Biltine (lungsod)
Itsura
Biltine بلتن | |
---|---|
Palayaw: Biltini | |
Mga koordinado: 14°31′39″N 20°55′36″E / 14.52750°N 20.92667°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Wadi Fira |
Departmento | Biltine |
Sub-Prepektura | Biltine |
Populasyon (2009) | |
• Kabuuan | 11,840 |
Sona ng oras | +1 |
Ang Biltine (Arabe: بلتن) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Wadi Fira (dating prepektura ng Biltine). Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Biltine ICAO: FTTE.
Sandaling nakuha ng pangkat manghihimagsik na Rally of Democratic Forces (RADF) ang lungsod noong Nobyembre 25, 2006, at sa sumunod na araw ay nakuha ito muli ng pamahalaan, kasabay ang kalapit na Abéché na nakuha ng ibang pangkat ng manghihimagsik na Union of Forces for Democracy (UFDD).[1] Naging tagpo ang lungsod ng isang labanan noong Hunyo 16, 2008 sa pagitan ng mga manghihimagsik at ng mga hukbo ng pamahalaan, kung saang iniulat na nagwagi ang mga rebelde.[2]
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1993 | 8,100 | — |
2008 | 11,840 | +46.2% |
[3] |