Herodes ang Dakila
Dakilang Herodes | |
---|---|
Panahon | 37–4 BCE Padron:Midsize 36–1 BCE Padron:Midsize[kailangan ng sanggunian] |
Sinundan | Antigonus II Mattathias (Hari ng Judea) |
Sumunod | |
Asawa |
|
Anak | |
Ama | Antipater na Idumaean |
Ina | Cypros |
Kapanganakan | c. 72 BCE Idumea, Dinastiyang Hasmoneo |
Kamatayan | Marso-Abril 4 BCE Padron:Midsize or January–April 1 BCE Padron:Midsize Jericho, Judea |
Libingan | Malamang sa Herodium |
Pananampalataya | Ikalawang Templong Hudaismo |
Si Dakilang Herodes (Hebreo: הוֹרְדוֹס, Horodos, Griyego: Ἡρῴδης, Hērōdēs), kilala rin bilang Herodes I, Herodes, ang Dakila, o Herodes na Dakila (ipinanganak noong 74 BCE – namatay noong 4 BCE sa Jerico), ay isang Romanong kliyenteng hari ng Hudea.[1] Malimit siyang ikinalilito sa kanyang anak na lalaking si Herodes Antipas, na kabilang din sa Dinastiyang Herodiano at pinuno ng Galilea (4 BCE - 39 CE) noong kapanahunan nina Juan Bautista at Hesus ng Nasaret. Kilala si Herodes ang Dakila dahil sa kanyang mga proyekto ng dambuhalang mga gusali at iba pang mga bahagi ng sinaunang mundo, kabilang ang muling pagtatayo ng Pangalawang Templo sa Herusalem, na paminsan-minsang tinatawag na Templo ni Herodes, na sinimulan noong 20 BCE at ginagawa pa noong kapanahunan ni Hesus. Nang mamatay si Dakilang Herodes noong 4 BCE, ang kanyang Kaharian ay nahati sa kanyangn tatlong anak na lalake:Sina Herodes Arquelao na etnarko ng Judea, Samaria at Idumea mula 4 BCE hanggang 6 CE, si Herod Felipe na tetrarko ng Iturea mula 4 BCE haggang 34 CE, at Herod Antipas na Tetrarka ng Galilea mula 4 BCE hanggang 39 CE.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Aryeh Kasher, Eliezer Witztum, Karen Gold (tagapagsalin), King Herod: a persecuted persecutor : a case study in psychohistory and psychobiography, Walter de Gruyter, 2007
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Roma at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.