Pumunta sa nilalaman

Beto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang beto (sa Ingles ay veto na mula sa Latin na "aking pinagbabawalan") ang kapangyarihan ng isang opisyal ng estado gaya ng pangulo o gobernador ng estado na pigilan ang isang opisyal na aksiyon lalo na ang pagpasa ng isang panukalang-batas(bill). Sa kasanayan, ang beto ay maaaring absoluto, gaya halimbawa ng sa Konseho ng Seguridad ng Mga Bansang Nagkakaisa na ang mga permanenteng mga miyembro nitong Tsina, United Kingdom, Pransiya, Russia, at Estados Unidos ay may kapangyarihang harangin ang anumang resolusyon. Ito ay maaari ring limitado gaya ng sa prosesong lehislatibo ng Estados Unidos kung saan ang 2/3 ng boto sa mababang kapulungan(house of representatives) at mataas na kapulungan(senado) ay maaaring manaig sa pag-beto("overriding a veto") ng pangulo sa isang panukalang batas.

Sa Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos, ang panukalang-batas(bill) ay dapat pumasa sa parehong kapulungan(kapulungan ng mga representatibo at senado) ng kongreso sa isang mayoridad na boto bago ipadala sa pangulo. Ang pinadalang panukalang batas sa isang pangulo ay dapat malagdaan sa loob ng 10 araw. Kung nagpasya ang pangulo na i-beto(pigilan) ang panukalang-batas, ang lehislatura ay may kapangyarihang manaig(override) sa beto ng pangulo/gobernador sa pamamagitan ng boto ng mayorya(2/3). Maaari ring maging batas ang isang panukalang-batas(bill) ng wala lagda ng pangulo kung pagkatapos ipadala rito, ang pangulo ay walang ginawang aksiyon pagkatapos ng 10 araw. Kung ang panukalang batas ay hindi nilagdaan ng pangulo sa loob ng 10 araw at ang kongreso ay nagwakas(adjourned) bago ang 10 araw na ito, ang panukalang batas ay mamamatay. Ang paraang ito ay tinatawag na "pocket veto".