Helenistikong astrolohiya
Mula dangtaong 303 B.K. hanggang sa ikalawang dantaon B.K., nagsimula ang malaking impluwensiya ng mga Griyego sa astrolohiya. Noong ika-lima at ika-apat na dantaon B.K. dahil sa pananakop ng Dakilang si Alexander lalo pang lumaganap ang Astrolohiya, naikalat ang kultura at mga kaisipang Griyego. Ang pananakop na ito ay tinawag na Helenismo ng mga Lumang Daigdig.
Ang mga Griyego ang may pakana na pagsasama ng mga mitolohiya sa astrolohiya at sa kanila din nanggaling ang mga pangalang pamilyar sa atin ngayon. Sa panahon ng mga Griyego parehas ang mga diyoses ng mga buntala pero iba nga lang ang pangalan at mga personalidad o pagkatao ng mga ito.
Kilala ang panahong ito sa pagtatayo ng mga pundasyon ng makabagong agham sa mga trabaho nila Plato at Pythagoras na nagsabing ang mundo ay umiinog sa araw. Nariyan din si Leucippus na ang mga teoriya ay pundasyon ng siyensiya-atomika at si Aristotle. Marami pang mga sayantepiko at mga pantas ang nabuhay sa panahong ito, gaya na lang ng astronomong si Eudoxus na nagsabing di kapani-paniwala ang astrolohiya, at dapat sinuman ay hindi naniniwala na ang kanyang buhay ay nakatakda na sa panahon nung siya'y ipinanganak.[1]
Ganunpaman, maraming mga astrologo sa panahong ito at nabuhay at tumanyag ay nag-ambag ng maraming kaalaman sa astrolohiya lalo na sa pagtatayo, paggamit, at pagbasa ng mga takda gamit ang horoscope. Ang mga ito ay sina Critodemus, Apollonius ng Myndus, at Epigenes ng Byzantium.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abetti, Giorgio. The History of Astrology. Henry Schuman, New York. 1952.
- ↑ Astrology History in Egypt
Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya at Astrolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.