolivia, Chile, Colombia, Guatemala, El Salvador, Mehiko, Bagong Granada, at Peru ay isang sistemang ekonomiko ng malaking ari-arian. Ganito din ang sistema sa Pilipinas at Puerto Rico subalit mas maliit na sakop.

Sa Pilipinas, ang pamumuhay at sistemang asyenda ay naimpluwensyuhan ng kolonisasyong Kastila na naganap sa pamamagitan ng Mehiko sa loob ng higit na 300 taon, subalit tinanggap noong dekada 1850 sa utos ni Nicholas Loney,[3] isang negosyanteng Ingles at bise-konsul ng Imperyong Britaniko sa lungsod ng Iloílo. Ang layunin ni Loney, ayon kay Alfred W. McCoy,[4] ay ang sistematikong deindustralisasyon ng Iloílo.[3][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Visit a Working Coffee Hacienda in Puerto Rico". Discover Puerto Rico (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 13, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ida Altman, et al., The Early History of Greater Mexico, Pearson, 2003, p. 164 (sa Ingles).
  3. 3.0 3.1 Wu, W. H. (2017-04-25). "The Rise and Fall of [the] Chinese Textile Business in Iloílo". Tulay Fortnightly (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Villanueva Aguilar, Filomeno (2013). "The Fulcrum of Structure–Agency: History and Sociology of Sugar Haciendas in Colonial Negros". Philippine Sociological Review (sa wikang Ingles). 61 (1): 87–122. JSTOR 43486357 – sa pamamagitan ni/ng JSTOR.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gólez Marín, Bombette; Chaves, Mark Elyser; Villareal, Gerard (2020-09-17). Habol Ilonggo: Traditional Handloom-Weaving in Iloílo (sa wikang Ingles). Iloílo.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)