Katedral ng Otranto
Ang Katedral ng Otranto (Italyano: Duomo di Otranto; Basilica Cattedrale di Santa Maria Annunziata) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Italyanong lungsod ng Otranto, na alay sa Pagpapahayag sa Birheng Maria. Ito ang luklukang arkiepiscopal ng Arkidiyosesis ng Otranto. Ang katedral ay ikinonsagrado noong 1088. Ito ay may 54 metrong haba ng 25 metro ang lapad at itinayo gamit ang 42 monolitikong granito at mga haliging marmol mula sa hindi kilalang mga minahan. Ang plano nito ay isang talong-pasilyong nabe na may abside sa silangang dulo. Sa magkabilang panig ng kanlurang patsada ay mayroong dalawang bintanang lanseta.
Ang pinakatanyag na tampok ng katedral ay ang ika-12 siglong mosaic sa sahig na sumasaklaw sa buong palapag ng nabe, santuwaryo, at abside, na kung saan ito ay isa sa pinakamahusay na patuloy na umiiral.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pinagkuhanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gianfreda, Grazio (2002). La Cattedrale di Otranto celebra il Signore. Edizioni del Grifo.
- Russo, Fernando (2003). Trame d'oro. Cassettonato della Cattedrale di Otranto. Documentazioni e suggestioni di un restauro. Edizioni Romanae.
- Barba, Giovanni (2005). L'opera ingenua. Una nuova lettura del mosaico pavimentale della cattedrale di Otranto. Edizioni del Grifo.