Pumunta sa nilalaman

FIFA World Cup

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
FIFA World Cup
Itinatag1930
RehiyonPandaigdigan (FIFA)
Bilang ng mga koponan32
211 (maaring makasali sa kwalipikasyon)
Kasalukuyang kampeon Arhentina (3rd titulo)
Pinakamatagumpay na (mga) koponan Brazil (5 titulo)
Websaythttp://www.fifa.com/worldcup/
Pandaigdigang Kopa ng Futbol 2022

Ang FIFA World Cup, ay isang paglisahang pandaigdig sa larong futbol na pinaglalabanan ng mga nakakatandang pambansang koponan ng mga kasapi ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA), ang pandaigdigan mamumuno ng laro. Ang paligsahan ay idinaraos sa baway apat na taon simula noong unang idinaraos ang paligsahan noong 1930, maliban noong 1942 at 1946 kung saan hindi ito dinaraos dahil sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasalukuyang kampyon ay ang Pransiya, ang koponang nanalo ng kanilang ikalawang titulo sa 2018 FIFA World Cup sa Rusya.

Ang kasalukuyang ayos ng paligsahan ay may kasamang bahaging pangkwalipaksyon, na kasalukuyang nangyayari ng tatlong taon bago ang isang paligsahan, para malaman ang mga koponang makakasali sa bahaging pangpaligsahan. 32 na koponan, kasama ang kusang nakasali na (mga) punong-abalang bansa, ay makikipagsapalaran sa bahaging pangpaligsahan para sa titulo sa maraming mga kaganapang lugar sa (mga) punong abalang bansa sa loob ng higit kumulang ng isang buwan.

Ang labing-dalawang Pandaigdigang Kopa ay napanaluhan ng walong iba't-ibang mga pambansang koponan. Ang Brazil ay nananlo ng limang beses, at ang natatanging koponan na naglaro sa bawat edisyon ng paglisahanan. Ang mga iba pang nanalo sa paligsahan ay ang Italya at Alemanya, na may apat na titulo bawat isa; Ang Arhentina at unang mga kampyon Urugway, na may dalawang titulo bawat isa; at ang Inglatera, Pransiya at ang Espanya, na may isang titulo bawat isa.

Ang World Cup ay ang pinakapinapanuod at sinusubaybayan na kaganapang palaro sa buong daigdig, dinadaig pati ang International Olympic Committee; ang pinagsamang bilang ng mga manonood ng lahat ng mga laro sa 2006 FIFA World Cup ay tinatayang 26.29 bilyon na may tinatayang 715.1 milyong katao na nanood ng pangwakasang laro, siyam na bahagi ng buong populasyon ng buong daigdig.[1][2][3][4]

Ang 2014 FIFA World Cup ay idinaraos sa Brazil. Ang susunod na mga edisyon ng paligsahan ay idadaraos sa Rusya sa 2018 at sa Qatar sa 2022. Binabatikos ang parehas na bansa sa medya, Ang Rusya dahil sa 2014 krisis sa Krimeya at ang Katar dahil sa mga parata sa pagbili ng boto ang mababang kalidad ng kalagayan sa pangtrabaho para sa mga banyagang manggagawa.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2006 FIFA World Cup broadcast wider, longer and farther than ever before". FIFA.com (sa wikang Ingles). Fédération Internationale de Football Association. 6 Pebrero 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2015. Nakuha noong 11 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tom Dunmore, Historical Dictionary of Soccer, pahina 235, panipi "The World Cup is now the most-watched sporting event in the world on television, above even the Olympic Games."
  3. Stephen Dobson and John Goddard, The Economics of Football, pahina 407, panipi "The World Cup is the most widely viewed sporting event in the world: the estimated cumulative television audience for the 2006 World Cup in Germany was 26.2 billion, an average of 409 million viewers per match."
  4. Glenn M. Wong, The Comprehensive Guide to Careers in Sports, pahina 144, panipi "The World Cup is the most-watched sporting event in the world. In 2006, more than 30 billion viewers in 214 countries watched the World Cup on television, and more than 3.3 million spectators attended the 64 matches of the tournament."