Harun al-Rashid
Si Harun al-Rashid, na may kahulugang si Aaron ang Matuwid, Aaron ang Makatarungan, at Aaron na Ginagabayan nang Wasto (Arabe: هارون الرشيد); Hārūn ar-Rashīd; Ingles: Aaron the Upright, Aaron the Just, o Aaron the Rightly Guided (17 Marso 763 o Pebrero 766 – 24 Marso 809) ay ang ika-5 Arabong Kalipa ng Abbasid. Sumaklaw ang kaniyang pamumuno sa modernong Irak. Pinagtatalunan ang talagang petsa ng kaniyang kaarawan, at ang sari-saring mga napagkukunan ay nagbibigay ng mga petsang mula 763 hanggang 766.
Namuno siya magmula 786 hanggang 809, at ang kaniyang kapanahunan ay namarkahan ng kasaganaang pang-agham, pangkalinangan at panrelihiyon. Makabuluhan din ang pagyabong ng sining at ng musika noong panahon ng kaniyang pamumuno. Siya ang naglunsad ng maalamat na Bayt al-Hikma ("Bahay ng Karunungan").[1]
Dahil sa si Harun ay mapamaraan sa katalinuhan, politika, at militar, ang kaniyang buhay at korteng pinangangasiwaan ay naging paksa ng maraming mga kuwento; ang ilan ay inaangkin bilang makatotohanan subalit ang karamihan ay pinaniniwalaang likhang-isip. Isang halimbawa ay ang inaangkin bilang tunay, subalit hindi, ay ang kuwento hinggil sa orasan na nasa piling sari-saring mga handog na ipinadala ni Harun kay Carlomagno. Ang mga handog ay dala ng nagbabalik-bayang misyong Prankiso na dumating upang alukin si Harun ng pakikipagkaibigan noong 799. Pinaniwalaan ni Carlomagno at ng kaniyang mga abay (mga alagad) bilang isang salamangka dahil sa mga tunog na ginagawa nito at sa mga kataka-taka gawa na ipinapakita nito sa tuwing tumutunog ang isang horas.[2]
Ang kabilang sa nalalaman bilang mga likhang-isip ay ang Ang Aklat ng Isang Libo't Isang mga Gabi, na naglalaman ng maraming mga kuwento na pinantasya ng korteng magnipiko ni Harun at pati mismo ng sarili ni Harun al-Rashid.[3]
Ang mag-anak ng mga Barmakid na nagkaroon ng isang gampaning mahalaga sa paglulunsad ng Kalipadong Abbasid ay unti-unting kumaunti noong panahon ng pamumuno ni al-Rashid.